"namaalam" poems
Lola una kong nasilayang maging tunay na nanay.
Pagmamahal sayo'y tunay na naramdaman.
Mabuting Pangaral ay sayo unang natutunan.
Minsan mo mang napapagalitan at napapalo ito'y sa ikabubuti ko naman.
Katuwaan ay nakakamtan pag ikaw ay nasisilayan lalo't makita sa mga mata at labi ang iyong kasiyahan sa twing kami sayo ay dumadalaw.
Mga anak mo at apo ay nakukompleto para pangungulila mo ay maibsan.
Sa twing pasko ay paparating pananabik sa puso ay walang mapaglagyan dahil sa ikaw at ibang pamilya ay makakasalo.
Lola ikaw ang una kong naging tunay at tapat na kaibigan.sa tuwing ang puso ay may dinaramdam ikaw ang unang sinasabihan.mga pangaral na ibinibigay mo ay malugod kong pinapakingan.
Ngunit isang araw kami ay nagimbal ikaw daw ay may karamdaman,pilit ang oras ay hinahabol upang ikaw ay masilayan at makausap man lang.
Ngunit tadhana ikaw ay ipinagkait at damdamin ay sinaktan,nang malaman na ikaw ay tuluyan ng namaalam.
Masakit ang yong paglisan,kirot sa puso hangang ngayon ay nararamdaman.
Pasko ay paparating na ngunit ikaw ay wala na
Sabi nila tangapin na lang ang yung paglisan,ngunit paano tatangapin kung ang puso ay hindi pa handa sayong pamamaalam.
Puso ay hindi parin matangap na kami ay tuluyan mo ng nilisan.
Pangungulila sa puso sana ay iyong maibsan,sa panaginip ko sana ikaw ay dumalaw.
Dec 12, 2020
Dec 12, 2020 at 11:05 PM UTC
Blankong papel
Ano na naman ba ang isusulat?
Eto na naman tayo sa walang kamatayang drama
Pasensya kana
Ikaw na nanahimik ay ginagambala
Ng pagtangis ko buhat sayong pagkawasak.
Sinisigawan na ako ng utak ko
Na kesyo tama na
Suko na
Di na yan babalik
Tumigil kana
Nililinlang mo lang ang 'yong sarili
Sa patuloy na paghahangap
Sa taong alam mo namang
Matagal ng namaalam.
Sana kaya kong itigil
Ang paglathala ng kalungkutan kong di matapos tapos
Sana kaya kong lipulin itong sakit na nararamdaman ko na di maubos ubos
Sana pala'y sinama ko na sa hukay ang lahat ng sentimiyentong ito
Nang sa gayon ay di ako nalulunod sa luha bungad ng pagkawala mo.
Blankong papel ano naman ang saiyo'y isusulat,
Hayaan sanang dugo ko naman ang tumulo sayo at yumakap.
Apr 16, 2016
Apr 16, 2016 at 4:38 AM UTC
"KALIMUTAN MO NA ANG NAKARAAN MO! LALO MO LAMANG SINASAKTAN ANG SARILI MO-- ANG PUSO MO!" sigaw nang sigaw ang utak sa mga katagang iyon sa kaniyang puso.
"May pag-asa pa! Umaasa pa rin ako. Aasa pa rin ako kahit matagal. Paki-usap, bigyan mo ako ng pagkakataon. Nararamdaman kong darating sila," litong-lito naman ang puso at pilit na nagmamakaawa sa utak na bigyan pa siya ng pagkakataon.
"Hindi ka ba nakakaintindi? Iniwanan ka na nila. Hindi ka na nila mahal. Wala ka ng puwang sa mga puso nila. Hanggang kailan ka dapat umasa ha?" galit na galit na ang utak sa puso nang mga sandaling iyon. Nag-aalab na at kaunti na lamang ay magiging makasalanan na siya.
