"nagtanong" poems
Sabi nila,kapag nahanap mo na daw ang tunay na pag-ibig ay nahanap mo na rin ang iyong langit dito sa lupa. Kaya't naniniwala akong langit din ang maghahatid sa'yo patungo sa akin. Pero naiinip na akong maghintay at nanghihinayang sa bawat sandaling lumilipas , na hindi ko man lang magawang hawakan ang iyong mga kamay sa mga panahong kailangan mo ng karamay.Na hindi ko man lang magawang damayan ka kung dumadanas ka ng lumbay.Alam kong katulad ko,pakiramdam mo minsan ay binitawan ka na din ng mundo.Kaya't patawarin mo ako kung sa mga pagkakataong nararanasan mo yan ay wala ako d'yan para ikaw ay aking ma-salo. Kung totoong ang pag-ibig at ang langit ay may malalim na kaugnayan sa isa’t-isa,malakas ang kutob ko na tayo din ay iginuhit na katulad nila. Minsan na din akong nagtanong,saang sulok ng langit ka kaya naroroon? Malapit ka kaya sa araw? O marahil nasa tabi ka lang ng buwan,na sa tuwing sasapit ang dilim ako ay binabantayan.Kaya pala kahit saan ako magpunta ako'y lagi niyang sinusundan. Pero maaari din na ika'y kapiling ng mga bituin na kay daming nais mag angkin. Kay palad kong pagdating ng araw ikaw ay napa sa-akin. Kaya habang wala ka pa,ako muna ay magiging kaisa ng mga mabubuting kawal ng ating bayan. Makikidigma kung kinakailangan,ipaglalaban kung ano ang makat'wiran. Upang sa iyong pagdating ay malaya nating tatamasahin ang payapang buhay. Kaya habang wala ka pa ako'y taos puso kung manalangin sa ating may likha. Na paghariin niya nawa ang kabutihan sa aking puso bilang isang tao at higit sa lahat ay bilang kanyang anak , upang sa sandaling tayo'y pagtagpuin ako rin sa iyo ay magiging isang mabuting kabiyak. Hindi pa man tayo nagtatagpo,nais kung malaman mo na laman kang palagi ng aking panalangin. At habambuhay kong itatangi ang iyong pag-ibig na siyang dahilan kung bakit maka ilang ulit kong nanaising mabuhay. Nais kong ipagsigawan sa mundo na iniibig kitang wagas,ngunit mas mamatamisin kong hintayin ka at kapag naglapat na ang ating mga dibdib,ibubulong ko sa'yo na ikaw ang aking daigdig. Maghihintay lang ako,habang wala ka pa.
© 2018 Glen Castillo
All Rights Reserved.
Jul 27, 2018
Jul 27, 2018 at 3:47 PM UTC
#030317
Oo, totoo --
Hindi mo na kailangang ipagsigawang mahal mo ako,
Na aakyat pa sa tuktok ng bundok
Para isigaw ang pangalan ko,
At doo'y ihayag ang nilalaman
Ng damdaming nagsisidhi,
Sapat na sa akin ang ibulong mo ang mga salitang ‘yan.
Mahal kita --
Sabi nila, lahat ng panimula ay may pangwakas
Pero hindi ko mahagilap sa anumang libro
Kung may katapusan nga ba ang mga salitang yan.
Sa bawat letrang namumutawi sa aking bibig,
Hindi ko alam kung matatapos ba
Ang pagkatha ng puso ng sarili nitong lenggwahe ng "mahal kita"
Pagkat hindi ito isang antigong alahas
Na susuotin lamang sa mga piling okasyon,
Pagkatapos ay itatago sa kahon,
At kakainin ng alikabok sa lilipas na mga taon.
Sabi sa kanta,
"Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga"
Pero ang sabi ko nama'y
Tirik man ang araw sa pagtawa
O kulimlim man ang gabi sa pag-iyak,
Hindi ako mauubusan ng dahilan
Para mas mahalin ka pa.
Mahal, kaya ka pala mahalaga
At kaya pala mahalaga --
Ngayon, ngayo'y alam mo na.
Kukunin ko ang mga agiw
Sayong mga lumang gunita,
Pilit kong wawasakin ang mga pader
Na hindi akmang pumagitna sa'ting dal'wa.
Sa paulit-ulit **** pagsambit,
Noo'y natakot akong maglaho ang halaga nito
Natakot akong bawiin ng bukas ang bawat sinasambit mo
Pero ngayon, mas pinili ko nang masanay --
Masanay sa bawat pagbigkas mo
Kahit pa sabi ko noo'y ayoko
Kahit pa gusto kong itanggi
Kahit pa gusto kong limutin.
Pero oo, sapat na sakin ang tiwala mo
Sapat na sakin ang pag-intindi mo
Minsa'y di ko maintindihan sa telepono,
Minsa'y di ko malinaw sa pandinig ko
Pero alam ng puso ko:
Narinig ko.
Sa mga kamaliang pilit nating binabayo,
Mga pagkukulang na pilit nating pinupunan,
At sa mga araw na kahit luha ang nalalasap,
Doon ko nakitang kaya pala --
Kaya pala nating magpatuloy
Sa paghawak sa kamay ng bawat isa
At kahit pa malayo sa isa't isa'y
Ikaw at ikaw pa rin ang pagsinta.
Minsan di'y nagtanong ako,
Ba't hindi ka na lang naunang masilayan ang mundo?
Bakit kailangang hintayin pa kita?
Bakit kailangang masaktan muna bago matugunan ang pagmamahal?
Ba't nga ba minamahal kita?
Mapupuno ako ng bakit
Pero itatapon ko ang mga ito,
Ayoko nang malunod sa pangambang
Paggising ko'y baka muli ka na namang maglaho
O baka malimot ng isa sa atin
Ang iniingatang "mahal kita"
Tatalon ako sa walang kasiguraduhan
Tatalon ako --
Oo, alam kong nahuhulog ako
Nahuhulog sa walang katapusang
"Mahal kita."
