"panatag" poems
Paano nga ba sinusukat ang pag-ibig?
Ito ba'y depende sa tagal o oras nay ginugol?
O kaya'y sa dami ng regalong Natamo?
Ibig sabihin ba'y di mo ako minahal kahit paano?
Pinili kitang mahalin sa lahat ng nilalang
Hindi naman Ito isang karangalan Kung titignan
Ginusto kita kahit walang kasiguraduhan
Ginusto kita kahit pagtingi'y saakin lamang
Tama,oo sayo ito' ISA lamang Laro
Isang pagkakataong ang puso mo'y malibang,makalayo
Ako'y walang pangambang sumugod sa apoy
Sunog na tutupok sa aking puso't pagkatao
Lahat ng nangyari ay aking ginusto
Ang mapalapit sayo sa bawat segundo
Ang makilala ka sa anumang paraang alam ko
Ang maging bahagi ng buhay kahit saglit lamang Ito
Alam kong sa una, ikaw ay bukal na nagsabi
Hindi ikaw yung pumapasok sa isang relasyon
Na ako'y di dapat umasa sa iyong paglahok
Na ang pagmamahal na aking hinandog ay maibabalik ng lubos
Kahit paulit ulit sa isip ko'y sinasambit
Na ako'y di masasaktan ni katiting
Noong sinabi **** ako'y wag Munang mapalapit
Ang puso ko'y tumigil ng paulit ulit
Pinilit kong ngumiti Gaya ng pangako
Na ang iyong sagot ay matatAnggap ng lubos
Kahit pa ba ang luha ko'y dumadausgos
Ang aking puso ay hinawi ng unos
Gusto kita gusto kita bakit ba di mo makita
Matulungan lamang kita ako na ay masaya
Kundi man ako ang sayoy magpaligaya
Kung alam kong ikaw ay masaya puso ko'y panatag na
Bakit di mo ako pinayagan na sa iyoy umalalay
Ako'y gamitim **** saklay na gagabay sayong paa
Matulungan lang kita sukdulan na ang ligaya
Ngayon lahat ay wala na ako mgayoy nagiisa
Jan 23, 2012
Jan 23, 2012 at 9:31 AM UTC
Kapag yung ex mo nakipagbalikan sayo
tatangggapin mo pa ba?
Ako?
oo.
tanga lang eh noh?
oh tapos tatawa tawa ka?
Kung sabagay…
Hindi kita masisissi.
Hindi naman ikaw ang minsang lumigaya
Sa ibabaw ng alapaap
Sa yakap na mahigpit
Sa kamay na minsang nakatagpo ng
Palad
Palad na handang dumamay
Palad na handang umakay sa matarik na bundok
Binuo ng mga daliring handang takpan
Ang minsang mga matang walang humpay na lumuha sa pait na
Dulot ng mapanghusgag tingin ng mundo
hindi.. hindi kita masisisi
dahil hindi naman ikaw nag nakadama
ng matamis na lasa sa pagbigkas ng mga katagang
ikaw.. ikaw lang.. ang mahal ko.
Hindi. Hindi mo narinig ang bawat ngiting
Ipininta ng bawat tawang ibingay
Sa mga simpleng kantang inialay.
hindi.. hindi mo nasaksihan nung araw na ipinaglaban
nya ang pagmamahalang tanging mahalagang bagay na meron ako at sya noon.
Hindi.. hindi mo naramdaman ang lambot ng kasiguraduhang
Matutulog kang nakangiti dahil sya ang katabi mo
At gigising kang may ngiti pa rin dahil panatag ka
Panatag kang sa bisig nya parin nakahimlay.
Hindi.. hind kita masisisi
Dahil hindi mo ramdam
Ang kirot na humiwa dito..
Nung araw na sinabi nyang
“Ayokona”
Ayokona?
Walang eksplenasyon ni walang pasubali
Nabura lahat! Natabunan ng mga tanong hanggang sa naging panghihinayang at poot at
Sinabi kong tama na
Tama ka nga siguro
Ayaw mo na..
Lahat yan tinanggap ko, pilit ipinilit sa isipang
Wala na. tapos na. ending na.
