Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"muna" poems
Sabi nila,kapag nahanap mo na daw ang tunay na pag-ibig ay nahanap mo na rin ang iyong langit dito sa lupa. Kaya't naniniwala akong langit din ang maghahatid sa'yo patungo sa akin. Pero naiinip na akong maghintay at nanghihinayang sa bawat sandaling lumilipas , na hindi ko man lang magawang hawakan ang iyong mga kamay sa mga panahong kailangan mo ng karamay.Na hindi ko man lang magawang damayan ka kung dumadanas ka ng lumbay.Alam kong katulad ko,pakiramdam mo minsan ay binitawan ka na din ng mundo.Kaya't patawarin mo ako kung sa mga pagkakataong nararanasan mo yan ay wala ako d'yan para ikaw ay aking ma-salo. Kung totoong ang pag-ibig at ang langit ay may malalim na kaugnayan sa isa’t-isa,malakas ang kutob ko na tayo din ay iginuhit na katulad nila. Minsan na din akong nagtanong,saang sulok ng langit ka kaya naroroon? Malapit ka kaya sa araw? O marahil nasa tabi ka lang ng buwan,na sa tuwing sasapit ang dilim ako ay binabantayan.Kaya pala kahit saan ako magpunta ako'y lagi niyang sinusundan. Pero maaari din na ika'y kapiling ng mga bituin na kay daming nais mag angkin. Kay palad kong pagdating ng araw ikaw ay napa sa-akin. Kaya habang wala ka pa,ako muna ay magiging kaisa ng mga mabubuting kawal ng ating bayan. Makikidigma kung kinakailangan,ipaglalaban kung ano ang makat'wiran. Upang sa iyong pagdating ay malaya nating tatamasahin ang payapang buhay. Kaya habang wala ka pa ako'y taos puso kung manalangin sa ating may likha. Na paghariin niya nawa ang kabutihan sa aking puso bilang isang tao at higit sa lahat ay bilang kanyang anak , upang sa sandaling tayo'y pagtagpuin ako rin sa iyo ay magiging isang mabuting kabiyak. Hindi pa man tayo nagtatagpo,nais kung malaman mo na laman kang palagi ng aking panalangin. At habambuhay kong itatangi ang iyong pag-ibig na siyang dahilan kung bakit maka ilang ulit kong nanaising mabuhay. Nais kong ipagsigawan sa mundo na iniibig kitang wagas,ngunit mas mamatamisin kong hintayin ka at kapag naglapat na ang ating mga dibdib,ibubulong ko sa'yo na ikaw ang aking daigdig. Maghihintay lang ako,habang wala ka pa. © 2018 Glen Castillo All Rights Reserved.
0
Jul 27, 2018
Jul 27, 2018 at 3:47 PM UTC
Habang Wala ka pa

Continue reading...
3
na ikaw ang inuna kahit ako ang iyong huli. sinta, maaari bang masimulan nating muli? parang tangang ikaw ang pinili hinayaang makulong sa iyong tali lahat ng aking alinlangan ay isinantabi pinagkatiwala ang buong sarili akala ko'y hindi ako nagkamali ngunit nagsabi ka ng "sandali," "sandali, hindi ako lilisan ngunit sandali, ako pala'y nalilito minsan sandali. makinig ka muna. sandali lang. hindi yata kita napupusuan." hindi mo naman kasalanan na ang sakit ay hindi man lang maibsan hindi mo naman kasalanan na madali akong palitan hindi mo naman kasalanan na hindi ako ang nakatuluyan hinding-hindi mo rin kasalanan na hindi ako kawalan hindi mo kasalanan, mahal na ang boses ko'y garalgal at kapag ako'y hinihingal kapag sinisigaw ang aking pagmamahal at paghihintayin pa kita ng matagal pahihintulutan kang maging pagal ang usad sa akin ay laging mabagal kaya hinding-hindi ka susugal hindi mo kasalanan ang aking mga kasalanan. kaya't ako'y iyo nang iwan sa sarili **** tahanan.
0
Nov 29, 2018
Nov 29, 2018 at 11:59 PM UTC
hindi mo naman kasalanan,
Ilang oras na akong nagsusulat Ilang tinta at papel na ang nasayang Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko malabas ang nais iparating ng puso Wala akong magawa kung hindi titigan ang mga nasayang papel na nasa gilid ng aking mga kamay Ilang ulit na akong nagpalit nang kulay ng tinta ng bolpen, nagbabakasaling kung kulay pula ang gamiting pangsulat, mawawala ang lungkot na nadarama na may mahal kang iba Baka kung kulay dilaw ang bolpeng gagamitin mawawala ang sakit na nagpapaala-ala na hindi ako ang dahilan ng mga ngiti sa iyong labi Baka kung kulay berde ang bolpeng gagamitin maglalaho ang mga luhang hindi maubos-ubos tuwing nakikita kitang kapiling siya Ano pa ba ang dapat gawin? Ilang papel pa ba ang masasayang para sayo? Ilang kulay pa ba ng bolpen ang kailangan masayang para malaman ang nais sabihin Hindi ko alam kung ano at paano Ano ba ang dapat gawin para mawala ka sa isipan? Paano ba kita bibitawan kung alam kong sa pagtawid sa kulay pula ramdam kong ako lang nakakapit? Paano ko hihigpitan ang paghawak sa daming tumatawid sa dilaw na dahilan para bitawan ka kung alam kong malayo ka na para abutin pa Paano kita hahanapin sa huling kulay berde kung alam kong wala na, tapos na Wala ng dahilan para magpatuloy Dahil alam kong hindi tamang ipagpatuloy itong bugso ng damdaming na kahit saang anggulo, hindi tama, hindi nararapat Kaya hayaan mo kong sayangin ang mga papel, bahala na kung magalit ang kalikasan Hayaan mo akong maubos ang lahat ng kulay ng ballpen dahil dito ko nalamang masasabi ang mga salitang dapat iparinig sayo Wala na akong magagawa kung hindi hayaan ang panahon Hayaan ang sariling humilom Hindi ko alam kung gaano katagal Pero hayaan mo, makakapagsulat ulit din ako gamit ang isang papel at kulay itim na bolpen balang araw para sa tunay na nakalaan nito Pero sa ngayon hayaan mo lang muna akong titigan ka sa malayo habang nakatuon ang iyong mata sakanya Hayaan mo lang muna akong iyakan ka habang hindi mo mapigilan ang ngiti sa iyong labi kasama siya Hayaan mo lang akong masanay sa sakit, baka sakaling magsawa ako at hayaan ang sariling sumaya ulit...kapiling ang iba
0
Dec 24, 2016
Dec 24, 2016 at 8:51 AM UTC
26

