"nakabaon" poems
Susugod na sa bilang ng tatlo
Isa… Dalawa… Tatlo…
Sugod
Ang giyera ay nagsimula
Ilabas na ang mga baril at sandata
Ilabas na ang mga kanyon at bomba
Ang mga tauhan at ang mga preda
Magsisimula na ang giyera
GIYERA
Na tungkol sa pagbabalik wikang filipino
Na minsan nang ipinagmalaki ng ating bansa
At ngayon ay ikinahihiya at itinatago na lamang
Na minsan nang ipinagmaybang at itinangkilik
At ngayon ay naiwan lang at tinangay na
Ninakaw ng mga dayuhan
Nang ito ay mawala ay bigla mo na lamang pinalitan
Humanap ng iba sa paligid
At sa katiyakan ay nakahanap ka nga
Nahanap mo ang ingles
Kaya’t ikaw ay humanap ng sabon na magpapaputi
Kinuskos ng kinuskos ng matagal ngunit di gumana
Kumuha ng puting pampintura
Kinulayan ang sarili
Hindi lang ang kulay ng buhok ang nagiging artipisyal
Pati na rin ang kulay ng sariling balat
Ngunit sa isang iglap ay ikaw ay nagsawa na
Sa mumunting kulay na lagi nang nakikita
Naisipan **** maglibot pa
At lumibot ka pa
Nahanap mo ang koreano na nagsasabi ng
“Hart Hart Saranghaeyo oppa”
Kaya’t ikaw ay kumuha ng papel
At nag-aral ng wikang banyaga
Ngayon ay napakanta ka na rin ng kantahin
Na kahit ikaw ay hindi makaintidi
Pero kinakanta mo dahil nakakatuwa
Hindi ba?
Hindi nagtagal ay nagsawa ka
Sa mga kantahang hindi mo rin maintindihan
Kaya’t naglakbay ka pa
Naglakbay ka hanggang sa wala
Naglakbay ka hanggang sa ang araw ay dumilim at unti-unting pinalitan ng tala
Napagod ka
Napagod ka sa kahahanap ng bagay na hindi naman mapapasaiyo
Nakahanap ka nga pero hindi naman ito sa dugo mo ay itinatanggap
Nabigyan ka ng sagot na ang hinahanap mo ay
Nasa’yo na mismo
Hindi mo na kailangan humanap ng iba pa
Dahil ang wikang hinahanap mo ay nakabihag lamang
Ibinihag ito ng mga espanyol sa dulo ng puso mo
Para mapigilan ang pagbabago
Pagbabago na makakasira ng kaisipang kolonyal na nagsasabing
Ako ang piliin mo dahil dayuhan ako
Itinatatak sa isip mo
Laging magiging sosyal ang banyaga
Laging magiging bulok ang sariling wika
Laging magiging sosyal ang banyaga
Laging magiging bulok ang sariling wika
Nagtataka na ako sa iyo
Ang sarili **** wika ay nakabaon lamang sa puso **** nakakandado
Nasayo naman ang susi pero pilit **** isinasarado
Ano
nga ba ang pumipigil sa’yo
Handa na ako
Sa aking pagsuko
Pagsuko
Hindi dahil natalo ako
Pero dahil idinedeklara ko na ang aking pagkapanalo
Isusuko ko na ang mga sandata
Isusuko ko na ang giyera
Inaanyayaan kita
Sabay sabay tayo
Magkahawak ang kamay at hindi kakailanganing bumitaw at maghiwalay
Sama-samang baguhin ang mundo gamit ang sariling wika
Buksan ang nakakandadong puso
At doon ay makikita mo ang sedula
Hawak ko na ang sedula
Hawak ko na ang sedula
Ng pagkabilanggo ng wikang filipino
Handa na akong palayain ito at gamitin para sa pagbabago
Ang dating linya ay magbabago
Laging magiging sosyal ang sariling wika
Laging magiging sosyal ang sariling wika
Laging magiging sosyal ang sariling wika
Laging magiging sosyal ang sariling wika
Susuko na sa bilang ng tatlo
Isa. Dalawa. Tatlo.