Tapos
Isang araw
Bigla syang kumatok, sabi
“sorry”
Tanginamo. Para san pa?
Ako pa rin daw..
ako parin daw.
Kapag yung ex mo nakipagbalikan sayo
tatanggapin mo pa ba?
Ako?
oo.
pero di gaya ng dati
hindi
na
ako
tanga.
Mar 21, 2016
Mar 21, 2016 at 4:47 AM UTC
Isang katangian na ipinamukha sa akin ng kalungkutan ---
Madaya siya.
Madaya ang kalungkutan
Kaya ka niyang linlangin
Minsa’y kawangis niya ang tahimik na kalsada.
Bibigyan ka niya ng pagkakataon
upang mag-isip.
Hahayaan niyang makinig sa’yo ang buwan
Subalit hindi ka nito kakausapin; sa halip,
mas papangibabawin niya ang iyong pagkalito.
Pipigilan niya
ang pagkahol ng mga aso;
pahihintuin niya ang huni ng mga ibon.
Maging ang hangin ay pahihinain nito.
Ititikom ng mga nakatambay na pagtatanong
ang mga bibig nila.
Ngunit, ang akala **** tahimik;
Malungkot na pala.
Kaya ka niyang linlangin
Minsa’y kamukha niya ang payapang tahanan.
Na kahit ang bangaya’y mahihiya.
Walang mintis ang mga yakap,
ang mga tawanan
Buo sa numero
Hanggang sa dulo’t
magmula sa umpisa
Walang bahid ng pagkakawatak-watak
subalit, dama mo pa rin ang pag-iisa.
Dahil ang akala **** mapayapa;
Malungkot na pala.
Kaya ka niyang linlangin
Minsa’y kahawig niya ang mahinahon na ilog.
Na tanging lamig lamang ng tubig
ang kaya **** kilalanin
Bilang sa iyong mga daliri
ang mga batong natatangay nito.
Kaya niya itong gawing panatag
Subalit, hindi ang damdamin mo.
Matutuwa pa siya
Sa panghihinayang **** makasaksi
ng mabilis na pag-agos at pagbabadya.
Ang akala **** mahinahon;
Malungkot na pala.
Oo.
Mapagbalatkyo ang kalungkutan
Kaya niyang maghain
ng maraming pagkakakilanlan.
Bahagi ng kanyang iskema
ang pagkalito na siyang
sa’yo’y mananahan;
mahirap siyang maging kalaban.
Mahirap siyang maging kalaban.
Kaya't siya'y gayahin mo.
Linlangin mo rin siya
ng kakayahan **** magwangis
Ipakita mo na ikaw ang ingay
sa tahimik niyang kalsada;
Na ikaw ang bangayan
sa payapa niyang tahanan;
Na ikaw ang rumaragasang tubig
sa mahinahon niyang ilog.
Bigyan mo rin siya ng maraming mukha
na may iisang ulo ng katatagan
at paglaban.
Pero huwag sa sarili mo
Maging tapat ka rito
magiging armas mo ang pagbabalatkayo
laban sa lungkot; pero
huwag sa sarili mo.
May 4, 2020
May 4, 2020 at 6:03 AM UTC
Sana pwede akong patulugin at paganahing kumain ng inyong mga at least.
At least hindi sila naparis sa mga nawala na lang sukat.
At least di sila nakitang palutang lutang sa ilalim ng Jones Bridge.
At least hindi ko na kailangang halughugin ang mga gusgusing morgue
makita lang sila.
At least buhay sila-
nakakulong nga lang,
may kaunting pasa sa tadyang.
Sa totoo lang,
nakakabingi ang inyong mga at least.
Wala itong silbi sa akin sa kasalukuyan.
Parang gabundok na labahing poproblemahin.
Parang lukot na polo na makikita ko sa salamin.
Parang masikip na brief at basang medyas.
It *****
Hinuhubad nito lahat ng panatag na larawan sa aking isip.
Ginugulo nito ang relasyon ng subject at predicate sa aking mga pangungusap.
It really *****
Bakit naman kaya ako makukuntentong-
at least buhay sila?
