Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Bea Pineda May 2020
Lumipas ang oras, araw, linggo, taon
tila sa puso’y wala ng nakabaon
Iniisip na, okay na siguro ako
Nakalimutan na niya siguro ako.

Dumating ang araw na pinakainiiwasan ko,
Ang maalala mo ko muli,
Biglang umilaw ang cellphone ko,
Ikaw na naman ang nakita ko.

Nagulumihanan ako,
Litong lito,
Sa kung ano dapat ang mararamdaman ko
Pero sinabi ko sa sarili ko,
Tama na,
Paulit ulit na,
Tila parang nag-iikutan lang tayo ng walang katapusan

Gustong gusto kong sagutin ang mensahe mo
Ngunit sino na naman ang makakalimutan ko
Sino na naman ang mapapabayaan ko
Sino na naman ang papahirapan ko

Nagpasya ako,
Tama na,
Huli na ito,
Di na ko mahalaga sa iyo,

Tinitigan ko nalang ang mensahe mo.
Pero wala ng kasunod pagkatapos noon.
Dahil alam ko sa sarili ko na,
Ginagamit mo lang ako kung kailan mo gusto.

Pero kahit anong gawin ko,
Di ko maitatanggi sa sarili ko
Na hinihintay pa rin kita,
Sana makita mo halaga ko sayo
Na kahit hindi na tayo mag-usap at magkita

Mumultuhin ka pa rin ng mga alaala ko
At makikita mo pa rin ako sa kahit sinong babaeng ipalit mo.

— The End —