Sa pagibig.... Pwede kang magdala, o ikaw ang dadalhin Pwedeng kang paasa, o ikaw ang paasahin Pwede kang manggamit, o ikaw ang gagamitin Pwede kang mabigo, bago mo sya bigoin Bago magmahal, dapat bang handa ka? Na Bago ka masaktan, kailangan ng anestesia, ano para manhid muna? At dapat bang may pamunas? Bago ka lumuha? Ahh, Bago pala ang lahat, ano ba magiging luma? At Ganon ba ngayon pagnagmahal? Para manalo ang taya, dapat **** isugal! Pano kung lahat mo na ginawa? Kulang parin Di ba masakit? Kung Alam na nating masikip sa damdamin, pinipilit pang pagkasyahin Lahat naman talaga pwede diba? Tulad ng sinabi ko sa unang stanza Pwede kayong dalaway magkatuloyan Pwede ding tuluyan kang iwanan Pwede ka nyang maalala, pwede ding kalimutan Pwede ka rin nyang paalalahanan na wag mo na syang ligawan Pero laging pakatatandaan.... Lahat ay nagtatagumpay lang kung naiiwasan ang kabiguan Pero ako, di parin ako matatakot magmahal Kasi alam kong darating ang araw di magtatagal Na ang natagpuan ko man di sakin itinadhana, May itinadhana para sakin na di ko pa natatagpuan Dun ako naniniwala, Ang puso ko di parin nakasara hinihintay lang kita aking sinta Hanggan sa panahon na tayoy magkita Lahat ng pagtingin ko sayo na Ngunit ngayon, sa paglipas ng panahon Ang anyo ng pagibig ay nagbago, Lasa nagkaroon Noong nanliligaw sobrang sweet,Naging bitter ng nabasted Meron pa ngang iba, iba iba ang tinitikman ng di mo nababatid Parang sa kape din, noon stick to one lang ang timplahan Ngayon naimbento na ang 3 in 1 Parang tema ng pelikula din, noon may happy ending Ngayon dapat happy lang walang ending Noon ang poreber pinaniniwalaan Ngayon ang poreber, walang ganyan Noon may pagibig na wagas Ngayon ang pagibig nagwawakas Kaya naaalala kita sa Noon at ngayon Kasi,,,, Noon, saksi ang langit,nagsumpaan tayo Ngayon, dahil sa galit, sinusumpa mo na ako Noon, ang nadarama natin masaya lang Ngayon, ang nararamdaman natin masasayang lang Noon, hawak hawak pa kita,Ngayon, bakit bumitaw ka na Noon, andito ka pa, Ngayon, bakit anjan ka na Di ko mawari ang pagibig kung itoy biyaya bakit masakit kung gaano katamis noon, ngayon walang kasing pait kung gano kainit noon, ngayon napakalamig Kung gano ka kinikilig noon ,ngayon naging manhid Kung gano tayo kalapit noon, malayong agwat ngayon Kung gano tayo nagaalala noon, biglang nagkalimutan ngayon Kung gano tayo kasaya noon, walang kasing lungkot ngayon Pangako **** di ka magbabago noon, ngunit nagiba ka na pala ngayon Kung Ano man ang meron noon, lahat yun nawala ngayon
0
Sep 28, 2018
Sep 28, 2018 at 12:18 AM UTC
Pagnagmahal

60
Patawad, Sa lahat ng mga bagay na nawala Sa mga oras na nasayang Sa mga tawanan at kwentuhang hindi na mauulit Sa mga luhang hindi alam kung kailan titigil Sa mga pagkakataong pinalipas Totoo nga Hindi sapat ang pagmamahal Kailangang paghirapan at pagtrabahuan Pero paano mo nga ba masasabi na mahal mo talaga ang isang tao? Kung puro sakit na lang ang nararanasan Hindi sapat ang pagmamahal Sa dinami-dami ng dahilan para umalis ka sa isang relasyon, bakit ka nga ba nananatili? Dahil sa pagmamahal na pinanghahawakan mo? Pero paano kung yung ka-isa isang dahilan kung bakit ka nananatili ay nararamdaman mo nang unti-unting nawawala? 'Wag mo nang pahirapan ang sarili mo at ang minamahal mo o nagmamahal sa'yo 'Wag **** hintayin dumating sa punto na wala nang matira sa inyo pareho Hindi tama ang "ibigay mo ang lahat" Tandaan mo na bago ka magmahal ng ibang tao, kailangang buo ang sarili mo Sa isang relasyon, dalawang tao ang dapat na nagtutulungan Hindi isa lang Hindi isa lang ang masaya Hindi isa lang ang umiintindi Hindi sapat na "gagawin ko 'to para mapasaya siya" Siguro nga, mahirap talagang magmahal Pero ganun naman talaga diba? Pag para sa taong mahal mo, lahat kakayanin mo Pero sapat nga ba yun? Hindi. Dahil paano ka magmamahal kung ikaw mismo ubos na? Paano ka magbibigay kung ikaw mismo wala na? Hindi ka nagmamahal para buuin ang isang taong wasak Hindi ka nagmamahal para baguhin ang isang tao Hindi ka nagmamahal para may maipagyabang ka sa mga kaibigan mo Hindi ka nagmamahal para waldasin ang pera ng magulang mo Nagmamahal ka para sa ikabubuti ng pagkatao mo at ng minamahal mo Nagmamahal ka para malaman mo kung bakit ka talaga nandito sa mundong 'to Nagmamahal ka para maging masaya, hindi para maging miserable Dahil kung gusto mo lang din naman maging problemado, maraming problema ang Pilipinas na pwede **** atupagin Kung nagmamahal ka na lang para masaktan at makasakit, hindi na yan pagmamahal Ang pagmamahal ay hindi katumbas ng pagpapakatanga Oo, may mga bagay na magagawa mo lang dahil sa pag-ibig Pero kung magpapaka-tanga ka na rin lang, hindi mo ba mas gugustuhin na matuto at malaman ang mga mas importanteng bagay sa mundo? Totoo nga, there's more to life than love Hindi mo kailangan madaliin ang pag-ibig dahil marami pang pwedeng mangyari sa buhay mo Marami ka pang makikilala 'Wag **** paikutin ang mundo mo sa isang tao na walang kasiguraduhan na magtatagal sa buhay mo Bakit hindi mo muna buuin ang sarili mo hanggang sa dumating ang taong magmamahal sa'yo na kapantay ng pagmamahal na kaya **** ibigay?
0
Aug 31, 2016
Aug 31, 2016 at 4:34 AM UTC
To Whom It May Concern:

