"pinagtataguan" poems
Sobrang pighati ang bumabalot sa hinahon ng bawat hininga
Umiiyak ng tuldok sa bawat letra
Napwepwersa ang tandang padamdam sa bawat salita
Negatibo ang laging nakikita
Nasaan ang pangarap sa bawat sanaysay?
Nasaan ang katotohanan sa tunay na buhay?
Nalinlang tayo
Galit at lait ng mundo
Sumusukob sa buong pagkatao
Di ko na makita kung nasaan na tayo
Kadiliman ang kinasusukalam
Ngayon ating pinaglalaruan
Liwanag ngayon ang pinagtataguan
Tila tayo ay napagiwanan
Nasaan na ba tayo?
Meron pa bang tayo?
Mar 7, 2015
Mar 7, 2015 at 1:45 PM UTC
Mangawit man ang aking leeg sa pagtingala,
palibutan man ako ng mga lamok at gamu-gamo,
manigas man ako sa lamig ng simoy ng hangin,
maabutan man ako ng unang bahid ng liwanag ng bungang liwayway,
ako ay mananatili;
dahil minsan na nga lang
kayo lumabas sa inyong pinagtataguan,
minsan ko nalang kayo masulyapan
at sa tinagal-tagal kong nagmamasid
ay ngayon ko nalang kayo muling natagpuan.
Kaya aking susulitin ang gabi.
Aking gagawin ang lahat ng pagtitiis
para lamang kayo'y masilaya't mapagmasdan,
mga bituin.
Aug 31, 2017
Aug 31, 2017 at 10:04 AM UTC