"mismong" poems
Sa tulang aking naisulat,
Sanay may mamulat ,
Sa kasalana at problemang lagging naiuulat,
Sa telebesyon at radyo ikaw ay magugulat.
Mundong puno ng karahasan,
Mga taong makasalanan,
Walang paninindigan,
Mga taong nang iiwan,
Pamilyang nasira sa isang kasalanan,
Kasalanang Patuloy na ginagawat patuloy na nariyan.
Mga problemang hindi masulusyonan,
Mga batang sa kalsaday naiwan ,
Mga taong naiwan ng kanilang pangarap at kinabukasan,
Ito’y opinion lamang,
Sa aking naririnig bilang isang mang mang.
Ang suliraning laging nariyan,
Kawalan ng kapayapaan,
Kakulangan ng sapat na edukasyon ng mga kabataan,
Walang sawang Kahirapan,
Kawalan ng sapat na pantustos ng kalusugan ng mga mamamayan.
Pagkagumon ng mga kabataan sa bawal na droga,
Patuloy na pagtaas ng populasyon na di naaalintana,
Nasaan ang hustisya ?,
Bakit ang inosente ang nasa rehas na bakla?, Nasaan ang tunay na may sala?
Maging sa eleksyon ay may daya,
Pagbabagot pag unlad ang gusto natin,
Kaya simulan natin sa mismong pamamahay natin.
Bakit ganito nasaan ang pagbabago?
Laging naririnig ko pag bukas palang ng radio,
Bilang isang kabataan, bilang isang mamamayan ,
Ang pagbabago ay laging naririyan,
Ito’y nasa iyo ung pupulutin mo o itatamabak lamang.
Oct 20, 2017
Oct 20, 2017 at 11:00 PM UTC
Iniluwal ka sa sinapupunan,
Ngunit itinali't iginapos ka
Ng taliwas sa iyong mga kagustuhan
Ang iyong mga kaibigan
Ay lumisan na sa dalampasigan,
Ngunit ikaw ay pinagmamasdan mo lamang sila.
Nang isilang ka
Magulang mo lamang ang masaya sa'yo,
Ngunit 'di na nila naisip ang mga hangarin mo.
Ang bansag tuloy sa iyo ay: tao lamang.
'Di ngumingiti, 'di masaya
At higit sa lahat ay walang hangarin
Sa mismong kalooban.
Oct 4, 2018
Oct 4, 2018 at 12:38 AM UTC
Madalas naiisip ko…
‘bat ko nga ba patuloy sinasaktan ang sarili ko?
Bakit nga ba ako tumitingin sa mga bagay na puwedeng ikasakit ko?
Bakit nga ba “ikaw” ang laman ng isipan ko?
Ikaw na mismong tao na dahilan kung bakit ako nasasaktan nang ganto..
“Pagod na ko”
Yan ang paboritong linya ko tuwing nasasaktan ako
“Pagod na ko”
Sa paulit-ulit na sakit na nararamdaman ko
“Pagod na ko”
Sa mga bagay na akala ko may kabuluhan sa buhay ko
“Pagod na ko”
Tuwing naaalala ko na hindi mo kayang mahalin ang isang tulad ko
Para akong bata na gustong mag-recite
Pero iba pinipili ng **** ko
Para akong pumapara ng jeep
Pero namimili ng pasahero ang drayber nito
Para akong tanga na minahal ko ang tulad mo
Kahit na alam kong masasaktan lang ako
Umasa ako.
Pasensya na.
Kasalanan ko.
Sabihan na nila akong tanga
Dahil nagpadala ako sa nararamdaman ko
Sabihan na nila akong mababaw
Dahil nahulog ako kaagad sayo
Sayo..
Sa mga simpleng kilos mo
Sa mga bagay na akala ko may kahulugan din sayo
Sa mga salitang binitawan mo na akala ko totoo
Sa mga halik mo na akala ko naramdaman mo din tulad ko
Ako lang pala
Ako lang pala ‘tong tanga na nakakaramdam ng mga bagay na ‘to
Ako lang pala ang nagmamahal sa kuwentong ito
Ako lang pala ang umaasang magiging “tayo”
Ako lang pala ang nangangarap na magkakaroon ng
“ikaw at ako”
Oct 14, 2015
Oct 14, 2015 at 11:42 AM UTC
Kapagka ang yeso ang ipinambato
Doon sa madaldal na estudyante mo,
At saka-sakaling tamaan ang ulo,
Bala ang babalik sayo mismong noo!
Kapagka pambura'y ipahid sa mukha
Niyong mag-aaral na tatanga-tanga,
Pakaiwasan mo't baka maging kawa
Yaong igaganti sa iyong ginawa!
Kapagka ang pluma ang siyang ginamit
Sayong panghuhusga'y mag-ingat na labis;
Sapagkat di tinta yaong ipapalit,
Kundi ang dugo **** mas nakakahigit!
Kapagka ang luha'y mamatak sa lupa
Niyong estudyanteng labis na nagdusa--
Pakaasahan mo't gaganti ang bata,
Ika'y sisingilin hanggang sa pagtanda!
Jun 17, 2016
Jun 17, 2016 at 9:22 AM UTC
Sinaktan, pinuruhan, sinapak at sinikmuraan,
tinutukan ng baril, tinakot bago pinatakbo.
Sinigurado ang pag-asinta sabay kalabit sa gatilyo.
Pagkatapos ng gabing iyon, di lang isa ang namatay
isang pamilya ang ninakawan ng kaaway.
Anong motibo mo sa pagpatay?
Anong gusto mo bakit ka pumapatay?
Nasa posisyon ka pero bakit mali ang paggamit mo sa kapangyarihan mo?
Ikaw ang naaangat pero bakit ikaw pa tong namiminsala sa bansa mo?
Nasa mas mataas kang upuan at kalagayan pero bakit tingala ka pa rin ng tingala?
Halatadong di mo pinapansin, ay mali, halatadong wala kang pake sa mga taong nahihirapan sa baba.
Tapos ka na ba sa ginagawa mo?
Ilang pamilya na ba ang nabawasan mo ng bilang?
Ilang sanggol na ba ang hindi naisilang ng tama dahil sayo?
At ilang pangarap na ba nagnawala kasama ng nangangarap nito?
