Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagkanta" poems
Sa iyong paglisan, at pag sama sa kanya Maraming  katuanungan ang nabuo, naubo sa aking isipan Bakit siya, Bakit hindi nalang ako Ano bang nakita mo sa kanya, ano bang nakita mo sa kanya na wala ako Galing sa pagsayaw, galing sa pagkanta, galing sa ano, sabihin mo Lahat gagawin ko para sa iyo, pero kahit anong gawin ko kaibigan lang talaga ako para sa iyo at ito'y hindi magbabago
0
Dec 28, 2015
Dec 28, 2015 at 5:49 AM UTC
Ano Bang Nakita Mo Sa Kanya
Samahan mo akong kumawala, iwanan natin ang mundong ito sinta. Ikaw ang nais makasama sa pag-iisa, ikaw ang aking pahinga. Maglakbay tayo patungo sa kawalan, ang ingay at gulo ng mundo'y ating takasan. Hanggang kailan ito magtatagal? Walang kasiguraduhan, pero pinapangako kong hindi kita bibitawan. Tara roon sa dalampasigan kung saan mistulang ang mundo'y tayo lang ang nilalaman. Hayaan **** ang iyong mga kamay ay aking hawakan habang tayo'y nagsasayaw sa ilalim ng buwan. Ipikit ang iyong mga mata at damhin ang pag-ibig ko, sinta. Ituloy natin ang pagsasayaw na walang ibang musika kundi ang aking pagkanta. Mga noo'y magkadikit habang ang mga mata'y nakapikit. Higpitan ang iyong kapit, huwag kang matakot lumapit. Sa maiksing panahong tayo'y nagkakilala, ako'y iyong tunay na pinasaya. Ikaw sa akin ay tunay na mahalaga. Hindi kayang ipaliwanag ang nadarama. Huwag kang mangamba, sa puso ko ay mananatili ka. Halika sa mga bisig ko, mahal. Panahon natin ay di na magtatagal. Ang pagtatapos ay nalalapit, yakapin mo ako nang mahigpit. Nalalabing oras ating sulitin, pangakong ito'y ating uulitin. Huwag ka nang malungkot, huwag nang sumimangot. Huwag nang pumiglas sa aking yakap, damhin ang ihip ng hanging kay sarap. Kasabay nang pagtatapos ng gabi ay ang pagtatapos ng ating nakaw na sandali. Dahil tayo ay alon at dalampasigan, tinakdang magtagpo kahit panandalian. Tayo ay alon at dalampasigan. Ako ang alon at ikaw ang aking dalampasigan, ang lugar na aking pahingahan, aking takbuhan, aking pansamantalang tahanan. Ako ang alon at ikaw ang aking dalampasigan; ako sa'yo ay lumalapit, pilit kumakapit, ngunit kailangan kong lumisan. Ako ang alon, ikaw ang aking dalampasigan; malayo man ako saglit, ako'y babalik at aasang tadhana'y pagtatagpuin tayo ulit.
0
Nov 14, 2016
Nov 14, 2016 at 9:50 AM UTC
Alon at Dalampasigan

Continue reading...
