"panalangin" poems
(On love by Kahlil Gibran ; A Translation)
Kung magkataon na tawagin ka ng pag-ibig, sumunod ka,
Kahit pa ang daan niya'y mahirap at matarik.
At kung yakapin ka ng kanyang mga pakpak ay magpaubaya ka,
Kahit pa ang mga punyal na nakatago sa kanyang mga balahibo ay kaya kang sugatan.
At kung mangusap siya sa iyo ay maniwala ka,
Kahit pa ang kanyang tinig ay kayang durugin ang iyong mga pangarap
Tulad ng pagsira ng hanging habagat sa mga halamanan.
Sapagkat kung paano ka parangalan ng pagibig ay ganoon ka din niya ipapako sa Krus.
‘Pagkat kahit pa siya'y para sa iyong paglago ay ganun din siya para sa iyong pagka-bulok.
Kahit pa pinayayabong ka nito sa iyong pinaka-mataas at hinahaplos ng liwanag nito ang iyong mga sanga,
Ganoon din niya huhugutin ang iyong mga ugat mula sa pagkakabaon nito sa lupa.
Tulad ng mga butil ng mais ay itinatali ka nito sa kanyang sarili.
Binabayo ka niya upang mahubdan
Ginigiling hanggang sa kuminis.
Minamasa hanggang sa lumambot
At ika'y kanyang isasalang sa kanyang banal na apoy, upang ika'y maging banal na alay na ihahain sa banal na pista ng Panginoon.
Ang lahat ng ito'y gagawin ng pagibig upang malaman mo ang mga lihim ng iyong puso, at sa kaalamang iyon ay maging bahagi ng puso ng buhay.
Ngunit kung sa iyong pagkatakot ay hanapin mo lamang ang kapayapaan at kasiyahan ng pagibig,
Ay mabuti pang ika'y magbihis at lumiban sa kanyang giikan,
Sa isang mundong walang kulay kung saan ikaw ay tatawa, ngunit hindi
lahat ng iyong kasiyahan, at iiyak, ngunit hindi lahat ng iyong luha.
Walang ibinibigay ang pagibig kundi ang kanyang sarili at walang tinatanggap kundi ang galing din sa kanya.
Ang pagibig ay hindi nang-aangkin at nagpapa-angkin ;
Sapagkat ang pagibig ay sasapat lamang sa pagibig.
Kapag ika'y umibig hindi mo dapat sabihing, “Ang Diyos ay nasa aking puso,” kung hindi, “Ako ay nasa puso ng Diyos.”
At 'wag **** isipin na kaya **** diktahan ang pagibig, 'pagkat ang pagibig, kung matantong ika'y karapat-dapat, ay ididikta sa iyo ang iyong landas.
Walang kagustuhan ang pagibig kung hindi tuparin ang kanyang sarili.
Ngunit kung ikaw ay umibig at mangailangan, maging ito ang iyong kailanganin:
Ang matunaw at umagos na parang batis na umaawit sa gabi.
Ang malaman ang sakit ng lubos na pagaaruga.
Ang masugatan sa iyong sariling kaalaman ng pagibig;
At masaktan ng kusang-loob at may ligaya.
Ang gumising sa bukang-liwayway ng may pusong kayang lumipad at magbigay pasasalamat sa isang bagong araw ng pagibig;
Ang magpahinga sa tanghali at magnilay sa sarap ng pagibig;
Ang umuwi sa hapon ng puno ng pasasalamat;
At matulog nang may panalangin para sa minamahal sa iyong puso at awit ng papuri sa iyong mga labi.
Nov 9, 2015
Nov 9, 2015 at 8:04 PM UTC
Sabi nila,kapag nahanap mo na daw ang tunay na pag-ibig ay nahanap mo na rin ang iyong langit dito sa lupa. Kaya't naniniwala akong langit din ang maghahatid sa'yo patungo sa akin. Pero naiinip na akong maghintay at nanghihinayang sa bawat sandaling lumilipas , na hindi ko man lang magawang hawakan ang iyong mga kamay sa mga panahong kailangan mo ng karamay.Na hindi ko man lang magawang damayan ka kung dumadanas ka ng lumbay.Alam kong katulad ko,pakiramdam mo minsan ay binitawan ka na din ng mundo.Kaya't patawarin mo ako kung sa mga pagkakataong nararanasan mo yan ay wala ako d'yan para ikaw ay aking ma-salo. Kung totoong ang pag-ibig at ang langit ay may malalim na kaugnayan sa isa’t-isa,malakas ang kutob ko na tayo din ay iginuhit na katulad nila. Minsan na din akong nagtanong,saang sulok ng langit ka kaya naroroon? Malapit ka kaya sa araw? O marahil nasa tabi ka lang ng buwan,na sa tuwing sasapit ang dilim ako ay binabantayan.Kaya pala kahit saan ako magpunta ako'y lagi niyang sinusundan. Pero maaari din na ika'y kapiling ng mga bituin na kay daming nais mag angkin. Kay palad kong pagdating ng araw ikaw ay napa sa-akin. Kaya habang wala ka pa,ako muna ay magiging kaisa ng mga mabubuting kawal ng ating bayan. Makikidigma kung kinakailangan,ipaglalaban kung ano ang makat'wiran. Upang sa iyong pagdating ay malaya nating tatamasahin ang payapang buhay. Kaya habang wala ka pa ako'y taos puso kung manalangin sa ating may likha. Na paghariin niya nawa ang kabutihan sa aking puso bilang isang tao at higit sa lahat ay bilang kanyang anak , upang sa sandaling tayo'y pagtagpuin ako rin sa iyo ay magiging isang mabuting kabiyak. Hindi pa man tayo nagtatagpo,nais kung malaman mo na laman kang palagi ng aking panalangin. At habambuhay kong itatangi ang iyong pag-ibig na siyang dahilan kung bakit maka ilang ulit kong nanaising mabuhay. Nais kong ipagsigawan sa mundo na iniibig kitang wagas,ngunit mas mamatamisin kong hintayin ka at kapag naglapat na ang ating mga dibdib,ibubulong ko sa'yo na ikaw ang aking daigdig. Maghihintay lang ako,habang wala ka pa.
