"nagtawanan" poems
Isa, dalawa, tatlong yapak sa putik.
Isa, dalawa, tatlong lubog sa tubig.
Isa, dalawa, tatlong pugpog ng alikabok sa aking mga paa.
Hindi ako marunong magsalita ng Tagalog.
"Roel! Bilisan mo naman maglakad, patay tayo kay Ginang Cruz." Sambit ni rey.
"Oo sandali lang natumba ako sa putikan."
"Ang lampa mo kasi." Nagtawanan kaming lahat pagkwa'y tumakbo nang ubod bilis.
Mga kamag-aral ko sila. Palagi kaming magkakasabay sa paglakad sa umaga patungo sa eskwela. Natutuwa ako sapagkat masaya silang nag-aasaran kahit hindi ko naman maintindihan ang sinasabi nila. Nahihiya ako kaya nag-eensayo ako sa bahay o habang kami ay naglalakad, pabulong-bulong, ginagaya ang pagbikas ng bibig; ang pagsara, ang pagbukas.
Mga kamag-aral ko sila. Isang buong grupo kami na wari ba'y batalyon ng mga sundalo na handang sumabak sa giyera; may putik ang laylayan ng pantalon at basa ang mga paa.
Uy malapit na kami sa eskwela, ilang hakbang na lang; tumakbo sila, gayundin ako, mabilis. Nagpatuloy sila ngunit ako'y biglang huminto.
"Oo nga pala, hanggang dito na lamang ako", mahinang sambit sa sarili. Natigilan ako, lumiwanag ang mukha at sumilay ang tuwa. Tumakbo ako papalayo sa eskwela't papalapit sa palayan kung saan tutulong ako sa anihan. "Marunong na ako magsalita ng Tagalog!" Sigaw ko sabay yakap sa mga aanihing palay. Salamat sa mga kasabay kong maglakad tuwing umaga, salamat sa mga kamag-aral ko sa kalsada.
Sep 21, 2017
Sep 21, 2017 at 10:02 AM UTC
Sa sikip at kakapalan
ng iniwang usok,
mga langgam ay
di magkamayaw dito
sa kahabaan ng pila.
Hibik nang hibik nang
pumasok sa kaliwa
at sa kanan ng ika'y
nagaabang at tulala.
Tanda mo ba nang
dito'y nagkabungguan,
nakipagtitigan,
at nagtawanan sa
kawalan ng
ating kalikuran?
Sa hirap ng buhay
sinabi mo ang
iyong naranasan
at nangakong
hindi malilimutan ang
dating pinaggalinan.
Sa paglipas ng
apat na buwan
kahit bulong ay
hindi naaninag.
At ako'y nalinlang
sa pangakong
hinayaan mo na
dito'y matapaktapakan.
Jun 13, 2014
Jun 13, 2014 at 3:22 AM UTC
Paano ba simulan ang isang tula?
O dapat ba ito'y hayaang ilapat ng tadhana.
Tulad ng isang gabing mahiwagang
May simula kahit di sinimulan, magkakawakas nang di winawakasan.
Kung saan sana'y di na nagtitigan kasing lalim ng kalawakan
Di na nagtawanan sa gitna ng Univ. Ave.
Mumunting pigurang di umiilag sa sasakyan
Ngunit patuloy ang pagbangga sa isa't isa.
Kung saan sana'y di na hinawakan itong kamay
Kung sa pagbitaw, mas matinding kapasuan.
At sa mata ng buwan, sa baba ng tulay sa Philcoa
Di na sana hinagkan na parang tayo'y sa isa't isa.
Paano nga ba sinisimulan ang isang tula?
Bakit ito'y mahirap kumpara sa pagwawakas?
Maaaring madaliin pag nais na
O basta na lang iwan sa kalagitnaan.
Pero ang mga tula, ay mga marka.
Itatago ko't babalik-balikan
Parang noong gabing tayo'y naglalakad
At andiyan ka pa.
Mar 4, 2017
Mar 4, 2017 at 2:36 AM UTC
Ang pagmamahal siguro'y bulag nga
Nang makita kita sayo'y nahulog agad
Ikaw ay may itsura
Mabait at palangiti pa
Ngunit sabi ng Ina'y ako ay mag-ingat
Tayo'y magka-iba, hindi raw pinagtadhana
Hindi ako naniwala
Alam kong sayo ako'y sasaya ng lubusan
Naglaro, nagtawanan
Sa mga panahong kasama ka ako'y nagagalak
Subalit dumating ang araw
Araw na magwawakas pala ang lahat
Ako'y nawasak at ikaw ang may sala
Unti-unting nabasag
Wala na akong magagawa
Tama nga ang sinabi ng ina na hind tayo para sa isa't-isa
Nov 11, 2017
Nov 11, 2017 at 9:46 PM UTC
Maingay. Siksikan.
