Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Tahimik na nagmamasid.
Diretso ang tingin.
Nakita ko ang sarili nasa himpapawid, hindi alintana ang pagpatid ng bawat pakpak na pudpod na sa kakagamit,
Hindi alintana ang kanilang unti-unting pagdating, basta diretso lang ang tingin.
Sa iisang direksyon lamang nakatutok ang aking paningin,
Nakikita kita. Naaaninag.
Ikaw lamang ang tanging bituing nagliliwanag sa gabi.
Ikaw ang buwan, ikaw ang araw.
Ikaw ang pagkapit, ikaw ang pagbitaw.
Ikaw ang sa umaga'y araw na nakakasilaw.
Ikaw ang sa gabi'y buwan na tanging lumilitaw.
Ikaw ang paru-parong mapangakit.
Nakakaakit. Hinabol kita para lamang mahuli.
Hinabol kita pero ang hirap mahuli.
Hinabol kita pero akala ko ako na ang huli.
Pero mali.
Hinabol kita habang hinahabol mo siya.
Minahal kita pero minamahal mo siya
Kailan kaya mangyayaring tayo ay pagbaliktarin ng tadhana?
Kailan kaya mangyayaring ang ako ay magiging ikaw?
Na naghahabol, walang pagod sa paglipad para lang maabutan ka.
Kailan kaya mangyayaring ang dating ako lang ay tayo ng dalawa?
Dalawang paru-parong dadapo sa isang bulaklak na pareho nating gusto.
Kailan kaya ang durog na ako ay muling mabubuo?
Kailan ka kaya hihinto para lamang hintayin ako?
Kailan? Kailan nga ba?
Kailan mo nga ba malalaman na ang ligaw na paru-paro ay sayo pala patungo?
Para sa mga torpe ---
kuhanin man ng liwanag
o lamumin ng kalawakan
pagsapit ng dilim
kahit nakapikit
mahiwaga ang tanawin
kita ang mga bituin
maging malamig man ang umaga
maging mainit man ang gabi
o kaya sila'y pagbaliktarin
ngiti ko'y di magninimdim
ako'y maghihintay pa rin
tatangayin, aabutin

— The End —