"nanggagaling" poems
Sa bawat paggalaw ng iyong kamay
Sa bawat paghampas ng kulay mula sa iyong kaluluwa
Tila nilalason ang isipan ko
Sinasabing kay ganda ng lahat ng mayroon sa’yo
Hindi maikukubli sa aking mga salita
Ang paghanga sa lahat ng kung sino ka
Nangingislap ito mula sa ilaw
Na nanggagaling mula sa pagkatao na pagmamay-ari mo
Umaalab ka ngunit hindi mo pansin
Mapapaso ang sinomang lalapit sa’yo
Ngunit pipilitin nilang mahagkan ka
Sapagkat ikaw ang katuparan ng pangarap nila
Pinutol mo ang sarili **** mga pakpak
Kaya naman hindi mo naaatim
Ang yaring tayog na iyong taglay
Kung makakalipad ka lamang sana
Likas sa’yo ang nais mo
Kumakatok ako’t nakikiusap
Gumising ka, marikit na binibini
At kamtan mo ang matagal nang nasa iyo
Sep 8, 2015
Sep 8, 2015 at 10:40 AM UTC
Siya ay parang ulan
Kay tagal **** hinintay
Sa panahon ng tag init,
Na sa pag dating nito
Ay maiibsan ang sakit
Na dala ng sunog
Sa iyong katawan.
Na dala ng init
Na nang gagaling sa kaniyang mga halik.
Tandaan mo, siya din ang sumunog sa iyong dibdib
Pero siya padin ang iyong hinihimig.
Eto ka nanaman, nakatayo sa kalagitnaan ng bagyo.
Nakayuko, sinasalo ang bawat patak ng ulan.
Umaasang na siya'y iyong mahahawakan.
Pero wag kang magpaka tanga.
Siya ay tubig, lumulusot sa mga singit ng iyong mga daliri. At humahaplos sa bawat sulok ng iyong mga sanga. Pinararamdam kung anong piling ng kasama siya.
Sige, pwede kang umiyak, walang makaka halata, sa bawat pag bagsak ng mga luha na nanggagaling sa iyong mga mata. Iyak lang ng iyak. Maghihintay ako sa iyong pagtahan
Pero tandaan mo, wala kang karapatan magselos. Kase hindi mo naman siya pagaari,
Siya ay pangpataba ng lupa.
Wag kang maging hadlang,
Sa pagtubo ng mga bunga ng kanilang pag mamahalan.
Pero wag kang magalala.
Hindi ko ba nasabi sa iyo
Na ikay isang puno,
Na paparating na ang tag sibon.
At ngayon mo lang mapagtatanto
Na sa kabila ng lahat ng ito, siya ay nasa tabi mo lang, patuloy na binubulong sa iyong mga tenga,
"Mahal, nadito lang ako. Akap akap ang iyong mga braso. Hinding hindi ako kailanman maglalaho"
"Halika tayo'y muling mag simula."
Aug 9, 2015
Aug 9, 2015 at 10:53 AM UTC
i.
Init ng araw sa iyo'y nakatapat
Init ng pakiramdam'y akala mo
Sa araw na ito nanggagaling
Ito pala'y sa awiting pinapakinggan
Kabagabagabag.
ii.
Lumamig na kape
Ng dahil sa erkon
Lumamig na damdamin
Nag iba na ang hangin
iii.
Pagsasayang ng oras
Akala ay magsasama na
Tayong ligaw ngunit
Parehas ang daan
Ngunit maghihiwalay rin sa huli
Kinabukasa'y maghihintay muli
iv.
Salamat sa halos anim na buwan
Masyado akong nasaktan
Sa mga nasambit **** mga salita
Ng iyong bibig
Na hindi nagsisinungaling.
v.
Isang gabing puno ng musika
Isang gabi ng hiyawan
Kantahan
At hiyawan ulit
Palakpakan
Kantahan
Di makakalimutan
Ang sandali
Sa uulitin
vi.
Mga malulungkot na kanta
Nakapagpapaligaya sa aking tenga
Malulungkot na kanta
Masasayang nota
Pinagsama
Akala mo parang tanga
Hindi, hindi.
vii.
Kung gustong magpatuloy
Burahin ang nararamdaman
Kung gustong mabuhay
Burahin siya sa iyong isipan
Oct 7, 2015
Oct 7, 2015 at 5:33 AM UTC
*Halina kayong lahat at makinig!
Magdikit-dikit at magkapit-bisig!
At sabay pakiramdaman ang tahimik na unos
ng isang dakilang puting kandilang upos.*
Dito sa ating liblib na barrio
Nakatago ang isang kandilang puti
Labis na mahaba;
ang pasensya
na tila kayang hintayin
ang walang hanggan.