Suko
Tapos na ang giyera
Jul 17, 2018
Jul 17, 2018 at 6:44 AM UTC
Ibig sagutin ng aking puso
Paano na nga ba ito?
Paano kung sa bawat ngiti mo
Ay tila ako ay nahuhulog sa iyo
Paano kung sa bawat bigkas mo
Ng mga salita sa tuwing kausap ako
Ako ay napapatulala
Kadalasan ay namamangha
Paano kung wala akong kakayanan
Magsabi ng nararamdaman
Mananatili na lamang bang
Isang lihim sa isang tula
Ngunit kung dumating ang panahon
Sa paghangin, paghampas ng alon
Magkaroon ng pagkakataon
Sasabihin ang damdaming nakabaon
Magiging handa at matapang
Marinig ang iyong ibibigkas
Tatanggapin ba ang aking nararamdaman,
O ito'y hahantong lamang sa wakas
Sep 1, 2015
Sep 1, 2015 at 11:48 AM UTC
010717
(Para sa mga may gustong simulan at gustong tapusin. Para sa mga may kahapon at naniniwalang sisirit ang bukas. Para sa mga may pangamba pagkat pakiramdam mo'y kapos ang oras at tila ika'y may gapos ng kagabi o noong isang araw, noong isang taon. Para sayo, nang mahimbing ka sa gabing may pagsuko. Pipikit ka rin, hihimbing ka rin. Didilat ka, may bukas pa.)
Narinig na ng bawat sulok ng kuwarto mo ang mga ibinubulong Ko sa iyo tuwing natutulog ka, habang yakap-yakap Kita, at nakabaon sa dibdib Ko ang mukha **** nasa malalim na pagkakahimbing.
Narinig na ng mga unan mo ang mga Salitang binitiwan Ko noong inamin kong hinding-hindi Kita bibitiwan habang sinusuyod mo ang gabi nang mag-isa, na tila ba ito na ang huling gabing ikaw na lamang ang bida sa istorya.
Narinig nila ang mga bulong Kong narito Ako at Ako pa rin ang kilala Mo noong unang beses Akong humimlay sayong mga bisig para punasan at saluhin ang mga butil ng mala-perlas **** mga luha, kumikinang at mahalaga pagkat tangan nito ang taimtim **** mga panalangin -- mga panalanging hindi mo binitiwan at lubos **** pinagsindi ng kandila sa bawat gabi't alay ang tinig **** balisa't uhaw sa kasagutan.
Maigting ding nagmamasid ang iyong orasan noong ipinangako Ko sayong inilaan Ko na ang bawat patak ng segundo sa pag-aalaga sa iyo, na hinding-hindi Akong magsasawang pag-ingatan ka, tumigil man sa pagpihit ang lahat ng orasan sa mundong ibabaw -- kitilin man ang bawat bateryang nagbibigay-buhay sa bawat saglit, sa bawat pintig ng oras na hindi mabilang.
Higit sa lahat, narinig Ako ng mga pader ng kuwarto mo, noong unang gabing ginawa Kong umaga para masilayan mo ang lahat, noong una Kong sinabing mahal kita at kahapon, ngayon o bukas at magpakailanman -- ang mga parehong gabing paulit-ulit Kong sasabihin sayong higit ka sa kalawakan, na hindi Ako natutulog at ikaw at ikaw ang tanging tanawing tatanawin.
At habang parating na muli ang umaga at gigising na ang lahat, ay sana manahimik ang kuwarto mo. Ngunit sa katahimikan nito'y sana'y mabuksan ang lihim ng mga narinig niyang mga sinabi Ko.
Narinig na ng bawat sulok ng kuwarto mo ang mga Salitang laan lamang sayo at sa mga gabing ito at sa susunod pa'y haharanahin Kita ng parehas na himig at susuyuin ng parehas na timpla ng pag-ibig. At hindi Ako magbabago, mahimbing ka man ngayo'y asahan **** ang bukas mo'y kasama pa rin Ako.