Hindi ko gamay ang misteryo nito
Hindi ko mabatid ang mga nakasulat,
Mga nakalimbag sa bawat pahina ng aking isip:
Pero ililibot kita,
Sa aking nakaraan,
Sa aking ngayon
At sa aking bukas --
Pagkat hindi tayo nabigo
Ayokong biguin ka.
Kailanman hindi mabubura,
Hindi maglalaho
Para sa nag-iisang ikaw.
Sana magkusa ang araw sa pagbangon,
At bukas makalawa'y maririnig ko na
Ang hinihintay kong "Mahal kita."
Mar 2, 2017
Mar 2, 2017 at 9:46 PM UTC
Hindi kita gusto sa una nating pagkikita,
Ngunit, muli tayong pinagtagpo, at ito'y umusbong na.
"Ayoko, ayoko nito."
"Mahirap, mahirap ito."
Mga salitang nabanggit ko,
habang ako'y nakatitig sayo.
Simula noong araw na iyon,
nagtanong- tanong na ako, tungkol sayo.
Gusto kong malaman ang pangalan mo,
Gusto kong malaman ang mga hilig mo,
Gusto ko lang makaalam ng kahit ano, tungkol sayo.
Nabalitaan kong sikat ka raw,
Talaga ba? Marami raw nagkakagusto sayo?
Edi mas bumaba ang tsansa ko, upang mahalin mo?
Masakit mang isipin, pero ito ang totoo,
Masakit mang isipin, pero hindi ako ang mahal mo.
Nagdaan ang ilang araw,
Natuklasan ko,
Paasaa ka, pafall ka,
Pero mahal parin kita.
Oo crush lang kita,
Pero gustong gusto kita, higit pa sa kanila.
Isang araw nabalitaan ko,
Balitang dumurog sa puso ko.
May ka-M.U ka raw,
may nililigawan ka raw,
at ako namang si t*nga,
Hindi naniwala sa kanila
Mas pinili ko pang umasa,
Sa taong wala naman akong pagasa.
Pero nung makita ko,
Nung makita nang dalawang mata ko, yung paghaharutan niyo,
Napaisip ako, "Bakit ganito kayo?"
Nasobrahan ba yung pagka- bulag ko para sayo?
Nasobrahan na ba yung pagmamahal ko para sayo?
Upang ako'y masaktan nang ganito?
Pinilit kong ihinto ang pagmamahal ko sayo,
Ngunit mas lalo lang kitang ginugusto.
Hindi ko alam kung paano ako makakaalis sa sitwasyong ito,
Ang alam ko lang, sobrang nasaktan ako.
Ang sakit na iyon ang nagturo sa akin,
kung paano kumalas,
Kumalas sa relasyong ako lang ang lumandas.
"Ayoko na, ang sakit sakit na."
Ngayon, pinapakawalan na kita.
Susuportahan kita kung saan ka sasaya,
At yun ay sa piling niya.
Bumitaw ako, ngunit hindi ibig- sabihin non,
ayoko na sayo,
Gusto kita, tandaan mo yan,
Ngunit hindi ko yata kayang lumban,
Sa pagmamahalang, ako lang ang nakakaalam.
Lumipas ang ilang buwan,
Sinabi mo mahal mo ako,
Sabi mo, ako lang ang yong gusto,
Ano 'to lokohan?
Pagkatapos mo akong iwan, ngayon ako'y babalikan?
Oo mahal kita.
Mahal kita noon,
Pero binaliwala mo iyon.
Bakit ngayon pa?
Bakit ngayon pang ako'y sumuko na?
Bakit ngayon pang ako'y nasaktan na?
Bakit ngayon pang ako'y masaya na... SA PILING NG IBA?
Jun 29, 2017
Jun 29, 2017 at 6:45 AM UTC
Kung isa-isahin ang nakaraan
simula no'ng ika'y aking niligawan
hanggang sa dumating ang kasalan,
maikukwento ko ng walang alinlangan
kung paano tayo nagsimula at nag ibigan.
hindi sa lahat ng panahon
ang mga bagay ay naaayon
sa kung paano natin gusto
at 'di lahat ay agad na natatamo.
Unang kita palang, napaibig na ako
Lalo na sa mga sumunod na pagtatagpo
walang duda pana ni kupido ’y tinamaan ako
sa isang tulad mo
puso ko'y nahulog ng di napagtanto,
sa pakiwari ko’y pakana nga ito ni kupido.
sa isang tulad mo puso ko'y
nahulog ng di napagtanto,
sa pakiwari ko’y pakana nga ito ni kupido.
Sa iyong mga mata
Nasisilip ko ang langit pagkat ikaw ang anghel na
sa aki’y pinakamalapit
Palapit ng palapit,
ang titig,
Sa mapulang labi mo’y
nakakatuksong humalik
at ayaw ng mapapikit,
Akoy nag aasam at humihiling
sa panginoon
at biglang kanyang dininig
Hindi inaasahan ang iyong pagdating.
Pagod kong puso’y iyong ginising.
Buhay ko'y binigyan ng ningning,
Ikaw lang ang gustong makapiling
Sa iyong mga mata
Nasisilip ko ang langit
pagkat ikaw ang anghel na
sa aki’y pinakamalapit
Palapit ng palapit,
ang titig,
Sa mapulang labi mo’y
nakakatuksong humalik at ayaw ng mapapikit,
Akoy nag aasam at humihiling sa panginoon
at biglang kanyang dininig
Hindi inaasahan ang iyong pagdating.
Pagod kong puso’y iyong ginising.