Ngunit labis na manipis;
na kaybilis tablan at lapitan ng hinagpis.
Dumating ang araw na kinailangang sindihan
ang dakilang puting kandila
sapagkat nawala at napundi na
ang ilaw ng tahanan.
Nang idinikit ang posporo sa kanyang mitsa
ay hindi sadyang nakapaso ang kandila
subalit ang nagsindi
ay 'di napigilang magalit,
pilit na pinutol ang kandilang puti
sa gitna at ito'y nangalahati.
Walang nagawa ang kandilang mayumi
kundi iiyak ang mainit nitong pagkit
ngunit ang tanglaw nito ay kayliwanag
buong barrio'y mararamdaman ang kanyang sinag.
Ilang araw nangyaring muli
ang pagpasong hindi minimithi
ang kandilang puti'y
patuloy pa ring nangangalahati
ngunit ang liwanag sa barrio'y
sa kanya pa rin nanggagaling.
Dumating ang araw ng kandila
na hindi na maaring kalahatiin.
Unti-unting sumuko na rin
ang mahaba nitong mitsa.
Sa huling sandali,
ay hindi na nakapagpigil
ang mapanghimok na nagsindi.
Buong lakas na nag-ipon nang hangin
Buong pwersang sumigaw sa kandila.
Ang kandila'y 'di na nanlaban
at nagtuloy nang manghina.
At sa huling bulong ng nagsindi,
ang liwanag ng kandilang puti ay napundi.
*Halina kayong lahat at makinig
Magdikit-dikit at magkapit-bisig
sabay pakiramdaman sa walang kibong katahimikan
ang umaalulong na hagulgol ng dakilang kandila.*
Sep 16, 2016
Sep 16, 2016 at 1:12 PM UTC
Noong bata pa ako
Gustung-gusto ko kapag malamig
Iyong tipong hindi ko na kailangan ng electric fan
At hindi rin ako pinagpapawisan
Pero noon 'yon
Nang wala pa akong ibang depenisyon ng lamig
Nang hindi ko pa alam kung ano ba ang pakiramdam kapag may nanlalamig
Akala ko kasi dati ang taong malamig lang ay iyong patay
Akala ko kasi dati ang lamig ay dulot lang ng malakas na hangin, paparating na bagyo o kaya ng amihan
Akala ko kasi dati hindi darating sa punto kung saan unti-unti ka nang magpapaalam
Unti-unti mo na ako iiwan
unti - unti mo na akong kinalimutan
bakit? bakit kung kelan na magiging pamilya na tayo
bakit kung kelan maroon ng laman ang sinapupunan ko
bakit kung kelan may tatawag na sayong "ama ko"
bakit mo kami binitawan at pinabayaan ng anak mo
Malamig
Hindi dahil sa amihan o sa kung ako pa man
Maayos ang panahon ngunit bakit ganoon
Dati naman kapag malamig ay kuntento ang tulog ko
Ngunit simula ng manlamig ka
Nakakatulog ako matapos ang pagbuhos ng mainit na likidong nanggagaling sa mga mata
Simula nang manlamig ka hindi ko na alam kung ano ba ang kaibahan mo sa yelo
Simula nang manlamig ka hindi ko na alam ang gagawin ko
Hindi ako sanay ng ganito
Sanay ako sa mainit **** yakap
Sanay ako sa mainit **** pagtanggap
Pero sa lamig ng iyong tono'y naninibago ako
Bakit ka nagbago?
Ikaw pa ba iyan?
O ang katauhan mo'y in-abduct na ng mga yelo
Pero hindi ko matanggap
Na sa pagbitaw mo sa aking mga yakap
Sa hindi mo pagpaparamdam
Sa hindi mo pagpansin
May iba akong nalaman
Kaya pala
Kapag pala nanlamig na
May nagpapainit na palang iba
Feb 27, 2018
Feb 27, 2018 at 5:16 PM UTC
paminsan pangungusap
madalas tanong
paminsan nagmumula sa'yo
madalas nanggagaling sa'kin
paminsan kay hirap sabihin
madalas kay sarap pakinggan
paminsan binibitawan
ng may kasiguraduhan
madalas may kalakip
na pagdadalawang isip
paminsan may kahulugan
madalas hindi maintindihan
paminsan walang bakas ng kasinungalingan
madalas di mahagilap ang katotohanan
paminsan tapat at totoo
madalas hanggang panaginip na lamang
Apr 18, 2016
Apr 18, 2016 at 5:11 PM UTC
Yung tipong malaswa na ating gagawin ng walang awa hangga't tayo'ng dalawa'y
magsawa
Halika't kumapit sa'king labi, pagkat pagod na ako'ng magtimpi.