Matulog ka na, Anak.
#010717 #SpokenWordsNiTatay
Mar 15, 2017
Mar 15, 2017 at 11:28 AM UTC
Kapag Namulat ka sa katotohanan
Kasalanan na ang Pumikit
Babalik sa pinanggalingan
Kalmado at hindi iimik
Ititikom ang bibig
at lulunukin ang mga salita
Papalipasin ang kanina
Ipipikit ang mga mata
Dahil sa bagong umaga
Magpapanggap na walang nag-iba
Kaya Magbubulag-bulagan
Sa pangyayari nakita
Ngunit kinakalabit ng konsensya
Kinakabahan sa nakita
Binubulong na magsalita na
At Kailangan may gawin na,
Kailangan may aksyon na
Hindi dahil sa natatakot
Kundi dahil sa nakasanayang pagbalewala
Hindi pagpansin sa biglang nakita
Huhulaan magiging epekto
Kapag ibinungad at inilantad sa mga tao
Kaya mananatili nalang sarado
Nakabaon
Hindi iimik at itatago ang mga salita
Kahit nagpupumilit iluwa
Aug 16, 2018
Aug 16, 2018 at 6:15 AM UTC
“You must live in the present, launch yourself on every wave, and find your eternity in each moment. Fools stand on their island of opportunities and look toward another land. There is no other land; there is no other life but this.”
― Henry David Thoreau
Nalulungkot ako dahil nasayang ang buhay mo. Huli na ang lahat nasa dapit hapon kana, palubog na ang araw mo, wala na itong umagang darating pa. Nalulungkot ako dahil nagpadaig ka, tinalo ka ng lungkot at kinain ka ng sistema. Pati tuloy ang sining (photography) na iyong minahal ay tinalikuran mo. Nalulungkot ako dahil alam kong kahit nagkaganyan ka ay marunong kang magmahal, na kahit kelan hindi mo ako sinaktan, na lagi kang nand’yan kapag kailangan kita. Bakit kaba kasi nagkaganyan?
Nalulungkot ako dahil sinayang mo ang panahon para lang alagaan ang galit na nakatanim d’yan sa dibdib mo. Niyakap mo na parang unan ang kalungkutan, sana ay itinakwil mo ito. Nalulungkot ako dahil naging rebelde ka hindi lang sa iyong sarili kundi pati dun sa mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa’yo. Sinaktan mo sila na handang umagapay sayo. Nalulungkot ako dahil lumikha ka ng sarili **** bangin, isang malalim na hukay kung saan ikaw ngayon ay nakabaon.
Nalulungkot ako dahil hindi pinakinggan ng diyos ang mga dasal ko para iligtas ka, ang mapagmahal at mahabagin na diyos ay walang awang pinabayaan ka. Nasayang lang ang aking mga pagsamo sa kanya. Paano ka n’ya aagawin sa apoy ng Impeyerno kung dito pa lang sa lupa ay pinabayaan kana? Nalulungkot ako dahil kapos ang aking pang-unawa at pagmamahal. Nalulungkot ako dahil wala akong nagawa para suklian ang mga kabutihan mo sakin.
Nalulungkot ako at pumapatak ang luha ko habang sinusulat ko ang tulang ito. Nalulungkot ako dahil hindi na maibabalik ang nakaraan, dahil wala ng bukas na darating para sa’yo at sa ating dalawa. Nalulungkot ako dahil dahil pareho tayong nabigo. Oo, kapwa tayo talunan. Pareho tayong pinagtaksilan ng ating mga paniniwala at mga pangarap. Nalulungkot ako dahil patuloy kang naghihirap noon magpahanggang ngayon.
Nalululungkot ako pero alam ko na ang lahat ay may katapusan, lahat ay magwawakas pati na ang mga paghihirap. Kaunting panahon na lang matatapos din ang lahat ng dusa at sakit mo. At pag dumating ang araw na ‘yon hindi kana nila kailanman masasaktan. May kakaibang katahimikan at hindi maipaliwanag na kapayapaan na makikita sa mukha ng isang bangkay.