26
Lumaki ako na kinukwentuhan ng aking inay bago ako tumungo sa panaginip ko tuwing gabi. Kinakantahan niya ako ng mga oyayi’t hele. Hinding hindi ko malilimutan ang mga gabing iyon. Hindi lang ang tugtog ng awitin ng kanta niya ang pinakinggan ko, pati na rin ang pintig. Pintig ng tibok ng puso naming mag ina na onti onting nagtutugma sa tugtog ng kanta na inawit naming dalawa. At tuwing magsisimula ang awit, ako’y sumasabay… A-Ba-Ka-Da… Ngunit hanggang ngayon, hanggang Da lang ang aking natandaan. Ang aking inay ay may katawa-tawang paraan ng pagkanta ng awiting ito. Matatapos siya sa Da, ipagpapatuloy sa Du at magsisimula ulit sa A at sasabihing “aking anak hindi kita sinukuan.” “A-Ba-Ka-Da-Du-A-Ba-… aking anak hindi kita sinukuan.” Hindi ko naunawaan ang kantahing ito at hindi ko inisip na unawain. Isang gabi, kumuha siya ng pluma at papel. Sumulat siya ngunit hindi ko ito nabasa. Ibinilin niya saakin na basahin ito sa tamang panahon. Hindi ko ito naintindihan pero talagang naghintay ako para sa sinasabi niyang panahon. Ilang taon ang lumipas, ngayon, ako’y nakaharap sa kanya(sa puntod niya), hawak ang papel na sinulatan niya noong ako’y munting musmos pa. Nakatingin ako sakanya, hinihiling kay Bathala na maibabalik ko ang mga taon na lumipas. Isa. Dalawa. Tatlo. Onti-onting tumulo ang aking mga luha. Umawit ako ng mahinhin… A… Ba… Ka… Da…Du… A… Ba… Aking inay, kailanma’y di kita sinukuan… Ito na siguro ang tamang panahong ihinahayag ng aking mahal na ina. Binuksan ko ang papel na kanyang sinulatan. At saaking pagbuklat, ako’y nagulat at natulala. Mayroong labing apat lamang na salitang nakasulat dito. “Ang BAlakid ay KAkalat at DAdating. DUmating Ang BAlakid, aking anak hindi kita sinukuan.” Ngayon ay naunawaan ko na ang ipinararating ng aking inay. Gusto ko siyang kausapin sa huling pagkakataon para sabihin na salamat. Salamat sakanya kasi kahit na DUmating ang mga balakid ay tinuruan niya akong lumaban. Kaya ngayon, handa na ako sa mga DAdating na pagsubok dahil alam kong nasa tabi ko lamang siya.
0
Oct 3, 2016
Oct 3, 2016 at 11:16 AM UTC
DuDa(a dagli)

9
di ko alam kung ako lang ang ganito o marami ring taong nahihirapan ang emosyon ay ipagtanto. nahihirapan isulat, ilagay sa kwaderno, buhatin ang lapis, at gumawa ng mga letrang bubuo sa isang kantang ikaw lang nakakarinig. isang kantang sumusigaw sa puso’t isipan isang boses na nagsasabing “ako’y pakinggan.” isang bugkos ng mga salita na di mo alam kung pag pinagtabi tabi mo na sa iyong papel ay magkakaroon ng kahulugan. oo. madalas akong ganito. na andaming gustong sabihin ng utak ko pero ni bibig ko o ang kamay ko ay di alam kung paano ito ibubuo. bakit ang dali magsulat? pero ang emosyon, hirap na hirap ibuklat? minsan, nananalangin ako na sana may taong lalapit dito para turuan akong sabihin kung ano nasa utak ko. ngunit kahit meron mang ganung tao, alam ko di parin niya makukuha ang aking gusto. dahil ang mga salita na galing sa utak ko, na para sa akin ay kumakanta ng napakagandang musika ay sa kanya naman, halos pareho, pero di gaanong tugma sa pagkanta. kaya oo. kahit hirap na hirap ako, na sabihin sa lahat ang emosyong sinisigaw ng mga piyesa sa utak ko, tuloy parin ako sa pagsulat kagaya nito. dahil onti onti kong naiintindihan na ang lungkot, saya, o mapa ano man, ay iba iba ang kahulugan sa tao. pero pare parehong ang dama ng nagagawa nito sa puso.
0
Apr 6, 2019
Apr 6, 2019 at 6:36 PM UTC
sulat
"May mga nararamdaman na umaagos sa pamamagitan ng mga salita, Meron din naman ginagapos sa pamamagitan ng tula Pinalilipad sa liriko at pagkanta Pinasasayaw sa papel at tinta Ngunit sumagi sa aking isipan May mga nararamdamang tila Di mapaliwanag ng lubusan Parang sumpa sa karanasan Na magpapalesyon ng sistema at isipan Kahit Ubusin ko man ang bawat letra At lumikha ng bagong salita Ubusin ko man lahat ng papel at tinta Di ko pa din maipakita, mailatag at ipahayag Tila walang katapusan Kahibangan Hindi ba sapat o sadyang kulang ang aking kaalaman? Kulang pa ba ang karanasan? O wala lang talagang katapusan ang ganitong pakiramdam?