Kelan pa ba matatapos ang pwersahang pagkitil ng buhay sa bansa ng pilipinas?
Matagal na tayong nahihintay ng kapayapaan pero kasabay rin nito ang paghawak ng baril sa kanang kamay.
Pakiramdam ko ang kalayaang mamili ay nawala na sa kamay nating lahat
Dahil mismong kagustuhang mabuhay di natin makuha.
Wag nang hintayin na bumaliktad pa ang bandila ng Pilipinas
Bangon Kabataan
Gising Kababayan
itigil na ang patayan
paki-usap subukan naman nating magmahalan.
Aug 25, 2017
Aug 25, 2017 at 11:30 AM UTC
Hihintayin ba kitang bumalik?
O hahayaan ka na lang sa isipang ika'y nakasiksik?
Namimiss ang matatamis **** salitang
Kay sarap balik-balikan.
Minsa'y nagdududa kung ika'y totoo,
Ngunit ang puso ko'y laging sinasambit ang pangalan mo.
Puro s'ya lang 'to,
Pero paano naman ako?
Hihintayin ko na lang bang mag-break kayo?
Dahil ako lang naman ang third wheel sa inyo.
Pakiramdaman ko'y parang hangin,
Hangin na hahanap-hanapin lang kung kakailanganin.
Na para bang isang luhang hindi mapigilan sa pagbagsak..
Sayo, nahulog na ako sa'yo.
Ano pang magagawa ko?
Ayun, nagpanggap lang naman ako
Na parang walang pake sayo.
Tumatakbo, hinahabol, tumatakbo, nakakapagod.
Kasi para akong aso na sunod nang sunod sa amo.
Para akong kabute na sumusulpot-sulpot sa tabi mo.
Ayoko namang maging ahas o linta
Na grabe kung makapulupot,
Grabe makasulot.
Na sa mismong kaibigan ko pa magagawa.
Hindi ko alam kung babalik ka pa..
Pero, ito ang mensahe ko sayo
Sa oras na mag-krus ang landas natin
Gusto kong malaman mo
Na lahat nang nangyari pagitan satin
Ay mananatiling nakatatak sa aking isipan na imahinasyon ko lamang ang lahat.
-miss xEKIS
Nov 27, 2018
Nov 27, 2018 at 6:29 AM UTC
Aking inaninag
Itong bughaw na kalangitan
Hindi nga ba
Parang kailan lamang
Nang ako’y kanyang tinalikuran?
Napako ang pangako
Na ako’y pangangalagaan
Luha niya’y umabot
Di lamang sa’king talampakan
Nalasap ko ito
Mapait at ngayo’y nag-ibang anyo
Ngayong timplang kape
Mula sa mga mata nitong
Tila ba kaytayog.
Tinangay kami ng malakas na alon
Kami’y nagpatangay na lamang
Wala akong alam
Kundi and makipaglaro
Ng tagu-taguan
Nakadilat at mulat na mulat sa katotohanan
Sakay kami ng pridyeder,
Ako at aking ulirang mga kapatid
Puno ng pighati’t pangamba
Sa uulitin,
Ito na lamang ang magagawa ko.
Sabi nila, tutulungan nila kami
Sabi ng ilan, wala na raw pag-asa
Kanino nga ba kami magtitiwala?
Kung mismong kalam nga ng sikmura’y
Di na mainda?
Wala na akong mailuluha pa
Pagod na ako sa pagsagwan sa kawalan
Wala na ngang pag-asa
Wala man lang naiwan sa amin
Sana kasama nalang kami
Sa mga buhay na nalantang
Parang bula
Tulad nila Itay at Inay
Di sana’y masaya kami
Sa kalangitan.
Pumikit ako,
Habang mahimbing ang paghikbi
Ng aking mga kapatid
Sana nga may buhay pa.
Sinagip nyo kami,
Noong una, nagalit pa ako
Ayoko sana
Kaso wala na rin kaming magawa
Sasama na kami
Kasama kami sa pagbangon
Oo, ngayon ako na’y magtitiwala
At ipapasa-Diyos na ang lahat
Siya na ang bahala.
(11/17/13 @xirlleelang)
May 27, 2014
May 27, 2014 at 10:15 PM UTC
"Napakaraming tao dito sa atin ngunit bakit tila walang natira"
dug dug dug
Bubuksan mo ba to o hindi?
Pag di mo to binuksan pwersahan kaming papasok!
Tatlong katok muli
Pagkatapos isang tadyak sa pinto ang gumising sibilyan na natutulog sa kama mag-isa.
Pagkapasok agad,
Sinaktan, pinuruhan, sinapak at sinikmuraan
Tinutukan ng baril, tinakot bago pakunwaring pinatakbo.
Sinigurado ang pag-asinta sabay kalabit ng gatilyo.
Patay ang hinihinalang druglord sa kanto.
Ngunit pagkatapos, walang patunay na nahanap.
Isang maling pagpatay nanaman ang naganap.
Pagkatapos ng gabing iyon, di lang isa ang namatay.
Isang pamilya ang kinunan ng walang kamalay-malay.
Kung sino pa ang nasa posisyon iyon pa ang mga kaaway ngayon.
Kung sino pa ang nakakangat, siya pa tong namiminsala ngayon.
Nasa mataas nang upuan pero hangad pa rin ay pag-angat.
Halatadong di napapansin, ay hindi! Halatadong walang pake sa mga taong nasa baba.
Pinagmukhang sirko ang mundo, pinapasunod ang bawat tao na parang aso.
Inanyaya pa ang lahat ng madla ng parang ganito.
"Mga bata, matatanda! Halina kayo panoorin ninyo ang palabas naming inihanda at ipakikilala ko sa inyo ang mga kapwa ko sirkero. Na namamahala sa sirkuhang ito."
Palakpak
Palakpak, yan ang nais ng sirkero diba pagkatapos ng palabas?
Pero lahat ng mga tinuring ninyong hayop ay nakawawa at mistulang mamatay na. Ay hindi patay na, yung iba nama'y ginawa ninyong bulag na tagasunod.
At pag wala nang kwenta iiwanan sa daan para damputin ng iilan at buburahin ang mga bakas na naiwan.
