Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagsuporta" poems
Sa paraang iyan nila kami pinatatahimik, pinapatay, at tinatapos. Baril ang kanilang sagot sa aming sigaw, Sigaw para sa karapatan at bayan, Bayang aming pinaglilingkuran. Hindi pa ba kayo naalarma? Na mismong makabagong bayani na ang pinapatay nila, Mga bayaning halos walang pahinga, Mapagaling lang nila tayo mula sa pandemya. Pandemyang naglabas ng baho nilang mga nasa itaas, At kanilang mga hindi pagiging patas, Mga taong lantarang lumalabag sa batas, Malaya pa rin at nakikinabang sa ating kaban. Kaban na pinagnanakawan, Bilyong utang, Na tayong simpleng mamamayan ang magbabayad, Magbabayad sa inutang na hindi naman natin napakinabangan. Ilang inosenteng buhay pa ba ang mawawala, Bago ka tumigil sa pagsuporta sa tuta ng Tsina, Sa mga tangang namamahala, Sa mga taong walang hiya. Gising mga bulag!
0
Dec 17, 2020
Dec 17, 2020 at 7:10 AM UTC
"Red-Tagged"
Salamat sa walang sawang pakikinig sa mga kwento ko Sa mga pangaral sa mga simpleng problema at pangyayari sa buhay ko Ikaw ang unang nakakaalam pag may problema ako. Kapag naiinis ako, nagtatampo, masama ang pakiramdam o nalulungkot Sobrang nagpapasalamat ako sa pagiintindi mo sakin. Kahit minsan makulit ako Ipinagmamalaki ko sa lahat na ikaw ang mama ko Kasi pinalaki mo ko ng maayos Salamat din sa walang sawang pagsuporta saakin sa lahat ng bagay. Sa pag compliment ng mga drawings ko hehe Dahil dun napapalakas mo ang loob ko:3  Pinapalakas mo ang loob ko palagi Salamat sa paniniwala na kaya kong lampasan ang mga problema sa buhay. Salamat kasi kahit kailan hindi ko naramdaman na kailangan ko maging magaling na anak para maging proud ka sakin. Salamat kasi yung mama ko yung pinakanakakaintindi sakin. Ikaw ang pinaka bestfriend ko sa lahat. Lahat nang yun naaappreciate ko ng sobra sobra.
0
Jul 13, 2017
Jul 13, 2017 at 11:04 AM UTC
Mama