Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"napagkasunduan" poems
Sa distansya umusbong ang lahat Kung paano nagkrus ang ating mga landas Na sa dinarami-rami ng tao’y ikaw pa Sa simpleng pagbati mo nagmula
 Sa distansya tumibay ang relasyon Nagpakatatag sa panahong magkalayo Kinubli ang hirap ng mga pagbabago Nanahimik sa likod ng maraming tanong Sa distansya nagsimula ang problema Kawalan ng tiwala ang naging ugat Pag-iisip kung nararapat pa bang ipaglaban At hawakan ang pangakong unting unting nawawala
 At sa ‘di inaasahan, sa distansya rin nagtapos Tumigil nang maniwala sa “Kaya natin ‘to” Napagkasunduan at magkasamang nagdesisyon Napagtantong pag-ibig ay ‘di sapat sa isang relasyon
0
Sep 10, 2017
Sep 10, 2017 at 2:15 PM UTC
distansya
"Ang pagmamahal ko sa iyo ay kasing init ng bawat pagsikat ng araw. Ngunit kapag ako ay iyong sinaktan, asahan **** hindi mo na masisilayan ang paglubog ng araw." Sa isang sikat na resort sa Laiya, Batangas napagkasunduan ng magkakaibigang sina Adlaw, Bulan, Amihan, Machete, at Tawa-Tawa upang alalahanin at damhin ang buhay probinsiya. Halos limang taon na rin ang nakalipas nang huli silang nakauwi sa kani-kanilang probinsiya. At dahil sa iisang kompanya lamang sila nagtatrabaho sa Makati ay sa isang lugar na lang din nila napagdesisyunang magliwaliw. Iyon nga lang ay isang araw lang ang common day off na mayroon sila, kaya lulubusin din nila ang isang araw upang magtampisaw sa karagatan. Nasa iisang kompanya lang sila nagtatrabaho na kung tawagin ay Cliffhanger Outsourcing Center, pero magkakaiba ang araw ng kanilang day off. Sina Adlaw at Bulan ay mag-ka-teammate na kung saan ay miyerkules at huwebes ang araw na wala silang pasok habang ang tatlo na sina Amihan, Machete at Tawa-Tawa ay Huwebes at Biyernes naman ang araw na walang pasok. Sakay ng isang van na ang may-ari ay si Machete, dere-deretso na silang bumiyahe. Madaling araw pa lang ay agad na silang umalis. Kapag maluwag ang daloy ng trapiko ay aabot lamang ng isang oras at kalahati ang biyahe patungong Laiya, Batangas.
0
Jul 9, 2018
Jul 9, 2018 at 2:58 AM UTC
Black Satur-Death
Ang aking unang pag-ibig ay tila ba perpekto, Tila ba ito'y hindi magwawakas hanggang dulo. Ngunit sa isang iglap ito'y nagbago, Dating masayang relasyon biglang naglaho. Nagsimula sa isang bagay na hindi napagkasunduan, Hanggang sa dumami't hindi na mabilang, Naghanap ng ibang tao na pwedeng mapaghingahan, Panandaliang sarap sa iba'y kanya ring tinikman. Kaliwa't kanan na sumbatan, Mga pagkakamaling paulit-ulit binabalikan, Mga salitang masakit na hindi na malimitahan, Tila ba kami'y estranghero at walang pinagsamahan. Ako nga ba? Ako nga ba ang dahilan tulad ng iyong tinuran? Hindi ba't ikaw itong nangloko at ako'y pinagtaksilan? Masaya ka ba sa iyong ginawang kasalanan? Habang ako'y nandito at patuloy na nasasaktan. Saksi ang lahat kung paano kita minahal, Ipinagmalaki at ipinaglaban sa pamilya kahit sila'y hadlang. Hindi sukat akalain na ito'y hindi magtatagal, Relasyon na aking iningatan, ngayon ay isang kwento na lamang.
0
Dec 15, 2021
Dec 15, 2021 at 1:11 PM UTC
Ang Aking Unang Pag-ibig
Masarap na Pangakong atin ay napagkasunduan tuparin hangang dulo. Pangakong sa atin ay nag nagbibigay saya, Pangakong sa atin ay nagpakilig talaga, Pangakong pinanghahawakan na akala hangang dulo na, Pangakong sa una ay pilit tinutupad, Pangakong sa Una lang pala, Kasi ngayon yung mga Pangakong atin ay napag kasunduan sakit lang pala ang dala. Pangakong sa tuwing maaalala ay nag bibigay na lang nang lungkot sa puso ng bawat isa, Pangakong  nagbibigay sakit sa Damdaming nating dalawa, Pangakong sa alaala na lang pala. Pangakong Ngayon ay Binitawan mo na, Pangakong hindi naging sapat para manatili ka sa tabi ko at mahalin ako hangang dulo, at ang  pinakamasakit na Pangako, Pangako sa isat isa na ngayon ay Tinutupad mo na sa Iba.
0
Sep 4, 2019
Sep 4, 2019 at 12:15 AM UTC
Pangako