48
hindi mo yata napansin dahil ang bilis, ang bilis ng pagtibok ng puso ko ang bilis ng mga dumarating na alaala na nakalimutan na natin kung anong mayroon tayo ang bilis, ang bilis lang ng mahabang panahon na kung saan ibinigay ko na ang sarili ko sa iyo na kung saan wala na akong natira para sa sarili ko hindi ko inakala na parang kahapon lang pilit ko sabihin na mahal kita sa kahit anong paraan pero ngayon ay pinipilit na kitang huwag  ako pakawalan ang bilis. pero ang bagal ang bagal ng sakit na idinulot nang iyong pag lisan ang bagal ng panahon nang pag hilom ng sugat na iniwan mo sobrang bagal na halos nawala na ako sa kakabilang ng oras dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko kakalimutan ang araw na iyon. sana sa susunod magpapaalam ka muna bago mo bigyan ng ulap ang takipsilim na sa iilang oras na lang ay mag gagabi na.   sa tingin ko, dapat ko munang pigilan ang pagiisip sa mga bagay na to, dahil alam ko naman ni kahit isang salita ko hindi mo bibigyan ng pansin. Sobrang daya mo naman dahil lahat ng sinabi mo binigyan ko ng diin. lahat ng drama mo, lahat ng kalokohan mo lahat ng nagmamahal sayo lahat ng gusto mo lahat yun alam ko. hindi ko naman pwede ipagmayabang yun wala lang din dahil ang pwede malaman ng lahat iniwan mo na ako. wag na natin patagalin pa dahil alam na nila alam mo na alam ko na rin sa sarili ko. wag na natin ipilit yung mga bagay na wala na ang nais ko lang naman ay ang iyong paalam at sana marinig mo rin ang akin. paalam na sa munting pahayag na isinulat natin noong tayo pa ay masaya, madami akong natutunan sa'yo at madami ka rin natutunan sa akin, at biglaan, biglaan na muli nating bingyan ng magandang pag salubong ang pagwawakas na kung anong mayroon tayo dahil gusto mo na ako magsulat sa pahina ng iba ngunit naiwan ko ang lapis na kung saan nandoon pa sa iyong tabi paalam na sa mga umaga na sa pag gising ay halos ngiti agad ang nakadapi sa ating mukha na inuunahan pa natin ang pagsikat ng araw bago pa tayo magpaalam sa isat isa. paalam na rin sa saya na tayong dalawa lang ang nakaka alam paalam na. ang bilis lang diba? sana kung gaano kabilis rin ang pag paalam ko ay ganoon rin kabilis sa'yo. paalam.
0
Jan 8, 2017
Jan 8, 2017 at 8:45 AM UTC
paalam, paalam

73
Wala ba akong karapatan mapagod? Rinig na rinig ko ang hiyaw ng aking kaluluwa HIGA KA, HIGA KA, HIGA PIKIT KA, PIKIT KA, PIKIT IDLIP KA MUNA, KAIBIGAN Gustong-gusto ko, pero hindi pwede Dinadaan ko na lang sa tula ang kapaguran ko Dinadaan ko na lang sa tula ang sakit Dinadaan na lang sa biro at libog Sa halakhak at ngiti Sa mga sigawan at kwentuhan Sa kalungkutan at panloloko sa sarili Ito'y ang aking araw-araw HIGA KA, HIGA KA, HIGA PIKIT KA, PIKIT KA, PIKIT IDLIP KA MUNA, KAIBIGAN Kay sarap isipin Kay sakit marinig Pero sana'y makahiga, pikit, at idlip rin At kahit minsan sana'y Maramdaman ko ulit Ang tunay na kapayapaan
0
Sep 18, 2018
Sep 18, 2018 at 10:53 AM UTC
Kapaguran
*parang pag mamahal ko sayo walang "end point" hindi ko alam kung bakit pero kailangan **** gumawa ng kababalaghan para magkaroon ng end point ang bilog kong pagmamahal sayo bakit? hindi pa ba sapat sayo ang tapat at buo kong pagmamahal? hindi pa ba sapat ang walang end point kong pagmamahal para sayo kaya mo nagawang mag sinungaling sakin? katulad mo, pagod na din ako pagod na akong umintindi kahit gusto kong pilitin, ayoko na sayangin oras ko dahil binigyan kita ng second chance pero hindi mo pinahalagahan oo, life is full of second chances pero hindi ako yung tipong tao na sobrang bait na mas pipiliin bigyan ng isa pang pagkakataon ang ibang tao para lang mapasaya sila sa punto na alam naman niya na hindi siya masaya sa magiging desisyon niya simula palang ng relasyon natin, ikaw inuna ko lagi isipin bago sarili ko kahit may mga oras na gusto ko bumitaw, inisip ko muna mararamdaman mo kahit nahihirapan na ako intindihin ka pero may faith at tiwala ako sayo na magbabago ka, na magiging tapat ka sakin, na ang ibibigay mo lamang sakin ay wala kundi ang katotohanan pero nagkamali ako nagkamali ako na pinagkatiwalaan kita nagkamali ako na nagkaroon pa ako ng faith sayo lagi ko tinatanong sa sarili ko nun "dapat pa ba kitang pagkatiwalaan?" sagot ko laging oo, dahil ang pagmamahal ko sayo ay lamang sa mga pagkakamali mo pero pinatunayan mo na mali ang sagot ko   kahit alam ko pagkatao mo, binigay ko sayo buo kong tiwala pero sinira mo wasak na wasak sa landas na hindi na kita kayang balikan dahil ayoko pumasok sa isang relasyon kung wala akong tiwala sa isang tao pagod ka na? mas pagod ako nasaktan ka? mas nasaktan ako binigay ko sayo buong puso ko pero binalik mo ng durog salamat salamat sa pag pasok sa buhay ko at nag silbi kang isang aral sakin salamat sa masasayang araw natin na parang kaya ko pa bilangin sa aking mga daliri.*
0
Feb 29, 2016
Feb 29, 2016 at 7:25 AM UTC
Bilog

37
Inukit ko ang pangalan nating dalawa sa isang puno Simbolo Ito kung gaano kita ka mahal, mahal ko Naka ukit sa punong iyon lahat ng ating mga pangako Mag mamahalan tayo pang habang buhay kahit labag man sa atin pati ang mundo Sabay tayong nangarap noon At alam kung balang araw matutupad iyon Pero tila labag talaga sa atin ang mundo Mga pangako'y bigla nalang nag laho at na pako Tinangay ng malakas na hangin ang munting pangarap natin Tila kahit saan ito tangayin ay kay hirap na itong hanapin Bakas ang pangungulila at lungkot sa aking mga mata Dahil kahit katiting na pag-asa'y di ko na makita Umalis ka at ako'y iyong iniwan Lungkot at pananabik na sanay babalik ka at hinding hindi na kita bibitawan Para akung pulubing palaboy laboy kahit saan Tulad ng pag mamahal natin di ko alam kung saan ang patutongohan Iyong ngite na parang araw na nagbibigay liwanag sa buhay ko Pero ang ngiting iyon di ko na nasisilayan kaya biglang nag dilim ang mundo Mga yakap mo gusto kung madama muli Mahal ko bumalik kana at alam kung hindi pa ito ang huli Madalas akung pumupunta doon sa may puno kung saan naka ukit ang ating mga pangalan Dahil alam ko na doon mo ako iniwan at doon mo rin ako babalikan Tila buhay ay parang sentonadong guitara Wala nang direksyon ang mga nota dahil nawala na pati yong kopya Lumipas ang ilang araw hindi ka parin bumabalik Mas gustohin ko nalang sumoko dahil dito sa sakit May bagong pangarap kana ata diyan mahal dahil di muna ako binalikan Masakit pero sige sisimulan narin kitang kalimutan Tumanda na ang munting kahoy na ating pinag ukitan Kay tanda narin ng pag-ibig natin na iyong tinalikuran Ilang taon na ang lumipas at kay rami na ang nag bago Pero pag mamahal ko sayo pang habang buhay naka ukit sa punong ito Ngayon may kanya kanya na tayong sariling buhay Buhay na pinangarap natin Pero ito'y namatay Masaya na ako mahal sa buhay kung ito Sana ganon karin katulad ng nararamdaman ko sayo Mahal ang punong ito, ay mananatiling simbolo at Manana tiling naka ukit ang ating na udlot na pangako
0
Dec 20, 2016
Dec 20, 2016 at 11:20 AM UTC
Puno ng Pangako (Tree Of Promises)