© 2018 Glen Castillo
All Rights Reserved.
Jul 27, 2018
Jul 27, 2018 at 3:47 PM UTC
Ba't di mapigilan 'tong nararamdaman
Kahit aking puso'y lubos ng sugatan
Punyal na tumarak dito sa 'king puso
Hinagpis ng dibdib na luha ay dugo.
Kaysakit isipin kung bakit ganito
Lungkot ay bumalot dito sa 'king mundo
Laking pagsisisi kung ba't ba nagawa
Lahat ng kamalian sa'yo oh! Sinta.
Sabihin man nila ako'y isang tanga
Puso'y di nagsisi ng piliin kita
Sa 'ting mga kaaway ipagtatanggol ka
Kahit buhay ko pa ang bawiin nila.
Ulan man o bagyo, aking tatahakin
Aking iniirog wag mainip sa'kin
Maghintay ka lamang tanging panalangin
Kanser na pagibig, dapat ba sa akin.
Jul 18, 2015
Jul 18, 2015 at 11:40 AM UTC
Sino ba ang modernong vincentiano?
Ano ba ang kanyang pagkatao?
Nagtatanong sa sarili ko
Habang pinagmamasdan ang mahinanang kamay
Kung anong magawa ko
Dito ba sa munting palad nakahimlay
Ang lahat ng kakayahan ko?
Anong meron ako, anong meron tayo? kundi kaalaman.
Kaalaman na di galing sa sabi sabi nilang “hugot”
Kundi sa piraso ng mga aral na ating pinulot
Dahil sa disiplina tayo y nililok
Ang kabutihang asal sa diwa ay pumasok
Mula sa Mga **** nating tinuturing na magulang,
Mga mababang tao na ating ginagalang,
Mga taong nakilala mula ng tayo’y musmos pa lang
Ipinamana sa atin ang pananampalataya, pagpapakumbaba, at kabutihan
Ang tanggapin ang katotohanan,
At hangganan ng kakayahan
Ang malaman ang kahinaan, kahit may kasimplehan
Pilit inaabot ang makatulong ng buong kalooban
Ng walang hinihintay na kapalit
Tulad ng modelo nating si San Bisente (st. Vincent)
Na sa pagtulong ay di napagod
Kaya sa mata ng Diyos naging kalugod lugod
Salamat sa Amang nasa itaas
Na nagbibigay ng lakas
Ang lakas na di nauubos
Para sa aming misyon na di pa rito natatapos
Sandata ay ang panalangin
Lakas ng loob at damdamin
Dahil sa Diyos na mahabagin
Walang pagsubok sa buhay ang hindi kakayanin
Ating misyon, ang tumulong sa mga kapus palad at nawawalan
Hindi lang sa taong nawawalan ng materyal na kayamanan
Kundi para sa mga taong naliligaw, nalilito at nagugulumihan
Pagkat ating ramdam ang bawat hirap
Ang bigat na tinitiis ng bawat taong may pinapasan
Handang makiramay at ibigay ang anuman
Para lamang ang paghihirap sa pighati ay maibsan
Pagkat sa bawat taong ating natutulongan
gantimpalang pangkaluluwa ang dapat ipagyaman
Sino ang gumagawa nito?
Sino ba ang modernong vincentiano?
Isa ba ako sa mga ito?
Ang modernong vincentiano ay di lang ako kundi tayo
Ang modernong vincentaino ay nagsasakripisyo at mapagpakumbabang nagseserbisyo
Ang modernong vincentiano ang magpapatuloy ng ating kwento.
Sep 28, 2018
Sep 28, 2018 at 12:26 AM UTC
papano ba mapaparating ang nararamdaman?
kaya ko bang sasabihin saiyo ng harapan?