Buhay ko'y binigyan ng ningning,
Ikaw lang ang gustong makapiling.
dumating ka sa mundo
ko’t iyong niyanig
pinukaw ng iyong tinig
“Happiness Happiness Happiness”
Ang tinig na aking narinig
at napatulala at napatitig
Biglang nag usisa sa sarili nagtanong,
Paano ko ba mapapaliwanag
ang hiwaga nitong pagmamahal na
kung bakit sa puso ko’y kumapit ng kusa
Minsay ako’y nagtataka’t di maka paniwala
linalaro sa panaginip
ang dakilang pagsuyong inayunan ng tadhana’y nag ka sundo
tuluyang hinamon ang matapang na puso
Hindi ka na malulumbay,
kapag nasisilayan ko ang iyong labi,
may taglay na ngiti
Pagod koy napawi,
limot ko na ang ligalig na iyong pinag iigi
kaya wag mag madali
pagkat atin ang sandali
At ng sayo’y napalapit ayaw ng lumayo
andito na ang iyong
Sandalang Balikat
Na hindi madadaan sa gulat
Hawak hawak ang maliliit at malambot **** mga kamay
Habang may ibinubulong
ang boses **** malumanay
Umalis ng walang plano,
walang dala kundi ang puso.
pero saan nga ba patungo?
Bawat hakbang ng paa,
bawat hininga,
ninanamnam para sa ikasisiya
pero saan nga ba patungo?
Ramdam ang pagod
kinailangan ng tumukod
ngunit hindi susuko.
pero saan ba talaga patungo?
Marami ng nadaanan at natambayan
Pero di naman kaianaman
Hangang sa dumating na sa dulo na
ang puso’t pag ibig ko’y nasa iyo
Dahil di ako sanay na ikaw ay mawalay
Andito na ako
Sa unang pag kakataon
Sa araw ng mga puso
Sa Ika labing apat na araw ng pebrero sa kalendaryo
Bungkos ng rosas ay para sa iyo
Sa masayang araw at hanging maaya,
ang sinugong puso’y sumasaiyo
at ito’y magsasabing
Sa tuwa at dusa,
Hirap at ginhawa
Sarap at ligaya
Ang
“Balentayns”
Ko’y ikaw
Walang iba! ! ! ! !
Subukan naman
Aug 20, 2019
Aug 20, 2019 at 6:41 AM UTC
UMAGA (Morning)
“I won’t talk, I won’t breathe. I won’t move ‘till you finally see that you belong with me..”
Nag-alarm ang cellphone ko,
at oras na ng pag-gising ko.
Oo, tama ka.
Ang paboritong kanta ni Paulo
ang tunog ng alarm ko.
Sa pagdilat ko, nakita ko nanaman
ang Araw na kasisikat pa lamang.
“Paulo” ayan nanaman ang unang salitang
nasabi ko, ang unang bagay at tao
na laman ng isipan ko.
Naisip ko, ako rin kaya ang naiisip niya
bago siya matulog?
Ako rin kaya ang unang nasa isip niya
sa kanyang paggising?
Umaga nanaman, panibagong araw na haharapin.
Bagong pagkakataon, bagong aabangan, at
bagong mga pangyayari.
Ang tanong ay simple lang naman,
Magkikita kaya kami?
Mabibigyan kaya kami ng pagkakataon ngayon?
Ang kahapon ay nakalipas na, sabi nga,
pero magmimistulang kahapon pa rin ba
ang araw ko ngaun?
Naghikab ako, sabay bangon.
Sa pagbangon ko, tumingin akong muli
sa bintana nakita ko na kumpleto
ang kulay na bumubuo sa paligid.
Berde, asul, dilaw, pula, puti, itim, brown,
lahat na ng kulay!
Ang ganda ng mundo ng mga tao,
ang ganda ng umagang sumalubong.
Pero nawala ang ngiti sa mga labi ko, at
kung may nakakita man sa akin
mababakas sa aking mga mata
ang lungkot, pananabik at pangungulila
ng malayo kay Paulo.
Gaano man kaganda ang paligid ko,
hindi pa rin kumpleto ang MUNDO KO
ng wala si Paulo.
Muli, napabuntong hininga ako
kasabay ng pagpigil ko sa aking mga luha
na nag-aadyang sila ay muling papatak.
Ayoko munang umiyak hanggat maaga,
marami pa naman mangyayari.
Mamaya nalang ulit kapag andiyan na ulit si Gabi,
ganoon ulit ang eksena, at ganoon naman lagi.
Binuksan ko ang pintuan ng aking kwarto,
lumabas na ako, at sa pagsara ko ng pinto
nagtanong ako ulit:
“Nasaan si Paulo?”
Oct 27, 2015
Oct 27, 2015 at 8:43 PM UTC
I.
Heto na naman ang panahon na naman ng tag-ulan.
Ating ala-ala ay dahan-dahang nagsisibalikan,
Sa aking mumunting isipan.
Mga ala-alang na hindi na dapat pang binabalikan.
II.
Naalala ko pa noon ang ating unang ulan,
Sa kung paano mo ako hagkan,
Sapagkat pareho tayong nangingig ang katawan.
Niyakap kita ng mahigpit at halos ayaw na kitang pakawalan.
III.
Pareho tayong tahimik ng mga gabing 'yun,
Hindi tayo nag-uusap nasa iba ang atensyon.
Bigla kang bumalikwas at sa akin ika'y napatingin.
Ako'y panandaliang nagulat at ako'y umiba ng tingin.
IV.
Napukaw ang atensyon mo ng iyon ay aking gawin,
Ika'y nagtanong: “Mahal, anong ba’t 'di ka makatingin?”
Nagulat ako sa tanong mo, 'di ko alam ang sasabihin.
Sagot ko'y: kaswal na “Wala” at ika'y niyakap ng mariin.
V.
Bigla akong nagising sa katotohanan,
Kaya’t akin ng tinigilan ang pag-iisip ng kalungkutan.