Gusto kong tumula ng hindi patungkol sayo. Gusto ko namang aliwin ang makata na nasa loob ko. Dahil pagod na ako. Pagod na pagod na akong habulin ka gamit ang aking panulat at mga salita. Pagod na akong ipaunawa sayo kung ano nga ba ang kahulugan ng "Mahal kita" Mahal kita hindi dahil mahal mo ako. Na ang mahal kita ay hindi isang katanungan na dapat ay sinasagot. Na pag sinabi kong mahal kita, mahal kita at yun na yun. Kaya gusto ko munang bumalik sa umpisa. Kung saan, mahal ko lahat ng nasa paligid. Mahal ko ang mga ibon na nasa himpapawid. Mahal ko ang puno na nagbibigay sakin ng lilim. Mahal ko ang kalangitan at ang ganda nito ay sadyang kaibig-ibig. Dahil nung dumating ka, huminto ang pag ikot ng mundo ko. Ikaw ang sistemang kumain sa buong pagkatao ko. Binulag mo ako. Wala akong makita. Nabingi ako. Hindi ako makarinig. Akala ko tama lang ito, na ganito ang pakiramdam ng pag ibig. Nakakaadik. Nakakabaliw. Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang isusulat ko. Tinuring kitang diyos. Sinamba at pinaubaya sayo lahat. Pero para sayo, hindi parin pala ito sapat. Iba pala ang ibig sabihin ng pagmamahal mo. Pahiram lang pala sakin lahat ng alaala mo. Mahal mo ako dahil ayaw mo ng maiwan Mahal mo ako sa kadahilang alam **** hindi kita sasaktan Mahal mo ako dahil alam **** ibibigay ko lahat sa iyo Na susungkitin ko ang mga tala sa kalangitan para magdulot ng ngiti sa labi mo Na isusulat kita ng tula kung saan ikaw ay isang perpektong nilalang -- Yun lang pala ang habol mo. Kaya hindi, ito na ang huli Ito na ang huling beses na mag aaksaya ako ng papel at tinta Ito na ang huling beses na magiging parte ka ng aking mundo ko -- at ng aking mga tula. Kaya paalam na sa iyo, aking Ginoo. Dahil aaliwin ko muna ang makatang nasa loob ko na pinatay mo.
0
Jul 15, 2016
Jul 15, 2016 at 1:31 PM UTC
Ang Huling tula na Isinulat Para Saiyo

43
Tayo lang naman ang magkasamang umukit ng hugis puso sa mga bituin, magkahawak ang mga kamay habang nagkukuwentuhan ng mga pangarap at hangarin Sana... hindi muna magtapos ang gabing ito Kung magagawa kong banatin at pahabain pa ang oras para lamang mapatagal sa'yong piling Ngunit kinaumagahan na nang ako'y magising... Akap akap ang sarili, mabigat ang damdamin Nagbuntong-hininga't bumulong nalang sa hangin Hindi ko na alam kung ligaya pa ba ang tunay na hangad Bakit ba lagi nalang ganito... Sa panaginip, patuloy mo akong dinadalaw Naniniwala ako sa salitang 'tayo' ngunit heto't nag-iisa na naman ako
0
Nov 12, 2016
Nov 12, 2016 at 8:12 AM UTC
[12] Hanggang dito nalang
Bago ka umalis, Sana pakinggan mo muna ako, Pakinggan mo ang mga bulong sa isip ko tuwing nakikita ka Sana hindi ito maging isang alaalang makakalimutan Mga salitang papasok at lalabas din naman At sana dalhin mo 'to sa pag-gising at pag-tulog mo At alalahanin na para sa'yo to. Hindi na kita mahal Hindi na kita mahal Makinig ka sa'kin. Hindi. Kita. Minahal. Hindi. Kita. Minahal Ilang beses ko man ulit-ulitin sa sarili ko Na minsan nawawalan na ng saysay ang salitang mahal ang salitang ikaw, ang pangalan mo sa isip ko Pero hindi pa din nawawalan nang saysay ang mga alaalang naiwan mga alaalang nakalimutan, at 'di ko alam kung tama bang binabalikbalikan ko Ang gabing napagtanto ko na nahuhulog na pala ako sa'yo Hindi na kita mahal Na kahit lahat na siguro ng tulang sinulat ko ay para sa'yo kahit lahat na siguro ng metaporang alam ko ay na inahalintulad ko sa'yo Isa kang bulalakaw, isa kang bituin, ikaw ang buwan Ikaw ang bumubuo sa ganda ng gabi, Ikaw ang araw, ikaw ang mga ulap, ikaw ang langit, Ikaw ang buong kalawakan na hindi ko kailanman pagsasawaan Ikaw ang karagatan, mahiwaga at kapanga-pangambang sisirin, Ikaw ang apoy, na nagpapaliwanag at nagpapainit ng gabing malamig Ikaw ang librong 'di ko kinakailangan ng pahinga Para intindihin ang bawat salitang nakalimbag sa bawat pahina Ikaw ang sining ko Ikaw ang tulang ito. Para sa'yo at tungkol sa'yo. Hindi kita minahal, Kahit na lagi kong inaabangan ang mga storyang kwinekwento mo Na para bang hinahatak mo ako pabalik kung kailan nangyari ang mga 'to at sinamahan ako para panuorin natin Kung sino ba ang nandito at nandoon Kung nasaan ang mga silya, lamesa, pintuan, at bintana Ang mga pangalan ng mga minahal mo at nagmahal sa'yo na dapat mo na sigurong kalimutan Kung saan kayo nagkakilala, Kung anong naramdaman mo nung nahuli mo siyang nakatingin din sa'yo at nagkasalubong ang inyong mga mata At sa lahat ng storya mo, Napagtanto ko na ayoko maging parte ng mga storya **** nakalipas. Na sana ako ang storyang hindi mo kailanman iisipin na bibigyan ng wakas. At ikwento mo din sana ang gabing ito Ikwento mo ang bawat paghinga ko sa bawat puwang ng mga salita Ang pagbuka ng bibig ko para sambitin ng tama ang bawat pantig, ang pag nginig ng mga kamay at tuhod ko, At kung maririnig mo man, ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Ikwento mo. Ibulong mo sa pinakamalapit **** kaibigan, para manatiling sikreto. Ang tinatagong nararamdaman na 'di mo na siguro kailangan malaman. Tama lang siguro na magkaibigan tayo, Kasi Hindi na kita mahal. Hindi kita minahal. Pinilit ko lang ang sarili kong mahulog sa'yo Pinilit lang kitang mahalin Para makalimot, para iwanan ang dating naramdaman. Gustohin ko man ulit-ulitin sabihin sa'yo, Magsasawa ka sa bawat pantig, sa bawat letra. Kaya ibubulong ko na lang sa sarili ko, para manatiling sikreto Ang dating nararamdaman na hindi mo na kailanman malalaman. Kaya bago ka umalis, Sana pakinggan mo muna ako, Sa huling pagkakataon pakinggan mo ang katotohanan Isantabi mo ang mga bulong sa isip ko na napakinggan mo. At sana tandaan mo na Dati, at dati lang Minahal kita.
0
Apr 11, 2016
Apr 11, 2016 at 1:15 PM UTC
Dati at Dati Lang