kung meron lang sana akong lakas ng loob
sa tamang hinala ng maling kutob
bakit sayo lang nagkaganito
sa bituwing tunay na may ganda
bakit sayo, tuluyang nagbago
may paghanga, meron ding pangamba
sinta, di ko sinasadya
may kusa itong paghanga
tadhana ang nagbadya
kaya wala akong magagawa
kung sana kaya kong umilag
kung sana di ako nalalaglag
kung sana kaya kung pumalag
kung sana ang puso di takot mabasag
paano ka ba makikilala
kung di ko kayang lumapit
saan ba to mapupunta
hangarin kailan ba makakamit
marahil masaya na sana ako na aking madinig
matamis na sagot ng malambing **** tinig
ano bang gagawin, di makalapit at di makalalayo
papano kakausapin,kung di masambit ang nais ng puso
sana bigyan ng tapang, ipadama ang pagsuyo
dahil itong naaramdaman di ko kayang isuko
hawakan mo aking mga kamay
dito sa gitna ng yakap humimlay
wag nang malumbay,pangako ko habang buhay
sayo lang iaalay ang pagibig kong tunay
hayaan nating mga mata'y makiusap
sa mga titig **** nakikihiram ng kislap
bakit dito, kung saan ako nakatinag
larawan mo ang bukod tanging lumiliwanag
tulad ka ng rosas sa pula ng labi
tulad ka ng anghel sadyang nakakabighani
sa mahabang buhok, kutis **** malambot, at tamis ng yong ngiti
wala kang katulad, anyong namumukudtangi
nilalang na tulad mo BIYAYA kang mamahalin
sa hamak na tulad ko SUMPA kitang iibigin
oh Nadine, meron pa akong dapat na hiling
kung dinig na ng diyos ang aking panalangin
oh Nadine, bulaklak ka sa hardin
wag mo sanang hayaan ako'y hanggan tingin
na sana'y pakinggan ang aking hinaing
pagkat di ko kayang mabuhay ng wala ka sa akin
Jan 22, 2019
Jan 22, 2019 at 4:42 AM UTC
Babalik si Jesus at alam kung hinding hindi niya tayo bibiguhin. Babalik ulit siya para pagtakpan ang ating mga kasalanan. mag bibilang Ako ng hanggang Sampu. isa,dalawa. dalawang hakbang ang inialay niya tatlo,baka tatlong beses ulit siyang ipagkakaila Apat,Lima hindi siya tumigil sa paghakbang para sa atin
Anim,pito,wallo,siyam,sampo
Hinding hindi ako titigil sa pagbibilang hanggang sa maramdaman niyo na tayo ngayon ay nawawala.At patuloy parin si Jesus sa paghakbang para lang mahanap niya at maipakita niya ang tunay na mukha ng Pag-ibig. Pag ibig na nagdala sakanya sa kapahamakan. Pag ibig na siyang dahilan sa paghihirap niya at sa sugatan niyang Katawan. Pag ibig na kung saan nag simula ang lahat. At dahil sa sakripisyo niya tayo ngayon ay nandito. Kapatid hindi pa huli ang lahat may mga panahon kapang itama ang iyong nga nagawang kasalanan. maniwala ka. Hinding hindi ka niya pababayaan. Dahil siya ang Diyos at siya ang Diyos ng sangkatauhan.At ito ang sinabi. "Ako si Jesus ang simula ang at katapusan. Ako ang Buhay ang Daan at ang Katotohanan"
Marahil nagtataka ka kung bakit.bakit naging ganyan ang takbo ng buhay mo bakit naging ganyan bakit naging ganito. Kapatid uulitin ko hindi pa huli ang lahat. Tandaan ang balita ng Diyos na mas dapat pakinggan. isa puso, mahalin at higit sa lahat mas dapat tuparin. Wag kang mawalan ng Pag asa. At wag na tayong maglokohan pa. Dahil palagi siyang Nandiyan at hinding hindi siya mawawala para gabayan ka. Alam kung naniniwala ka. At alam kung didinggin niya ang iyong mga panalangin. Kapatid manalangin ka. Kayat hindi na natin kailangam pang humiling dahil matagal na niyang binigay ang ating Kagustuhan at iyon ay ang pagkakaligtas natin mula sa ating mga kasalanan. Alam kong alam mo na. Babalik at babalik si Jesus para sa atin. Ibabalik niya ang kapayapaan sa iyong mundo. Dahil siya ang ating Diyos wala nang iba.
Aug 14, 2018
Aug 14, 2018 at 8:28 AM UTC
#073016
Alkansya ko'y panalangin --
Taimtim na pananampalatayang ikaw nga.
Hindi mo marahil masaklaw ang estado ng puso
O ang lalim ng determinasyon ko sa paghihintay.
Saludo ako sa katatagan mo.
Kahit na hindi natin nasisilayan ang bawat isa
Sa tuntungan ng saya at pighati.
Hindi ko mawari ang pag-ibig na laan ng Ama
Pagkat kahit hindi magtagpo sa ngayon,
Alam kong ang pagku-krus natin noo'y
Iba ang pahiwatig sa pusong malayang naghihintay.
Walang alaalang masakit,
Kahit pa may mga katanungang hindi nasagot.
Walang sakit na hindi mabubura
Nang pag-ibig Niyang walang kaltas.
Kaya't may galak ang paghihintay.
Araw-araw, mag-iipon ako ng mga panalangin,
Higit pa sa mga salitang laylayan ay tugma;
Higit pa sa mga talatang balot ay emosyon.
At sa aking pag-iipon,
Alam kong kahit tunog-lata ang iila'y,
Tutubo ang mga ito para sa'ting kinabukasan.
Pagkat alam ko kung kanino ako unang nagtanim --
Hindi sayo, hindi sa akin
Bagkus sa Kanyang Siyang may pandilig.
Jul 30, 2016
Jul 30, 2016 at 5:06 AM UTC
Hindi naman ako galit
Sayo'y hindi naman inis
Katapatan ganon parin
Kaibiga'y maramdamin
Patawad unang sambit
Nitong kaibigan ay hibik
Paumanhin nawa'y kamtin
Siyang aking panalangin
Sama ng loob ang dulot
Kaibigang aking nilimot
Ngunit hindi nayayamot
Mawala ka'y aking takot
Tawanan laging naaalala
Biruan nating masasaya
Payo mo'y pumapayapa
Ng pusong lagi lumuluha
Sanay 'wag akong limutin
Kaibigan nagtatampo din
Gaya mo rin, may suliranin
Araw-araw aking pasanin.
