Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pasya" poems
Bilanggo, nagiipon ng problema Naubos sakin ang iyo sanang antukin na maghapon Sa lait ng tadhana mukha'y hindi na maipipinta Kung puwede lamang ito ay itatago nalang sa baon. Laging talo, lagi nalang kasing kalaban ang isipan Ang mga bagay na gusto ay hindi parin nalalaman Sa buhay, napakahirap ang walang pangarap Sa buhay, mahirap ang walang makausap. Pati siguro multo ay papatusin Pambawas lang ng iisipin, Para lang may makasama Di na takot, nasanay na ata sa kaba. Sa unti-unting kong tanong sa puso at sarili, Na saan nga bang pasya ako nagkamali?
0
Jan 8, 2019
Jan 8, 2019 at 9:38 AM UTC
Pagiisip ay Mahirap
Kaluluwa **** pagod na pagod na sa karereklamo sa mga mali **** desisyon. Utak ay gusto nang magsara at ikaw ay talikuran ng tuluyan. Tanging pinanghahawakan lang naman ay ang pasya ng puso. Magulo sa kanilang paningin ngunit sigaw ng iyong damdamin ay kasiyahan. Bawat tibok na lamang ay naliligaw sa kinaloob-looban ng iyong pananaw. Marahil hindi na importante sa ilan. Walang didinig sa iyong pagsinta sa kaibahan. Gandang taglay na hindi kita ng lahat ay iyong hinahanap hanap. Sa paligid na iyong pagtuklas ay napakasalat. Ang ginto ay hindi pangkaraniwan.
0
Jan 2, 2019
Jan 2, 2019 at 4:00 AM UTC
Pasensyosa
salamat at may isang ikaw ? na sa akin ay siyang pumukaw, upang ang prutas sa hardin ng balik-tanaw... maingatang mainam ang pagpitas nitong balintataw ! oo Ikaw na Aking KAIBIGAN na siyang aking sinusundan! "when meaning, treated as a hurt and empty anything might be gone, even madness and beauty" ....at kanyang BABAHAGINAN ang napiling KABABAIHAN na magiging DAHILAN upang ang PARAAN ,,ay MAISAKATUPARAN "sapagkat ang likas na lakas ng isang pasya ay siyang pinagmumulan ng naka-akdang propesiya" SO IT WAS WRITTEN SO IT SHALL BE DONE na para bang tayo sina Eva at Adan
0
Nov 17, 2015
Nov 17, 2015 at 7:57 AM UTC
"TANGKILIK"
081721 Pikit-mata kong inaaninag ang liwanag Na dumarampi sa aking mga pilik-mata Habang bahagyang nagbabadya ang pagsirit At pag-agos nang marahan Ng pawis na pilit kong ikinukubli Sa bawat pagtiklop ng hapon. Walang oras o segundong hayag Sa kung papaanong paraan ba aahon ang Araw Na tila ba kaytagal kong hinintay na bumangong muli. Ni hindi ko magawang lumapit Sa mga sinag nitong hayagang yumayakap sa akin Na para bang nais Nitong hingahang muli Ang buo kong pagkatao. Hinahagkan ang bawat pagbugso ng aking pulso Buhat sa kawalang ulirat sa katotohanang Minsang kumatok at pinagbuksan. Nagbigkis ang lahat ng mga mandirigmang Walang ibang hiling Kundi sumapit ang takdang araw Na ilang beses binuhol-buhol sa kalendaryo Gaya ng pag-aabang sa muling pagsindi’t pag-ulan Ng mga bulalakaw sa langit At may iba’t ibang kapaliwanagan. Nagliwanag naman ang kurtinang nagbibigkis Sa hagdanang patungo sa kaluwalhatian At sa pastulang aking minsang sinuklian Ng Kanyang mga balak At pinagtaniman ng mga binhing nagbunga na ngayon At akin nang inaani nang may galak. Dumudungaw sa lente ng aking mga mata Ang aking pagkataong binihasan ng liwanag. At tunay ngang ang mga luha'y papawiin At wala nang ibang maibibigkas pa kundi Papuri't pagsamba sa tunay na nagmamay-ari Ng kaluwalhatiang habambuhay na aakap Sa panibagong mundong nagtapos na ang kadiliman. "Bubuksan Ko ang kalangitan, Maging ang buong kalawakan, Masilayan mo lamang ang laan Ko para sa'yo. Tamasahin mo ang kabuuan ng Aking presensya At ang pag-ibig Kong alay na inihanda ko para sa'yo. Ang piging sa Aking pagsasalo'y hayag sa buong sansinukob At ang lahat ay nais Kong makapiling sa Aking pagbabalik. Ang hamon ng buhay ay siya ring susubok sa'yong katapatan Kaya't wag kang matakot na waksian ang mga kamaliang Iyong kinasanayan at ika'y magpasakop sa Aking kaluwalhatin. Ang lahat ng Iyong mga narinig at nakita'y magliliwanag Sa pagsapit ng itinakdang oras.. At sa iyong paghihintay ay patuloy kang lumakad Sa landas kong laan para sa'yo. Patuloy **** ipalaganap na ang Aking kaharian Ay bukas para sa lahat, At ang dugong dumanak Buhat sa Aking bukod-tanging Anak na si Hesus Ay siyang nakasuklob sa'yo sa iyong laban. Tanggapin mo ang regalo Kong Banal na Ispiritong Syang gagabay sa'yong mga pasya't Magbibigay kaliwanagan sa mga bagay Na tanging pang-langit lamang. Ikaw, kayong mga tinawag Ko'y sama-samang humayo, Ipalaganap n'yo ang liwanag sa madilim na sansinukob.. At sa Aking paghuhusga'y gagawaran Ko Ang lahat ng aking mga anak Na hanggang sa huli'y nanatili, nagpasakop At kumilos ayon sa Aking mga Salita't mga utos. Ang pag-ibig Ko'y sa iyo.."