Mga kamay nakagapos
Walang takas
Walang lakas
Pagkahimlay
Walang naiwang bakas.
Ang galing maglinis ng krimen, mismong nangakong maglalaan ng pagmamahal ay ang mismo ring sa bansa sumasakal.
Oo, sawa na ako sa tunog ng kampana sa tuwing magmimisa dahil may isa nanamang nawala.
Rindi ang tenga ko sa paulit-ulit na hiyaw, sa paulit- na hiyaw at sa paulit-ulit na hiyaw ng inang umiiyak sa libing ng nagiisang anak.
Kelan pa ba matatapos ang pwersahang pagkitil ng buhay sa pilipinas?
Matagal nang nangangakong magbibigay sila ng kapayapaan pero kasabay nito ang paghawak ng baril sa kanilang kanang kamay.
Mga kamay nakagapos
Walang takas
Walang lakas
Pagkahimlay
Walang naiwang bakas
Makabagong istilo ng pagpatay sa Pinas
Magpapanggap na tagapagligtas, pagkatalikod mo'y
Paalam Pilipinas ang huli **** mabibigkas.
"Napakaraming tao dito sa amin ngunit bakit tila walang natira?"
Pinapatay sila....
Aug 28, 2017
Aug 28, 2017 at 11:32 AM UTC
Mahal, kaya ko pa
Kaya ko namang maghintay
kahit sa huling sagot mo pa'y
Ayaw mo na
Mahal, kaya ko pa
Ilang beses nang dumaan
Yung mga pagkakataong bitawan ka
Pero mahal, ayoko
Iba ka sakanila
Kung dati'y nahahayaan ko pa
Mahal, pasensya
Kung ikaw kasi ang pinaguusapan
talagang di ko kaya
ilang beses mo nang pinilit na lumayo ako sayo
ngunit di gagalaw tong mga paa ko
Kasi mahal,
Alam ko namang ayaw mo rin
Pinipilit mo lang naman sa sarili mo
na masyado pang maaga
na mali
kaya mo ko inilalayo sayo
Kaya magpapakatanga ako
Pwede bang hayaan mo ko?
Ikaw kasi yung unang pinaglaban ko
Di pa ba sapat na hayaan mo ko?
Sige, mahal
Ayos lang
Ipilit mo sa sarili mo
Ilayo mo ko,
Paghintayin ako
Mahal, kaya ko pa
Wag mo lang naman sanang ipilit na
ginagago kita
At kung naghihintay ka lang na sabihin kong
Di kita mahal
Pasensya,
Ako na mismong nanloko sa sarili ko
Kung ginawa ko man yon
Mahal, ipilit mo nang lahat
Wag lang sa puntong umabot sa totoo kog nararamdaman,
Kasi mahal,
Tangina,
Mahal talaga kita
Dec 3, 2016
Dec 3, 2016 at 1:15 AM UTC
042522
Sasapit na naman ang pinakahihintay na araw,
At hindi ito mananatiling sagrado magpakailanman.
Lahat ay mabibigyan ng patas na paghuhusga
At mismong lipunan ang syang magpapasya.
Naririnig ko na ang sigawan sa bawat dako ng gintong kompas
Kung saan ang kanilang hiyawa'y pagkakawatak-watak.
Iba't ibang ideolohiya sa demokratikong bansa
Kailan nga ba matatamasa ang tunay na pagkakaisa?
Sa bawat kulay na sinasabi nilang ito raw ang bukas
Ay ito rin ang gumuguhit sa kasaysayang tayo na't makibaka.
Kaya nga nating kulayan ang ating pagdikta
Ngunit sa ganitong paraan nga lang ba tayo kakalma?
Sa tuwing may mauupo sa trono na kataas-taasan,
Paano nga ba ang ating pagtindig
Para sa sinasabing mahal na bayan?
Pilipinas nga ba ang ating pinipili?
O kung saan lamang tayo kampante
Habang nananatiling namamaypay
At abala sa kabi-kabilang pag-uusig.
Iniisip nating tayo'y tunay ngang nasa laylayan na,
Ngunit ito nga ba ang kapeng gumigising
Sa dugo nating makabayan?
At sapat ba ang ating paghiyaw
Na walang hinihinging basbas mula sa Itaas?
Mga bibig natin, paminsan nga'y
Puno lamang ng mga palatastas.
Sapat ba na tayo-tayo na lamang
Ang naghihilaan pababa't paitaas?
Pagkat mismong pananampalataya'y
Nadudungisan ng walang katapusang pagkawatak-watak.
Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan --
Ikaw ang bansang hinirang ng Pagkataas-taasan.
Panatang makabayan, iniibig ko ang Pilipinas --
Sana'y mapaninidigan kita't
Hanggang sa huli'y maipaglaban
Pagkat maging aking hininga'y
Pansamantalata't pahiram lamang.
At hindi ito lotto o binggo,
Hindi tayo nagtataya nang kung sinu-sino.
Ngunit kung sinuman
Ang maging huling sigaw ng bawat Pilipino
Sana tayo pa ri'y magkaisa
Para sa dangal na nais nating isulong.
Ating pagkatandaan na kahit noon pa ma'y
May iisang hindi tayo tinalikuran,
Iisang Pangalan na may hawak ng bawat kapalaran
Higit pa sa bawat kulay na ating tinatayaan --
At Hesus ang Kanyang Ngalan!
Bangon Pilipinas!
Apr 24, 2022
Apr 24, 2022 at 9:53 PM UTC
Hindi panggagayuma
Lubos ang kagustuhan
kaya ang aguha ay itutusok sa mannekin
At si kupido ay sumibangot
Mapapamahal o mamaalam
Itugon kahit alinman
Pakinggan ang katwiran kung bakit di kaagad nagtapat
May kaparasuhan man ay hayaan na lang
Sapagkat parang binidbid ang buong katawan sa pag-uusig
ng mismong salang pang pag-ibig
Sapagkat kapatid ng pipi, di nagsasalita
Ayaw sabihin sa minumutya
May kaba sa dibdib
Nag-aalangan nang labis
Likas na mahiyain
Gaya ng linta na sumusupsop ng sigla hanggang sa naghinagpis
Matinding kirot ang dahilan ng pagnguyngoy na abot-langit
Kumukurap ang ilaw sa paligid
Natagpuan na nabuwang na umaaligid
Sa yungib nagtago ang takas sa pag-ibig
Mga bitak sa bato ay inihahambing
Ang bahagi ng buhay kung saan naglaho ang mga bituin
Dec 29, 2018
Dec 29, 2018 at 5:15 PM UTC
#020917
Heto, magsisimula na naman ako sa dulo
Sa dulo kung saan ako mismo ang nagbigay katapusan
Nagbigay katapusan sa sanang "tayo."