Nov 21, 2017
Nov 21, 2017 at 3:56 AM UTC
Mga sinambit **** salita,
Mula sa binitawan **** "mahal kita",
Naglalaro sa aking isipan,
Akin parin kinakapitan.
Sa pag pikit ko ng aking mga mata,
Ikaw ang laging nakikita,
Sa dinami daming dahilan para kalimutan ka,
Heto ako patuloy na nag-aantay kahit alam kong wala na,
Tanong ko sa aking sarili, bakit ikaw pa?
Bakit ikaw pa at marami namang iba,
Sa bawat luhang bumagsak sa aking mga mata,
Sa bawat sabi kong 'okay pa, okay na' may lihim na ayoko na at hindi ko na kaya.
Mahal ko, minahal mo nga ba ako?
Naniwala sa mga pangako **** napako,
Oo nga pala no? Lumipas na ang isang taon,
Ngunit ang nararamdaman kong ito hindi parin nakabaon.
Pero ipinapangako ko sa aking sarili,
Hinding hindi na ako magpapatali,
Sa mga matatamis **** salita,
Kahit kailan hindi na ako maniniwala.
Jun 3, 2016
Jun 3, 2016 at 3:56 AM UTC
guni- guni lang ba?
*mayroon akong sikreto
nakatago sa kuwaderno
nakabaon sa isang pahina
doon ako naglabas ng luha
basahin ang kuwento ko
sa isang eksena sa may puno
nakikinig sa iyong mga pangarap
habang ako'y naninigarilyo
di ko batid kung iyong napansin
panay ang titig ko sa iyong labi
palaisipan sa aking damdamin
kung bakit ba ikay di makatingin
sa tuwing akoy nagsasalita
malayo ang isip mo sinta
nakatulala sa ibang dalaga
ang masdan ka'y impyerno na*
ako ba talaga ay buhay pa?
Nov 17, 2015
Nov 17, 2015 at 10:01 AM UTC
Bakit tinuring na pananampalataya ang pagpagal sa luhuran?
Hinaing na tumagos sa kaluluwa't banal hayo't di na natanggal--mantsang nakabaon 'gang hukay.
Dinalangin ang sarap at ginhawa sa kahoy na nakahubad sa kapwa kahoy
Tiningala nga't sinamba
Binalahura nama't minura.
Anu't ano pa'y pumaslang at nanggahasa
Nagnakaw at nagpakasasa
sa salapi at tawag ng laman
Nang mahulog sa bangin ay biglang tinawagan ang minura't binalahura.
Iligtas mo ako.
Lumuhod ka, sabi Niya.
Nakikipagusap ba ako sa patal at mangmang?
Heto nga't sugat na'ng mga kamay sa kapitan lumuhod pa ang sigaw ng Dinakilang Hangal?
Lumuhod ka!
Ilang ulit pang sinugo ng tinig na hindi tanto ang poot sa anak na ang sungay tumubo hanggang likod.
Lumuhod ka.
Lumuhod ka.
May 19, 2023
May 19, 2023 at 11:53 AM UTC
Nag-usap tayo tungkol sa pagmamahal
At sa mga natagpuang lungsod,
Tungkol sa mga kayamanan
Na nakabaon sa ilalim ng pusod,
Tungkol sa buntong hininga ng ilog,
Sa paglaho ng dagat, ika'y nabasa
Mga alak na may halong itlog
Sa kumukulong tasa ng tsaa.
Nag-usap tayo tungkol sa sining
Sa naglalagablab na ginintuang apoy,
Isang binibining nakapiring
Mga nawawalang ala-ala
Mga kinalimutang pangalan,
Na naglalagapag sa ngala-ngala
Mga kagustuhang 'di mapagbigyan,
Sa pagkislap ng bituin
Isulat ang mga nais na malinawagan
Kalooban ma'y kainin,
At mga anino'y lumabo
Sa gabing nakakapaso
Nag-usap tayo tungkol sa mga lobo
At marami pang mga bagay,
Sa pagtindig ng mga pabo,
Tungkol sa mga orasang tumatagay
At sa pag-ikot ng mga sirko,
Kung paano ang pagtili ng mga kalapati
Nagsiliparan sa itaas,
Sa ilalim ng bahaghari
Ako'y humihiling ng basbas
Ngunit higit sa lahat
Napag-usapan natin ang ating pagmamahal.
