Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pambansa" poems
Sa minsan kong paghawak ng isang panulat At sa sandaling panahon na mata'y idinilat Masakit na katotohanan ang sa aki'y sumambulat At mga katiwaliang di man lang maisiwalat At kaya nga nabuo ang una kong tula, Punong - puno ng emosyon na pawang mga luha sa kahabaan tila ba naging dula, Dalawampu't limang berso:pawang may tugma Hindi ko alam kung bakit at paano Sa mga isyung pambansa,wala ngang alam gaano Pero basta't tinamaan ako ng inspirasyon, Biglang gumagana itong imahinasyon Mga salita ay rumaragasang tuloy - tuloy, Parang tubig sa ilog,walang tigil sa pagdaloy Nag - uumapaw sa kaisipan at sadyang matalinhaga Tunay na nagmumula sa puso ng makata
0
Mar 22, 2017
Mar 22, 2017 at 2:14 AM UTC
Makata ng Makabagong Henerasyon
Sa paglipas ng panahon at makabagong sibilisasyon, maituturing pa bang wikang pambansa ang wika natin ngayon? Ito ang malaking katanungan na naglalaro sa aking isipan. Tila binabagabag ang aking isipan sa aking mga nasisilayan. Kaguluhan, Hindi pagkakaunawaan at sari-saring hindi magagandang salita ang naglalaro sa nakararami. Bakit? Bakit patuloy pa rin tayo sa masamang gawain na ito? Ngunit ang wika ay walang ibang hinahangad kundi kapayapaan, pagkakaisa at pagkakaunawaan dahil ang wika nation ay tunay na daang matuwid. Dahil ang wikang matuwid ay iisa lang ang layunin, ang bigyan ng tuwird at masaganang buhay ang bawat mamamayan. Balikan natin ang malaking katanungan, wika pa bang maituturing ang wikang pambansa ngayon? Tama! Wika pa ngang maituturing ang wika natin ngayon sapagkat ito ang nagbubuklod sa pusong wasak, pamilyang watak-watak at Pilipinong away at gulo ang dulot sa mundo. Ang wika ay matuwid tulad ng pag-ibig. Siya ang nagbibigay buhay sa mga Pilipinong katulad ko.
0
Jun 18, 2018
Jun 18, 2018 at 1:40 AM UTC
Wikang Buhay ...
Sa sariling sikap nagtapos ng abugasya Naging pangulong senador mula pagkapsikal Tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa Sa sariling wika itinuro pagmamahal. -12/17/2014 (Dumarao) *Pinuno Namin sa Panahong Tanso Collection
0
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 10:24 PM UTC
Tapos Na, Tuloy Pa (Manuel Quezon)