Patawad kung nahirapan
na ako ay pakisamahan
Patawad kung di masiyahan
na ako ay pakitunguhan
Sanay huwag magsawa
Laging may laan na unawa
Kahit minsan nagagawa
Sayo'y hindi na nakatutuwa
Mga salitang akin nabitawan
Pawang totoong kahulugan
Subalit kaaway pinipigilan
Ang pagbabagong inaasam
Ngunit iyong laging tandaan
Oh aking mahal na kaibigan
Ikaw siyang kinasangkapan
Upang tungkuli'y masumpungan
Salamat sa Dios sa tulad mo
Sa mabubuting aral at payo
Ako'y walang kabuluhang tao
Kaibigan, sakin ikaw ay modelo
Jun 4, 2019
Jun 4, 2019 at 9:15 AM UTC
Naulit na naman ang paalam
(poetman_24)
Ayaw ko mang sabihang hugot sa tulang ito
ngunit pagkatao ko'y laging ganito,
namutawi na naman ang paalam sa aking puso
bakit pag-ibig kayhirap **** matamo?
Muli na namang nagtitipon ang ulap sa taas
nagbabadya nang pagpatak na walang wakas,
wala akong magawa-gawa't hindi rin makatakas
napiit na naman ako sa lungkot nang ulit ulit na landas.
Bakit naman ganyan ang pagsubok
mga tinta'y naghihimutok,
ano ba ako sa pintig nang pagtibok
ako ba'y sawi sa bawat paglunok?
Hindi pala sapat ang likha kong tula
kaya lulukutin ko na lamang ang talata,
mauuwi na naman ang aking bigong diwa
sa 'di matatawarang luha.
Pag-aalay ko pala'y naiipon sa buhangin
nasasayang lamang ang taglay na damdamin,
nais kong isuko ang pagkatha sa hangin
sana masagot pa ang aking panalangin.
Makatang walang taglay na panulat
mga tinta'y mantsa sa'king balat,
nasasawi ako nang hindi ko alam
isa ba akong tampalasan?
Kung masasaktan ka sa aking piling
layuan mo na lamang ako giliw,
itanim mo na sa akin ang pasakit
tatanggapin ko kahit anong pait.
Isilid mo na lamang ang sandaling ala-ala
at alalahanin na ikaw ay may halaga,
kalimutan mo na lamang ako sinta
kung 'yan ang palagay **** tama.
Babalik na muna ako sa sa karimlan
itatago sa dilim ang katotohanan na ako ay luhaan,
ililibing ko na lamang sa diwang hagap
na ako ay sawi at talunang makatang hindi katanggap-tanggap.
Oct 3, 2017
Oct 3, 2017 at 1:13 AM UTC
#012917
Naisip kong magpatangay sa hanging kumot sa aking paggising. Naisip kong hamunin ang araw ng mga talatang pasalaysay at huminto gamit ang panalangin.
Isa, dalawa, tatlo: oo, ito na ang ikatlong araw nang tayong ipinalipad sa iba't ibang dako -- patungo sa bawat sulok ng mga pangarap at doo'y sabay-sabay nating maitataas ang Kanyang Ngalan.
Di ko kayang amuhin ang bawat petsa sa kalendaryo para lang maggising tayo't muling mabuo. Di ko kayang sipulan ang ulap na kukumpas sa kalangitang hindi naman nagbabago.
Sa bawat pangarap na minsang natabunan ng ating mga mapapait na nakaraan -- mga pangarap na ni minsa'y di sumagi sa isipang mabubuo natin nang sabay; oo, posible palang maitagpi-tagpi ang bawat istorya para sa mas malaki pang larawang ni minsa'y di natin nasilayang mag-isa.
Marahil napuno tayo ng takot na muling humakbang sa bukas pagkat nahihila tayo ng dilim. Marahil kinain tayo ng sakit, kirot at alalahanin kaya naman tila kayhirap nang lakaran ang tubig ng pagpapala. Pero kahit na -- kahit na lumubog pa tayo sa kumunoy ng distansya't walang kasiguraduha'y may iisa pa rin tayong di dapat na bitiwan -- na patuloy tayong kumapit sa iisang Ngalang titingalain natin hanggang sa Kanyang pagdating.
Siguro nga mapapagod tayo pagkat taksil ang landas o ang pagkakataon pero hindi pa ba ito sapat na dahilan para muling masubok at tayo't tuluyang magpasakop? Kung ang lupa nga'y kayang sakupin ng mga dayuhan lang; ano pa't ang puso't buhay nating tanging hiram lang? Kakatok hindi ang pangarap bagkus ang may dala ng mga ito; ilapit mo ang mga kamay sa puso at doo'y mabubuksan ang pintong may sagot sa mga hiling at dasal mo. Mabuhay si Kristo! Buhay Siya sa iyo!
Jan 29, 2017
Jan 29, 2017 at 3:35 AM UTC
Lord, para kang driver ng shuttle. Sa bawat pagpara ng mga tauhan, humihinto ka. Ang bawat isa’y may tangang istorya at pawang may mga kakambal na destinasyon.
Sa dilim, tanging ang ilaw mo ang nagbibigay pag-asa sa mga tambay at naghihintay na pagkatao. Hindi mahalaga sayo kung matagal na silang nag-aabang o kararating lang nila sa tagpuan.
Hindi naman lingid sa aming kaalaman na diretso lamang ang daan; alam naming dumaraan Ka talaga sa amin at minsan ayaw lang talaga naming pumara. Kung malayo kami’t nasa eskinita pa; kami ang nararapat na maglakad patungo sayo at maghintay. Minsan nga lang mahuhuli kami sa oras, pero babalik ka naman para sa amin.
Hindi ka napapagod pagbuksan ng pinto ang bawat pasahero; kahit may lakas naman ang bawat isa. Isasara mo ang naturang pinto nang kami’y maging ligtas.
Matulog man ang isa sa amin, ang byahe’y isang hele. Minsan talaga malubak lalo sa tigang na kapatagan. Sa bawat alikabok at aspaltong sinsayaran; nananatili ka sa iyong pagmamaneho.
