Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
AnneMaureen
F
Ang nilalaman nitong tula ay para sayo Gusto ko na maging masaya kayo Mahirap man para sa akin na tanggapin Pero susubukan ko na kayanin Andyan naman sila para tulungan ako Hayaan mo at kakayanin ko Hindi man ngayon Pero baka sa darating na mga hapon Sana maging masaya kayo Para hindi ka na mahirapang tumayo Kasi andyan na sya para buhatin ka At sa mga problema hayaan mo sya na maging iyong kasangga
0
Apr 25, 2018
Apr 25, 2018 at 1:47 AM UTC
Kayo
Nakakaiyak nga pala ang pag ibig Yung tipong hirap ka ng ipahiwatig Yung kahit ilang beses **** sinabi na suko na Sasabihin parin nya sayo na laban pa Gusto kong umiyak, gusto kong magwala Gusto kong iparamdam sayo kung anong pakiramdam ng binabalewala At habang tumatagal lalo itong lumalala Lumalala ang sugat sa puso ko kagagawan ng iyong bala Kasabay ng mga manininging na bituin Ay ang hangarin na ako'y iyong palayain At kung ang ating landas ay muling pagtatagpuin Ang tanging hiling ay sana'y walang hadlang satin
0
Apr 14, 2018
Apr 14, 2018 at 7:58 PM UTC
Ang Tula ng Pag-ibig
Tulala, nag-iisip, , kinakabahan Di malaman kung paano ka ulit pakikitunguhan Napapangiti tuwing naaalala ang nakaraan Ang nakaraan na tuwang tuwa sa aking katangahan Saksi ang langit kung paano tayo naging masaya Masaya sa piling ng isa't isa Na kung paano mo ako turuan ng iyong mga aral Ang mga aral na nagsasabi sakin na maging marangal Napailing na lang ako kasabay ng pagpatak ng likido Ang likido na nagpatunay na wala na ang ikaw at ako Ang gumising sakin na hindi na mababalik ang tayo Hindi dahil sa ikaw ay malayo kundi dahil ikay nalayo
0
Apr 8, 2018
Apr 8, 2018 at 6:10 AM UTC
Nakaraang Katangahan
Ganon ka ba talaga? Mahirap magpatawad? Na Sa tuwing ako'y lalapit ika'y sa iba napapadpad Ramdam mo ba? Ramdam mo ba ang sakit na pinaramdam mo? Malamang hindi, kasi kung oo matagal nang bumalik ang dating ikaw at ako Gusto kong umiyak, gustong gusto Bakit ka ba biglang nagbago? Hindi na ikaw yung tao na nakilala ko Asan ka na ba? Bakit tila yata ang bilis mo maglaho? Ganon ka ba talaga?  Kasi kung oo tanggap kita Pero kailangan ba talaga na maging ganyan ka? Lagi kong panalangin na bumalik na tayo sa dati Yung masaya lang, yung di ka pa galit bago ang lahat na nangyari
0
Apr 1, 2018
Apr 1, 2018 at 6:54 AM UTC
MAGPATAWAD