Ako naman yung bumitaw
Sa akin naman nanggaling yung mga katagang
"Wag muna, huminto muna tayo."
Pero gaya ng ulan, di ko kayang pahintuin ang lahat
Gaya ng buhangin sa tabing-dagat,
Di ko kayang buohing muli ang sanang "tayo"
Kung ito'y gumuho na sa mismong mga kamay ko.
Parang mas di ko ata kaya --
Di ko kayang wala ka
Di ko kayang mag-isa
Na alam ko namang isa ka sa kalakasan ko.
Gusto kong ibaon ang sarili ko sa buhanginan
Sa buhanginan at magpatangay sa tubig ng dagat
At baka sakaling makabuo tayo ng "tayo"
Baka sakaling maging matatag ang "tayo"
Baka sakaling hindi na tayo sumuko sa isa't isa.
Paulit-ulit kong iniisip kung ba't ko nasambit ang lahat
Akala ko, namanhid ako sayo
Pero yung totoo, di ko man lang masabi sayo
Di ko masabi sayong ayokong bitiwan ka
Na ayokong pakawalan ka.
Gusto kong ihagis ang sarili ko sa dagat
At magpalunod hanggang sa sagipin mo ako
At buhatin mo ako sa pampang
At saka mo muling sabihing di mo ko iiwan
At saka mo sabihing mahal mo pa rin ako.
Gusto kong maggising sa mga bisig mo
Masilayan ka, makita ka, mayakap ka
Kasi di ko alam kung kaya ko pa
Kung kaya ko pang mawala ka ulit.
Pasensya kung nasasaktan kita
Kung nanghihina ako kapag wala ka
Na lagi ko sayong ibinubuhos ang bawat daing ko
Na halos manghina ka na rin dahil sakin.
Pasensya kasi sobrang mahal kita
Na sa halos tatlong taon,
Hindi kita binitawan
Pero ngayon, nagtataka ako
Nagtataka ako sa sarili ko
Ba't ba kita pinakawalan?
Ba't ba hinayaan kong maglaho na lang ang lahat?
Ba't ba pinahihirapan ko pa ang sarili ko?
Ba't ba di ko masabi sayong kailangan kita?
Oo, kailangan kita at oo, mahal kita
Hindi naman ako nagbibiro
At wala sa bukabularyo kong iwan ka at paasahin ka lang.
Di ko mabilang kung ilang beses kong hindi nasalo ang bawat luha
Ang bawat luha sa mga mata kong parang pawis
Parang pawis na dumidilig sa tigang na lupa
Hanggang sa masaksihan kong iba na ang ruta ko --
Na tila ba ang layo mo na
Na tila ba ang layo ko na sayo.
Siguro nga, natuto ka kaagad
Natuto ka kaagad na bitiwan ako
At sobrang sakit
Eh akala ko namanhid na talaga ako sayo
Pero alam mo, ngayong wala ka na
Ngayong wala ka na sa mga kamay ko
Parang mas di ko na kaya.
Ewan ko, basta
Basta lang --
Sana bumalik ka na
Balikan mo naman ako.
Feb 8, 2017
Feb 8, 2017 at 11:24 AM UTC
Gusto ko ng panibagong balat.
Iyong maputi at makinis.
Mala porselana,
Na halos kuminang tuwing masisinagan ng araw.
Kabisado ko ang bilang ng araw,
Na ginugugol sa ilalim ng araw kakabanat.
Ngunit,
Ang panibagong balat,
Hindi nito ako kayang protektahan, alam ko.
Lilimitahan lamang nito ang mga nalalaman ko.
Ngunit,
Sa panibagong balat, nais ko magsimula.
Kilalanin at kalimutan ng halos magkasabay,
Ang imahe ng nakakadiri kong balat.
Bilang ang peklat.
Sukat ko kung gaano kalalim ito,
Noong sugat pa lamang.
Kaya ko gusto ng bagong balat para pagtakpan ito.
Baka sakaling iwasto ng bago kong balat,
Ang mga naimali ko.
Makikilala kaya ako ng ibang tao,
Sa bagong balat na suot ko?
Marahil hindi,
sana hindi,
panigurado hindi.
Nais kong magtago,
Sa paraan kung paano ako lulutang ng hubo't hubad.
Nang hindi ko na itatakip,
Ang aking palad sa aking dibdib,
Dahon sa ibaba ng puson.
Isisigaw ko ang salitang "PUTA!" ng napakalakas,
Halos magsisilabas
Ang mga putang mismong makakarinig,
At yayakapin ko sila.
Dahil bago ang balat ko, ito'y mainit.
Kumpara sa nahamugan kong balat kagabi.
Malinis,
Kumpara sa balat kong may dampi ng mabahong laway.
Mabango,
Kumpara sa mumurahing aficionado na nahaluan
Ng pawis ni Ricardo kagabi.
Bagong balat.
Ibebenta ko ang luma kong balat,
Sa gabing ito.
Bilhin mo ang aking balat.
May panibago bukas,
Pag-asa, hamon,
Mantikilya sa loob ng pandesal.
Gamit ang luma kong balat,
Makakabili pa ba ako ng bago?
Magkaiba ang bagong uri sa bagong palit.
Ang balat ko, nalaspag na.
Tulad ng puti kong damit,
Hindi na ito puti.
Marumi ang titig ko.
Marumihin ang aking naisuot.
Ang balat ko ay puno ng mantsa,
Ngunit bago ang aking suot ngayon, bagamat,
Iisa parin ng uri.
Balat na nakalaan para ulitin ang pagrumi at
Yurak sa puti kong suot.
Bagong balat, kulay puti.
Wala na akong maisuot.
Hubad na ang aking puri.
Hindi ko masuot ang salapi.
Magkano pera mo? Tara?
Nais mo bang makita ang aking balat?