Dec 4, 2017
Dec 4, 2017 at 5:22 AM UTC
nagsimula sa ikaw at ako....
na nauwi sa 'tayo'
ikaw ang mundo ko at ako ang buhay mo...
ngunit biglang nagbago...
ang 'tayo' ay naging magulo at malabo
nawala... naglaho...
ang 'tayo' ay naging 'kayo' at ang 'ako' ay pinalitan mo ng 'siya'...
sa halip na kalimutan ka ay ayun, naaalala ka...
ang ngiti **** nagpapaligaya sa akin...
mga salita **** aking nalalasahan at nakakain (mahal kita, mahal kita)...
ang iyong matang nangungusap sakin na ito'y patawanin...
ang paghaplos **** parang malamig na simoy ng hangin...
ang iyong tinig na nagpapasaya sa aking damdamin...
ang dating pagmamahal na nagsusumiksik at umaapaw
ngayon ay nasa ilalim na ng lupa...
kung kaya't wag mag alala
nilatagan ko iyon ng dahon, maging ligtas sa anumang panahon... sa darating na mga taon...
ginugunita ang ala-alang lipas na...
parang tubig sa batis na umaagos palayo sa aking mukha...
na hanggang doon na lang ang kinaya...
wala na akong magagawa...
kung kaya't salukin na lamang ito at ipanghihilamos
upang magising at matauhan na ito'y matagal nang wala...
nakabaon na sa lupa...
Apr 15, 2017
Apr 15, 2017 at 1:09 AM UTC
Gusto kong ibigay sa'yo ang buong mundo,
Halagang isang milyon ang tanong kung paano,
Nakakatawang tingnan kung iaalay ko ang iyong buong pagkatao,
Sa iyo mismo, dahil ikaw ang mundo ko.
Wika mo'y linyang sinabi ko ay gasgas na,
Sagot ko pabalik ay iba ako sa kanila,
Pagkat kasiyahan at mundo ko'y ikaw,
Magagawa ko na lamang ay lalong pagliwanagin ang iyong ilaw.
Ikaw para sa akin ang araw, buwan at mga bituin,
Kapag nawala ka'y tuluyang magdidilim ang aking paningin,
Hindi makakabangon, paa'y waring nakabaon,
Sa isang kumunoy na tatawagin kong kahapon.
Mundo pala'y hindi ko maiaalay sa iyo,
Ikaw at ang mundo ay iisa at iyan ang totoo,
Ang magagawa ko lamang ay ingatan ka at mahalin ng tapat,
Wala nang ngunit, subalit at datapwat.
Apr 12, 2016
Apr 12, 2016 at 5:27 AM UTC
Pilipinas anong nangyayari sa'yo?
Ang dating bayan ng matatalino.
Bakit, lahat ata ay nawala na sa huwistyo.
Ginagawang biro pandemyang ito.
Huwag po sana tayong ningas-kugon.
Noong una lamang magaling ang pagtugon.
Ngunit naging suwail at pabibo ng naglaon.
Sige lang, hanggang lahat na tayo nakabaon.
Hindi ninyo ba talaga alintana?
Ang sa ating lahat ay nagbabadya.
Kalabang di nakikita, sakunang nakadamba.
Walang malakas, walang mayaman lahat tayo ay biktima.
Hindi ba kayo naaawa sa mga bata at matatanda.
Idagdag nyo pa ang mga may sakit na madaling mahawa.
Maaaring ilan po sa kanila ay iyong kapamilya.
Tumahan ka po sa bahay para sa kanila.
Tulungan po natin ang ating lingkod bayan.
Mapa Sundalo, Doktor, nars o basurero pa yan.
Huwag nating dagdagan hirap na kanilang pinapasan.