Kung itatanong n'yong nasaan na s'ya.
Nandun s'ya sa langit kapiling ang Diyos Ama.
VI.
Oh, ulan! Kasalanan mo talaga 'to!
Kaya ngayon sila'y muling tumatangis mula sa mata ko.
Hayaan n'yo na ako,
Ganito na talaga siguro ang epekto ng mga ulan sa buhay ko.
Jul 8, 2015
Jul 8, 2015 at 11:53 AM UTC
I.
Nakilala ka dahil sa isang kaibigan,
Di nagtagal, tayo'y nagkamabutihan.
Walang araw na hindi nagkakausap,
Tuwing nagmemensahe ka ako'y parang nasa ulap.
II.
Nakilala pa natin ang isa't-isa.
Tandang-tanda ko pa nung una tayong magkita,
Hindi ko maalis sayo aking mga mata,
Pero ramdam ko ika'y sakin ay ilang pa.
III.
Unang larawan na tayo'y magkasama,
Proud na proud ko pang ipinakita sa tropa.
Ako na ata ang pinaka-masaya nung araw na 'yun,
Dinarasal na sana parati nalang ganun.
III.
Nagpatuloy ang ating palitan ng matatamis na salita,
Pero kada-araw na lumilipas na araw, tila ika'y nanlalamig ata.
Hinayaan ko, kahit na hulog na hulog na ako sa'yo.
Sabi ko sa sarili ko: "Wala kang karapatan mag-tampo dahil di naman kayo."
IV.
Nagsawa na ako sa ganoong estado kaya't nagtanong ako ulit:
"Ano ba ang meron tayo? Kasi mahal kita, eh ako ba?"
Hindi ka umimik, nagpumilit kang ibahin ang usapan.
Tinanong ko ulit ang aking sarili kung; "Itutuloy ko pa ba ang laban?"
V.
"Hindi kita kayang mahalin gaya ng pagmamahal mo sa akin."
Ang ganda ng umaga ito, tapos ganito ang bungad mo?
"Bakit ano ang dahilan, gusto kong maliwanagan?" Tanong ko.
"Gusto na niya makipagbalikan. Patawarin mo ako."
VI.
Halos gumuho ang mundo ko sa nabasa ko.
Para akong natutulog ng mahimbing, tapos binuhusan ng yelo.
Alam ko namang hahantong sa ganito,
Buti na lamang handa ako, pero di ko akalain bakit sa araw pa na 'to?
VII.
Masyado akong nagpadala sa mga ngiti mo,
Hinahanap-hanap ko pa presensya mo,
Hulog na hulog na ako, kasi akala ko kaya mo ako.
May kalakihan ako, pero sana nagsabi kang hindi mo ako kayang masalo.
VIII.
Ikaw ang bumuo sa mga araw ko,
Pero ikaw rin pala ang wawasak nito.
Lumaban ako--kasi akala ko kaya mo rin akong ipaglaban,
Pero mas piniling **** balikan yung taong minsan ka nang iniwan.
May 10, 2016
May 10, 2016 at 10:14 PM UTC
wala kang karapatan ipalagay
kung ano ang nararamdaman ko
kasi di ka nagtanong
at di mo rin naman ginustong malaman ang sagot
kaya, pakyu
May 5, 2015
May 5, 2015 at 7:31 PM UTC
Naglalakad ako pauwi nang makita kita sa isang tabi.
Umiiyak.
Humahalakhak.
Lumalaklak.
May hawak na bulaklak.
At humihiling sa bawat talulot na pipitasin ay sana hindi ka niya iniwan nang wasak.
Nilapitan kita agad at tinabihan.
Dinamayan ka sa lamig.
Ang mga binti **** sa sobrang tagal nang nakaupo ay namimintig.
Walang salita o tunog na lumabas sa aking bibig.
Kundi ang mga tenga lamang para makinig.
Sa pagkwento mo habang ang boses mo'y nanginginig.
Sabay nating pinanood ang pagbaba ng araw.
Kasama sa paglubog ang galit na umaapaw.
Napatitig ako sayo at napabulong na wag ka sanang matunaw.
At nagtataka na bakit mayroong tao na sayo ay umayaw.
Biglang tumibok ang puso ko ng laktaw-laktaw.
Nagpapasalamat na natanaw kita at ako ay naligaw na parang langaw.
Kinalaunan ay napatahan ka kahit saglit lang.
Napasaya kahit saglit lang.
Nabawasan ang sakit kahit saglit lang.
Nakalimot sa problema kahit saglit lang.
Nakasama ka kahit saglit lang.
At naging parte ng mundo mo kahit saglit lang.
Hinatid ka para ligtas na makauwi at nagtanong ka kung paano makakabawi.
Makita ka lamang ngumiti, ang abala ay mapapawi.
At sana, kung okay ka na talaga.
Kapag natulog ka at ipipikit na ang mga matang namamaga.
Ay malaman mo na ang iyong tunay na halaga.
At matuklasan ang pagmamahal na pang-sayo lamang ng buong buo.
Jul 5, 2016
Jul 5, 2016 at 8:37 PM UTC
nakatingin siya
sa kalangitan
at biglang
nagtanong,
"kaya mo pa ba?
hanggang kailan
ka maghihintay?"
pinikit ko ang
aking mga mata
wala akong ibang
narinig kung hindi
and hampas
ng mga alon
at ang paghinga
naming dalawa
wala mang kasigurduhan
binuksan ko ang aking mga mata
at tumingin sa kanya
ako'y ngumiti
at sinabing,
"hanggang maubos
ang bawat araw
at bawat gabi."