67
Sa madilim na sulok ay inaalala ang mga sandaling noon pa'y sa eskwela at nahuhumaling sa kamag-aral na dalaga Lipos ng rosas ang kapaligiran Kapag siya'y nakikita sa paaralan Sa isang sulyap niya'y ako'y parang sa ibang kalawakan Hinati na ng imahinasyon ang daigdig ko na may limitasyon Itinago muna ang katotohanan Para sa kanya'y handang ipagpalit maging ang kinabukasan Sa alon ay nagpapaanod Sa hangin ay naninikluhod Ibinulong ang tanging hangarin na sana sa isang araw kami'y magkapiling Anong saya sa tuwing pasukan Singko kong baon ay iniipon Upang sa pagdating ng tamang panahon Makabili ng bagong damit nang siya'y ligawan Bakit ko pa ikinakahiya ang maging isang dukha Hindi na nga makakain Nagsusumikap pa rin kahit hinahamak pa ng iba Marupok ang aking katatagan Ang dibdib ko'y may malumanay na damdamin Ni ayaw magsalita at ayaw pumansin Duwag kapag ako'y salingin Nanginginig ang himig Sa gabi'y pinapangarap si Dessa na nagluningning Siya'y prinsesa na nakahilig Sa luklukan Haring handang pagsisilbihan Walang mali sa kanyang kagustuhan Kapag lumalayo na ang araw na tila pumapa-kanluran Alaala'y ibinabalik - mahapdi na katotohanan Sana'y noong nagkakatitigan Lumapit kapagdaka'y nagpakilala Kung sakaling ngumiti Hindi na siya pakakawalan Sana'y sa simula pa lang niligawan na ang Paraluman Kahit tumanggi sa pagmamahal Mas mabuti na ang umibig kahit nabigo Kaysa hindi nakaranas ng pagsuyo Mahirap man - tumanda nang nagagalak kahit sa isipan Ngunit ang salamisim kay Dessa ay ayaw ako tigilan Lumiligalig sa gitna ng aking kahimbingan Kung mangyari'y maninirahan sa Panganorin ng nakaraan
0
Jul 27, 2019
Jul 27, 2019 at 5:22 AM UTC
Panganorin ng Nakaraan

50
Minsan na rin ako’ng nadapa sa landas na mabato. Nagalusan ang aking mga palad at mga tuhod ay nagdugo. Nahirapan ako’ng bumangon at maglakad nang muli. Ngunit akin pa ri’ng pinilit nang may matapang na ngiti. Minsan ako’ng lumuha dahil sa matinding pagkabigo. Muntik nang naudyok na tumalikod na lang at sumuko. Subalit nakakita ng dahilan na patuloy na maniwala Na mas matamis ang tagumpay kung may kasawian muna. Minsan ako’ng naligaw sa pagkadilim-dilim na kawalan. Naubos ang tinig sa pagtawag para sa kaligtasan. Halos masanay na ang aking mga mata sa nakapopoot na dilim Pero nakahanap pa rin ng pag-asa upang pawiin ang pininimdim. Marami na rin ako’ng napagdaana’ng pagsubok, Nakapaglakbay na sa pinakailalim at sa pinakarurok, Nalasap ang pait at tamis sa masalimuot na biyahe ng buhay. Ang akala’y nakita ko na ang lahat sa aking paglalakbay. Ako ay nabigla dahil ako’y lubos na nagkamali Nang isang araw na namulat na lang nang ikaw ang katabi. Dahil dito sa buhay ay mas marami pa pala’ng kulay at hiwaga, Mas marubdob pala ang hatid **** misteryo’t talinhaga. Minsan ako’y umibig nang hindi ko namamalayan. Nagalusan, nakabangon, lumuha, ngumiti, nawala’t natagpuan. Hindi ko pa mapagtanto kung ang pag-ibig na ito’y biyaya o sumpa, Ang tanging alam ko lang: ang bawat halik mo’y buhay ang dala.
0
Mar 14, 2015
Mar 14, 2015 at 6:38 AM UTC
MINSAN
Noong araw na sinabi mo saakin ang salitang “Gusto kita”, nayanig ako. Hindi ko alam pero nayanig ng sobrang tindi ang pagkatao ko. Hindi ko alam ang isasagot kasi nga diba natulala ako. Pakiramdam ko, lumutang ako sa langit. Yung tipong ayoko na umalis. Araw araw mo saakin pinaparamdam ang mga salitang binitawan mo. Gusto kita. Araw araw **** pinaparamdam ang kasiyahan saakin. Pero, bakit? bakit bigla ka nalang naglaho? Ewan ko ba kung may nagawa ako, pero feeling ko naman wala. Sinanay mo ako sa salitang “Gusto kita” pero bakit bigla ka nalang nawala? Hanggang isang araw, bumalik ka. Hindi ko alam pero bigla ko nalang ulit naramdaman ang pagyanig nang sa wakas, sinabi mo ulit. Naisip ko na panahon na siguro para umamin kaya sinabi ko ang mga salitang “mahal kita”. Sinabi mo ulit ang mga salitang “Gusto kita” pero hindi lang pala yun ang gusto mo sabihin. Sa ating pag uusap biglang umulan ng sobrang lakas. Aalis na sana ako ngunit bigla mo akong hinigit at sin among “Kakausapin muna kita”. Ngumiti ako dahil alam kong ang sasabihin nya lang naman saakin ay ang mga salitang “Gusto kita” pero mali. Sa pagbuhos ng ulan naramdaman ko ang lamig. Naramdaman ko ang lamig ngunit mas naramdaman ko ang muling pagyanig. Akala ko sasabihin nya ang salitang “gusto kita” o kaya sa wakas ay masasabi nya na ang “mahal din kita” pero hindi. Niyanig mo ako muli. Niyanig mo ako sa ilalim ng ulan dahil sa anim na salita na sinabi mo. “Ginusto lang kita pero hindi kita minahal”.
0
Mar 11, 2017
Mar 11, 2017 at 2:58 AM UTC
Gusto Kita