Huwag na nating ilagay buhay nila sa kapahamakan.
Huwag na po nating antayin lumalim.
Hanggang masaksihan ang di kakayaning lagim.
Magdadala sa ating buhay at bansa sa takipsilim.
Pakiusap, tayong lahat ay magdasal ng taimtim.
Labanan po nating lahat ito, Kapwa ko Pilipino.
Iyan ang lahi ko at lahi mo.
Diba likas sa atin ang pagiging matatalino.
Ngayon natin patunayan ito.
Sumunod na po tayo sa Gobyerno.
Simpleng utos na kayang sundin ng kahit kanino.
Wag na pong lumabas ng bahay ninyo.
Kung di man lang importante ang rason nito.
Sumunod na po tayo, Please lang
Ang makukulit ay babarilin, BANG BANG
Para kang latang nasipa, TANG TANG
Andyan na ang sundo mo, **** ****
Siguro nga kailangan na ang Kamay na bakal.
Para ang mga suwail tuluyang masakal.
Ang rason ay masarap ang bawal.
Kaya pati buhay ng iba ay isusugal.
Huwag na nating pabayaan, Inang bayan.
Matatalo lamang itong kalaban.
Kung tayong lahat ay magtutulungan.
Bagkus na magturuan at magsisihan.
Feb 1, 2021
Feb 1, 2021 at 8:25 AM UTC
May pangalan sa hangin na tila humahaplos,
Pangalan na gusto kong limutin tuwing sasapit ang hapon.
Sa bawat patak ng ulan,
Isang alaala ang siyang unti-unting nalilimutan.
Limot, sa mga sandaling ika'y nakasama,
Ay siyang unti-unting nalulumot.
Pero ang mga nalulumot na ito ay ayokong pakawalan,
Kaso nasasaktan ako, dahil ikaw mismo ang lumilisan.
Napakahirap na limutin ka,
Maalala ka lang, mata ko ay nagluluha.
Ako'y hinihila ng sakit,
Dahil bakit parang napakadali sa'yo na ito'y lagpasin?
Bakit hanggang ngayon nakabaon pa rin ang iyong magandang mukha?
Sa tuwing sisikat ang araw,
Ito'y nakapagpapakumbaba.
Kahit man ang oras ay magbago,
Ang pagmamahal ko sayo'y hindi maglalaho.
Na kahit man ika'y lumimot
Ang puso ko ay sayo lang titibok.
Aug 30, 2024
Aug 30, 2024 at 10:52 AM UTC
Lumipas ang oras, araw, linggo, taon
tila sa puso’y wala ng nakabaon
Iniisip na, okay na siguro ako
Nakalimutan na niya siguro ako.
Dumating ang araw na pinakainiiwasan ko,
Ang maalala mo ko muli,
Biglang umilaw ang cellphone ko,
Ikaw na naman ang nakita ko.
Nagulumihanan ako,
Litong lito,
Sa kung ano dapat ang mararamdaman ko
Pero sinabi ko sa sarili ko,
Tama na,
Paulit ulit na,
Tila parang nag-iikutan lang tayo ng walang katapusan
Gustong gusto kong sagutin ang mensahe mo
Ngunit sino na naman ang makakalimutan ko
Sino na naman ang mapapabayaan ko
Sino na naman ang papahirapan ko
Nagpasya ako,
Tama na,
Huli na ito,
Di na ko mahalaga sa iyo,
Tinitigan ko nalang ang mensahe mo.
Pero wala ng kasunod pagkatapos noon.
Dahil alam ko sa sarili ko na,
Ginagamit mo lang ako kung kailan mo gusto.
Pero kahit anong gawin ko,
Di ko maitatanggi sa sarili ko
Na hinihintay pa rin kita,
Sana makita mo halaga ko sayo
Na kahit hindi na tayo mag-usap at magkita
Mumultuhin ka pa rin ng mga alaala ko
At makikita mo pa rin ako sa kahit sinong babaeng ipalit mo.
May 24, 2020
May 24, 2020 at 11:33 AM UTC