Dec 11, 2016
Dec 11, 2016 at 11:47 AM UTC
Magkaibigan
Naglolokohan
Nag-aasaran
Nagngingitian
Isang araw nag-yaya ng hindi inaasahan
Hindi tumigil sa text at tawagan
Kumain ng sabay
Nag-usap ng matagal
Bumiyahe ng magkahawak-kamay
Umakyat ng bundok at nakaalalay
Spoiled sa paghatid at pagsundo
Tambayan ang mcdo
Gusto laging magkasama
Ayaw humiwalay sa isa’t-isa
Ang oras ay kay bilis pag magkapiling
Ang araw ay kay tagal pag malayo ang isa sa atin
Isang araw nagtanong at nagtaka
Ano bang meron sa ating dalawa?
Higit pa ito sa magkaibigan
Mukhang nahulog na ng tuluyan
Pebrero 28 itinakda natin ang “tayo”
Minarkahan na ang ating kalendaryo
Hindi inaasahan.
Ni hindi pumasok kailanman sa isipan,
Na ang dating magkaibigan at magkaasaran
Sa huli ay magkakatuluyan
Salamat sa mga hindi inaasahan.
Apr 6, 2016
Apr 6, 2016 at 10:14 PM UTC
Noong bata pa ako
Nalaman ko na
Kung gaano katapat,
Gaano katiyaga
Ang puso kong marahan.
Silang mga duwag,
Sa'king mga katagang, sadya.
Agad natinag, wika pa lamang.
Siguro nga ito'y pamana
Walang bahid malas
Na ang buhay ay di para
Sa isang tao lamang.
Sa lahat ng aking napusuan
Tama na ang pangalan
Masaya siya, sapat na.
Pero ba't sa t'wing natatanto
Kanilang pagkakakilanlan
Ako'y umaatras,
Nawawalan ng gana.
Isa, dalawang taon?
Isang pitik, tumatalsik!
Kaya minsa'y nagtanong sa itaas:
*"Asan na siya?
Asan na ang taong
Pagmumulan ng mga "sana"..."*
Yung,
"Sana mas nakilala pa kita."
Eto yung "talaga".
Wala.
WALA, PA.
Aug 18, 2015
Aug 18, 2015 at 3:22 AM UTC
ako'y pupungas-pungas
ngunit pinili ang mata'y isarado
pinilit matulog, nagbabakasakaling
ang payapang panagip ay bumalik;
ako'y nasa lugar na nais
sa lugar na lahat ay tunay,
sa lugar kung saan walang madla,
sa lugar na malaya at walang nakakakita ng tunay na nadarama
sa likod ng ngiting pinapakita.
nakaupo sa pino
ngunit puting buhangin,
pinagmamasdan ang tulog na ulap
sa likod ng mga kumikinang na bituin,
at pinapakinggan ang tila walang sigla
na hampas ng alon sa dalampasigan
isip ko'y binabaha
ng mga salitang hindi mailabas,
sa tahimik na lugar na nais
nagtanong sa sarili,
"mayroon pa bang saysay
itong buhay na walang halaga?"
Feb 12, 2019
Feb 12, 2019 at 1:02 AM UTC
Sabi nila,kapag nahanap mo na daw ang tunay na pag-ibig ay nahanap mo na rin ang iyong langit dito sa lupa. Kaya't naniniwala akong langit din ang maghahatid sa'yo patungo sa akin. Pero naiinip na akong maghintay at nanghihinayang sa bawat sandaling lumilipas , na hindi ko man lang magawang hawakan ang iyong mga kamay sa mga panahong kailangan mo ng karamay.Na hindi ko man lang magawang damayan ka kung dumadanas ka ng lumbay.Alam kong katulad ko,pakiramdam mo minsan ay binitawan ka na din ng mundo.Kaya't patawarin mo ako kung sa mga pagkakataong nararanasan mo yan ay wala ako d'yan para ikaw ay aking ma-salo. Kung totoong ang pag-ibig at ang langit ay may malalim na kaugnayan sa isa’t-isa,malakas ang kutob ko na tayo din ay iginuhit na katulad nila. Minsan na din akong nagtanong,saang sulok ng langit ka kaya naroroon? Malapit ka kaya sa araw? O marahil nasa tabi ka lang ng buwan,na sa tuwing sasapit ang dilim ako ay binabantayan.Kaya pala kahit saan ako magpunta ako'y lagi niyang sinusundan. Pero maaari din na ika'y kapiling ng mga bituin na kay daming nais mag angkin. Kay palad kong pagdating ng araw ikaw ay napa sa-akin. Kaya habang wala ka pa,ako muna ay magiging kaisa ng mga mabubuting kawal ng ating bayan. Makikidigma kung kinakailangan,ipaglalaban kung ano ang makat'wiran. Upang sa iyong pagdating ay malaya nating tatamasahin ang payapang buhay. Kaya habang wala ka pa ako'y taos puso kung manalangin sa ating may likha. Na paghariin niya nawa ang kabutihan sa aking puso bilang isang tao at higit sa lahat ay bilang kanyang anak , upang sa sandaling tayo'y pagtagpuin ako rin sa iyo ay magiging isang mabuting kabiyak. Hindi pa man tayo nagtatagpo,nais kung malaman mo na laman kang palagi ng aking panalangin. At habambuhay kong itatangi ang iyong pag-ibig na siyang dahilan kung bakit maka ilang ulit kong nanaising mabuhay. Nais kong ipagsigawan sa mundo na iniibig kitang wagas,ngunit mas mamatamisin kong hintayin ka at kapag naglapat na ang ating mga dibdib,ibubulong ko sa'yo na ikaw ang aking daigdig. Maghihintay lang ako,habang wala ka pa.
© 2018 Glen Castillo
All Rights Reserved
Feb 26, 2019
Feb 26, 2019 at 7:59 AM UTC
Mahal kita,
kahit na klepto ka. Ninakaw mo nga
ang puso ko,
ngunit ibinalik mo naman.
Sa’yo na ‘yan!