6
At sa pagkagat ng dilim Kasabay ng pamamaalam ng araw sa'tin Mahihimlay ko sa sulok ng apat na dingding Huhubarin ang mga ngiti, ipapahinga ang bibig at ibababa ang hinlalaki kong kanina pa nangangawit Sa kapapaalala sa mundo na ayos lang Na makakatagal pa ko ng kahit sampung minuto Sampung minuto--- Ito lang ang kailangan para tuluyan nang tapusin ang sinimulang kwento natin At sampung minuto para dapuan ka nila ng tingin at sabihin sa'king Kailangan na kitang talikuran Ngunit di na ko inabot ng sampung minuto pa para pakingga't tupdin sila Dahil sampung segundo lang--- Isa, dalawa, bitaw na, bitaw Lima, anim, ayoko pa, ayoko pero Siyam, sampu...ay nagawa na kitang bitawan Ang sabi kasi ni nanay ay di ka nararapat para sa'kin Sabi ni tatay pag-aaral ko muna ang atupagin Ang sabi nila ay dapat ko silang sundin Ang mga bumuhay at nag-aruga sa akin ay dapat na lagi kong susundin Huwag mo nang gawin yan, ito ang mas bigyan **** pansin Di yan makabubuti para sa'yo, bat di mo na lang tularan ang kapatid mo Ang lalaki dapat ay matikas Ang tanga tanga mo, wala kang mararating diyan Kahit sino kayang makagawa ng ganyan, magsundalo ka na lang Dinaig ka pa ng nakababata sa'yo? Dapat pareho kayong tinitingala ng tao Kaya't binigo ko ang nag-iisa kong pag-ibig at sumuong sa digmaang di ko kailanmang naisip Dahil dapat lagi pa ring susundin ang mga bumuhay at nag-aruga sa'kin, mga bumuhay at nag-aruga sa'kin dapat kong sundin, ang sa'kin ay nag-aruga't bumuhay lagi pa ring susundin Nay, yakapin mo ko't pahupain ang hapdi Kaya, Tay, tapikin mo ko sa balikat at sabihin **** tama ang ginawa kong pagtupad sa pangarap mo Dahil tapos na tapos na ko Pagod na pagod na ko Sa panonood sa pagkislap ng mga mata ni bunso Mga kutikutitap na di mapapasakin dahil ang mga mata ko'y namumugto Mga matang naniningkit na katatanaw sa sarili kong mga pangarap Dahil ng mg paa ko'y habol ang bawat dikta't kagustuhan niyo Sawa na kong pilit pantayan si bunso Dahil kahit anong gawin ko'y di bubukal sa'kin ang kaligayahan Di tulad niyang may malayang kinabukasan Ako'y may busal ang bibig, may taling mga kamay, nakakulong sa ekspektasyon ng sarili kong mga magulang Pagod na ko, ayoko na Ayoko nang marinig ang "Tingnan mo siya,buti pa siya, mas magaling pa siya..." Hindi ako binigay sa inyo para ikumpara niyo sa isa niyo pang anak at sa anak ng iba na hinihiling niyong meron din kayo Gusto ko lang naman marinig na may tinama ako kahit papano, kahit kapiranggot Gusto kong marinig ang "Salamat" at "Mahal kita" at "Ipinagmamalaki kita" dahil tapos na tapos na ko Pagod na pagod na kong Habulin ang liwanag ng talang matagal nang namatay sa kalawakan Kaya Nay, Tay Ako po muna Ako naman ngayon...
0
Aug 12, 2017
Aug 12, 2017 at 5:53 AM UTC
Sampung Minuto

Minsa’y nadako ako sa Kalye Pag-ibig Marahil walang karatula Ang mayroon lamang ay iilang linyang puti Salungat sa kalsada Siya rin palang tulay sa’ting tagpuan. Bawat butil ng Kanyang mukha’y Kumakapit at humihilik sa balat Sa’king palad, umaapaw ang mga ito Hihinto pa ba? Pagkat hindi handa Ang yerong gawa sa plastik Na syang bihis-bihis ng kabilang palad. Maraming yapak, aking naririnig Ngunit alam kong ang berdeng kulay Pawang hindi para sakin at sayo. Ang bawat kasuotan nila’y Tila pustura lang, ako’y nanatiling walang kibo. Unti-unti kong binagtas ang eskinita Makitid doon ngunit alam kong ito’y tama Tila kayrami pa ring paninda Ngunit ang lahat, hindi naman kabili-bili Pagkat minsanan lang ang pag-ibig na totoo Ni hindi ito kinakalakal. Hindi ko man mabili ang nais ko ngayon Masilayan man kita, bagkus likod lamang Ni hindi ko nga matanto ang itsura Basta’t sigurado ako Sa paglingon mo’y parehas na tayong handa. Malayo pa ang lalakbayin Ng pawang minanhid na mga paa Pagkat ang direksyon nati’y Sa ngayo’y alam kong Hindi pa para sa isa’t isa. Ikaw na siyang iniirog Aking hihintayin Hanggang ang oras ay tumiklop At umusbong ang panibagong bulaklak Saka natin pagmasdan Mga paru paro’t iilang kulisap, maging alitaptap. Tatandaan ko ang ating tagpuan Kung saan ihihimlay natin ang kinabukasan Buksan mo ang pusong minsang winarak Bubuuohin muna iyan ng Nasa Itaas At saka na natin isulat ang makabagong alamat. Sa Kalye Pag-ibig, tandaan mo, irog Tayo’y babalik at muling mangangarap Bubuo na panibagong larawan Na may tunay na ngiting Hahalimuyak sa mas Nakatataas. Sa Kalye Pag-ibig, Doon tayo magkita.
0
Dec 1, 2014
Dec 1, 2014 at 7:02 AM UTC
Kalye Pag-ibig

51
(A tagalog poem) ㅡ Tyaka na lang kita papansinin, kapag kaya na kitang bigyan ng isang matamis na ngiti gamit ang bibig na hindi nangangamoy usok ng sigarilyo. Tyaka na lang kita kikilalanin, kapag kaya ko na ring kilalanin ang sariling tinig at hindi ang sigaw ng mga demonyong nangungupahan sa aking isip. Tyaka na lang kita tatawagan, kapag kaya ko nang alagaan ang aking katawan at muli na akong natutulog bago pa magpalitan ang araw at buwan. Tyaka na lang kita iisipin, kapag ang tanging kinakatakutan ko na lamang ay ang pagkakawalay sayo at hindi ang maaari kong gawin sa sarili oras na maiwan nang mag-isa sa kwarto. Tyaka na lang kita papakatitigan, kapag ang aking mga mata'y hindi na pagod, namumugto, namumula. Tyaka na lang kita kakausapin, sa araw na pag-ibig na ang aking bukambibig, sa oras na kasiyahan na ang nasa isip at hindi kung paanong tali ba ang gagawin sa gagamiting "lubid". Tyaka ko na lang hahawakan ang iyong kamay, kapag naghilom na ang mga hiwa at sugat na ginuhit, inukit sa pulso, kapag ang isip at kalooban ko'y muli nang nagkasundo. Tyaka na lang kita hahalikan, kapag kaya ko nang talikuran ang mga bote ng alak kapalit ng dampi ng iyong labi. Tyaka na lang kita yayakapin, tyaka ko na lang hahayaan ang sariling maranasan na iyong mahagkan, kapag muli na akong nakakakain ng tama, sa tamang oras. Kakayanin mo kaya ang maghintay kahit magpa-hanggang kailan? At patawarin mo ako. Patawarin mo kung ano ako. Patawarin **** ito ako. Patawarin mo ang kototohanan na binubuo ako ng kalungkutan at kaguluhan. Patawarin **** kung minsan kapag bumuhos ang luha ko'y mas malakas pa sa ulan. Isang araw, aawit ako ng awit ng pananalig at katiyakan. Susulat ng tula na naglalaman ng kasiyahan. Ngunit sa ngayon, dasal ko'y patawarin mo muna ako. Giliw, tyaka na lang kita iibigin... kapag kaya ko na ring ibigin ang aking sarili.
0
Jul 13, 2016
Jul 13, 2016 at 9:52 AM UTC
Awit Ng Pasubali

