Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nilalaro" poems
Sa paglipas ng panahon Mundo ay tuluyan nang nabago, Kabataa’y apektado Sa bagong lipunang minulatan. Kabataan noon ay respetado Hindi matitigas ang mga ulo, Laging magalang sa ama’t ina At sa mga nakakatanda sa kanila. Kabataan ngayon ay babad sa social media Naaapektuhan na ng teknolohiya, Sa gawaing bahay ay tamad na Kung utusan mo ay sisigawan ka pa. Kabataan noon ay naglalaro pa Ng patentiro, tumbang preso at iba pa, Kabataan ngayon ay puro gadgets na Nilalaro at kanilang libangan. Nalulungkot akong isipin Pero ‘yan ay ating yayakapin, Nakikita ko rin na hindi lahat Pero karamiha’y nailamon na ng makamundong gawa. Kahit sa paglipas ng panahon Mundo ay nabago, Malaki man ang agwat ng pagbabago Natutuwa akong may ibang kabataan pa rin na may mithiin sa bayan.
0
Jul 9, 2019
Jul 9, 2019 at 1:37 AM UTC
KABATAAN NOON AT NGAYON
Minsan gagamit ng payak na salita Ngunit ito'y uusigin ng iilan; Minsa'y sisisid at muling hihinga Ngunit tatadtarin ng masasakit na salita. Kung ang pagsusulat ay pagmulat Ba't hindi na lang maging simple sa pagpili ng bawat salita't parirala? Ba't hindi diretsahin nang ang punto'y maging kalma? Kung saan walang tensyon, ayos pa't plantsado. Minsa'y wala namang nais ipahiwatig Tanging ang letra'y nilalaro't nagiging bukambibig Wala nga bang dahilan? O ayaw mo na lamang lumaban? Sa mundong ginagalawan Hindi lahat makaiintindi Hindi lahat makikiayon Pagkat hindi iisa ang bida May iilang ekstra sa eksena Kaya marapat na handa ka. Ang pagsulat ay malaya Kaya naman hindi tugma ang bawat kataga Ganyan ang nadudulot ng demokrasya Malaya ka nga, pero hindi na maganda 'pag sobra. Kung babasahin, minsa'y nakapapanting ng tainga Ano ba ang ipinaglalaban sa pagtaas ng tono niya? Ang pagsulat nga'y musika rin Kung mali ang basa sa tono'y hindi maganda ang himig Parang kapeng depende sayo ang magiging timpla't panlasa. Isang simpleng mamamayan sa magulong pamamalakad Dagdagan pa nang nagsisipagsalipadpad na dungis ng bayan Hindi ka nag-iisa, ganun din ang pakiramdam ko. Ngunit ang bawat Pilipino sumasabay sa himig ng Lupang Hinirang Nasaan nga ba ang sinasabing "alab ng puso?" Tila ang bahaging ito ng liriko'y walang saysay sa iba Ang pluma ng ila'y wala palang tinta Ngunit patuloy pa rin, walang nagagawa Walang ginagagawa, walang nais na pagbabago. Ganoon kahalaga ang pagbitaw ng bawat salita Sa bawat punto, bawat espasyo, tuldok at kama Mayroong layong nakapag-iisa Mayroong sentimyentong ipinangangalandakan Mayroong uusbong na himagsikan -- Mabuti man o masama. Abstract/ abstrak Mabuti pang ganyan ang pagsulat Nang hiwatig ay pansarili lamang Ngunit ang leksyo'y hindi manganganak Hindi aabot sa mga apo ng bagong henerasyon. Bale wala ang salita Kung ang mga ito'y walang aksyon; Bale wala ang salita.. Kung ang puso'y wala namang direksyon. (6/28/14 @xirlleelang)
0
Jun 28, 2014
Jun 28, 2014 at 4:46 AM UTC
Ang Payak na Kasulatan, Pag-usbong rin ba ng Himagsikan?

Continue reading...
