Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
kingjay Jan 2019
Sa malayong baryo ng lalawigan ng Antigo, ng bayan ng San Arden
Nakatira kapiling ng ama
Sa murang edad, sanay magtrabaho
Magpukpok ng pako sa tabla

Sapagkat naulila sa inang nagluwal
Ikinapahamak ang matagal na pagpapakasakit
upang mailabas lang kapagdaka
bilang anak niya
sa kamalig ng kanyang ama

Kinalong ng lolo
Mga kamag-anak ay humingi ng saklolo
Bumugalwak ang dugo sa patadyong
May pag-asa pa bang mailigtas
kung dadalhin pa sa bayan nang gamutin ng pantas

Sa daraanan sa palayan, kay lakas ng ulan
Pumapagaspas ang dahon ng palay
Kakaunti lang ang hininga sa di magkamayaw na hangin
Talagang binawian na
Nautas ang ilaw ng pamilya

Sapagkat iisa lang ang bunso't panganay
Kailangan sundin ang utos at patnubay
Kung nabagot sa kahihintay,
sa pag-uwi may sasalubong-
hampas ng latigo na maglalatay
kingjay Dec 2018
Tulad ng duling, di kayang magbilang
Wala na makadugtong sa pangarap
Nanlimos sa kanto
sadyang naulila
Sa bayang sinisinta nawawala

Talagang kumakapit ang mga nagawang kamalian
Sa muling pagdilat ng mata ay di mapalagay
Lahat ng bisala ng mga bagay ay nahahanap ng wari
Sa isang kisapmata, laging nauulit

Sining ng pagbabalatkayo
Magpakalabis ng konting katuwaan
Tinakpan ng panlabas na ekspresyon
Naanod sa kasayahan

At nalungkot ang nagsidatingan sa piging
Ang nagtago ng tunay na damdamin
Sa bandang huli, bumaybay ng mga hinaing

Sapat na masilayan ang paghati ng abot-tanaw
sa lagablab ng araw na unti-unting naparam
at sa karagatan na nag-iwan ng pamana
kingjay Jan 2019
Isang araw na nang naulila ay hindi lumalabas ng kwarto
Sa kulungan pinagdudusahan ang kasalanan - ang mahuli sa pagkagising at nang hindi nabantayan hanggang sa pagtilaok ng mga manok para matiyak ang kaligtasan

Nagdalamhati ang nagtipon sa misa ng patay
Tuyong lupa ay nadiligan ng luha nang ibinaba ang kabaong sa ibinungkal na lupa
Ibinaon ang pagdaramdam pati ang pagsisi sa kasarilihan

Huling mga salita ay sariwa pa sa pandinig
"Agosto, buwan na madalas dalawin ng bagyo"
Ang papel na kinuha ay siyang rekwerdo
Ama na nagpalaki ay huwaran sa mga pamilya

Labing isang taon inalipin ng pag-ibig
At sa kanyang pagbalik panibagong bukang-liwayway sa marahas na buhay ay tumingkad
Ganap ng abogado - Reyna ng kanyang pangarap ang binibini

Nang sinadya na dumaan sa kanyang bakuran
Nakita sa bintana, isang manliligaw kasama ang buong angkan
Hinayaan ang pagmamahal na maghintay
Datapawa't may mali sa natatanaw
Hindi na masiyahin ang dilag
85 Nawasak ang kawayang palasyo
Kayraming nagkandamatay na mga tao

86 O anong salot na mabalasik
Ng mangkukulam na naghasik

87 Buong gabing dagundong
Ng mga higanteng lagunlong

88 Katakut-takot sa pandinig
Sa dibdib lakas kabig

89 Kinabukasan ng umaga
Halos lahat naulila

90 Maging ang hari’t reyna
Nawalan ng prinsipe’t prinsesa

91 Oo, nawawala sina Agus at Dara
Lumipas mga araw ‘di sila nakita.

-06/28/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 154

— The End —