Eh, sa ganitong bansang
ang mga namumuno’y tila 3 for 50 na DVDng ibenebenta sa Raon-
sino ba dapat ang nakakulong?
Aug 2, 2015
Aug 2, 2015 at 12:47 PM UTC
Ang mirasol ay ang anak
Ng araw at nag-anyong bulaklak.
Kaya't dala mo ang halimuyak,
Ang ganda't liwanag.
Mula pagkabuo hanggang kasalukuyan,
Tagtuyo man o tag-ulan,
Mula pagsuko hanggang paglaban,
Munting mirasol ay binantayan.
Malapit man, hindi mahawakan.
Tanaw man, hindi malapitan.
Dinig man, hindi mapakinggan.
Masid na lang sa katahimikan, para sa'yong kabutihan.
Bagamat may kamandag mga kamay,
Kaya't ayaw kang dapuan,
Ako'y panatag naman basta'y,
Ika'y sa araw nasisinagan.
Jul 5, 2020
Jul 5, 2020 at 12:26 PM UTC
081721
Bagamat dumadaplis lamang sa atin
Ang mga palaso ng kalaba’y
Hindi moog ang ating mga damdamin
At hindi rin bulag ang ating mga pananaw
Sa hayag na pagsasalitan ng mga balang ligaw.
Gaya ng durungawang nakasilip
Ay bukas na rin ang ating mga isipan
Sa mga di kanais-nais na mga patibong
Na ilang ulit inilagan sa katahimikan.
Bagkus, ang mga ito’y nagmistulang mga laruang papel
Na madaling napunit at bumigay
Buhat sa walang awang pamimihasa
Ng mga ahas at linta sa lipunan.
Tila sila’y nakasilid na lamang
Sa kahong hindi de-baterya
Habang tayo’y nagsisilipat
Sa tuwing nagsusulputan ang sari’t saring palatastas.
At habang tayo’y nananatiling panatag
Buhat sa ating mga kinatitirika’t kinalalagyan,
Kasabay naman nito ang pagyurak sa mga dangal
Buhat sa mga ideolohiyang kumikitil sa mga pangarap
At nagsisilbing diktador sa kani-kaniyang mga tahanang
Wala nang makita pang ibang dahilan upang tumahan pa.
Ang mga luhang hindi natin makayang punasa’y
Nagmimistulang mga tinik na lamang sa’ting mga pagkatao.
Syang susulpot at tutusok sa pakiramdam nating
Minsan nga’y malapit lamang tayo sa isa’t isa
At sana’y kaya nga nating patahimikin
Ang walang himpil na pag-usok sa kanilang ipinagbabaka.
At sa ating paghimlay sa ating mga kumot
Ay sabay din silang mangungulila
Sa mga akap at lambing ng kanilang mga mahal sa buhay
At hihilinging huminto na lamang ang mga sandali’t
Makatakbo sila’t makalisan nang walang nakakapansin.
Aug 17, 2021
Aug 17, 2021 at 10:39 AM UTC
Sa kaibuturan ng puso
Makikita ang dulo
Dulong walang hangganan
Kung saan ikaw ang laman
Naging panatag sa karimlan
Dahil ika'y andyan
Nagsimula ang umaga
Natapos sa gabing nakatawa
Aking mukha'y nakatawa
Pag ika'y laging kausap
Kaya't sana'y wag mawala
Dahil ikaw ang aking pahinga
Feb 1, 2023
Feb 1, 2023 at 7:43 AM UTC
110221
Bakit nga ba pilit nating sinusugatan ang ating mga kamay?
At hinahayaan nating ang ating dugo'y masayang
Sa pagluha nito, hanggang sa maubusan na rin tayo ng hininga.
Ikinukubli pa rin nating ang ating mga sarili
Sa garapon ng ating pagkataong
Kailanma'y walang ibang magbubukas ng sagradong pintuan
Kundi tayo't tayo pa rin naman.
At paulit-ulit tayong humihinga sa ilalim ng makakapal na ulap
At sabay na lalanghap ng umuusok na pangambang
Ibinalot sa apoy na lagim ang tanging ipinupunla
Sa ating mga pusong wala pa noong kamalay-malay.