Sa’yong sa’yo na ‘yan!
Ano kaya mararamdaman mo kung may nag-snatch
ng phone mo
tapos after 3 or 4 months ibinalik ulit?
Confused ka syempre. Hindi mo alam kung magiging masaya ka pa dahil ibinalik sa’yo
‘yung dating iniingat-ingatan mo.
Siguro, oo?
Siguro, hindi?
Wala ka nang ****
Pero sa pagmamahal, ibang usapan na ‘yun. Masaya ka na dahil sanay ka na sa kung anong meron ka ngayon…
na nasa iyo ang puso ko,
pero ibinalik mo rin. Ninakaw mo na ang puso ko,
sana dinamay mo na pati apelyido ko diba?.
Kahit hindi mo na ibalik.
Ilang beses na tayong na-</3,
pero naayos rin natin ‘yun.
Sabi ko nga sa sarili ko,
“Sana ‘di na ako nagmahal,
para lang 'di na ako masaktan pa.
Kaya lang,
makita lang kitang nakangiti,
handa na 'kong masaktan ulit.”
at sabi ko nalang rin na worth it lahat ng ‘to.
Ang nagbibigay ng liwanag sa bahay ko ay ang Zamcelco.
Ang nagbibigay liwanag naman sa buhay ko ay ikaw…
Mahal ko.
Ganern.
Hindi ko alam kung ano ang plano ko sa buhay ko bago ka dumating sa akin.
Go with the flow lang kasi ako,
Binigyan mo ako ng rason na mag-work hard para makasama kita.
Binigyan mo akong goal sa buhay.
Medyo mala-#AlDub
rin tayo eh.
Magkikita’t magsasama rin tayo sa tamang panahon.
Ang korni no?haha
May nagtanong sa akin kung posible bang mahulog sa taong 'di mo pa nakikita.
Kung sa kanal nga na 'di ko nakita habang naglalakad ako,
nahulog ako…
Sa’yo pa kaya?
Sa totoo lang,
hindi naman talaga ako mahilig magdasal dahil nakakalimot ako.
Pero simula nang makilala kita,
nagdadasal na ulit ako.
Natuto akong magpasalamat kay God na dumating ka sa buhay ko.
Pero ayun,
our souls were just meant to stop by for a while,
not forever siguro?
Pero kung para sa akin ka, para sa akin ka.
Kung hindi,
ipipilit ko talaga, haha..
Apr 2, 2017
Apr 2, 2017 at 10:05 PM UTC
Unang araw ng klase
nakita ko tong magandang babae.
Unang **** ang sumulpot,
Napansin ang iyong ganda. Sino ba naman daw
hindi maaakit sa iyong itsura?
Hinintay na magpakilala ka sa harapan
nais ko na kasing makuha ang iyong pangalan.
Unang break time ng klase,
may lumapit sayong matipunong lalake.
Napansin ko ang 'yong mukha para bang
hindi ka komportable.
Pangalawang **** siya'y nagtanong sayo.
Kung sino bang natitipuhan mo sa klase.
Tumayo ang balahibo ko nung tinuro mo'ko
at sinabi **** pwede ba kong tumabi?
Nagulat ang ating mga kaklase, ganon na rin
ang **** Sa dinami daming lalaki ba't ako
pa ang napili mo? Ang tanging sagot mo na
nagpakabog ng puso ko. Yun ay, ikaw lang yung
nakita kong lalaking deretsyong nakatingin sa mga
mata ko.
UWIAN NA!
Jun 9, 2018
Jun 9, 2018 at 10:37 AM UTC
Sabi nila di ka tunay na manunula kung ang sulat mo'y di tugma
Kaya napatingin ako sa aking mga tula
At nagtanong sa aking sarili kung ang aking iniisip ay tama
O tunay nga ba ang aking duda
Hindi nga ako isang makata
Marahil ang gawa ko'y di makatutugma
Dito ay kalungkutan ang aking nadama
Dahil sa kasinungalingan ng aking paniniwala
Di tugma ang aking kinurbang salita
Gamit ang makabagong pluma
Luha't dugo ko'y na baliwala
Dahil lang sa sinabi ng isang makata
Kaya't gumuho ang aking mundo't pag-asa
Galit at pighati ang gumising sa aking gabi, mulat ang parehas na mata
At ako'y umiyak at lalong nagduda
Sa aking talento't kakayahang tumula
Feb 25, 2021
Feb 25, 2021 at 5:42 AM UTC
Malabo, magulo, parang guguho ang mga salita. Matanong kita, makata ka ba talaga?
Kung oo ang sagot, bakit parang limot na ng labi at ng kamay mo ang paghabi sa mga tulang minsang bumuhay sayo? Bakit parang hindi na sanay ang utak sa ingay ng patak ng ulan sa paglikha ng pyesang alam mo na ang katapusan?
Anong nangyari sayo?
Marami na silang nagtanong ng ganito. Mga lito sa kung ano na ba ang pinagsasabi ng labi ko.
Sa lahat ng nagpadala ng sulat, at sugat dahil lang hindi ko nailapat ang tamang salita, hindi naipinta ang gustong makita ng mata, patawad.
Hindi na kasi kayang patahimikin ng isip ang puso. Hindi na kayang tabigin, pagkunwariing ayos lang ito.
Sa lahat ng nagpadala ng sulat, at sugat dahil lang hindi ko nailapat ang tamang salita, hindi naipinta ang gustong makita ng mata, patawad.
Hindi na kayang itago ang malabo, magulo't matagal nang gumuhong ako.
Sep 8, 2017
Sep 8, 2017 at 9:41 PM UTC
Naalala ko pa yung araw na napagdesisyunan kong kumain sa McDo.
Kasi wala lang, trip ko lang.
Hindi naman ako gutom, hindi rin pagod.
Pero nag-McDo ako.