Dec 13, 2017
Dec 13, 2017 at 10:01 AM UTC
May mukha ba ang pag-ibig?
May boses ba siya?
Yung may arok na isigaw ang nadarama
Yung patas ang silakbo ng damdamin.
May mga paa ba ang pag-ibig?
Na kayang lakbayin maging siglo na ang usapan
Yung walang kapagalan sa kabila ng distansya.
May hangganan ba ang pag-ibig?
May pinipili ba?
Sa gintong kutsara at sa nagdarahop
At maging uhaw sa pagkalinga.
Buo ba ang pag-ibig?
O hindi sapat na umiibig lang?
Dapat bang manlimos ng kapalit?
Ang pag-ibig
Tila nga lumang salita
Tila nga may anino sa bawat madla
Bagkus, ito'y patapong ibinabahagi.
Nasaan nga ba ang halaga?
Kung mismong mga kataga'y
Nawawalan na rin ng sariling katauhan
Kung saan ang mensahe'y gumagapang na
Pag-ibig nga naman.
Nov 20, 2014
Nov 20, 2014 at 10:28 AM UTC
013017
Gusto kong umiyak -- gusto kong ipasalo Sayo ang bawat luha, bawat luhang matagala nang gustong bumaha -- gustong bumaha at magpatangay Sayo.
Sa bawat pagkakataong ibinubuhos Mo ang Iying presensya -- mga pagkakataong lumayo ako Sayo -- lumayo ako sa kabila ng pag-ibig **** pang-walang hanggan. Oo, oo at sigurado akong patuloy akong kakapit Sayo gaya noon -- noong unang beses kong pinanghawakan ang bawat pangako **** kailanma'y hindi pumalya. Mga pangakong akala ko noo'y hindi na mangyayari -- pagkat noo'y nagpatalo ako sa sarili kong panahon at binalewala ang oras **** mas mahalaga.
Mahal Kita at walang katapusan ang alay Mo. Ni hindi ko kayang palitan o mapantayan o higitan ang pag-ibig Mo.
Kailan Ka ba sumuko? Wala akong matandaan kahit ang tanda ko na -- kahit ang tanda ng orasan sa tabi ko. Napapagod ako, nanghihina ako at bumibigay ako pero kahit kailan, Ika'y patas -- patas ang pag-ibig Mo.
Kanina ko pa gustong ituntong ang mga paa ko sa hagdan -- sa hagdang patungo Sayo. Na kahit di Kita masilayan ngayo'y aabangan Kita at hihintayin Kita. Gusto kong iluhod ang lahat, ilatag sa paanan Mo ang bawat sakit kasi hindi ko kayang mag-isa. At kung pupwede lang na bumaba Ka ngayon, kung pwede lang -- ay yayakapin Kita.
Ama, kung ganito man ang tamang pagsambit ng Ngalan Mo; yakapin Mo ang anak **** lantang-lanta na't uhaw sa presensya Mo. Kung ganito ang paghihintay na kailangan kong maramdamang may mga bagay na hindi kayang ayusin, hihintayin pa rin Kita.
Wala, wala na akong masasambit pa. Tinig Mo pa lang, kahit simpleng bulong lang, ako'y napaluluhod sa galak. Iiyak na naman ako at mismong sa harapan Mo, ibibigay ko ang lahat -- Sayo ang lahat, Ama. Sayo, oo Sayo.
Jan 30, 2017
Jan 30, 2017 at 7:46 AM UTC
Sa paraang iyan nila kami pinatatahimik, pinapatay, at tinatapos.
Baril ang kanilang sagot sa aming sigaw,
Sigaw para sa karapatan at bayan,
Bayang aming pinaglilingkuran.
Hindi pa ba kayo naalarma?
Na mismong makabagong bayani na ang pinapatay nila,
Mga bayaning halos walang pahinga,
Mapagaling lang nila tayo mula sa pandemya.
Pandemyang naglabas ng baho nilang mga nasa itaas,
At kanilang mga hindi pagiging patas,
Mga taong lantarang lumalabag sa batas,
Malaya pa rin at nakikinabang sa ating kaban.
Kaban na pinagnanakawan,
Bilyong utang,
Na tayong simpleng mamamayan ang magbabayad,
Magbabayad sa inutang na hindi naman natin napakinabangan.
Ilang inosenteng buhay pa ba ang mawawala,
Bago ka tumigil sa pagsuporta sa tuta ng Tsina,
Sa mga tangang namamahala,
Sa mga taong walang hiya.
Gising mga bulag!
Dec 17, 2020
Dec 17, 2020 at 7:10 AM UTC
1017
Gusto kong bihisan ang bawat tugmang binibitiwan mo
Na para bang ayokong manatili ang mga ito
bilang mga sugnay na makapag-iisa
At magiging isang abstrak sa pagitan ng Ikaw at Ako.
Kung isusuma ko ang bawat pangambang parehas nating tinalo'y
Baka nga matagpuan ko ang katuturan sa sinasabi nilang Tayo
Pero sa aking paghihimay
Para bang ang Tayo ay isang katapusan na lamang
Na hindi na kailangang bigyan pa ng kahulugan
At tuklasin ang panibagong simula.
Sa aking paghahabi ng bawat salaysay
Na mismong binitiwan natin nang magkahiwalay,
Natuto na rin akong iahon ang sarili
At hindi na muling magpakamatay --
Magpakamatay ng mga pangarap na isinantabi
Sa sabi mo noong
Ika'y tunay na makapaghihintay.
Ang pag-urong ko sa laba'y hindi literal na pagsuko
Hindi ako sumuko sa laban
Na para bang tumatakbo nang nakapiring
At walang kamalay-malay sa kung saanman ang direksyon.
Umurong ako bilang distansya sa ating dalawa
At piniling sumuong sa umagang mag-isa --
Mag-isa at wala ka na
Wala ka na,
Naglaho ka na ngang talaga.
