Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Mangawit man ang aking leeg sa pagtingala, palibutan man ako ng mga lamok at gamu-gamo, manigas man ako sa lamig ng simoy ng hangin, maabutan man ako ng unang bahid ng liwanag ng bungang liwayway, ako ay mananatili; dahil minsan na nga lang kayo lumabas sa inyong pinagtataguan, minsan ko nalang kayo masulyapan at sa tinagal-tagal kong nagmamasid ay ngayon ko nalang kayo muling natagpuan. Kaya aking susulitin ang gabi. Aking gagawin ang lahat ng pagtitiis para lamang kayo'y masilaya't mapagmasdan, mga bituin.
0
Aug 31, 2017
Aug 31, 2017 at 10:04 AM UTC
Bituin

cherdaphne_angel
Written by
Aug 31, 2017
Aug 31, 2017 at 10:04 AM UTC
Request permission to use this poem