Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pinakikinggan" poems
Pinakikinggan lang kita kapag nagkikwento ka Ayaw kong iniistorbo ka kasi nakikita kong masaya ka Pero sa bawat bigkas mo ng mga binuong mga letra, sa'kin iba ang tama Lalo na't iba ang dating ng bawat salita. Masaya ka at nakangiti, Ang sarap **** ipinta. Yung mga ngiti na dati'y sa'kin nagmumula, Sa iba mo na ngayon nakukuha. Yung lambingan natin... sa iba mo na nanagawa. Yung init na kailangan mo pag maulan... naibibigay na ng iba. Gusto ko sanang malimos ng pansin, Buti nalang napakwento ka... Buti nalang may silbi pa akong natira. Di mo lang kasi ata pansin Pero nasasaktan rin ako Nagseselos rin ako... Nagseselos ako. Buti pa siya napupuri mo Buti pa siya pinapansin mo Buti pa siya naipagmamayabang mo Buti pa siya. Pero ayos lang Sino ba naman ako? Ako lang naman to, Yung sinasabi **** mahal mo at ako na nagmamahal sayo... Kaso ako rin ata yung unti-unting kinakalimutan mo. Wala naman akong magagawa kung sabihin **** ayaw mo na. Kung itutulak mo ko palayo Kung pipilitin mo kong lumayo. Dahil oo tahimik lang ako. Pero mahal, nasasaktan ako.
0
Jul 27, 2018
Jul 27, 2018 at 10:59 AM UTC
Tahimik lang ako
"Wag mo akong iiwan", Lagi **** sambit sa akin. "Ako'y nasasaktan at malungkot Puso kong wasak gustong makalimot. Jan ka lang sa'king tabi't Damayan ako hanggang takip silim. Iyong pasayahin panandali Upang lungkot ko'y wag manatili." "Wag mo akong iiwan", Paulit-ulit kong pinakikinggan. Lungkot mo'y aking papawiin, Puso **** wasak aking bubuuin. Di ako aalis sa iyong piling Bukang liwayway pa'y dumating. Sarili ko sa'yo ay iaalay, Di ipagdadamot. Wag mo lang din akong iiwan sa iyong paghilom at paglimot.
0
Sep 19, 2017
Sep 19, 2017 at 11:54 AM UTC
Walang iwanan
Ilang araw na ang nagdaan Nang ikaw ay lumisan at iniwan kaming luhaan Sobrang bilis, tila ba biglaan Tatlong awit ang iyong iniwan Paulit ulit na pinakikinggan Bakit bigla kang nangiwan?
0
Sep 15, 2021
Sep 15, 2021 at 11:26 AM UTC
Pwede bang ibalik ang nakaraan?