Oct 11, 2017
Oct 11, 2017 at 7:00 PM UTC
Noong una hindi ko namalayan, hindi ko pinansin ang iyong presensya
Na mismong dahilan, para iyong kagandahay aking di masilayan
Di nag tagal ikaw ay sakin pinakilala, ngunit ipina-walang bahala dahil ikay kasamahan lamang
Hanggang sa tinakdang tayoy lubos na mag kakilala
At binigyan ng pagkakataon bilang maging aking kaibigan
Nang nasundan ay aking nasaksihan, ang simpleng ngiti mo pala'y tuluyang nakakahawa
Ako ay sumasaya tuwing sa akiy nasisilayan, ang isang ngiti mo pala'y nag dudulot ng kaligayan
Sa araw araw na ikay aking kasama, ako ay nagbibiro upang aking masilayan
Ngiti **** kay ganda pati na iyong mga mata, hinahanap-hanap sa tuwing ikay aking nakakasalamuha
Di ko napapansin na akoy unti-unting nabubuo at sumasaya, sa mga oras na ikay aking napapatawa
Hanggang sa isang araw biglang napagtantong kulang ako, kung walang ikaw sa buhay ko
Nang pinagtagpong muli, biglang nagpahayag ng aking saloobin
Hindi man masyadong napaghandaan, hindi rin inaasahan ang kinalabasan
Napaka-saya lang, na nag simula ang lahat sa simpleng pag kakaibigan
Lumala at tumibay ang nararamdaman, dahil sa suporta at pang-aasar ng mga kaibigan
Ngunit noon din natin napag pasyahan na tayoy isang ganap na, na magkasintahan
Ipinagpapasalamat sa DYOS ang lahat ng kinahinatnan
Sa umpisa inisip na nag bibiro lamang, pero habang tumatagal napagtanto na ito ay hindi panandalian lang
Dumating ang panahon na parehas nabibigatan, pero sa huli pinili parin lumaban
Hanggang ngayon pinipili pa rin buwagin, ang lahat ng pader na puno ng hindi magandang isipin
Noon ko napagtanto, na ang mga hiniling sa panginoon ay binigay at pinagkatiwala na sa akin.
Pangako hindi mo na sasambitin sa iyong sarili na ikay nakahandusay muli,
sapagkat ako mismo at ang aking mga kamay ay mag sisilbing nakaalalay sayo hanggang huli
Mahal ko (loves ko) gusto kitang batiin ng maligayan kaarawan, palaging **** tatadaan na akoy laging nasa iyong likuran
Makakaasa ka na hindi ka na muling maiiwan, at mula ngayon ang tangi **** mararamdaman ay ang mamahalin ka ng walang kasawaan.
Aug 10, 2017
Aug 10, 2017 at 3:25 PM UTC
hindi naman talaga ako marunong magsulat
pero nang dahil sa'yo
nasimulan ko
hindi ko din alam kung paano ito tatapusin
pero nang dahil sa'yo
nagawa ko
paano nga ba magsulat?
unang letra, pangalawa, pangatlo
hindi ko namalayan na sa unang pagtingin ko
sa unang paglapat ko ng papel sa lamesa
sa unang paggalaw ng panulat ko
...dumaloy na ang mga salitang
hindi ko akalaing manggagaling
sa mismong mga kamay ko
"isang araw..."
diyan din naman tayo nagsimula
diyan tayo unang nagkita, nagkausap at nagkatinginan
lahat naman nagsisimula sa isang araw hindi ba?
at magtatapos din sa "wakas"
ang wakas kung saan magiging masaya na ang lahat
ang wakas na hindi na pwedeng madugtungan pa
ng kahit anong problemang magbibigay kalungkutan
pero bakit?
kahit alam kong wakas na
kahit alam kong tapos na, tigil na, hinto na
bakit hindi ko pa din mapigilan
ang paggalaw ng kamay ko sa itaas ng papel?
ang pagagos ng mga letra sa utak ko
na para bang ako'y lalamunin na?
"nasasaktan ka na"
bulong ng utak ko sa puso ko
"kaya ko pa"
sagot naman ng puso ko pabalik
"di ka pa ba pagod?"
mga huling salita na nagsasabi sa'king tumigil na
mga salitang matagal ko ng hinihintay
mga salitang dapat matagal ko nang napagtanto
at hudyat na dapat itigil ko na
akala ko ba, nang dahil sa'yo, magiging madali na lang?
akala ko ba, nang dahil sa'yo, mahihinto ko agad?
bakit parang bumaliktad?
bakit parang, nang dahil sa'yo mas humirap
nang dahil sa'yo
humirap magsimulang muli
humirap maghanap ng panibagong papel
na pagsusulatan ko ng bagong kabanata
humirap ihinto ang mga pangungusap
na aking nasusulat nang ako'y nagsimula
kailan ba 'ko hihinto?
pati ba naman itong tula ay hindi ko matapos
dahil hanggang dito, ikaw pa din ang dahilan
ikaw ang dahilan kung bakit ko ito sinimulan sinulat, dinama, pinagisipan
alam ko...
alam ko darating ang araw na mararating ko din ang wakas
ang wakas kung saan wala ng "dahil sa'yo"
ang dulo kung saan mahihinto ko na ang pagsusulat ng kabanatang ito
ang kabanatang nagbigay sa akin ng ligaya, ngunit masakit na karanasan
ang kabanatang hanggang nakaraan na lang
at pag dumating ang araw na iyon
muli ko nang mararamdaman ang saya sa pagkuha ng bagong papel
ang saya sa paglinis ng aking panulat
at…
ang saya kung saan mababanggit ko na ang katagang, "sawakas"
masasabi ko na din ang pasasalamat ko sa iyo,
na nagbigay sa akin ng papel at
matitingnan ko na din ng maayos
ang panulat na ikaw mismo ang nagbigay.
Feb 17, 2018
Feb 17, 2018 at 10:59 PM UTC
082021
Mas malalim pa ang gabi
Kaysa sa aking mga matang alikabok ang tinta.
Ang mga kulisap at kuliglig
Ay nagtatagisan ng mga boses
At sabay-sabay na nakikipagtalastasan
Kung kanino ba papanig
Ang buwang hugis pamato sa larong kalye.
Sinasabi nilang ang aming lugar ay dating liblib
Noong panahon pa ng mga Hapones.
Kaya’t nagbakasali akong
Kaya ko silang paniwalaan
Pagkat ni minsa’y hindi naman ako
Nakapagpantig ng mga salitang
Nakakahon sa iisang pangungusap.