0
Aug 17, 2021
Aug 17, 2021 at 5:47 AM UTC
The Space Between Us

Continue reading...
67
Paano ko nga ba sisimulan ito? Dahil ayokong malaman ninyo. Kahit na ako’y pilitin Hindi ko pa rin sasabihin. Nakapagtataka, Naku! Nasabi ko na ba? Hindi ko talaga mapigilan. Subalit hulaan niyo na lang. Walang amoy ngunit napakabango Hindi nag-iingay ngunit may tono. Walang lasa ngunit aking inaasam Hindi ko makitta ngunit kulay ay di kailangan Pero ang bagay na ito Ay nararamdaman ko Alam kong pati rin kayo Namamngha sa isang sinestetiko Kaya hahayaan kong kayo ang maghusga Iiwanan sa inyo ang pasya Pero hindi ko sasabihin sa inyo Na pag-ibig ang tinutukoy ko.
0
Jan 18, 2014
Jan 18, 2014 at 3:06 AM UTC
Sinestetitko
072924 O kayraming pangarap na binuo — Binuno sa sariling salamangka. May ibang nagwawaging nakangiti, Habang ang ila’y nalalagas kamamadali. Nakamamangha nga sa umpisa Pagkat ito ang batayan ng karamihan Sa tinatawag nilang  “makapangyarihan.” Silakbo ng damdami’y aking pinatatahimik Bagamat sa mga sandaling iyo’y Gusto ko na lamang mapaos Sa mga himig na inaanod patungo sa aking lalamunan. Patuloy ang pagsuntok ko sa buwan Hanggang sa maging gula-gulanit maging aking kasuotan. Ngunit sa patımpalak na ito’y Wala naman pala akong ibang kalaban Kundi ang sarılı kong anino, Ang kumunoy ng aking nakaraan. Madilim — Madilim ang paligid saanman ako dumako. May hiwaga pa nga bang taglay ang Liwanag? Kung ang sinag Nito’y mas maaga pa sa Pasko. Mahiwaga — Ganyan nila ituring ang mga alitaptap Na para bang may isang diwatang Umaaliw sa kanila, Naghahayag ng kung anu-anong mensaheng Wala naman palang kabuluhan Kaya’t sabay-sabay silang mauubos Na parang mga paupos na kandaling Wala nang balak na sindihan pa. Sino nga ba? Sino nga ba ang aking susundan? Napapatid, napapagod, nanlulumo’t nakikiusap Na ako’y hatulan na lamang ng kamatayan Nang mabaon na rin sa limot Ang mga alaalang dumi sa’king katauhan. Tinatanong ko ang sarili Kung bakit nga ba paulit-ulit ang daan? Wala nga bang magtutuwid sa mga lubak nito? Ito na nga ba ang dulo ng bahaghari? At sinu-sino nga lang ba ang makahaharap sa Liwanag? Ako at ang kadiliman Ako at ang liwanag. Sino nga ba ang pamato? Sino nga ba ang tunay na kalaban? Subalit kung ako ma’y isang anino na lamang, Ako’y pipisan pa rin sa mga yakap ng Buwan. At kahit pa ako’y mahuli sa kanilang takbuha’y Sigurado pa rin akong May liwanag pa rin sa aking sinusundan. Ikaw, Anong tantya mo? Makararating ka rin ba sa dulo? Ikaw, anong pasya mo? Tataya ka ba o mananatiling isang anino?