0
Mar 13, 2015
Mar 13, 2015 at 4:26 AM UTC
Hindi ko kayang tapusin
Sigurado na akong hindi na ako yung batang iyon. Marupok, madaling masaktan at iyakin, pagdating sayo. Hindi na ako yung batang gabi-gabing tumatambay sa may bintana, kahit na pinapapak na ng lamok, nagtyatyaga paring hintayin ang tawag mo, umaasang marinig muli ang boses mo bago matulog. Sigurado na akong hindi na ako yung batang nasasaktan pag sinabi **** ayaw mo na, dahil wala rin naman tayong patutunguhan, hindi na ako yung batang halos tumalon sa tawa pag bigla ka ulit nagparamdam, hindi na ako yung batang hinanahanp ka pag nasasaktan, hindi na ako yung batang gustong magsumbong pag inaaway na ako ng boung mundo yung gustong gustong magsabi na masaya ang araw ko, yung batang malulungkot pag binabalewala mo, hindi na ako yung batang yun. Hindi na ako. Yung batang nangarap na makasama ka, na makasama kang pagmasdan ang kagandahan ng buwan sa gabi na pinilit bilangin ang mga bituin kahit alam nating imposible. Hindi na ako yung batang tinatangay ng bawat pagkanta, yung batang tatalon basta sabihin mo, hindi narin ako yung batang gusto paggising ikaw ang katabi, yung batang simpleng lambing mo lang abot tenga na yung mga ngiti. Hindi na rin ako yung batang palaging hinihintay ang pagsasabi mo ng ‘iloveyou’, kasi sa salitang iyon nakokompleto na ako Hindi na ako yung batang puro pangalan mo lang ang bukambibig o ang libangan ay isipin at panaginipan ka gabi gabi, hindi na ako yung batang nababasa lang ang pangalan mo napapangiti na ako. Hindi na ako yung batang saiyo lang umikot ang mundo, ang batang sinubukang maging kung sino ang pinapangarap mo. Hindi na ako yung batang umasa na sana mahalin mo rin ng totoo. Hindi na ako yung batang iyon. Hindi na po!
0
Oct 4, 2018
Oct 4, 2018 at 8:06 PM UTC
PONKAN

29
ang hirap mamatayan ng sigla mula sa dating kinahiligan pagkanta, pagsusulat at iba pa at mas mahirap bumuhay ng namamatay na sigla dahil ang oras ay limitado kahati ang responsibilidad sa mundo at ang dating nagniningas ay humihina na lalong hindi naging mas madali gumawa ng orihinal na bumabase sa gusto ng lipunan o tumatalima sa kasalukuyan o bumabagay sa kapaligiran nawa sa mga taong nakukulangan ng apoy ay bumuhos ang mala-gasolinang inspirasyon at matapos na ang mga kanta mga kwento, liriko pagpinta at mga blangkong espasyo na nag-aasam ng yakap mula sa mga letra, kulay, linya at kung ano pa mang ekspresyon na galing sayo dahil ang matapos ang mga ito ay hindi mo inutang sa mga taong mapangmata nandiskrimina at nanghusga ito'y para mabuo ka muli
0
Jan 14, 2020
Jan 14, 2020 at 7:43 AM UTC
Passion
Napakatamis ng mga umaga na ang bumubungad sayo ay ang kaniyang magagandang ginawa, at sa gabi baon-baon mo ito hanggang sa paghimbing. Nang natutunan ko ang tunay na halaga ng pagsamba, natuto din ako puso na tumibok at magmahal ng totoo. Nagmamahal ako kaya ako nakatayo ngayon sa inyong harapan, pero bago ang lahat ng ito, may nagmahal muna sakin kaya ko nakayanang tumayo rito. Sa paglipas ng buhay, ng dahil sa pagmamahal na nag uumapaw at hindi mapantayan, lahat ng salita, kilos, gawa o akda hatid ko ito sakaniya bilang pagsamba. Hindi lang sa pagkanta, hindi lang sa pagsayaw, hindi lang sa pag tayo rito sa kinatatayuan ko ang tunay na pagsamba, dahil ang tunay na pagsamba ay mula sa ating ginagawa na ating isinasapuso para sakaniya. Maraming paraan para ang Diyos