Minsan, mabilis ang takbo; minsan mabagal. Tulad ng bawat panalangin; minsan agapan **** sinusolusyunan; minsan naman, tinuturuan mo ang bawat puso kung ano ba talaga ang "paghihintay." Pero alam namin -- mabilis man o mabagal ang takbo; hawak Mo ang oras at tanging kaligtasan at kabutihan lamang ang alay Mo sa amin.
Sa pangunguna mo, salamat po pagkat may iisang direksyon ang biyahe. Alam namin ang patutunguhan buhat sa karatulang nasa salamin. Pag sinabi naming “Dito na lang,” muli kang humihinto at muli kaming pinagbubuksan para lumisan. Hindi ito paalam; bagkus, bukas ay sasakay muli at tayo’y magkikita sa lagi nating tagpuan.
“Alam mo kung nasaan ako; hihintayin Kita. Lord, salamat sa kaligtasan.”
Nov 20, 2014
Nov 20, 2014 at 10:31 AM UTC
#070616 #12:27PM #ElNido
MAKATA ang lenggwahe ng pusong umiibig,
MAKATA ang katauhang ikinubli ang malasakit,
MAKATA ang kasarinlang may dalisay na panalangin.
Patungo sa may lalang na may misteryong grasya,
Kanyang isasakatuparan ang mistulang imposibleng eskima --
MAKA-DIYOS ang MAKATA.
Para sa pahalang na pakikitungo
Sa madlang baluti'y maskarang may bahid na kayumanggi --
MAKATAO, siyang daing ng MAKATA.
Sa Perlas ng Silanganang winawagayway ang bandila,
At sa udyok ng romantikong lupaing sinilangan --
MAKABAYAN ang pagpili ng MAKATA.
Heto ako't kumakatok sayong pintuang walang susi,
Pagkat kandado mo'y makasarili sa'king galak na pagbati.
Ikaw ang simbolo ng kabuuan ng pag-ibig na hinaharana,
Habang ako ang pariwarang napuno ng "baka sakali," o Sinta --
MAKA-TAYO ang MAKATAng may puso.
Jul 8, 2016
Jul 8, 2016 at 6:56 AM UTC
Ako si Juan
Para kanino ba ang pangalang yan?
Para sa taong may pinag-aralan?
Para sa taong may pinaghirapan?
O para rin sa mga taong nahihirapan?
Mga tanong yan na umiikot sa mundong kinabibilangan ko.
Hindi ko piniling maging ganito pero ito na ata ang isinulat sa tadhana ko.
Ang maging di kanais-kais sa paningin
At mas lalong di maging kapansin-pansin.
Ako Si Juan
Pilipino rin ako pero bakit tingin niyo sa akin walang kwentang tao?
Pilipino rin ako at hindi ko ninais na maging ganito ang buhay ko.
Oo pilipino rin ako pero bakit parang ayaw niyo akong tanggapin bilang tao sa lipunang ito?
Dahil ba marumi ang damit ko?
Dahil ba nangangamoy araw ako?
Dahil ba wala akong napagaralan?
O dahil di na ako katangap-tangap?
Ako si Juan
Pakiusap wag niyo akong husgahan dahil sa ako'y mahirap
Di ko pinili ang takbo ng buhay na mayroon ako.
Di ko piniling maging pulubing palaboy-laboy
At higit sa lahat
Di ko piniling mawala ang lahat.
Ang pera, ang pagkain, ang tirahan, ang pamilya, ang inumin ang kaibigan.
At hindi ko pinili ang maging mahiral.
Pasensya ate, kuya, kung lagi ko kayong kinukulit para sa kaunting pansin.
Pasensya na ate at kuya kung kinakalabit ko ang mga damit ninyong mamahalin.
Pasensya na ate at kuya kung sa bawat pagdaan ninyo'y nababahuan kayo sa akin.
Pero maliban sa pera, palimos naman po ng panalangin.
Panalangin na sana'y hindi ako sumuko sa ibinigay saking pagsubok
Panalangin laban sa lahat ng bagay na nagdala sakin sa pagkalugmok
Panalangin na hindi ako paano sa daan kapag ako ay natutulog
At panalangin na sa paggising ko'y may lakas pa rin akong bumangon.
Pasensya kung gagamitin ko pa ang pangalang Juan na simbolo ng pagiging likas na Pilipinong may pinagaralan
Pero sana maisip niyo na di ko kailangan ng mga bagay na sa aki'y magpapayaman
Ang kailangan ko ay ang intindihin niyo ang aking kalagayan
Kung makikita niyo man akong naglalakad o nakaupo sa lansangan
Maaari bang sumigaw kayo o tawagin niyo ako sa pangalang Juan?
Dahil minsan rin sa buhay ko ay katulad niyo rin ako
Napaglaruan lang ng tadhana at nawala lahat ng meron ako.
Pulubi ako, mabaho, konti ang nalalaman, walang panligo, pangkain, perang pambili ng gamot pangotra sa sakit na dala ng paligid.
Pero ito ang tandaan ninyo,
Huling mensahe ni lumang Juan para sa mga makabagong Juan
Ako si Juan
Pagnakita ninyo ako wag niyo akong pandirian
Subukan niyong kilalanin ako maliban sa aking pangalan
Wag niyo akong husgahan na ipambibili ng droga ang naipon kong barya
Wag niyo akong husgahan na nagtatrabaho ako sa isang sindikatong galawan.
At sana'y ako'y inyong alalahanin at wag niyo sana akong kalimutan
Na minsan sa buhay ko na nakapagpakilala ako na "Ako Si Juan ang dating Pilipino na ngayo'y tinatakwil na ng lipunan."
