"paghihiwalay" poems
Simula sa unang pagupo ng puwet ko sa tagayan
Nakita ko sa mga mata mo ang saya ng isang misteryosong lalaki
Mga mata **** nakatitig sakin
Habang sinasabi mo sakin na “baka may magalit na iba?”
Ang sabi ko’y “wala”
Tinuloy mo ang usapan sa salitang “okay ka lang ba?”
Ang sabi ko’y “oo, basta kasama kita.”
Natataranta ako tuwing ika’y mananahimik pagkatapos **** magsalita
Nangangamba ako na baka may nasabi akong kakaiba na hindi ko natantsa
Nagpaliwanag kang “hindi ganto lang talaga ko”
Naisip ko na baka kasi lasing ka na
Ang sabi mo nama’y “hindi, kaya ko pa.”
Ako din.. Kaya ko pa.
Kaya ko pa….
Alam mo ang hindi ko kaya?
Yang mga mata **** nakatitig sa mga mata ko
Na parang ayaw mo kong mawala sa tabi mo
Yung mga kamay mo na naglalaro sa balikat ko
Yung mga haplos mo na tila sinasabing “ikaw ang gusto ko”
Hanggang sa ikinagulat ko na nagmula mismo sa bibig mo
“Gusto kita.”
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko
Napatingin nalang ako sa malayo habang sinasabi sa isip kong
“Tangina! Tangina! Tangina!”
Napamura nalang ako kasi ngayon ko nalang ulit naramdaman 'to
Natutuwa ako pero natatakot ako na baka kasi ngayon lang 'to
Na baka lasing ka lang kaya yan ang nasasabi mo
Natatakot akong masaktan muli kaya kasunod non ay pagpigil nalang sa hininga ko at sinabi ko sayong “okay ka lang ba?”
Ang sabi mo’y “oo, kaya ko pa.”
Ayoko nang ituloy ang kuwento ko tungkol sayo
Wala din nga akong balak sanang sabihin to sa mga kaibigan ko
Kaya nga eto, sinusulat ko nalang ang mga pangyayari gamit ang mga piling letra para lang sayo
Sa dulo ng kuwentong ito, ipapahayag ko na iniwan mo nalang ako
Hindi sa paraang ikakasama mo..
Kundi sa paraang ikinalulungkot ko kasi hindi na nasundan ang pagkikita nating dal'wa
Ayoko ng umasa..
Pagod na kong umasa..
Napagod nalang akong umasa..
Nasaktan na ko noon kaya inaalalayan ko lang ang sarili ko
Ayokong magpadalos dalos kasi alam kong nasasaktan padin ang nobya mo noon sa paghihiwalay niyo
At ako eto ngayon.. Sa sarili kong bersyon, ako yung nobya, na tila parehas ang nararamdaman namin ng nobya mo
Parehas kaming nanghihingi ng atensyon sa mga mahal namin
Ayokong agawin ka sakanya, kasi sabi mo nga sakin mahal ka pa niya
Hindi kita kukunin sakanya
Dahil alam ko ang pakiramdam ng kinukuha nalang basta-basta
Para matapos lang tong salaysay ko
Magiiwan ako ng mga salita na para sayo
Mga salitang sana maintindihan mo at wag **** tignan bilang mababaw
Gusto ko lang malaman mo 'to
Dahil pagod na kong itago lahat ng to dito sa puso ko
“Siguro masyadong mabilis ang mga pangyayari
Dumating ka nalang bigla na tila binagyo mo ang isip ko
Mga salitang binitawan mo na hindi maalis sa isipan ko
Para kong tanga na mabilis masawi
Nakakahiya..
Pero totoo to
“Gusto rin kita”
Hindi dahil sa alak o lakas lang ng loob
Hindi dahil malungkot ka at gusto kitang pasayahin
Yung mga titig mo
Yung mga titig mo
Yung mga mata **** nakatitig sa mata ko
Yung mga haplos **** namimiss ko
Yung mga salitang lumabas sa bibig mo
Yung ikaw
Yung ako
Pero…
Yung akala kong may “tayo”
Bigla ka nalang naglaho..
Bakit?
Anong problema?
Kulang pa ba yung alak na laman ng tiyan mo para sabihin mo saking…… “ikaw talaga ang gusto ko.””
Oct 14, 2015
Oct 14, 2015 at 12:26 AM UTC
Puso may nasugatan, maghihilom din ito
Sugat na dala ng pait ng paghihiwalay, ibaon mo na sa limot
Ba't di nalang isipin mga maliligayang alaalang iniwan
Ng taong minsan **** minahal
Mahirap mang bumangon, kakayanin pa rin
Dahil sa bawat unos na pinagdaanan
Kalinawan ng damdamin ang nakaabang
Na siyang magbibigay lakas sa iyong muling pagbangon
Mabigat man ang mga paa, kaya pa ring igalaw
Kung may determinasyon, kaya mo rin umusad
Ito'y mahirap pero 'di imposible
Magpursige ka lang, makakaraos ka rin
Kapag ikaw ay nakabangon na,
Umusad mula sa kinatatayuan,
Pagkatapos ng mga luhang lumunod sa'yong mga mata
Bagong mundo ang iyong matatanaw.