Natatandaan ko pa ngang
Sa tuwing tumatanghod ako
Sa aming bintana sa umaga’y
Sabay ding magsisiingay ang nagtitinda ng taho
At nambabato ng dyaryo
Patungo sa aming pintuan.
Si Inay ay gagayak para sa bagong balita,
Habang ako’y gagayahin ang sigaw ni Manong
At titikim ng paborito kong agahan at panghimagas.
Habang sya’y papalapit
Ay kusang malalagas
Ang mga pakpak ng kanyang tsinelas
At kanyang ilalapag ang papel na inilimbag daw
Sa pabrika ng kanyang kaklase noon
Na anak-mayaman.
Sa isip ko’y nais ko sanang masiyasat rin
Ang mga letrang nakatambad sa aking harapan
At bigyang buhay ang mga papel
At baka sakaling,
Maging bihasa rin ako gaya ng iba.
Kung sabagay, ang lahat naman ng aking mithiin
Ay kusang maglalaho
Kasabay ng aking mga panagip.
Ang lahat naman ng nasisinagan ng apoy
Ay maya-maya ring magpapalamon
At magpapaubaya
Sa kadilimang bunsod ng panahong
May paulit-ulit na panimula’t katapusan.
Sabagay, ang lahat nama’y
Magmimistulang pandagdag lasa na lamang
Sa nanlilomos na alab at nagmimitsang pagpapaalam.
Naubos na ang bawat pahina
Ngunit di ko man lamang nagawang simulan
Ang pangangalap kung nasaan na ba si Itay.
Saan nga ba ang aming magiging tagpuan?
Saan at kailan nga ba ang hangin
Ang mismong sasabay sa aking paghikbi nang walang katapusan?
Aug 20, 2021
Aug 20, 2021 at 7:23 AM UTC
Ikaw.
Ikaw.
Ikaw ang naging inspirasyon ko para magpatuloy.
Binigyan mo ako ng lakas para muling humakbang, maglakad.. umakyat.. tumakbo..
Sa mga araw na sunod sunod ang dagok ng panahon na tumulak sa akin padapa..
Sa mga oras na panay ang udyok ng mundo na tumigil ako sa pag galaw..
Sa mga sandali na nasimulan ang pagdududa sa aking sarili na baka nga hanggang doon nalang ako.. Na tila may gumagapos sa aking mga paa at humihila sa akin pailalim..
Dumating ka.
Iniabot mo ang iyong kamay.. at isinama mo ako.
Isinabay mo ako sa paglakad mo.. kumapit ako sayo at
Ipinakita mo na marami pa palang daan.. Na kaya ko pang bumangon at maglakbay kaya't isinama mo ako.
Kahit na may ilang beses na matarik ang daan at hindi ako makasabay, nagsilbi kang gabay sa aking unahan at hindi mo hinayaang maiwanan ako sa paglalakad pasulong.
Binigyan mo ako ng pagkakataong sumunod sayo.. at humabol.. Kahit kapalit nito ay ang pagbagal ng lakad mo.. kahit na para bang naaabala na kita..
Ipinaalala mo na normal lang ang mga bato at putik sa ating nilalakaran.. Normal lang na ika’y pawisan.. Magalusan.. Magkamali at maligaw ng daan.. at minsan pa'y sasabayan ito ng ulan kaya't may mga panahon na hindi mo makikita kung saan ka na ba patungo.
Madudulas ka.. Matitisod.. Madadapa.. Ngunit hindi dapat dito magtapos ang paglalakbay dahil ang hirap at pagod ay may kasunod na dalisay na ginhawa.. Doon sa tuktok.. kasama ng mga ulap at ng hangin..
At kahit na ika’y hingalin ay mapapawi ito ng ligaya na iyong madarama sa oras na tumapak ka na sa pinaka itaas.. Sa wakas.. Nakita mo na kaya mo palang lagpasan ang mga hirap at pagod na ngayo’y iniwan mo na sa ibaba.. Sa lupa.. Kasama ng kay gandang mga balangkas ng tanawin na hinubog ng mundo upang ipakita sa iyo sa mismong pagkakataong ito.. Sa entablado ng daigdig kung saan abot kamay mo ang himpapawid.
Ipinaalam mo sa akin na ito ang kapalit ng mga pagsubok na araw araw nating hinaharap.
Ito ang sandali na ipadarama ng kalawakan na katulad ng oras.. Ay lumilipas din ang lungkot.. At ang kailangan ko lang ay kumapit pa ng mahigpit.. Manalig.. At maghintay at di maglalaon ay darating ang pagkakataong ito.
Kung saan magkasingkahulugan ang sandali at kailanman..
Dito sa tuktok.. Kasama ng mga ulap at ng hangin..
Sinabi mo na hindi ako nagiisa.. Dahil kasama natin ang langit.
Sep 3, 2017
Sep 3, 2017 at 11:47 AM UTC
Siguro lasa kang langit
E, paano ko malalaman,
Papunta akong impyerno?
Masarap igapang ang kamay ko,
Sa malambot **** balat
Masarap amuy-amuyin,
Ang madulas **** buhok
Masarap yakapin ng mahigpit,
Ang nakakaakit **** katawan
Katabi ng nagbabagang lampara,
Ako’y pawisan na nagsasamantala
Ikaw na umuungol sa tainga kong manhid
At alam nating walang makakarinig
Mabango **** damit na punit-punit,
Sa matindi **** paglaban
Mabango **** katawan na nagkapasa
Sa mahigpit kong paghawak
Mabango **** hininga na dumaraan
Sa aking mismong lalamunan at baga
Siguro lasa kang langit
E, paano ko malalaman,
Papunta akong impyerno?
Feb 15, 2015
Feb 15, 2015 at 5:44 AM UTC
Sa pagitan ng mga panahong hawak mo ang aking kamay at inialay mo ang iyong bisig upang maging tahanan ko, minahal kita.
Nang ilapat mo ang pangalan ko sa lirico ng isang awitin at ginawa itong atin, minahal kita.
Noong tinupad mo ang pangakong samahan akong panoorin ang paborito kong palabas sa sine, minahal kita.
Noong binago mo ang kulay ng pag-ibig at gawin itong bughaw, minahal kita.
Nang maging laman ako ng mga isinulat **** awitin, minahal kita.