Aug 24, 2018
Aug 24, 2018 at 11:10 PM UTC
O sinisinta,
bayaan mo akong
ika’y ibigin,
Hinihiling ko lang
na ika’y
mapasa-akin,
Sa Diyos,
pag-ibig mo’y
aking panalangin,
Gumuho man
ang mundo’y,
di ko aalalahanin!
Parang kay tagal ng oras
‘pag hindi kita kasama,
Ngunit kay bilis lumipas
‘pag sayo’y napalapit na.
Bawat araw na ginawa ng
Maykapal ay nasa isip ka,
O Pag-ibig ng buhay ko,
Ito na nga’y
tunay na pagsinta!
Ibig kong malaman
**** ika’y
aking sinisinta,
Laman
sa mga
panaginip’t
hanap-hanap ng
aking
mga mata,
Hindi mo man paniwalaa’y
aking uulit-ulitin,
Sa puso ko’y
ikaw
at walang
ibang
umaangkin.
iamthe_avatar ©2010
Mar 6, 2014
Mar 6, 2014 at 8:44 AM UTC
Minsan ako'y nanalangin,
diwa ko'y nag-aalanganin.
Di alam ang uunahin,
di alam ang sasambitin.
Gusto sanang alamin
ano bang plano sa akin?
Sana naman ako'y dinggin
at wag nang pagisipin.
Ang hirap kasing baybayin,
lalo na kung hihimayin.
Puso ko'y tila nakalambitin,
nakalutang sa hangin.
Pilit kong aalalahanin
mga bilin mo sa akin.
Mabigat man ang damdamin,
alam kong andyan ka para ako'y yapusin.
Feb 10, 2019
Feb 10, 2019 at 4:14 AM UTC
Nakatingala sa kisame, ala-ala ko'y ligaw
Sa dilim ng gabi'y ano pa bang tinatanaw
Patalon-talon lamang ang sipat sa guhit ng mga ilaw
Isip wari'y walang pagod, lagi na lamang bang ikaw
Paikot-ikot ang higa, tila samyo'y naririto
Binabalik sa diwa ang lumbay ng paglisan mo
Gayunpama'y baon ang tamis ng mga halik
Sana'y di na lamang panaginip ang iyong pagbabalik
Unti-unti pa'y namumungay, ang mga mata'y nalumbay din
Tutungo sa pangarap, susulong na sa lalim
Impit na panalangin sa umaga paggising
Kaabay na muli, magbabalik sa aking piling
Sep 18, 2015
Sep 18, 2015 at 11:46 PM UTC
( Filipino orTagalog version)
di sumasapit ang pagtulog
sa isang kaluluwang
sabik at di mapakali
isang pusong ubod tiyaga
ngayo'y balisang tumitibok
sa kabila ng malumanay
na pag patak ng ulan...
sa kaunting salitang nagbibigay kasiyahan
parang simoy ng hangin, may mga dalang palamuti
mga matatamis na pangako ng
maluwalhating bukas,
lumutang sa kapaligiran
at binago ang malamlam na
lagay ng kalooban.
ang mga darating na araw
ay muling yayabong.
isang kaluluwang hapong hapo
di-inaasaha'y, napangiti
sa unang pagkakataon
mga matatamis na tunog ng mahihinang
halakhak ay paulit-ulit na tumaginting
sa kalaliman ng gabi.
itong di maampat-ampat na pananabik
aking panalangin ay
tuluyan nang pumayapa
dito sa dilim, ako'y nakahimlay
habang ang mga pangarap ng pag-asa
ay alak na lumalasing sa aking pag-iisip.
kasabay ng pagdatal ng madaling-araw,
nabubuhay na lalo ang mga bagong isipin
na lalong nagpapasigla sa aking utak...
mulat na mulat ang aking mga mata
di na sasapit pa ang antok
di na sasapit pa ang pagtulog...
::::::::::
(ENGLISH VERSION)
SLEEP DOESN'T COME...
Sleep doesn’t come
To an eager, restless soul.
A heart so patient
now beats anxiously,
Even with the gentle rhythm
Of raindrops tapping.
With just a few satisfying words
Sprinkled with whiffs of hope,
So magical,
A promise of a glorious tomorrow
Floated in the air
And altered the somber mood.
The coming days are to flourish
Once more.
Unexpectedly,
A soul gone weary
Smiled for the first time.
The sweet sound of soft laughter
Unheard in the still of the night.
This insatiable needing
I pray, to be quelled soon..
Here in the dark, I lay awake,
As visions of hope inebriate my mind.
With dawn comes new ideas,
Stimulating my brain even more..
.......my eyes are wide open........