ay ating mapasaya, kaya huwag kang mag alala, malambot ang puso niya basta’t lumapit ka lang ng may pusong mapagkumbaba. Magtiwala ka, dahil nakikita niya ang bawat galaw, naririnig niya at bawal salitang iyong sinasambit kapag ika’y nagdarasal o kahit umaawit. Minsan tayo’y nahihirapan sumamba lalo na kung ang ating puso ay punong puno ng galit, sakit at mga tanong na bakit na dahilan ng ating paglayo sakaniyang piling pero mali, bakit tayo lalayo sakaniya kung alam nating siya lang ang makapag pa paalis ng galit, makapag pa pagaling sa sakit, at makaka sagot sa mga tanong na bakit, pero kung hindi mo alam to, sinasabi ko sayo, totoo, huwag kang mahiyang lumapit sakaniya dahil nakikita niya ang lahat ng ito. Alam mo, tatanggapin ka parin niya kahit minsan inisip **** tumalikod sakaniya, kahit minsan, mas pinili mo pang makasama ang barkada, buhat buhat ang mabigat na problema diyan sa iyong puso, iniisip mo ito ang sagot sa problema mo pero hindi. Mas dapat piliing lumapit sa pinagmulan ng iyong liwanag sa buhay dahil siya lang ang makagbibigay ng ilaw kapag ang iyong buhay ay nagdidilim na. Ang lahat ng ito’y nararapat lamang para sakaniya, dahil inalay niya ang kaniyang buhay, naglakad ng duguan, ipinako sa krus kahit walang kasalanan. Hindi siya sumuko, hindi siya huminto, ipinagpatuloy niya ang lahat ng ito para ilagtas ka, ako, tayo. Ang pagsamba, hindi lang sa ginagawa ko sainyong harapan, ito rin ay ang pagtitiwala sa Panginoon na siya’y magbibigay ng kasagutan sa ating mga kahilingan. Nasasabi ko lahat ng ito dahil binuksan ko ang aking puso’t isipan sa bagong kaalaman, hindi tungkol sa matematika, dahil pagbilang ko ng isa, dalawa, tatlo ...... namulat sa katotohanan at nagkaroon ng pagbabago sa buhay, ang Diyos ay nakilala, at binigyan ng kulay ang aking buhay.
0
Apr 30, 2020
Apr 30, 2020 at 8:35 AM UTC
Pagsamba

12
isa isa kang alamat sa pagkanta parte ka na ng aking kultura dalawa dalawang taon na mahal pa din kita tatlo Minahal kita ng buo Minahal mo nga ba ako apat akoy naging tapat ngunit di naging sapat lima panglimang talata nasa isip pa din kita anim mundo ko'y dumilim nang umalis ka sa aking piling pito ika'y aking sinalo hnd pala ako ang hinihintay mo walo di pa ako natututo at hnd na matututo siyam Matagal mo nang alam aking nararamdaman sampu ako na ba ang dapat sumuko sa labang umpisa pa lng ako na ang talo tapos na ako magbilang hanggang sampu natatakot pa din ako ikaw ang mundong hnd naging akin at hnd na magiging akin.
0
May 29, 2020
May 29, 2020 at 2:24 PM UTC
PAGKABILANG KO NG SAMPU KAKALIMUTAN NA KITA
Ikaw ang mga pyesa, Na syang kakabisaduhin ko sa bawat pag tipa Para kang ang mga nota Na kailangang tamaan sa bawat pagkanta O kaya naman ako'y si tiempo At ikaw nama'y si daynamiko Pero minsan gusto ko na lang maging gitara Pagkat kitang kita ang saya sa iyong mukha sa tuwing ito'y iyong Dala-dala Yung tipong ang bilis kong nahulog sayo Ngunit ika'y hindi pa pala handang sumalo kay TIEMPO Dahil gusto **** ika'y nasa tono at ritmo Naalala kong ikaw nga pala si DAYNAMIKO Talaga nga namang napaka husay mo sa kahit na ano Nakakaya **** tumugtog ng gitara, Sumayaw sa harap ng madla, May runong ka rin naman sa pagkanta, At heto pa, isa ka ring modelo sa eskuwela Ako'y lubos **** napapahanga Wala na akong masasabi pa Siguro naman alam mo na kung sino ka
0
Feb 8, 2019
Feb 8, 2019 at 9:46 AM UTC
WALA KA SA TIEMPO!
