Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Pusang Tahimik Aug 2021
Ako ay mandirigma sa ibabaw ng lupa
Ang kalasag at baluti ko ay di nila makita
Ang aking pananggalan ay di magigiba
At ang aking tabak ay may talim na magkabila

Ako'y walang tigil sa pakikidigma
Sa mga kaaway na walang habas kung gumiba
Ng mga templong ang nais sa kaligayahan ay humiga
Mga templong di alam ang pakikidigma

Mga kalabang hindi mo nga makikita
Ngunit nasa harapan kung sarili ang nakikita
Hindi na siguro bago ang ganitong balita
Na ang kalaban sa harap ng salamin mo lang makikita

Dumarating ang araw na ako'y nadarapa
At ang palakol ay nakatutok sa katawan ko'ng nakahiga
Ngunit Ikaw ang pananggalan ko'ng di nga magigiba
Inaahon mo ako upang alisin ang putik sa pagkadapa.

-JGA
Maisunshine Jan 2018
Kahit kailangan hindi magiging tayo
Iyon ang sabi mo!
Mga katagang lumabas sa bibig mo!
Masasakit na salita, na dumurog sa puso ko

Bakit nga ba akoy andirito pa
Umaasa at laging nadarapa
iniisip na itigil na ang nadarama
Pagkat ayaw mo sakin at wala akong magagawa
Kainis! Pinasigawan mo pa.. Ayaw ko n sayo, kung may paraan lng para makaalis ako dito.

— The End —