"pasintabi" poems
Parang ako yung nag-aabang sa kanto
Yung ang tagal makasakay
Yung umulan, umaraw makapaghihintay
Yung kahit naiinitan na, mag-aabang pa rin.
*Aasa pa ba ako sa muli **** pagdating?*
Pano pag dumaan ka’t hindi pala nakatingin?
Pano pag bumalik ka pero may sakay na pala?
Kaya nga ayoko ng laro
Minsan madaya kasi
Seryoso na, pero ba’t nakikipagbiro pa?
Hindi laruan ang puso
Na pwede may mag “Time First”
Pag na-checkmate na ang isa.
Pilit ko mang ikubli sayo
Pero sana hindi na lang
Tinanggap ang hamon
Ang hirap pala mag-move on
Tutulak ka nga
Pero may pasan pa rin.
Walang pasintabi,
Katapusan na pala.
May nabibigo pala talaga sa laban
Hindi man lubos na maintindihan
May istratehiya pala
Pero sa bawat laban, bawat laro
May sasalo pa rin pala sa bawat kabiguan.
Titingin pa rin sa Kalangitan
Titiklupin ng Hari ng Sanlibutan
Ang pahinang walang saysay
May maisusulat pa rin pala
Kahit sa pusong naging sugatan.
Ang Amang may Likha, nagbigay-pag-asa
Patuloy na iibig nang tunay
Pagkat simula pa lang nang pagsagwan
Hindi ko alam kung kailan hihinto
Pero alam kong may mararating ito.
Feb 15, 2015
Feb 15, 2015 at 11:45 PM UTC
maitim ang gabi
patagong hikbi'y
nagmumulto sa tabi
nagpaparamdam, pasintabi
kwentong nakaukit sa dilim
binabalik-balikan, palihim
umaasa nang mataimtim
nawa'y bumalik sa takipsilim
hangal mang maituturing
alaalang matagal nang nakalibing
ay muling bubuhayin, sinungaling
eksena, alaala, nakakahumaling
natapos na ang ulan
maaari na bang tumahan
magpahinga't lumaya nang marahan
upang mabitawan, panandalian
Apr 3, 2020
Apr 3, 2020 at 2:06 PM UTC
Ok, Sinabi ko na
na kung kinalimutan mo ako.
Kung kakalimutan mo ako. Kung nawala ako sa isip mo.
Hindi na kita patutuntungin kahit sa door mat ng kamalayan ko.
Ok, ang nasabi ko ay nasabi ko na.
Pero ang nakakainis
At nakakatawa, bakit sinisilip pa rin kita
mula sa maliit na siwang ng bintanang
sinadya kong iniwang bukas para makahinga.
Ok,
Kung kinalimutan mo na ako at tuluyang nawala sa sa isip mo,
Ok,
Kung nakatulog kang hindi man lang naalala
ang pangalan ko. Huwag na huwag mo na akong hanapin
Tuluyan mo nang alisin ako sa isip mo
dahil hindi lang ako naka-invi. Nag-logout na ako.
At nagbubuklat ng dictionary.
Sinusubukang tagalugin ang tula ni Pablo Neruda.
Pero habang hindi ko pa nahahanap ang mga tamang salita.
Habang hindi ko pa natutumbasan ng mga tamang kataga
hayaan **** basahin ko muna
nang mahina.
"I want you to know one thing.
You know how this is: if I look at the crystal moon, at the red branch of the slow autumn at my window, if I touch near the fire the impalpable ash or the wrinkled body of the log, everything carries me to you, as if everything that exists, aromas, light, metals, were little boats that sail toward those isles of yours that wait for me.
Well, now, if little by little you stop loving me I shall stop loving you little by little.
If suddenly you forget me do not look for me, for I shall already have forgotten you.
If you think it long and mad, the wind of banners that passes through my life, and you decide to leave me at the shore of the heart where I have roots, remember that on that day, at that hour, I shall lift my arms and my roots will set off to seek another land.
But if each day, each hour, you feel that you are destined for me with implacable sweetness, if each day a flower climbs up to your lips to seek me, ah my love, ah my own, in me all that fire is repeated, in me nothing is extinguished or forgotten, my love feeds on your love, beloved, and as long as you live it will be in your arms without leaving mine."
Aug 2, 2015
Aug 2, 2015 at 12:59 PM UTC
Pag-ibig St.
Alas nuebe na ng gabi at heto,
Nasa lansangan pa rin at naghihintay ng pag-usad ng trapiko.
Malamig na ang hangin at madilim na ang langit,
Pagal ang katawan kakaikot kung saan-saan at gusto ko na lamang makarating sa aking mahal na tahanan;
Pero ang dami kasing nag-uunahan,
Masyadong maingay at halos lahat ay handa nang magkasakitan-
Walang pasintabi at mayroong sumisingit,
Nananakit,
Sumisitsit,
O di kaya'y nagmumura na sa galit.
Ayan na nga,
Mag-aalas dyes na,
Pero, heto pa rin sa lansangan;
Sa parehong kalsada at parehong estado-
Naghihintay na umusad ang trapiko.
Sa liblib at masikip na kalyeng hindi gaanong pamilyar kaya naninibago-
Pag-ibig St.
Apr 4, 2020
Apr 4, 2020 at 1:42 PM UTC
Nais kong ipatid
Ngunit hindi maihatid
Dahil ika’y manhid
Sa tuwing tumatagilid.
Tinatanong sa isipan
Ngunit ako’y nag-aalinlangan
Dapat bang hawakan
O ito’y pakawalan.
Sinasambit ng labi
Bawat salitang itinabi
Sa paraang pasintabi
Upang hindi madali.
Sumusulyap lang sa’yo
Tuwing ika'y nanunuyo
Upang hindi lumayo
Ang pagmamahalan niyo.
Nandito upang alalayan
Puso’t isipang naguguluhan
Tumabi’t ako’y sandalan
Dapatwat hindi pangmatagalan.
Nais kong malaman
Ano ang nilalaman
Ng pusong nakikipaglaban
Na walang kahahantungan.
Nov 7, 2017
Nov 7, 2017 at 3:56 AM UTC
Sa dinami rami ng tulang naisulat ko,
ito ang aking paborito,
ito ang ayaw kong lagyan ng tuldok;
at gusto ko sanang samahan ng ritmo,
hindi ko alam kung anong napansin ko sa'yo,
o kung ano mang mahika ang ginamit mo para mapaibig ako,
oo,
inaamin ko,
ikaw ang tulang ayaw kong matapos,
gusto kong sulitin at ubusin
ang pantig,
hanggang sa maghikaos;
hanggang sa mabuos ang tinta ng ginagamit kong panulat,
ikaw ang bituin na aking tititigan
hanggang sa lumubog ang buwan,
ikaw ang aking nanaising mahawakan-
habang natatakot,
habang iniisip na ang bukas ay baka sakaling hindi na ikaw ang katabi,
na baka bukas ay nasa ibang bisig-
o sa iba na nakalapat ang 'yong labi.
ayokong matapos ng umaga ng walang pasintabi,
ayokong mawala ka sa'kin nang hindi kita nayayakap,
at kapag nakagapos na'ko;
asahan **** hindi ako bibitaw,
aantayin ko ang muling pagsikat ng araw,
para mapanatag ang aking isip,
na sa aking paggising,
ay hindi ka pa nakabitaw.
Apr 29, 2021
Apr 29, 2021 at 12:09 PM UTC