46
Naulit na naman ang paalam (poetman_24) Ayaw ko mang sabihang hugot sa tulang ito ngunit pagkatao ko'y laging ganito, namutawi na naman ang paalam sa aking puso bakit pag-ibig kayhirap **** matamo? Muli na namang nagtitipon ang ulap sa taas nagbabadya nang pagpatak na walang wakas, wala akong magawa-gawa't hindi rin makatakas napiit na naman ako sa lungkot nang ulit ulit na landas. Bakit naman ganyan ang pagsubok mga tinta'y naghihimutok, ano ba ako sa pintig nang pagtibok ako ba'y sawi sa bawat paglunok? Hindi pala sapat ang likha kong tula kaya lulukutin ko na lamang ang talata, mauuwi na naman ang aking bigong diwa sa 'di matatawarang luha. Pag-aalay ko pala'y naiipon sa buhangin nasasayang lamang ang taglay na damdamin, nais kong isuko ang pagkatha sa hangin sana masagot pa ang aking panalangin. Makatang walang taglay na panulat mga tinta'y mantsa sa'king balat, nasasawi ako nang hindi ko alam isa ba akong tampalasan? Kung masasaktan ka sa aking piling layuan mo na lamang ako giliw, itanim mo na sa akin ang pasakit tatanggapin ko kahit anong pait. Isilid mo na lamang ang sandaling ala-ala at alalahanin na ikaw ay may halaga, kalimutan mo na lamang ako sinta kung 'yan ang palagay **** tama. Babalik na muna ako sa sa karimlan itatago sa dilim ang katotohanan na ako ay luhaan, ililibing ko na lamang sa diwang hagap na ako ay sawi at talunang makatang hindi katanggap-tanggap.
0
Oct 3, 2017
Oct 3, 2017 at 1:13 AM UTC
Naulit na naman ang paalam
Maganda ka pa rin. Kahit lagas ang halos lahat ng iyong ngipin at pilas ang maganda **** pisngi. Maganda ka pa rin. Kahit hirap na kitang makilala. Kahit hindi ko na makita ang ngiting dati ay para sa akin. Maganda ka pa rin, aking asawa. Magandang, maganda ka pa rin sa aking paningin, mahal kong asawa. Bigla ko tuloy naaalala, noong hindi pa tayo magkakilala. Palagi kita tinitignan. Mula sa malayo. Sa likod ng mga streamer. Sa likod ng mga banner. Parang stalker. Tinitignan kita. Kaya naman parang umaakyat sa hagdanan ang aking kaligayahan nang ikaw ay magpasyang mag-fulltime. Nang tanggapin mo ang aking laking-bukid na pag-ibig, At mas lalo, siyempre nang ikasal tayo sa opisina ng KOMPRA. Pero, mahal na kasama, ngayong gabi, ibig sana kitang sarilinin. Tayo lang sana ng mga anak natin. Pwede bang kahit ngayong gabi ay maipagdamot ka namin? Pwede bang dito ka muna sa amin? Oo, alam ko, di mo iyon nanaisin. Sasabihin mo pihado, sigurado. Pamilya mo rin sila- manggagawa, magsasaka, mga kasama. Kaya't kasama nila, bubuhayin ko ang iyong alaala. Bubuhayin namin ang iyong mga alaala. Ang huling araw na ikaw ay nakasama. Ang huling text message na iyong pinadala. Ang iyong mga aral at mga hamon. At batid naming lahat saan ka man naroroon. Tiyak namin san ka man naroroon. Tumatawa ka nang malakas, tinatawanan mo ang mga ungas. Mga ungas sila. Bigo sila. Epic fail sila. Nabigo silang ika'y patahimikin. Nabigo silang pag-aaklas natin ay pahupain. Akala nila nagwakas, Pero tumutupok pa rin ang sinindihan **** ningas. At sa muling pagbalikwas ng malayang bukas. I-aabot natin sa tarangkahan ng kanilang mga kaluluwa ang wakas.
0
Aug 2, 2015
Aug 2, 2015 at 1:00 PM UTC
Maganda Ka Pa Rin, Kasama

#030317 Oo, totoo -- Hindi mo na kailangang ipagsigawang mahal mo ako, Na aakyat pa sa tuktok ng bundok Para isigaw ang pangalan ko, At doo'y ihayag ang nilalaman Ng damdaming nagsisidhi, Sapat na sa akin ang ibulong mo ang mga salitang ‘yan. Mahal kita -- Sabi nila, lahat ng panimula ay may pangwakas Pero hindi ko mahagilap sa anumang libro Kung may katapusan nga ba ang mga salitang yan. Sa bawat letrang namumutawi sa aking bibig, Hindi ko alam kung matatapos ba Ang pagkatha ng puso ng sarili nitong lenggwahe ng "mahal kita" Pagkat hindi ito isang antigong alahas Na susuotin lamang sa mga piling okasyon, Pagkatapos ay itatago sa kahon, At kakainin ng alikabok sa lilipas na mga taon. Sabi sa kanta, "Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga" Pero ang sabi ko nama'y Tirik man ang araw sa pagtawa O kulimlim man ang gabi sa pag-iyak, Hindi ako mauubusan ng dahilan Para mas mahalin ka pa. Mahal, kaya ka pala mahalaga At kaya pala mahalaga -- Ngayon, ngayo'y alam mo na. Kukunin ko ang mga agiw Sayong mga lumang gunita, Pilit kong wawasakin ang mga pader Na hindi akmang pumagitna sa'ting dal'wa. Sa paulit-ulit **** pagsambit, Noo'y natakot akong maglaho ang halaga nito Natakot akong bawiin ng bukas ang bawat sinasambit mo Pero ngayon, mas pinili ko nang masanay -- Masanay sa bawat pagbigkas mo Kahit pa sabi ko noo'y ayoko Kahit pa gusto kong itanggi Kahit pa gusto kong limutin. Pero oo, sapat na sakin ang tiwala mo Sapat na sakin ang pag-intindi mo Minsa'y di ko maintindihan sa telepono, Minsa'y di ko malinaw sa pandinig ko Pero alam ng puso ko: Narinig ko. Sa mga kamaliang pilit nating binabayo, Mga pagkukulang na pilit nating pinupunan, At sa mga araw na kahit luha ang nalalasap, Doon ko nakitang kaya pala -- Kaya pala nating magpatuloy Sa paghawak sa kamay ng bawat isa At kahit pa malayo sa isa't isa'y Ikaw at ikaw pa rin ang pagsinta. Minsan di'y nagtanong ako, Ba't hindi ka na lang naunang masilayan ang mundo? Bakit kailangang hintayin pa kita? Bakit kailangang masaktan muna bago matugunan ang pagmamahal? Ba't nga ba minamahal kita? Mapupuno ako ng bakit Pero itatapon ko ang mga ito, Ayoko nang malunod sa pangambang Paggising ko'y baka muli ka na namang maglaho O baka malimot ng isa sa atin Ang iniingatang "mahal kita" Tatalon ako sa walang kasiguraduhan Tatalon ako -- Oo, alam kong nahuhulog ako Nahuhulog sa walang katapusang "Mahal kita." Hindi ko gamay ang misteryo nito Hindi ko mabatid ang mga nakasulat, Mga nakalimbag sa bawat pahina ng aking isip: Pero ililibot kita, Sa aking nakaraan, Sa aking ngayon At sa aking bukas -- Pagkat hindi tayo nabigo Ayokong biguin ka. Kailanman hindi mabubura, Hindi maglalaho Para sa nag-iisang ikaw. Sana magkusa ang araw sa pagbangon, At bukas makalawa'y maririnig ko na Ang hinihintay kong "Mahal kita."
0
Mar 2, 2017
Mar 2, 2017 at 9:46 PM UTC
Walang Tuldok ang "Mahal Kita"

