Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Blankong papel Ano na naman ba ang isusulat? Eto na naman tayo sa walang kamatayang drama Pasensya kana Ikaw na nanahimik ay ginagambala Ng pagtangis ko buhat sayong pagkawasak. Sinisigawan na ako ng utak ko Na kesyo tama na Suko na Di na yan babalik Tumigil kana Nililinlang mo lang ang 'yong sarili Sa patuloy na paghahangap Sa taong alam mo namang Matagal ng namaalam. Sana kaya kong itigil Ang paglathala ng kalungkutan kong di matapos tapos Sana kaya kong lipulin itong sakit na nararamdaman ko na di maubos ubos Sana pala'y sinama ko na sa hukay ang lahat ng sentimiyentong ito Nang sa gayon ay di ako nalulunod sa luha bungad ng pagkawala mo. Blankong papel ano naman ang saiyo'y isusulat, Hayaan sanang dugo ko naman ang tumulo sayo at yumakap.
0
Apr 16, 2016
Apr 16, 2016 at 4:38 AM UTC
Blankong Papel

ArisTheUnknown
Written by
Apr 16, 2016
Apr 16, 2016 at 4:38 AM UTC
Request permission to use this poem