Sa isang saglit ako'y tila nasa ulap at pa lutang lutang habang ako'y dumadaan Sa gaan ng aking pakiramdam at sa munting ligayang di inaasahan Kahit sa isang maigsing sandali, ako'y puno ng buhay na tila bang lahat ng problema'y naglaho Sa isang saglit ako'y nakaramdam ng pagmamahal mula sa isang taong akala ko'y mapapaakin Ngunit ito'y isang panaginip na laging babagabag sa aking damdamin Isang saglit lamang ito Isang araw ay maglalaho na parang bula Hinding hindi kita mapapaakin Siguro hindi tayo itinakda ng tadhana Siguro hanggang dito na lang talaga tayo Hindi mo kayang ibigay ng buo ang pagmamahal na kailangan ko Hindi mo kayang pantayan ang pag-ibig na binibigay ko Buong puso ko nilaan sa lahat ng aking sulatin Sa lahat ng tula, pagkanta, pagsayaw Nandoon ang buong puso kong nagmamahal sayo Ngunit kahit anong pulit, hanggang dito na lang talaga Pero ayos lang iyon Kahit sa isang munting saglit naibuhos ko ang puso ko Kahit sa isang saglit naramdaman kong magmahal Walang bagay sa mundo ang kayang pumalit doon Ikaw ay nagsilbing ilaw sa mundo kong madilim Kahit walang pag-asa, lagi kitang tatanggapin Bukas ang aking kamay at puso para sayo Ngunit hindi na kitang kayang mahalin ng tulad ng dati Kailangan kong umusad sa aking panaginip Hinding hindi na maibabalik Salamat sa lahat ng pag-ibig na aking naramdaman Isa ka sa taong nasa puso ko lagi Siguro ito ay isang pagsara ng parte ng buhay ko Salamat sa lahat ng natutunan ko sayo
0
Jan 12, 2021
Jan 12, 2021 at 2:39 PM UTC
Sa Isang Saglit
"Magandang umaga sa mga ulap na kasing ganda ng yong mga mata. Habang lumulubog ang mga bitwin patuloy ang buwan sa pagkanta. Ang langit na sing tamis ng mga ngiti **** walang kasing lambing. Kung alam mo lang sana ang pakiramdam ko sa tuwing ika'y nakikita. O kung paanong ang puso ko'y lumulundag kahit di ko man idikta. Ang isip ko'y di mapakali hinahabol ang kanyang paghinga. Sa bawat patak ng segundo sa bawat hininga mula sa baga ko, Mukha mo ang naiisip tinig mo'y umaalingaw ngaw sa loob ng utak ko. Ibaling ko man sa iba ang atensyon ko naghihimagsik ang damdamin ko, Ikaw ang panaghoy ng puso kong sing lambot ng ulap na di mapanuto."
0
Apr 21, 2020
Apr 21, 2020 at 4:11 PM UTC
Pinagtagpi tagpig nadarama
Nang makilala kita Walang pagsidlan ang aking saya, Sa tuwing kausap ka Ako nama'y tuwang-tuwa. Ngiti mo man ay ‘di ko makita Sa panaginip ko ito nakaburda, Yakap mo man ay ‘di ko dama Pagmamahal mo sa akin ay nakapa. Ang boses mo'y hindi nakakasawa Sa puso ko anong aking ligaya, Nakakaaliw ang iyong pagkanta Sa tenga ko'y nakakahalina. Hindi ako nagsisising minahal kita Sa piling mo ako liligaya, Pagmamahal mo sa puso'y baterya Nagpapangiti at kumukumpleto pa. Mahal, alam mo ba? Mahal na mahal kita, Ikaw sa akin ang nagsilbing tala Liwanag mo naman ang aking sigla.
0
Jul 9, 2019
Jul 9, 2019 at 1:42 AM UTC
MAHAL