Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Ang mirasol ay ang anak Ng araw at nag-anyong bulaklak. Kaya't dala mo ang halimuyak, Ang ganda't liwanag. Mula pagkabuo hanggang kasalukuyan, Tagtuyo man o tag-ulan, Mula pagsuko hanggang paglaban, Munting mirasol ay binantayan. Malapit man, hindi mahawakan. Tanaw man, hindi malapitan. Dinig man, hindi mapakinggan. Masid na lang sa katahimikan, para sa'yong kabutihan. Bagamat may kamandag mga kamay, Kaya't ayaw kang dapuan, Ako'y panatag naman basta'y, Ika'y sa araw nasisinagan.
0
Jul 5, 2020
Jul 5, 2020 at 12:26 PM UTC
Mirasol

ang mirasol ay "sunflower" sa filipino
malasakit
Written by
Jul 5, 2020
Jul 5, 2020 at 12:26 PM UTC
Request permission to use this poem