Noong panahong yun,
Saka ko lang narealize yung sinasabi nilang "Self Worth."
Pahalagahan ang sarili, mahalin.
Bagay na hindi ko nagawa sa nakaraan.
Kaya ayun, nagwakas, natuldukan.
Paano naman nga ba kasi magpapahalaga sa iba
Kung sarili ko nga di ko mapahalagahan.
Umorder na ko ng fries at Big Mac
Syempre kasama ang paborito kong McFloat.
Nasa kalagitnaan na ko ng pagnguya
Nung nagtanong ka
"May nakaupo na po ba?"
Hindi ko na tiningnan ang kanyang mukha
Umiling nalang ako.
Nagtataka rin kasi ako bat sa harap ko pa naisipan **** umupo.
Yun pala, wala na talagang pwesto sa McDo.
Binasag mo ang katahimikan sa pagpapakilala mo sa akin.
Bigla atang lumamig ng hangin
Lalo na nung nakita kong nakangiti ka sakin.
Nagkakilala tayo. Naging magkaibigan.
Ikaw ang nagsilbi kong Happy Meal
sa araw-araw na paggising ko.
Hindi ko na kailangan ng Happy Meal toy
Kasi makasama ka lang enjoy na ako.
Ikaw yung chicken fillet na
sa sobrang lambot ng pisngi mo nanggigigil ako.
Ikaw yung Hot Fudge na mas matamis pa
sa Dairy Milk kasi sobrang sweet mo.
At para kang gravy ng McDo
na hanggat di ubos yung ulam magrerefill ako.
Hanggang isang araw, inaya mo ko mag-McDo.
Masaya akong sumama kasi minsan lang yun.
Ako naman ililibre ng taong madalas ilibre ko.
Feeling ko tuloy sasagutin mo na ako.
Nagpresenta kang ikaw na o-order
At ako nang bahala sa uupuan.
Hindi ko alam bakit pagkaupo ko palang
Nakaramdam na ko ng kalungkutan.
Natakot ako bigla sa di malamang dahilan.
Buti dumating ka na, at
Buti nakangiti ka.
Ngunit ako ay nagtaka na
Ang pagkaing binili mo ay hindi para sa dalawa.
Agad **** sinabi saken na saglit lang,
May pupuntahan ka lang.
Pagkaalis mo, kinain ko na ang binili mo.
Pero nagulat ako
Matapos kong i-angat ang burger na inorder mo.
"Hindi pa pala ako handa."
Nakasulat sa sticky note na nilagay mo.
Di ko alam ano ibig **** sabihin
Kaya nagdecide akong ikaw ay hintayin.
Mahal, sabi mo saglit.
Pero bakit hindi ka na bumalik?
Iniwan mo na ako.
Iniwan mo gamit ang isang sticky note,
Kasama ang favorite kong McFloat.
Feb 24, 2019
Feb 24, 2019 at 10:16 PM UTC
Ang binuo nating samahan
Mga pasimple kong tawa sa banat **** linyahan
Ang titig **** Hindi ko maipaliwanag
Lahat iyan ay aking iingatan
Hindi na nagpapansinan
Wala na rin ang matamis na titigan
Huwag kang Mag alala, ikaw ay tumahan
Ang mga iyan ay hindi ko pahihintulutan
Hindi ko hahayaang ang makinang **** mga Mata
Ay mapalitan ng pagtinging naiilang
Sa oras na marinig mo na ikaw ang nilalaman
Mga titik na bumubuo ng iyong pangalan
Hindi kailanman mangyayari
Na sa iyo ay aking masabi
Ikaw ang nais makatabi
Ikaw lang ang sambit ng mga labi
Hindi ko alam Kung kailan nagsimula
Bakit ikaw na ang hanap ng mga mata?
Nagpapanggap sa sarili, Hindi ikaw Hindi ikaw
Paano mangyayaring sa kapit mo'y di bibitaw?
Tuksuhan dito, tuksuhan doon
Tila ba sang-ayon sa atin ang panahon
Isang araw sa aki'y may nagtanong
"Paano Kung kayo sa dulo ?" paano nga kung umabot tayo doon?
Naisasala ng imahinasyon
Pinapangarap subalit di lubos maisip
Umabot tayo sa bangin ng limitasyon
Mayakap ka, hanggang dito na lamang ba sa panaginip?
Oct 22, 2018
Oct 22, 2018 at 9:02 PM UTC
umagang umaga
ikaw sa akin ay nagbibigay kaba
mukhang ikaw yata ang babaeng
sa akin ay itinalaga
naririnig ko na ang bawat yapak ng iyong mga paa
at unti unting bumibilis ang aking paghinga
diko maigalaw ang aking mga kamay at paa
parang ako ay napaparalesa
nandyan na ang **** at nagsimula ng sa pagturo
pero diko parin maalis alis paningin ko sayo
ikaw na yata ang magiging subject ko
boung klase tayo ay magkatabi
hindi mo alam
palihim akong kinikilig at ngumingiti
pagkat minsan lang to mangyari
kung pede nga lang
e extend ang klase hanggang
hating gabi
oras na ng uwian
gusto ko sanang ikay sabayan
papunta sa inyong tahanan
kaso ikay dina abutan
kaya dali daling nagtanong
sa iyong mga kaibigan
kung saan ka dumaan
para ikay aking masundan
nang ikay naabutan
diko inaasahan
sa aking nadatnan
may nagmamay ari na pala ng iyong kagandahan
akoy biglang napatulala
napatingin sa mga tala
diko namalayan tumula na pala
itong mga luha
kaya aking napagtanto
itatawa ko nalang ang lahat ng ito
at kakalimutan ang isang tulad mo ...
Jun 30, 2018
Jun 30, 2018 at 5:09 AM UTC
Pagdating ko pa lang
Akoy agad ng tinangihan
Maka ilang ulit pinagpasahan
Isa, dalawa hangang lima
Hangang akoy nag kaisip na.