Mas maliwanag, mas kaakit-akit, maganda
At mas nararapat sa iyo.
Nasaktan ka man, 'di titigil ang mundo upang ika'y hintayin
Kaya tahan na, dahil ang buhay ay patuloy pa rin.
Jun 2, 2015
Jun 2, 2015 at 5:17 AM UTC
Hindi ako ang babae na hinahanap mo
abang-abang ko ang mga mata sa paligid
nag-aantay, nanghuhuli,
nagsusumamo
ako na ba?
ako na ba ang tinitignan nila?
pansin na ba nila ang buhok kong umiindayog kasama ng hangin
pansin ba nila ang marahang paghihiwalay ng aking mga labi?
hanggang sa mahuli ko ang iyong mga mata
nakikita ko na
nakikita ko na kung paano kita mamahalin
kung paano ko kakalimutan at ibibigay ang sarili ko sayo
tahimik na nagmamakaawa ang puso ko
lumapit ka
bigyan mo ko ng pagasa
hindi man ako kaanya-anyaya sa iyong mata
pero pupunan ko ng pagmamahal at ng pagaaruga ang lahat ng hindi mo nakikita
hindi man ako kasing tingkad ng mga bulaklak
at hindi man ako kasing taas ng mga puno na nasa paligid mo
pero nagmamakaawa ako
bigyan mo ng pag-asa ang puso ko
kahit hindi na pagmamahal ang ibigay mo
kahit hindi mo na sabihin na pwede kang mawala sa mga mata ko
iparamdam mo lang na karapat-dapat ako
para sa gayon matutunan ko naman
na mahalin ang sarili ko.
Aug 6, 2016
Aug 6, 2016 at 9:39 AM UTC
Sa tuwing naaalala ka,
Lungkot at pagsisisi lang ang palaging nadarama.
Hindi naman na dapat iniisip pa,
Ang mga nakaraan na lumipas na.
Bakit ba hindi ka makalimutan?,
Kailangan paba magharapan tayong muli upang tuluyan nang makawala sa nakaraan?.
Parehas naman nating hindi ginusto to,
Na humantong tayo sa ganito.
Masaya naman tayo noon, noong tayong dalawa ay nagmamahalan pa,
Nagkamali lang talaga tayo nang hindi natin sinasadya.
Pero parehas lang tayong nagkamali,
Kaya ito tayo ngayon nagsisisi sa huli.
Pinaghiwalay tayo ng tadhana,
Siguro dahil hindi talaga tayo ang para sa isa't isa.
Hindi ko na rin kasi gusto ang trato mo sakin dati,
Kaya't ako na rin ang bumitaw sa huli.
Hindi ngalang pormal ang paghihiwalay nating dalawa,
Kaya't siguro nahihirapan parin akong huwag kang maalala.
Pero gumawa ako ng paraan para bawiin ka ulit kasi nagsisisi ako na iniwan kita,
Pero nalaman ko na may iba kana.
Lumipas ang mga araw, buwan, taon,
Nakalimutan ko nandin ang taong minahal ko noon.
Pero bakit hanggang ngayon kahit saang anggulo man tingnan,
Hindi ko parin mabura ang mga memorya ng nakaraan.
Ayoko na sanang maalala ang lahat noon,
Pero bakit gumagawa parin ng paraan ang utak ko para maalala lahat ang mga pagkakamali nating dalawa na nilipas na ng panahon?.
Gusto ko nang kalimutan ang kahit anong tungkol sayo,
Pero hindi ko alam kung saang paraan at paano.
Ni wala na akong nararamdaman sayo matagal na,
Pero bakit hanggang ngayon nahihirapan parin ang utak ko na kalimutan ka.
Sana dumating ang umaga na sa paggising ko kumpleto na ako,
Wala nang gumagambala sa utak at katauhan ko.
Na hindi na kita maiisip kahit kailan,
Na natutunan nadin kitang kalimutan.
Pero hanggang saan paba ang itatagal ng panahon?,
Hanggang kailan paba maaalala ang kahapon?.
Palipasin na ang nakaraan,
Dahil para sa akin wala na iyong kahulugan.