86
Ayoko mag mahal sa totoo lang hinihintay ko ang tamang panahon ng tamang pag mamahal hinihintay ang taong makakasama sa pang habang buhay ngunit dumating ka pinakita ang pagmamahal na hindi nakita sa iba hindi ko alam kung masaya ba ako sa aking nararamdaman o hindi lang ako handa wag kang magkamali.. mahal kita.. ngunit.. iniingatan ko ang aking puso.. ayokong masaktan takot ako magmahal. lalo na takot akong mahalin. sa lahat ng taong nagpakita ng interes o pagmamahal sa akin pag ibig mo ang pinaka dalisay sinasabi **** ako na nga.. at wala ng iba ngunit mahal... masyado kang maaga nag bitaw ng salita.. salita na balang araw masisira pangarap na balang araw... hindi matutupad ayoko magmahal.. ng taong sa tingin ko hindi ko din naman mapapasaya mahal... balang araw may mahahanap ka din na iba. taong para sa iyo taong magmamahal higit sa akin taong mapapasaya ka. sa ngayon aking nanam namin muna ang pag ibig nating dalawa hihintayin nalang na dumating ang araw na mawawala kadin sa aking piling..
0
Feb 18, 2019
Feb 18, 2019 at 8:38 PM UTC
Sa Totoo Lang..
Ang sarap sa pakiramdam Na pag wala ako sa iyong harap ako'y iyong hinahanap hanap, Na isa ako sa iyong pangarap, Na lagi akong nasa iyong puso at isip, Na sa gabi gabi ako ay nasa iyong panaginip. Pero lahat ng yan ay biro lang. Ito'y mga kathang isip ko lang. Ako ay isang taong sa ilusyon at mga imahinasyon nabubuhay. Posibleng mangyari itong mga bagay na to sa tunay kong buhay Pero ayoko pa dahil masyado pa akong bata at kailangan ko at kailangan pa ako ng may ari ng aming bahay. Mas gugustuhin ko pa silang mahalin kesa sa mga ilusyon at imahinasyon na tulad binabanggit ko kanina Na hindi pa dapat muna. Sila… Ang aking mga magulang.
0
Sep 20, 2015
Sep 20, 2015 at 11:45 PM UTC
Ang Nagbigay Kulay Sa Aking Buhay
Bato sa balat, Hayaan **** lumapat ang ‘yong kahinaan sa mahinahong baldosa Payagang lamig ay yumanig sa bawat panig ng iyong katawan Mula sa kalamlaman ng iyong talampakan hanggang umabot sa– Pagitan ng iyong mga hita, paakyat sa kalamnan, patungo sa dibdib Hanggang maramdaman nginig na dala ng iyong pag-iisa. Ipagpaliban mo muna ang mundo Ilaw sa paningin, Hayaan **** angkinin ka ng daang-daang mukhang nasasalamin sa bawat tisa Tignan ang iyong mga nakikita, ikaw ngayon ay nakakahon sa bato– At mga multo na iisa lang ang mga mukha’t hinaing Payagang ika’y ariin ng kanilang mga nanlilisik na titig, Huminga ng malalim at iyong sabihing Ginusto mo ang linggatong na ‘to Mata sa dutsa, Tumingala hanggang kadahilanan ay magunita Ang iyong katwiran kung bakit pinili mo ang kapangahasan Hamakin ang sarili’t magnilay-nilay sa nagbabadyang kasalanan ‘Di hamak naman na mas ikakasaya mo ang pait– Ng paglalapastangan sa sarili nang ilang makamundong saglit Pagbigayang mabasa ang sarili Silakbo sa kawalan, Ipikit ang mga mata’t pakiramdaman ang daloy ng tubig sa’yong balat Ipaanod sa agos ang haplos ng pighati’t pagtitimpi Sa mahigpit na bisig ng isang mapanghusgang mundo Tikman ang hagod ng malamig na pelus sa iyong mga labi Sumidhi sana ang pagdanak ng init ng pagnanasa sa bawat bena Mahalin mo ang iyong pagkatao Makipagtalik sa sarili, Ibigin **** maibigan ang pagiging makamundo’t makasalanan Ibaling ang pansin sa pagpapalabas ng himutok Muling sabihin na hindi makasarili ang pagnanasa sa sarili’t Ulit-ulitin ang pagbaluktot ng diwa’t isipan hanggang ito’y tumatak, Hanggang sa mabulalas mo ang iyong mga suliranin At matapos ang lahat ng iyon hindi mo maiiwasan– Pagkamuhi sa sarili.
0
Jun 9, 2018
Jun 9, 2018 at 1:20 PM UTC
Onanism

36
Para kang saranggolang maputi Na nakatali sa aking mga daliri Ngayon, nais kong lumipad ka muna, lumipad ka muna palayo sa akin At ika'y sumabay sa hangin Na pansamantalang hindi ka makita ng aking paningin Masakit man talagang isipin Ngunit aking paring kakayanin Papasaan ba't mamawala rin ang sakit sa aking damdamin Pero iyong tatandaan, hindi kita bibitawan Kasi alam ko balang araw babalik ka at tayo'y muling magtatawanan Dahil naniniwala ako na tayo'y nakatali sa sinulid ng ating pagmamahalan. :)
0
Apr 18, 2016
Apr 18, 2016 at 10:14 PM UTC
Saranggola ng Pag-ibig