At maging hanggang sa mga oras na tapos ka nang umibig, minahal pa rin kita.
-
Sa pagitan ng awang ng aking mga daliri, ramdam ko pa rin ang init ng kamay mo.
Tumitigil pa rin ako sa tuwing sumusulpot sa radyo ang awiting minarkahan na ng pagmamahal mo.
Nasa dulong bulsa ng pitaka ko ang tiketa ng bawat palabas na pinanood natin nang magkasama
At kahit pagkatapos ng lahat ng tula at kantang naging supling ng parehong pagmamahal at pighating dulot mo, bughaw pa rin ang kulay na idinikit ko sa pag-ibig.
Marahil hindi tagumpay ang sumalubong sa atin nang lumubog ang araw at mag-isa kong hinarap ang umaga, sapat na siguro ang mga naisulat na tula’t awitin upang maging pananda ng hindi natin pagsuko
At nais kong paniwalaan na sa pagitan ng mga linya at lirikong ito, minsang nanahan ang pag-ibig.
Buong pagkatao kong tinatanggap na ang pagmamahal ko na minsang naging rason mo ng pananatili ang mismong nagtulak sa’yong bumitaw.
Marahan mo sanang isara ang pinto sa’yong paglisan.
sa tangis at ligaya,
-P
Mar 23, 2020
Mar 23, 2020 at 12:54 PM UTC
072921
Nag-uumapaw –
Nag-uumapaw ang Iyong pag-ibig at pagkalinga
Sa pagsilang ng araw.
Ang Iyong mga yakap na hinahagis ng hangin
At dumadampi sa aking balat,
Ay maigting na pagtapik sa aking kaluluwa.
Di ko masukat kung gaano kalawak ang karagatan
At ako'y nabihag; ako'y nabighani Sa'yong kagandahan –
Kagandahang mismong ang Iyong mga nilikha
Sa kanila ko nasisilayan
Sa kanila ko nararamdaman
Ang pag-ibig na sinasabi **** walang katulad,
Walang pamagat, walang sukat.
At walang kung anumang lalim.
Sa'yong pag-ibig, hayaan **** matuklasan ko
Hayaan **** masilayan ko
Ang nais sambitin
Sa mga pahina na nakasulat –
Iyong Isinulat noong nakalipas pa.
Sa bawat paglagas ng mga dahon
Para itong bumubuhos sa'king mga paa
At sa tuwing ako'y titingala'y
Gusto kong saluhin ang lahat nang paisa-isa
Saluhin lahat ng mga biyaya
Ng bawat pag-ibig
Ang bawat pagkalinga Mo
Na hindi ko malaman kung saan nanggagaling.
At hindi ko matansya
Kung bakit hindi nauubos ang Iyong pag-ibig.
Pero salamat, salamat Panginoon
Salamat sa walang hanggan –
Sa walang hanggan dahil sa pag-ibig Mo,
Inialay Mo ang Iyong anak na si Hesus.
Hesus na syang lunas ng anuman –
Anumang sakit, anumang delubyo,
Anumang pagkukunwari, anumang pag-aalala
Anumang walang pagtitiwala..
Anumang poot at sakit na nararamdaman,
Nananatili man yan sa puso o sa isipan
O yung mga taong nakasakit sa'yo
Mga taong nasaktan mo.
Dahil sa nag-iisang Pangalan,
Kaya nitong tupukin ang lahat
Kaya nitong bawiin ang lahat ng nawala sayo.
At dahan-dahan,
Dahan-dahan kang ngingiti
Hindi lamang ang Iyong mga labi
Kundi ang puso mo
Na ang hantungan ay doon sa kalangitan –
Sa kalingatan kung saan sa trono
Ang trono ng Liwanag ay patuloy na kikinang
Patuloy na mamumutawi ang kagandahan
At sabay-sabay nating masisilayan
Ang pagbabalik ng hinihintay ng lahat.
Salamat at patuloy tayong maghihintay
Patuloy na iibig
Patuloy na mananampalataya..
Patuloy lang, patuloy lang..
Jul 30, 2021
Jul 30, 2021 at 2:45 AM UTC
Malamyos,Mabini Ni-walang Hampas
Hindi Habagat O Amihan Ang Siyang Dumadampi
Bagkos Masuyong Hinahaplos Ng Alimuom
Ang Nagdadalamhating ilog ng kalaliman.
samantala may ibig ipabatid Ang liwanag ng sinag
mula sa bibig ng Mahiwagang bilog na buwan...
at ang wika "ikaw at ang repleksyon ko sa ibabaw mo
Maging Sa Karagatan Na Iyong Pinapakitungohan
Ay Naroroon Ako Sa Tuwinang Nakatakda Ang Aking Pag-agapay.
Sa Kabilang Banda,di Man Dalawin Ng Antok Ang Haring Araw
Mismong Mga Ulap Ng Alapaap Ang Magkukubli Sa Silaw.
Magbibigay Lilim Sa Walang Silong **** Kalagayan.
Umaaraw Umuulan,umaapaw O Lilit Ang Lulan
Nasasamsam Man Ang Ilan Sa Mga Taglay **** Nilalaman,
Kailan man Ang Paraluman **** inaangkin Ay Di Makakamkam !
Nagdaramdam Ang Matabang Kalupaan Kapag Ito Ay Tigang
Sapagkat Kapos Sa Pakikiramay Na Taos.
Hiyang Lamang Sa Kapatagan Ng Paratang At Pakinabang...
Lupang Hinirang Minsan Nang Nalinlang Talang Makinang,
Na Sinagisag Ang Kalasag At Baluti Ng Banyaga..
Sa Ngayon Pahupa Na Ang Tubig Sa Ilog
Sukdol Nga Ba O Sakdal
Kung Dumatal At Kumintal
Ang Alimpuyo't Tagtuyot
Sa Panahon Ng Tagdahon
At Sa Di Kalayoan
Akin Ngang Naulinigan
Ang Payo Ng Dayo Sa Bulwagan
Kung Saan Ang Aking Katayoan
Nagugulumihanan Sa Kanyang Pinamagitan...
Ito Ay Kung Ano Din Po Yung Aking Pinamagatan !!!
Mar 22, 2022
Mar 22, 2022 at 10:42 PM UTC