Tinutukso tayo ng mga sitwasyon upang tayo'y magpaubaya
At magpa-anod na lamang sa mga kumunoy na hihila sa atin pababa.
Ang ating mga halakhakan noong kabataan
Ay mga pangarap na sabay na iginuhit sa buhanginan
Ay tuluyan nang binura ng dagat na tila walang pakiramdam.
Gustuhin man nating umahon nang sabay
Ay kailangan may isa sa ating unang bumitaw at unang umahon.
Hindi na nga natin kayang sumabay sa isa't isa
Ngunit sana'y ang nasa unahan,
Siya rin ang unang mag-abot ng kanyang kamay
Para sa isang nalulunod pa.
Napapagod ako ngunit matapang kong hinaharap
Ang mga pagkakataon bagamat wala akong kasiguraduhan.
At sana sa panahong panatag na ang mga pusong
Naligaw sa sariling mga pasya't pangarap
Ay masilayan nating muli ang pagtahan ng mga matang
Buong buhay na lumuluha't nanlilimos ng pagpapatawad.
Nov 2, 2021
Nov 2, 2021 at 12:01 AM UTC
kung umidlip 'man ang mga kataga,
subuka't pakinggan ang katahimikan;
nang mangagpahinga sa kabaliwan;
pintig ng puso'y tanging kapayapaan.
Apr 7, 2018
Apr 7, 2018 at 1:02 PM UTC
Tahimik
Panatag
Walang bumabagabag sa iyong isipan.
Kundi ang mga memorya't mga salitang kaniyang iniwan.
Kalmado
Manhid
Walang nakakaalam ng iyong pinagdaraanan.
Dec 4, 2022
Dec 4, 2022 at 9:43 PM UTC
070623
Tumatagos ang mga salitang
Bala ang panimula
Balang araw ay yuyukod sa katapusan
Katapusang hindi tuldok ang pagsasalaysay…
Pipiglasin ang mga kandadong walang susi,
Kandong ang kahapong nilimot at nilumot…
Babangon matapos ang paghikbi
Hikbing bangungot sa pagpatay-sindi…
Ikaw ang mananatiling saksi sa aking paglisan..
Walang paalam maging sa gunita ng bukas at kahapon.
Walang kulay na babahagian
Ng liwanag na taglay ko’t iniirog.
Ang iyong akap ang aking baluti
Habang ang sandata ko’y
Bumabara pa sa aking lalamunan.
Ngunit sa pagsiping ng mga tala
Sa kalangitang panatag ang panayam
Ay Walang kukurap maging sa isang idlap lamang.
Ang sigaw na sumisingaw hanggang sa kalawakan
Ay tila pa ilang dipa na lamang
Sa pagitan ng mga segundong
Nagkakandarapang magsipagtagisan…
At ang silakbo ng damdaming moog sa kaloob-looba’y
Bukas ay wala ring katapusan at panimula.
Jul 5, 2023
Jul 5, 2023 at 3:03 PM UTC
Natatanaw nga ang mga tanda sa kalangitan
At kung maaliwalas ay babalik sila sa kagawian
Kung kumulimlim nama'y magsisi-taguan
At magdaramit ng sako at uupo sa abuhan
Sasabihin ng isa "ako'y matutulog muna panandalian,
Hihipan upang patayin ang aking ilawan
Sapagkat ang pinuno'y tiyak na yata ay matatagalan
Kung dumating siya doon ko na lamang sisindihan
Ang tapat ay magniningning sa dilim at liwanag
Wala man makakita ay patuloy siyang masipag
At siyay maghihintay ng taimtim at panatag
Sa kanyang Panginoon na nagbibigay liwanag
-JGA
Aug 12, 2021
Aug 12, 2021 at 9:10 PM UTC
Bakit ka ba nang gugulo sa isipan ko, gayon naman tahimik at panatag at masaya na ako.
Please lang, hindi ka ba napapagod ? Pagod na pagod na ako sa kakalaro mo sa isipan ko. Move on bes.
Oct 20, 2018
Oct 20, 2018 at 4:39 AM UTC