Nagugutom na't nangangati.
Ayoko ng mag isip- gusto ko ng managinip habang nilalasap ang ihip na nanggagaling sa'yong maliit na bibig
Halika't lumapit at ika'y aking patitikimin ng pag-ibig na mararamdaman lamang sa pamamagitan ng pagkikiskisan ng ating mga balat, habang ang damit ay nakakalat sa sahig ay magyayakapan tayo sa ilalim ng mga kumot at unti-unting mawawala ang lamig sa paglaro ng ating mga bibig
Sep 15, 2017
Sep 15, 2017 at 10:13 AM UTC
Ito ang kahulugan ng pangalan mo,
Ikaw ang liwanag sa madaling araw,
Ang unang kislap na pumupunit sa dilim.
Ikaw ang simula ng umagang kay ganda,
Na nagkukubli sa haba ng gabi,
Habang umaawit ang magdamag.
Sumalungat ang hangin sa sikat ng araw
Kaya’t patuloy kang nagniningning.
Tiyak na naiinggit ang mga bituin
Sapagkat higit kang marikit kung ihahambing.
Ang buong maghapon ay tila isang panaginip.
Saan ba nanggagaling ang iyong ningning?
Nagmula ka pa sa kabilang kalawakan sakay ng bulalakaw,
Tila ganyan ang iyong pagdating.
Sige lang patuloy kang magningning
Nang magliwanag ang buhay na madilim.
Dec 7, 2017
Dec 7, 2017 at 7:21 PM UTC
072921
Nag-uumapaw –
Nag-uumapaw ang Iyong pag-ibig at pagkalinga
Sa pagsilang ng araw.
Ang Iyong mga yakap na hinahagis ng hangin
At dumadampi sa aking balat,
Ay maigting na pagtapik sa aking kaluluwa.
Di ko masukat kung gaano kalawak ang karagatan
At ako'y nabihag; ako'y nabighani Sa'yong kagandahan –
Kagandahang mismong ang Iyong mga nilikha
Sa kanila ko nasisilayan
Sa kanila ko nararamdaman
Ang pag-ibig na sinasabi **** walang katulad,
Walang pamagat, walang sukat.
At walang kung anumang lalim.
Sa'yong pag-ibig, hayaan **** matuklasan ko
Hayaan **** masilayan ko
Ang nais sambitin
Sa mga pahina na nakasulat –
Iyong Isinulat noong nakalipas pa.
Sa bawat paglagas ng mga dahon
Para itong bumubuhos sa'king mga paa
At sa tuwing ako'y titingala'y
Gusto kong saluhin ang lahat nang paisa-isa
Saluhin lahat ng mga biyaya
Ng bawat pag-ibig
Ang bawat pagkalinga Mo
Na hindi ko malaman kung saan nanggagaling.
At hindi ko matansya
Kung bakit hindi nauubos ang Iyong pag-ibig.
Pero salamat, salamat Panginoon
Salamat sa walang hanggan –
Sa walang hanggan dahil sa pag-ibig Mo,
Inialay Mo ang Iyong anak na si Hesus.
Hesus na syang lunas ng anuman –
Anumang sakit, anumang delubyo,
Anumang pagkukunwari, anumang pag-aalala
Anumang walang pagtitiwala..
Anumang poot at sakit na nararamdaman,
Nananatili man yan sa puso o sa isipan
O yung mga taong nakasakit sa'yo
Mga taong nasaktan mo.
Dahil sa nag-iisang Pangalan,
Kaya nitong tupukin ang lahat
Kaya nitong bawiin ang lahat ng nawala sayo.
At dahan-dahan,
Dahan-dahan kang ngingiti
Hindi lamang ang Iyong mga labi
Kundi ang puso mo
Na ang hantungan ay doon sa kalangitan –
Sa kalingatan kung saan sa trono
Ang trono ng Liwanag ay patuloy na kikinang
Patuloy na mamumutawi ang kagandahan
At sabay-sabay nating masisilayan
Ang pagbabalik ng hinihintay ng lahat.
Salamat at patuloy tayong maghihintay
Patuloy na iibig
Patuloy na mananampalataya..
Patuloy lang, patuloy lang..
Jul 30, 2021
Jul 30, 2021 at 2:45 AM UTC
Siguro nga'y tayo lamang
ang mga tao sa mundo,
at ang mga ilaw sa daan ay disenyo lamang
ng mga 'di nakikitang kamay,
ang matamis na boses na nanggagaling sa kahon
ay likha lamang ng ating mga isip,
at ang mga katanungang pumupuno sa katahimikan
ay guniguni na dulot ng magdamag.
Ang puwang ba na pumapagitna ay tulay
o dingding?