52
Sa aking pagiisa alaala mo'y aking kaulayaw Ang dilim na bumabalot ay ang bisig mo Ang dampi ng hangin ay ang marubdob **** halik Hinahanap-hanap ko ang amoy mo Ang marinig muli ang iyong halakhak Maramdaman ang marahan **** paghinga At ang init nitong kumikiliti sa aking leeg Ang pakinggan ang musikang likha ng iyong dibdib Sa marahan at maharot nitong pagkabog Nilalangoy sa bawat tingin Manaka-nakang mapapapikit At ikaw nama'y patuloy sa pananaliksik Lulunurin kita sa aking panunukso Ikaw nama'y patuloy sa pagsuyo sa aking mga labi Nilalaro ang guhit sa iyong palad Inuukit ang ngalan at ang gabing iyon Nakasanayan na ang paghagod sa iyong buhok Linya ng pagngiti ay kabisado na Hinaharana ako sa gitna ng dilim Kay higpit ng iyong yakap At ako'y napapasinghap Bawat bahagi mo ay naging parte ko At bawat parte ko ay naging bahagi mo Tayo ay naging sanlaksa Nanganak ng mga “ako” Bumuo sa “tayo” ng uniberso … Maayos na ang kobrekama Malamig ang titig nito Punyal na tumatarak sa dibdib Dugo ang bawat paghinga Bakas ay nilamon na.. Tanging sa isip na lamang kita makakasama sa tuwina Nagngingitngit ang aking mga kamay Mata ay pilit sinasara Ang katotohana'y ikaw ay malayo na Pinalaya. Ikaw sana'y lumago Ang dilim ang magkukubli sa pagluha Ang hangin ang bibingi sa sakit Humayon ka ng mag-isa.
0
Sep 26, 2015
Sep 26, 2015 at 6:49 AM UTC
Vertigo
Sa bawat oras na kayakap kita, Piling mo'y palagi kong ina-alaala. Sa bawat oras na nagsasalita ka, Mga ibinibigkas mo'y pawang musika sa aking tenga. Sa bawat oras na tinitigan kita, Para akong nasa langit nakatulala. Pero lahat na ito, totoo nga ba? Hindi ba tayo nilalaro ni tadhana? Gugustuhin ko man maniwala, Ano pama'y aking magagawa? Kung lahat na ito'y isang panaginip na gawa-gawa? Nagmamaka-awa ako paki-usap ko'y dinggin niyo na. Sa bawat oras na kasama kita, Palagi kong itinatanong sa Maykapal, Ito na ba talaga? Ikaw na ba talaga iyan? Ngunit noong hinawakan ko ang kamay mo, Bigla akong nagising sa katotohanan. Lahat lang pala iyon ay isang panaginip lamang. Ah, tama ang hinala ko. Hindi nga talaga pwede na maging tayo. Kase alam ko na ang ikaw at ako. Ay isang kalokohan na gawa-gawa ko. Isang walang kwentang kathang-isip na gawa ko. Ah, kaya pala nagising akong luhaan. Dahil binigyan ako ng isang magandang kasinungalingan. At sa pagmulat ng aking mata, Binigyan ako ng isang mapait na katotohanan. Bakit ko pa ba napaniginipan iyon? Kung alam ko na sakit lamang ng puso ang makukuha ko. Hay naku! Ang sakit ko namang managinip. Isang napakasakit na mapag-isang panaginip.
0
May 9, 2019
May 9, 2019 at 10:29 AM UTC
Mapag-isang Panaginip
Pinili kong piliin ka Kahit alam kong pumipili ka ng iba Pinili kong piliin ka Kahit alam kong may mas higit kaysa sa akin sinta Pinili kong piliin ka Kahit alam kong ako’y nilalaro na Pinili kong piliin ka Kahit sobrang sakit na Minsan inaakala natin na sa bawat paghinto Ay merong mag-aakay sa atin papalayo Papalayo kung saan tayo nakatayo Minsan inaakala natin na sa bawat jeep na hihinto ay tayo agad ang dahilan nito Minsan may kumakaway sa harap natin Pero yung kaway na yun ay para pala sa taong nasa likod natin Mahirap umasa, ayoko na ng akala Ayoko ng umasa, at mas mahirap akalain ang akala mo ay may kayo na. Pwede kang mangarap, pero mahirap Pwede ka niyang maging kaibigan Pero hindi pwedeng maging kayo Pinili kong piliin ang minsang inaakala kong pwede.
0
Feb 10, 2019
Feb 10, 2019 at 8:59 AM UTC
Minsan Pwede Pumili