Oct 15, 2017
Oct 15, 2017 at 11:05 PM UTC
Gising na nananaginip
Sari-sari ang naiisip
At biglaang napagtanto
Paano kung hindi nahulog sa iyo
Paano kung Inibig mo rin ako
Paano kung tumagal tayo
Maraming katanungan
Mas maraming maaaring kahantungan
Ngunit hindi na malalaman
Ang mga masasaya sanang kahahatnan
Dahil ang "Tayo" ay pinigilan **** maganap
Pag-irog ng iba ang iyong hinanap
Sa ating paghihiwalay, ako ang mas nasaktan
Ngunit Mahal, ikaw ang higit na nawalan
Maaaring ikaw ay lumigaya
Sa piling ng iba, sa piling niya
At ako ang umibig ng lubos at umasa
Pero darating ang araw Mahal na
Magmamahal na ako ng iba
Higit pa sa pagmamahal ko sayo ang ipadarama
Mapagtatanto mo na lang
Bigla ka na lang manghihinayang
Wala nang magmamahal sayo
Gaya ng pagmamahal ko
Jun 8, 2015
Jun 8, 2015 at 2:54 AM UTC
*Hangang dito na lang siguro ang kayang lakbayin ng mga minanhid kong mga paa
Pasensya na kung ang paghihiwalay ng landas natin ay masyadong napaaga
Magpatuloy ka lang sa iyong paglakad huwag mo na akong lingunin o hanapin pa
Isulat mo na ang wakas ng istorya mo na hindi ako kasama.*
Jan 25, 2016
Jan 25, 2016 at 4:21 AM UTC
Simulan natin sa umpisa
Noong di pa tayo magkakilala
Akala nyo iba ang aking nagugustuhan
Dahilan ng pagkagalit sakin ng iyong kaibigan
Ng ikay sakin ay magparamdam
Laking tuwa ko dahil matagal ko na tong inaasam
ang pansinin mo at kausapin
kahit sa babae moy ito nililihim
oo, may kasintahan ka ng mapansin moko
pero hindi ito lingid sa kaalaman ko
dahil aamin kong nagging makasarili ako
nang hayaan kong para sakin ay syang iwan mo
sabihin ko mang hindi ko kasalanan ang paghihiwalay nyo
aaminin ko na ito’y ginusto ko
ginusto ko dahil may gusto ako sayo
hindi ko maitatanggi ang dahilan kong ito
pilit kong pinigilan ang nararamdaman
at nang ako ay iyong chinat minsan,
hindi ko na mapigilan ang aking sarili
ang replyan ka at saktan sya ang aking pinili
Na agad ko ring pinagsisihan
Dahil chinat ako ng iyong kasintahan
Na kung pwede na ikaw ay aking layuan
Na sinubukan ko, maniwala kayo sakin, itoy saking sinubukan
Pero anong magagawa ko
Kung ikaw mismo ang gumagawa ng paraan para magkalapit tayo
At sa bawat paglapit mo
Mas lalo akong nahuhulog sayo
Hinayaan kong masaktan sya
Para saaking ikasasaya
Hindi ko sinasandya
Hindi ko sinasadyang mahalin ka
Mar 20, 2017
Mar 20, 2017 at 8:12 AM UTC
Bahagharing makulay
Sapat pangkulay ng aking buhay
Pagkatapos ng mahabang lumbay
Nahatid ng patak ng paghihiwalay
Simbolo ng bagong paglalakbay
Nasana sa dulo ay magtagumpay
Upang lungkot ay maibsan ng tunay
Dahil ang buhay ay puno ng kulay
Sep 11, 2017
Sep 11, 2017 at 9:44 AM UTC
060821
Namuo ang mga luhang walang awat na nagpararamdam,
At sa kabila ng paghilot sa katauha'y
Daragsa ang hindi maintindihang elementong bumabalot sa liwanag.
Una,
Nasilayan ko ang larawan ng mag-inang minsang naging kabahgi ng akingnakaraan,
Kung saan naging bukas ang kanilang pintuan
Para sa mga kung anu-anong okasyon,
Mga pagpupulong na wala sa usapan,
Mga tawanang walang kabuluhan.
Ipinagkait ng pagkakataon ang paalam
Na sana man lamang ay naging harap-harapan.
At ang paalam na ito'y hindi malaman
Kung kailan ang simula at katapusan.
Pangalawa,
Sa pagitan ng pag-aaral at paghahanapbuhay
Ay namuti ang pangarap na lisanin ang kinasanayan.
Ngunit sa mismong araw ng kanyang paglilitis
Ay iba na pala ang nasa linya't nagbitaw ng mga salitang,
"Wala na sya."
Kinitil ang pangarap ng tadhana
At tuluyang naglaho ang alaala ng kanyang katauhan.
Pangatlo,
Sa apat na sulok ng pag-uusig
Ay naging bukas ang pagsalasat ng katotohanan buhat sa magkabilang panig.
Ang kanilang mga hain ay higit pa sa poot
Na may panghuhusgang bitbit at sigaw sa pula at sa puti.
Naubusan sila ng mga salita at nagtapos sa paghihiwalay
Ang kanilang mga ngitian at halakhakan,
At ang minsang pagbubunyi ay naging palitan
Ng liham ng paalam at katapusan.
Pang-apat,
Sa pagpunit ng bawat pahina ng kalendaryo
Ay nagwakas na rin ang kanilang pagkikita
Ang lihim ay idineklara't nagpaubaya na lamang sa Langit
Ang dalamhating tugon sa pag-ibig
Na sana'y may bukas at makalawa pa.
Nov 24, 2022
Nov 24, 2022 at 1:12 AM UTC