Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
renea lee Oct 2015
.,.
Hindi baga nakapagtataka
Ang mga salitang sinambit ni Eba
Nang kainin ni Adan
ang tanda ng kasalanan?

Hindi baga nakapagtataka
Ang mga salitang sinambit ni Adan
Nang una niyang nasilayan
ang ganda ni Eba
Na hinugot mula sa kanyang tadyang?

Hindi baga nakapagtataka
Sa kung paanong sa pag-ikot ng mundo
Ni minsan hindi nagtagpo ang araw at buwan?

Hindi baga nakapagtataka
Na sa dinami-dami ng tao sa mundo
Na sa paglipas ng dapit-hapon
At pagsikat ng araw

Natagpuan kita-

Sa isang araw na hindi inaasahan
Nakita
Nakilala
Nakasama

Hindi baga nakapagtataka
Sa kung papaanong ang bawat kaluluwa
Ay nagkakadaupang-palad
Ay nakakahanap
Ng mga kaluluwang mapagkakanlungan
Sa pag-ikot ng mundo
Sa paglipas ng panahon

Tulad ng atin-

Hindi ikaw yung ordinaryong babae
Sapagkat ang pagsabi sa babae ng ordinaryo
Ay parang pagmura sa isang santo

Sa iyong mga mata nakasillid
Ang isa pang babaeng
Nais kumawala
sa mundong kanyang kinagagalawan

Kimberly-

Pangalan mo’y hindi sayo lamang kumakanlong
Marami kang katulad
Pero ang pinagkaiba
Ikaw ay ikaw-
Sa kung paanong ang pangalan mo
Ay bumalot sa iyong katauhan
Sa kabutihan maging sa kasamaan

Isang babaeng naghahanap ng kasagutan
Sa mundo ng mga tanong
Na tila ba ang mga sagot ay hindi maapuhap
Na tila ba lahat ng ito’y
Nagtatago sa mata ng bawat isa
Na ang pagtitig sa mga ito’y hindi sapat upang matanto
Ang katotohanan na bumabalot sa atin

Sa iyong katauhan ay may nakabalot na sikreto
Isang misteryo na hindi ko kailan man malalaman
Ngunit kahit gaano man kadilim o kaliwanag
Hindi nito madadaig ang misteryo
Sa kung papaanong tayo’y nagkakilala
Sa isang panahon na pangkaraniwan lamang

Dalawang dekada-
Ang buhay mo sa mundo
Sa dalawampung taong paglipas
Maraming taong dumating
At marami ring umaalis
Binalot ng lungkot
Yinakap din ng saya
Ang iyong pagdating
Sa mundo ng kabagabagan

Pasalamat na lamang
Na sa paglipas ng lahat ng ito
Kaluluwa mo’y dagling naapuhap
Na parang liwananag sa kandilang papaupos

Maligayang Kaarawan, Mahal kong Kaibigan

R. L. Alcantara
*Enero 28, 2015
i made this free-verse poem for my friend’s birthday last january. intentionally, it's been 9 months now and i'm still not giving it to her. and as i think of it, i probably won't.
Hanzou Jun 2019
Hindi ko maunawaan
Mga katagang napagdaanan
Na marahil totoo nga,
Walang personal na pangmatagalan.

Musika ang naagapay
Naapuhap ko kung saan nakalagay
Sa musika naging karamay
Pero sa kasalukuyan, siya ay sumakabilang-buhay.

Nawaglit man sa panahon
Pansamantala man ang pagkakataon,
Lahat mananatili sa memorya
At 'yun ang magsisilbing alaala.

— The End —