.......sleep wouldn’t come at all……
Sally
Copyright 2014
Rosalia Rosario A. Bayan
Jan 5, 2014
Jan 5, 2014 at 8:51 PM UTC
Lupa't langit ay nakahanay
Tila'y magkarugtong parang itong buhay
Hindi tala sa ibabaw ang magpapailaw sa gabi o ang araw sa ibayo at silangan
Dagat ng dugo, ang luha'y umaagos
ang alon at ang simoy nito ay ang siphayo
Lahat ng ito ay mukha ng buhay na nakalutang
Ang buhangin ay hindi sa bulag
Sa mga mata ito ay puwing
Mga alikabok at abo
ng pangarap na durog at pira-piraso
Iikot ang mundo sa kandilang nakasindi
Kung pagmasdan parang alitaptap
Kahulugan nito'y munti
sinag niyang katiting
Sa tag -araw ay uulan
ng mga butil na panalangin
Marami gayunpaman hindi kasangguni sa panahong yaon
Babagyo't babaha rin ang mga daanan at tulay
Hinagpis ni Inang, hagupit ng kalikasan ay katuwang
Lunurin ang pagmamahal, ang sidhi niya'y damhin
Dadalhin sa sementeryo
at ang lagusan nito ay walang himig
Awitin sa ilalim ng kabaong nakahimlay na walang tinig
Dec 2, 2018
Dec 2, 2018 at 5:40 AM UTC
Isang bagay,isang mithi na gusto ko
Mga bagay na ika'y magpapaligaya sa aking tuwina
Ngiti **** aking sinusulyapan
Pintig ng aking puso ikaw ang siyang hinahanap
Dalangin na kay tagal kang hinintay
Ngunit sa paglisan mo ako'y nalulumbay
Hayaan mo maiparating ang aking munting hiling
Pinapanalangin na ako'y mahalin
Kahit sa sandali'y ikaw ay mahalin
Lubos na dinadasal sa Maykapal
Na ika'y patnubayan
Mahalin mo ang sarili mo at maging masaya
Feb 6, 2013
Feb 6, 2013 at 7:17 AM UTC
#030417
Kabiyak --
Yan sana ang pinag-iipunan ko
Dyan ko sana ihahanay ang "Ikaw"
Sa larawang hinayaan kong mabuo.
Buo --
Hindi ako buo
Alam kong Siya ang bubuo sa ating dalawa
Bubuo sa magkalayong Ikaw at Ako
Sa pinaglayong Tayo.
Kapareha --
Par ba ang labanan sa baraha nating dalawa?
Parehas nga ba ang lihim na pagsinta?
O sadyang --
Pares lamang tayo
Para punan ang pagkukulang ng bawat isa.
Kalahati --
Kalahati ng buhay ko'y siyang pinagbuksan ko para sayo
Ni hindi ako umibig ng iba
Wala kang kahati sa puso ko
Siya ang nasa tuktok
Pero ikaw ang panalangin ko.
Mabubuo ba ang Tayo
Kung tanging Ako na lang?
Kung ang sanang kahati'y nakalimot na parte pala sya --
Parte pala sya ng kabuuan
Oo, parte ka ng buhay ko.
Kapiranggot na pagtingin,
Kalahati ang Ikaw
Kalahati ang Ako
Siya ang Kabuuan ng parteng Ikaw at Ako --
Paano? Paano ang Tayo?
Kung ngayo'y nagkanya-kanya na ang sanang Tayo.
Mar 4, 2017
Mar 4, 2017 at 1:17 PM UTC
010717
(Para sa mga may gustong simulan at gustong tapusin. Para sa mga may kahapon at naniniwalang sisirit ang bukas. Para sa mga may pangamba pagkat pakiramdam mo'y kapos ang oras at tila ika'y may gapos ng kagabi o noong isang araw, noong isang taon. Para sayo, nang mahimbing ka sa gabing may pagsuko. Pipikit ka rin, hihimbing ka rin. Didilat ka, may bukas pa.)
Narinig na ng bawat sulok ng kuwarto mo ang mga ibinubulong Ko sa iyo tuwing natutulog ka, habang yakap-yakap Kita, at nakabaon sa dibdib Ko ang mukha **** nasa malalim na pagkakahimbing.
Narinig na ng mga unan mo ang mga Salitang binitiwan Ko noong inamin kong hinding-hindi Kita bibitiwan habang sinusuyod mo ang gabi nang mag-isa, na tila ba ito na ang huling gabing ikaw na lamang ang bida sa istorya.
Narinig nila ang mga bulong Kong narito Ako at Ako pa rin ang kilala Mo noong unang beses Akong humimlay sayong mga bisig para punasan at saluhin ang mga butil ng mala-perlas **** mga luha, kumikinang at mahalaga pagkat tangan nito ang taimtim **** mga panalangin -- mga panalanging hindi mo binitiwan at lubos **** pinagsindi ng kandila sa bawat gabi't alay ang tinig **** balisa't uhaw sa kasagutan.
Maigting ding nagmamasid ang iyong orasan noong ipinangako Ko sayong inilaan Ko na ang bawat patak ng segundo sa pag-aalaga sa iyo, na hinding-hindi Akong magsasawang pag-ingatan ka, tumigil man sa pagpihit ang lahat ng orasan sa mundong ibabaw -- kitilin man ang bawat bateryang nagbibigay-buhay sa bawat saglit, sa bawat pintig ng oras na hindi mabilang.
Higit sa lahat, narinig Ako ng mga pader ng kuwarto mo, noong unang gabing ginawa Kong umaga para masilayan mo ang lahat, noong una Kong sinabing mahal kita at kahapon, ngayon o bukas at magpakailanman -- ang mga parehong gabing paulit-ulit Kong sasabihin sayong higit ka sa kalawakan, na hindi Ako natutulog at ikaw at ikaw ang tanging tanawing tatanawin.
At habang parating na muli ang umaga at gigising na ang lahat, ay sana manahimik ang kuwarto mo. Ngunit sa katahimikan nito'y sana'y mabuksan ang lihim ng mga narinig niyang mga sinabi Ko.
Narinig na ng bawat sulok ng kuwarto mo ang mga Salitang laan lamang sayo at sa mga gabing ito at sa susunod pa'y haharanahin Kita ng parehas na himig at susuyuin ng parehas na timpla ng pag-ibig. At hindi Ako magbabago, mahimbing ka man ngayo'y asahan **** ang bukas mo'y kasama pa rin Ako.
Matulog ka na, Anak.