Ang dilim ba'y bunga ng gabi o dahil
pareho tayong nakapikit?
Malabo ang lansangan sa likod ng salamin
ngunit ngayon, sa bulang ito,
lahat ay malinaw, totoo.
Dec 24, 2019
Dec 24, 2019 at 4:04 AM UTC
Noon, ang tanging kinakatakutan ko lang ay ang hindi makatulog sa hapon
Ang mahuli ng magulang na tumatakas para makalabas at makipaglaro
Ang matakot sa mga kwentong multo na gumagala tuwing alas tres ng madaling araw
Ang manuod ng horror na pelikula at matulog na bukas ang bombilya pagkatapos
Ang dumilat at sumilip sa ilalim nang kama
Noon, natatakot lang akong makakita ng pulang marka sa aking papel
Ang hindi makasagot sa pagbigkas sa nakabusangot at nakakatakot kong titser
Ang mahuling nakikipag daldalan sa katabi kong kaklase
Ang hindi makauwi sa tamang oras na binigay ng magulang
Natatakot ako sa mga maraming bagay
Ngunit nagiba narin ang mga bagay na kinakatakutan ko sa mga taong lumipas
Mas lumaki na sila at mas naging matapang
Mas naging matulis ang mga pangil at humaba ang mga binyas, ang buhok, ang kuko
Mas bumilis, mas lumiksi
Mas mahirap nang labanan
Hindi na pwedeng basta idaan sa pagtulog at pagtakas
Hindi na basta basta napapatay ng liwanag na nanggagaling sa bukas na ilaw ang takot
Hindi na rin nawawala ang takot sa pag balot sa buong katawan ang malambot na kumot
Hindi na madadaan sa pagsiksik sa pader upang hindi mahila ang mga malamig na paa sa nagtatagong takot sa ilalim ng kama
Nov 20, 2020
Nov 20, 2020 at 10:08 AM UTC
Hindi ko na kilala ang mga sugat na ‘to.
Kung saan ba 'to nanggaling o
paano ba 'to nangyari
Nandito na tayo sa parte ng magulong mundo
na hindi na alam ng mandirigma kung
nasa hilaga ba o nasa timog ang binabaybay.
Kung sino ba ang tunay na kakampi sa hindi
Saan ba gagapang palayo?
Saan itatago ang natitirang pagkatao?
Hindi ko na marinig ang bawat katinig
at patinig ng bawat salita dahil sa ingay.
Kanino ba nanggagaling ang hinaing
Saan nagsimula ang pasaring?
Paano nga ba tayo nakarating dito?
Alam mo, dahil sa’yo.
Gusto kong ipako lahat ang sisi sayo.
Ikaw ‘to. Kasalanan mo. Sinabi ko naman sayo.
Ganyan ka. Mali ka. ‘Di mo maintindihan.
Ikaw; Ikaw lang ang mali.
Alam ko ang bawat kanto
nitong pinasok nating pangako.
Kabisado ko ang bawat pintong nakasarado
Mga pinakatatagong sikreto
Hindi tulad mo.
Hanggang ngayon naliligaw pa din
Kaya tama ako.
Mali ka, tama ako.
Tama ako?
Tama na.
Pero ito ‘yung parte ng laban
na hindi na tayo pwedeng sumuko.
Hindi pwedeng tumakbo
palayo at takasan ang katotohanang
nilakbay natin 'to ng magkasama,
narating natin ‘to sa sarili nating mga paa.
Dahil magkabuhol na
ang mga sintas ng pagkatao natin
at imposibleng ipangalan lang
sa isa ang kasalanan.
Hindi na natin kailangang magpanggap pa
dahil tanggap na
Nadapa tayo. Hindi lang ikaw. Hindi lang ako.
Tayo. Nagkamali tayo.
‘Yun lang ang tamang hinaing
para maitama natin ‘to.
Jan 16, 2020
Jan 16, 2020 at 1:04 AM UTC
Kahit gaano katagal maghihintay ako.
Dahil alam Kong walang papantay sayo.
Patawad mahal sa mga araw na nagkulang ako.
Mga araw na ibinibigay mo yung buong puso mo
na tila wala ka nang itinira para sa sarili mo.
Patawarin mo ako sapagkat ako'y huli na.
Huli na ng maramdaman kong ika'y mahalaga.
Patawad sa mga bawat letrang lumabas sa bibig ko
Na alam kong sinaktan ka at tumagos sa puso mo.
Na para bang bawat letra na nanggagaling sa mga
salitang binibitawan ko
Ay tumutusok at hinihiwa ang puso mo,
At unti-unti **** nararamdaman ang sakit at kirot na dulot nito.
Feb 3, 2020
Feb 3, 2020 at 3:40 AM UTC