"AKALA MO LANG IYON! HINDI IKAW ANG NAKAKARAMDAM KUNG HINDI AKO! AKO ANG MAS NAHIHIRAPAN!"
"AKALA MO LANG IYON! AKO RIN NAHIHIRAPAN NA AT DUMUDUGO NA ANG UTAK KO SA IYO! HINDI KA BA TITIGIL?"
"HINDI!"
"P'WES! Gagawin ko na ang nararapat upang manahimik ka!"
At hindi na napigilan ng utak ang kaniyang paninibugho. Inutusan niya ang mga paa na magtungko sa kusina. Ipinakuha niya sa kamay ang isang kulay puting bote na may nakasulat na muriatic acid. Kusang bumukas ang bunganga at ipinainom ng kamay ang lahat ng laman sa bote hanggang sa dumaloy na ito sa buong katawan.
Habol-habol ang paghinga, pinilit pa ring lumaban ng puso upang mabuhay ngunit, huli na. Huli na dahil nangisay na ang katawan, naging kulay ube na rin ito at tuluyang namaalam pareho ang utak at ang puso nang mga oras na iyon.
Feb 11, 2018
Feb 11, 2018 at 4:24 PM UTC
Atras. Abante.
Mga paang hindi makampante.
Atras.
Natakot, nahiya.
Nangangapa mula sa paglaya.
Iniipon ang lahat ng lakas
para tuluyang iwan ang bakas
ng nakaraang namaalam na
sa lungkot, pait at sakit
na dulot ng patuloy na pagkapit.
Abante.
Uusad, lalayo.
Uunahan ang damdamin sa pagbugso.
Isang libo’t isang daang duda.
Animnapu’t isang segundo ng pag-asa.
Imumulat ang mga mata
Nangagapa ma'y unti-unting hahakbang
Patungo sa ‘di alam kung saan.
Urong. Sulong.
Palalayain ang damdaming nakakulong.
Urong.
Nag-iisip, nagmumuni.
Tinatantyang muli ang sarili
kung ilalatag na ang lahat ng sandata
at ibubunyag ang mga stratehiya
sa laban ng buhay.
Handa ka na nga ba?
Natuto?
Hanggang saan ka dadalhin ng takot mo?
Sulong.
Lalaban, susugod.
Hindi alintana kung mapagod,
manalo o matalo.
Alinma’y hindi susuko.
Hindi maliligaw ipikit man ang mga mata
sapagka't alam na kung saan pupunta.
Bawat hakbang ay kabisado
Patungo sa kinaroroonan mo.
At ako’y mananatili na...
sa’yo.
Apr 26, 2018
Apr 26, 2018 at 10:54 PM UTC
Malaya kong isinulat
Upang marinig
Salitang bibihira ng sambitin
Tanging sayo nais iparating
Malaya kong binigkas
Sintang giliw
Upang ikaw ay lubos na mahalin
Puso’y sayo lang tanging ibabaling
Malaya kong ibibitaw
Lahat ng nasaakin
Sa sintang iisa lamang ang nais
Puso’y maangkin
Malaya kong namaalam
Na ika’y makapiling
Sa sintang giliw
Na nais makamit
Jun 15, 2018
Jun 15, 2018 at 8:41 AM UTC
Andaming nag bago, noh?
Mga bagong mukha
Mga naalala ko na lamang sa mukha
Ano ba ulit ang iyong ngalan?
Marami na rin palang namaalam
Mga namalagi sa ibang lugar
Mga lumisan sa mundong ibabaw
Ikaw, saan ka na nananahan?
At itong mga dating maliliit na bata
Ngayon ay nagsilakihan na
Ang karamihan ay napariwara
At ang iilan ay hindi nawalan ng pag asa
Masyado siguro akong naging abala
Upang hindi mapuna
Kilala pa rin kaya ako
Ng komunidad na kinalakihan ko?
Mar 31, 2020
Mar 31, 2020 at 8:32 AM UTC