#010717 #SpokenWordsNiTatay
Mar 15, 2017
Mar 15, 2017 at 11:28 AM UTC
Estranghero ang bawat numero
Arok kong ikaw iyon
Ang boses **** tila nasobrahan sa kape
Parang may giyera lang sa himpapawid.
"Yung katext mo kanina," yan ang sagot mo
Akala mo siguro wala akong ideya
Sa pagkatao mo.
Naisip ko rin yun
Na tawagan ka mula sa hiram na numero
Nang masanay ang pandinig
Sa boses **** walang kalambing-lambing.
Wala naman tayong listahan
"Long time, no communication," pa ang sambit mo
Bakit ba at tila ako'y miss mo na?
Wala naman akong masasabi sa kabilang linya.
Nagsinungaling ako
Nang sabihin ko ang porsyento ng baterya
Hindi sa ayaw kitang kausapin
Bagkus, wala akong maisip na tamang salita
Hindi ako makapag-isip ng tama
Sana ang diwa ko'y kasama mo na lang.
Yung pangako mo'y biglang napako
Akala ko nga malapit na
At tila binibilang ko ang nasa kalendaryo
Ako'y bigong muli.
Tatlong taong lumipas
Pero walang kupas ang kahapon
Sigurado akong tanda mo pa ang lahat
Na ang kahapon nati'y
Kailanma'y hindi pa tinutuldukan.
Kung ang pahinang ito'y mali sa katotohanan
Isa lang ang panalangin ko sa kanya
Na itong damdaming mahimlay na lamang
Pagkat ang lugar nito ngayo'y
Nasa tamang kondisyon pa naman.
Ramdam ko ang paghanga mo
Hindi ako manhid na minsang inisip mo
Hindi mo naman sinubukan noon,
Ba't ba pilit **** nililimot na mayroon pang ngayon?
At kung ang bukas ay wala nang araw
Sana'y ang pag-ibig ay sinimulan na noon pa man
Hindi pa man ramdam ang tunay
Bagkus sana ngayo'y kontinwasyon na lamang.
Wag nating takbuhin ang lakbaying ito
Hayaang ang layag ay dalhin ng hangin
Nang hindi makontra ang tamang ihip nito
At sa bagyong paparating
Ay maging handa na tayo.
Kung papalarin na tayo'y maparoon
Sa dakong Norte kung saan ang tama'y nakatrono
Hayaan nating ang oras ang maging saksi
Hindi ang magka-ibayong lupa ang tumuon.
(6/3/2014 @xirlleelang)
Jun 26, 2014
Jun 26, 2014 at 10:48 PM UTC
Kay tamis ng iyong ngiti
Sadyang kay ganda ng iyong labi
Ika'y lubos na nakakahumalig
Sayo ako'y tunay na umiibig
Mata mo'y kumikinang na parang bituin
Ikaw ang anghel ng aking panalangin
Regalo ka ng Diyos aking sinta
Sayo ang puso ko'y napapakanta
Kislap ng iyong mata saakin ay nagpapatunaw
Pagmamahal ko sayo'y lubos na nangingibabaw
Ika'y rosas sa hardin ng Diyos
Tatawirin ka sa kahit anong unos
Mahal ko, bahaghari ka sa pagdaan ng ulan
Kasing ganda ng pagsikat ng araw sa silangan
Pagmamahal ko sayo'y inspirasyon sa aking Buhay
Tayong dalawa'y kailanma'y di mawawalay
Feb 28, 2017
Feb 28, 2017 at 10:42 AM UTC
Hindi ba umaabot sa langit
Ang mga panalangin
Na binubulong ko sa hangin?
Masyado ba Kayong
Malayo
Para makita
Ang mukha kong
Nalulunod sa luha?
Habang Kayo ay
Walang imik, walang kibo
Ako ay napupuno
Ng mga problemang walang solusyon
Ng mga tanong na walang sagot.
Pero sa aking pagsapit
Sa kailaliman, kadiliman
Doon ko lang natanto
Ang dahilan kung bakit
Ako'y tila inyong
Tinaguan, tinalikuran
Dahil sa inyong
Nakakabinging katahimikan
Ako ay nagising
Sa aking napakahabang idlip
Kung saan nilamon ako
Ng aking mga
Makasariling panaginip.
Namulat ang mga
Nagbubulag-bulagang kong
Mga mata sa
Katotohanan, kalayaan
Na nasa harapan
Ko lang pala.
Doon ko rin lang naalala
Na mahal Niyo pala ako
At walang ibang tunay na ligaya
Kundi mahalin din Kita
At tsaka,
Natuto na akong
Maghintay ng may
Karunungan at
Umindak sa sayawan
Sa kabila ng Inyong
Nakakabinging katahimikan.
Jan 22, 2014
Jan 22, 2014 at 11:58 AM UTC
Di pa alam anong mangyayari,
Sa planong pinag-isipang mabuti,
Ano kaya ang magiging bunga,
Ng aking mga huling pahina.
Saan kaya aabot ang aking mga tula,
Tatagos kaya sa puso mo ang damdamin kong ikinubli,
Mararamdaman mo ba ang emosyon sa likod ng 'king tinig,
Makakaabot kaya sa iyo aking binibini.
Ang mensahe ko sana'y sapat,
Magbunga sana ang aking pagkamatapat,
Panalangin ko lamang na sana di maging salat,
Ang laman nitong mga huli kong sulat.
Kaya bahala na, bahala na,
Bahala na ang Maykapal sa huling kabanata,
Bahala na ang panginoon sa katapusan,
Pati na sa darating na kinabukasan,
Nitong kwentong nangyari nang di inaasahan.
Nov 9, 2017
Nov 9, 2017 at 4:29 AM UTC