Mga daliri’y nanginginig
Aking mga labi’y sumisigaw ngunit walang tinig
Buong katawan niyayakap na ng lamig
Nang siya’y tumalikod para bang walang naririnig
Kailan kaya matutunaw,
Singlamig ng yelo, mga matang aking natatanaw
Kahit ganoon, isang bagay parin saki’y malinaw
Oo, puso ko’y iyong nabihag at paulit-ulit na ninanakaw
Sa mga nasisilip na bihirang ngiti mula saiyo
Ako’y mapapangiti, tatawa parang baliw ng totoo
Minsan ngiti mo’y kasing init ng araw
Ngunit tuwing ika’y nalulumbay, o luha ko’y umaapaw-apaw
Lubusang nagugulumihanan, nakakabaliw
Bakit itong nararamdaman ni minsan di nagmaliw
Paulit-ulit na binubulong sa sarili walang pag-asa
Ngunit sa loob looban di maiwasang patuloy na umaasa
Tinig ng puso ko’y hinding hindi mo napapansin
Di bale patuloy kang mamahalin ng palihim ng aking damdamin
Hihintayin ko ang pagtunaw ng yelo lumipas
Kahit abutin ng walang hanggan ang lamig ng pag-ibig na dinaranas