Sa aking kamusmusang balot
Ng hirap at kalungkutan,
Sa mulat kong kaisipan akoy naiwanan
Kamusmusang nawala
Napalitan ng trabahong pang matanda
Kaya kung minsann para bang may mga karayum na tumutusok saking dib dib
Mga ala alang mahirap balikan
Karanasang hindi makalimutan
At tanging alaala na lang ang natitirang katibayan sa hirap na pinagdaanan
Ang mundung ito’y malawak
Napakaraming tanong na hawak
Tanong na nagtagal na,
Tanong na wala pang kasagutan
At saan nga ba ako magsisisi
Ang hindi pag hanap sa katanungan?
O
ang hindi pag harap sa naka umang na kasagutan?
Lumalalim na ang usapan
At baka mamaya buong buhay na ni eric ang ating pag usapan.
Kaya………..
Umpisahan natin sa simula
Sa paraan kung paano tayo nagkaplaitan ng unang salita,
Sa lugar kung saan
Tayo unang nagkita,
At kung kelan natin natutunan pahalagahaan ang isat-isa.
Kwentuhang walang patid mula sa nakaraan at karanasan
Mga tawanang mistulang
Walang katapusan
Kahit na abutin ng kalhating buwan ang message ko bago mo ma replyan
Sabi nila,kapag nahanap
Mo na daw ang tunay na pag-ibig
Ay nahanap mo na rin ang iyong langit dito sa lupa.
Kaya't langit din ang maghahatid sa'yo patungo sa akin Ng kusa
Minsan akoy nagtakat
Nagtanong
Saang sulok ng langit kaya ikaw naroroon?
Malapit ka kaya sa araw?
Na mahirap puntahan at matanaw?
O marahil nasa tabi ka lang ng buwan, na sa tuwing sasapit ang dilim ako ay iyong mimasdan.
Pero maaari ding ika'y kapiling ng mga bituin na napakaraming nais mang angkin.
San kita makikita?
Sa mga panahong hindi pa
tayo muling nagtatagpo,
O
Sa mga panahong ikaw sakin ay napakalayo
Kaya kung totoong ang pag-ibig at ang langit ay may sabwatan
Sa pag iibigang ito
Matagal na pala kita dapat niligawan
Dahil Bumaliktad man ang mundo,
Mawala man ang lahat sa tabi mo, Mamamahlin kita na kayang
Ihinto ang oras,
Para lamang maibigay sa iyo at maipamalas.
Upang sa sandaling tayo'y pagtagpuin ng tadhana
Akoy magiging mabuting kabiyak at kapag nasisilayan kay magagalak at sisikaping kayang ibigay ano mang hilingin at kailanganin
Kayat sa wakas eto na.
Dumating na ang inaasam na pagkakataon
Puso ko'y tinatambol
At tiyan koy ina alon
at tadhana'y tila naghamon
Isang importanteng okasyon
Ang magaganap
Ngayong bakasyon
Na magiging okasyon
Ninyo taon taon
Dalawang taong nag mamahalan
Pag iisahin ng may kapal
Mag pakailanman
Aug 20, 2019
Aug 20, 2019 at 6:33 AM UTC
Ang lungkot at pakiramdang kay pait,
pilit itinatago sa pagkibit balikat at ngiting pilit
Na sa kabila ng panandaliang sayang naidudulot
ng mga kasamang pumapawi ng iyong lungkot,
mga masasayang sandaling kasama ka'y hindi pa rin malimot
Ilan man ang nagtanong ng “KUMUSTA?”
Ilan man ang dumaan at nakilala,
Ikaw at ikaw pa rin ang siyang iniisip oh aking sinta.
Puso ko'y parang tinatarakan ng patalim
pag nakikita kang sa kanya'y may pagtinging malalim
mga matang panandaliang sumaya nang ikaw'y masilayan,
biglang napalitan ng bahagyang selos at kalungkutan.
NALULUNGKOT mang ngayon na hindi na ako ang sa iyo'y nagpapasaya,
na ang mga pangako mo noon na sa aki'y ipinadama,
ngayo’y iyo nang ibinibigay sa kanya,
patuloy pa ring iibigin ka, kahit sa iyong piling ako’y wala na.
At kung siya man ang sa iyo'y itinadhana,
ang tanging hangad ko lang ay makita kang MALIGAYA.
Nov 12, 2019
Nov 12, 2019 at 11:36 AM UTC
Minsan ay kaalitan ang kanyang magulang
Sa sigalot ay nanggilalas
Nang tumila ay nanaig ang kapighatian sa kanyang paligid
Di hamak na bituin na nalumpasay sa langit
Naka-baklaw ang mga paa
Ang inalagaang rosas sa paso ay pawang tintang dugo
kung saan natigmak itong puso
Pag yumabong ay nahihirapan ang mga ugat sa karampot na buhangin
Ang maliit na sisidlan ay sumawata sa pagtubo
Ilang buwan din nagtiis
abot ng tanaw ngunit sa palagay ay lalong lumalayo ang sinta
Nang isang umaga'y may kumatok sa pintuan
Babaeng nakabelo ay biglang yumapos
Bumalisbis sa pisngi niya ang luha
- nagbigay ng imbitasyon
Sa pagka-akala niya'y mahal din
Humingi ng katiyakan ang kanyang paniniwala
Sapagkat naghintay sa kanya
Nagtanong nang diretsahan,
Kung sino ang babaeng napupusuan
Sa kanya ay umiibig ba
Di naibulgar ang pagsinta
Naibalik ang tanong sa kanya
Sino ang lalaking minahal bago maghiwalay ang mga landas at magpunta sa siyudad
Jan 11, 2019
Jan 11, 2019 at 7:54 PM UTC