Mainit. Nakaiinip.
Nakipila. Naghintay.
Isa. Dalawa. Tatlong oras.
Reklamo nila. Reklamo ng lahat.
Nainip. Umupo. Nakitabi.
Nag-ingay nang nag-ingay.
Maraming nagsidatingan.
Kanya-kanyang kwento.
Nagkwentuhan.
Umambon. Umulan.
Payong. Binuksan.
Nakisilong. Pinayungan.
Nagkwentuhan. Nagtawanan.
Tarangkahan. Bumukas.
Tulakan. Umuulan.
Tulakan. Sigawan.
Tulakan. Siksikan.
Siksikan. Naapakan.
Tulakan. Walang makapitan.
Pinakapit. Kumapit.
Tapak. Hagdan.
Umakyat. Inalalayan.
Humakbang. Umusad.
Pinauna. Pinasalamatan.
Nagapasalamat. Nagkangitian.
Umakyat. Sinundan.
Di nahagilap. Tinunguhan.
Di nalaman. Kinalakhan.
Di nalaman. Pangalan.
Naaalala. Ngiti. Labi.
Matang singkit. Matangos na ilong
Berde ang bag. Pula ang damit.
Sumbrero'y itim. Ulong maliit.
Umupo. Hinanap.
Hinanap. Hinanap.
Di makita. Di mahagilap.
Tanging maalala. Pagtulong twina.
Nakababagot na pila. Siya nakita.
Mahabang oras nakasama.
Salamat. Pila.
Sandaling nakasama.
Alaala. Siksikang pila.
Feb 18, 2018
Feb 18, 2018 at 10:55 AM UTC
Sa aming pagsilip sa buhay ng mag-ina
Nasilayan ang mga matang puno ng pag-asa.
Malapit na raw matapos ang matagal na pagdurusa,
Pagka’t ang kalagayan ni ina’y bumubuti na.
Sa ilang minutong kuwentuha’y tila ba kami’y pamilya,
Nagtawanan, nag-asaran, at nagbahagi ng nadarama,
Subalit biglang dumating ang kakila-kilabot na balita,
Kailangan ng malaking pera kapalit ng buhay ni ina.
Ako’y napatda at kumirot ang puso,
Biglang napaisip at kumunot ang noo,
Kung nabibili ng pera ang buhay ng tao,
Mura lang pala ang buhay ng Filipino.
Feb 7, 2019
Feb 7, 2019 at 9:05 AM UTC
Isang linggo
Isang daan at dalawang pu na oras.
Mga salita mo'ng buo.
Ang bumuo sa puso ko.
Natakot ako na baka hindi ko masuklian
Nakalimutan kung papaano.
Umatras, umayaw, nag paalam ako.
Nanatili ka. Sumugal ka.
Sinabi ko, hindi ko pa kaya.
Ayaw ko pa, pasensya na.
'Di ka na muling nag tanong.
Unti-unti ng nawala
Ang mga salita mo'ng bumubulong
sa puso kong umaambon.
Nainip ako, nag hahanap at nagtatanong.
"What went wrong?"
Mga salitang lumabas sa bibig ko.
Ang salita na gustong itanong sa'yo.
"I'm just trying to make you feel the same way you made me feel." ang sagot mo.
Natauhan ako. Naiiyak. Naguguluhan.
Nasasaktan. Nag-kukunwari na okay lang.
"Naiintindihan ko. Pasensya."
'yan lang ang mga salitang binitawan ko.
Nagpaalam tayo sa isa't-isa.
Paulit-ulit na paalam, pero bakit?
Bakit pilit tayong bumabalik sa iisang pahina?
Dumating ang Marso,
Kinausap kita.
Nagtawanan pa tayo. Kamustahan.
Hanggang sa humingi ako ng patawad.
Pinatawad mo ako.
Tinanong kita kung meron pa ba, pwede pa ba tayo?
O huli na ba ang lahat?
Limang oras tayo'ng nag-usap.
Limang oras na nagkukulitan.
Nakikinig ka pa rin sa'kin.
Ganoon pa rin, parang walang nagbago.
Pero di mo pa rin sinasagot ang mga tanong ko.
Kung pwede pa ba?
Tinanong kita ulit.
Paulit-ulit.
Hanggang sa nabitawan ko ang salita'ng
"Mahal kita"
"Pasensya ka na. Meron na akong iba."
"Mas mahal ko siya."
"Gusto ko lumigaya ka. Pasensya ka na."
"I already have mine."
"Kung kailangan mo ako. Nandito lang ako."
At yan ang mga sagot mo.
Mar 23, 2021
Mar 23, 2021 at 2:49 AM UTC