Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pagdidilig" poems
Maalam maghintay ang mga magsasaka Batid nilang mga butil ng bigas Ay mula sa mga butil ng binhi ng palay Na bago pa man maitundos sa lupa May paghahandang dapat na maisagawa   Maalam maghintay ang mga magsasaka Batid nilang kailangang palipasin Ilang mga araw at linggong magdamag Bago simulan bawat umaga ng pag-aararo Bawat umaga ng pagpapalambot sa lupa   Maalam maghintay ang mga magsasaka Batid nilang pagkatapos ng pagpupunla’y Mahabang takipsilim ng pag-aabang At pagdidilig. Hindi lamang ng tubig, Kundi pati pawis at dugo, higit na pag-ibig   Maalam maghintay ang mga magsasaka Batid nilang may panahon ng paghahasa Ng mga gulok, sundang at karit May panahon ng paghahawan May panahon ng paggapas at pag-aani   Maalam maghintay ang mga magsasaka Batid nilang may aangkin ng lupang kanila Batid nilang may panahon ng paniningil May panahon ng pag-ani ng karapatan May panahon ng pagkapatas   Maalam maghintay ang mga magsasaka Hindi sila nahihimbing sa kanilang paghihintay Mababaw ang tulog, tiyak nila ang oras ng paggising Ang oras ng pagtindig Ang oras ng paghawak ng kanilang mga karit.
0
Aug 11, 2015
Aug 11, 2015 at 10:39 PM UTC
Maalam Maghintay ang mga Magsasaka
nang dumating ako sa kalyeng puno ng alaala pinagmasdan ang kalsadang bagong gawa bakas pa rito ang pagdaan ng mga pison na pilit na pinapantay ang baku-bakong landas ng aking kinabukasan 'di pa gaanong tuyo ang itim na aspaltong kalalagay lang at sinusubukang takpan ang sementong 'di man lang nakatikim ng liwanag tulad ng aking puso ang aking pusong sa bawat tibok ay binubuhusan ng malagkit na aspalto ng pagkalimot at ang sementong balot na balot ng matigas at malutong na aspalto'y paulit-ulit na dinadaanan na tila walang pakialam sa kung gaano ba kasakit masagasaan nang paulit-ulit, paulit-ulit, paulit-ulit hanggang sa magkawatak-watak ang aspaltong kalasag ng semento mula sa liwanag at kung ito'y mangyari ay susubukan muling ayusin at bubuhusan ng mainit na aspalto upang takpan ang mga sugat at butas na sumisilip sa liwanag ngunit tulad ng pagdidilig sa patay na halaman o sa pagpilit na malimot ang minahal ay imposible at walang katuturan dahil ang nagagawa lamang ay baku-bakong kalsadang puno ng alaala at kung pagmamasdan ang kalyeng bagong gawa ay bakas ang paghihirap at pagpilit na ikubli ang itinatagong nakaraan
0
Dec 10, 2015
Dec 10, 2015 at 7:38 AM UTC
aspalto