0
Aug 13, 2024
Aug 13, 2024 at 8:53 AM UTC
Shadow and Knight

55
Ang araw ay pumapatak na parang orasan Mga sandali'y hahantong sa ganap katapusan Halina't sulitin bakit hindi mo pa simulan? Dahil ako'y darating na kakatok sa iyong pintuan Teka sandali hanggang dito ka na lang Pasya ko sa lalaking tiyak na kulang-kulang Akala niya ay wala nang hahadlang Sa mga sandali ng kanyang pagsasayang Ako'y bisitang kumakatok ng hindi inaasahan Sana'y handa ka at walang pinagsisisihan Sapagkat ako' y bingi sa mga kahilingan At ang aking pasya ay siyang makapangyarihan Sa karit ko nagdaraan ang mabuti at hangal Ako'y di nabibili nang iyong mga pagpapagal Ngunit ang kalaban ko ay syang mararangal Sapagkat di ko maaari ang kanilang mga dangal JGA
0
Feb 20, 2019
Feb 20, 2019 at 6:17 PM UTC
Kamatayan
Alam kong ako ang laman ng isip mo Alam kong ako ang laging sambit ng bibig mo Alam kong ako ang tinitibok ng puso mo Alam kong mayroong 'ako' sa mundo mo Puyat ka sabi mo Kakahintay sa reply ko Pagod ka na sabi mo Kaka-dial sa number ko Ayaw mo na sabi mo Dahil wala man lang akong reply ni isa sa mga text mo Alam kong ayaw mo na Alam kong pagod ka na Alam kong sobrang nahihirapan ka Pero pasensya ka na Hanggang dito lang talaga Minsan naisip ko Dapat nga magpasalamat pa ako Dahil dumating ka sa buhay ko Pero pasensya na... hindi ikaw ang pinangarap ko Sinubukan kong isipin ka Sinubukan kong mahalin ka Pinilit kong maging masaya Pinilit ko kahit hindi kaya Paulit-ulit, walang palya Araw-araw, gabi-gabi Sinasabi sa sariling dapat ikaw lang Naniniwala sa kasinungalingang 'tayo lang' Sana nga ikaw na lang Sana nga tayo na lang Sana hindi na lang sya Pero pasensya na talaga Sinubukan ko naman Pinilit ko naman Pero tama na siguro na magising tayo pareho Tanggapin mo na lang ang pasya ko Dahil dito sa mundo ko walang ikaw at ako May iba akong gusto at hindi ikaw ang taong iyon
0
Jan 11, 2018
Jan 11, 2018 at 1:00 PM UTC
Pasensya na (Mga salitang maaaring sabihin ng taong mahal mo)
110221 Bakit nga ba pilit nating sinusugatan ang ating mga kamay? At hinahayaan nating ang ating dugo'y masayang Sa pagluha nito, hanggang sa maubusan na rin tayo ng hininga. Ikinukubli pa rin nating ang ating mga sarili Sa garapon ng ating pagkataong Kailanma'y walang ibang magbubukas ng sagradong pintuan Kundi tayo't tayo pa rin naman. At paulit-ulit tayong humihinga sa ilalim ng makakapal na ulap At sabay na lalanghap ng umuusok na pangambang Ibinalot sa apoy na lagim ang tanging ipinupunla Sa ating mga pusong wala pa noong kamalay-malay. Tinutukso tayo ng mga sitwasyon upang tayo'y magpaubaya At magpa-anod na lamang sa mga kumunoy na hihila sa atin pababa. Ang ating mga halakhakan noong kabataan Ay mga pangarap na sabay na iginuhit sa buhanginan Ay tuluyan nang binura ng dagat na tila walang pakiramdam. Gustuhin man nating umahon nang sabay Ay kailangan may isa sa ating unang bumitaw at unang umahon. Hindi na nga natin kayang sumabay sa isa't isa Ngunit sana'y ang nasa unahan, Siya rin ang unang mag-abot ng kanyang kamay Para sa isang nalulunod pa. Napapagod ako ngunit matapang kong hinaharap Ang mga pagkakataon bagamat wala akong kasiguraduhan. At sana sa panahong panatag na ang mga pusong Naligaw sa sariling mga pasya't pangarap Ay masilayan nating muli ang pagtahan ng mga matang Buong buhay na lumuluha't nanlilimos ng pagpapatawad.
0
Nov 2, 2021
Nov 2, 2021 at 12:01 AM UTC
Palimos ng Patawad
Tanging hangad, malayo sa katotohanan Libo libong sulyap, pa rin ang kulang Ngiting bihira sa akin ay ipakita At ito ang iyo ngang pasya Sa akin ay kait ka ng tadhana Mananatili nalang sigurong alaala Ang iyong ngiti at magandang mukha
0
Jan 6, 2019
Jan 6, 2019 at 10:22 AM UTC
Tanging Hangad
Hinahanap ang aking kinabibilangan Sa mundong puno ng pag-aalinlangan Pasya ko'ng itago ang aking pangalan Sana'y inyong maunawaan Kumusta ang pag-bati Nawa'y dinggin ang aking mithi Na tanggapin ang aking ngiti At ang liham sana'y kumiliti Sana nga'y ikaw'y napangiti Nang liham ko kahit maiksi Nais ko lang naman ibahagi Ang laman ng isipang nakabibingi
0
Mar 23, 2020
Mar 23, 2020 at 11:54 AM UTC
Nakabibingi