Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nakakaiyak" poems
Oo ginawa mo na ang lahat Binigay mo ang higit pa sa nararapat Bumangon, tumakbo at tumalon ka na Nagkandasubsob at nagkadapa-dapa ka pa Tumawid ng bundok at ng mga karagatan Ikaw ay nalunod at nasaktan Nagsunog ng kilay, at kinalimutan ang tulog Hinarap mo lahat at ikaw ay nagpabugbog Ginawa mo ang lahat ng makakaya mo Ngunit ikaw ay nabigo Masakit, oo! Walang duda yan Lalo na kung nalahat na ang iyong kakayahan Nakakalugmo at nakakadusa Nakakaiyak at nakakawalang pag-asa Parang pinagsukloban ng langit at lupa Parang pinagkaitan ng lahat ng mga tala Mahirap! Masakit! Oo alam ko Pero hindi pa ito ang huli o dulo Maniwala ka sakin, mahirap pero kakayanin Masakit pero hindi imposibleng gawin Kung kelan nakasuka ka na ng dugo Tangina! Ngayon ka pa ba susuko?
0
Jun 20, 2016
Jun 20, 2016 at 8:10 AM UTC
Ngayon Pa?
Igawa mo ako ng isang istorya, Ito ang huling hiling ng babaeng iyong pinagtabuyan, Igawa mo ako ng isang Istorya, Wala siyang pakielam kahit siya pa ang gawin **** kontrabida, Igawa mo ako ng isang istorya, At hahayaan ka na niyang bumuo ng sarili **** tema, Patayin mo man siya sa dulo, Hindi man siya ang iyong makatuluyan, Wala kang maririnig na anumang sumbat, Tuparin mo lamang ang munti niyang pangarap, Igawa mo ako ng isang Istorya, Huwag mo lamang sana itong pagkaitan ng emosyon at oras, Nakakaiyak, Nakakatakot, Nakakakilig, Nakatutuwa- Hindi siya magdaramdam, Basta't gawan mo lamang siya ng isang istoryang may wakas, Wakas na ipinagkait mo sakaniya sa inyong realidad, Wakas na kaniyang hinahanap upang makalaya sa hawla ng "Bakit?" at "Paano?" Igawa mo ako ng isang istorya, At ako nama'y aawit saiyo ng isang elehiya.
0
Aug 20, 2017
Aug 20, 2017 at 7:42 AM UTC
Igawa mo ako ng isang Istorya
Ang masalimuot na pag-aalboroto. Hindi na sana muli. Ang nakakapuwing na mumunting bato. Maging ang huli na sana ang pinakahuli. Aasahan pa ba natin? Ang nakakabulag, nakakaiyak na abo. Hihintayin pa bang dumating? Hindi na sana muli. Ang natuyong lahar ang aking kapatawaran. Ang iyong kapaligiran ang sa iyo naman. Tuwing Nobyembre at Enero Ipagdarasal ko ang hindi na muling pagputok, pagsabog at pagbulusok ng Pinatubo. Hindi na sana muli. Maging ang huli na sana ang pinakahuli.
0
Nov 20, 2023
Nov 20, 2023 at 8:36 AM UTC
Ang Muling Pagbulusok ng Pinatubo
Nakakaiyak nga pala ang pag ibig Yung tipong hirap ka ng ipahiwatig Yung kahit ilang beses **** sinabi na suko na Sasabihin parin nya sayo na laban pa Gusto kong umiyak, gusto kong magwala Gusto kong iparamdam sayo kung anong pakiramdam ng binabalewala At habang tumatagal lalo itong lumalala Lumalala ang sugat sa puso ko kagagawan ng iyong bala Kasabay ng mga manininging na bituin Ay ang hangarin na ako'y iyong palayain At kung ang ating landas ay muling pagtatagpuin Ang tanging hiling ay sana'y walang hadlang satin
0
Apr 14, 2018
Apr 14, 2018 at 7:58 PM UTC
Ang Tula ng Pag-ibig
Nakakabinging katahimikan Nakakalungkot na tawanan Nakakaiyak na kasayahan Tila misteryo sa pakiramdam Isip kong balot ng pag-alinlangan Katawa'y sa pighati iniwan Diwang gising sa kabalintunaan Kakatakang pakiramdam?
0
Sep 12, 2017
Sep 12, 2017 at 9:31 AM UTC
FEELINGS
Lagi **** tinatanong dati sa sarili mo,kung bakit hangang dito ka lang.Samantalang yung iba **** kaibigan,kamaganakan at kakilala andon na sila, may kanya kanya ng Propisyon sa buhay. Meron ng naging Guro,Sundalo,at namamasukan sa magarang Kompanya. Lagi **** kinukompara ang sarili mo sa iba.kaya laging pakiramdam mo lugmok ka at wala ng mararating pa. At ako naman itong laging sayo ay nag papaalala,na ang kapalaran nila ay hindi katulad ng kapalaran na inilaan para lang sayo ng ng ating Ama. Lagi kang nabubugnot at halos ayaw ng kumilos.Laging tinatanong ang sarili,kelan ba ako magiging TULAD nila? At isang araw mukhang natauhan ka na,kusa ka ng kumilos at sa akin ay nag sabi.gusto mo na ulit gawin ang mga bagay na gusto mo sa buhay. paunti-unti nakita kong masaya ka na ulit sa ginagawa mo. Iniwasan mo na rin ang ikompara ang meron sila na wala ka. Sipag at tyaga mo at diskarte ko at Awa Ni Ama. Binigyan tayo ng mga bagay na inaasam nating dalawa. Negosyo na pinagtulungan nating itayo pareho. Pagod puyat,ulan at init ay hindi ininda,makamit lang ang sa una palang ay pinangarap na nating dalawa. Ang simula ay masaya,nakakapagod at nakakaiyak,at ang mga sumunod na araw ay may mga suliranin tayong kinakaya.pero Salamat Kay Ama,at tayo'y ginagabayan Nya. Paunti unti makakabawi din tayo.alam kong wala pa tayo sa dulo pero kahit papano nakakabangon na tayo. Sipag,tyaga at tiwala lang sa Kanya lalago din ito.
0
Mar 22, 2024
Mar 22, 2024 at 10:46 AM UTC
Kailan ang 'yung Pag-Lago?