"matatanda" poems
Parang ulan na pumapatak,
Mga luha sa iyong mata'y tagaktak,
Gusto ko man itong punasan,
Dahil ikaw ay sinaktan,
Sa taong pinili mo,
Akala mo'y hindi ka iiwan.
Minsan ikaw'y lumapit sa akin,
Tinanong kung anong tingin,
Sa babae sa malayo nakaupo,
Na tila diwata sa iyong puso.
Pinilit ko ngumiti,
Tinago ng pilit,
Mga luha nagbabantang mahulog,
Dahil ang puso ko'y nadurog.
Umaasa isang araw ako'y masilayan,
Kahit kaunti sulyap lang ako'y maliligahayan,
Ngunit tila totoo nga,
Ang sinabi ng matatanda,
"Kung para sa'yo iha, ito'y kusang lalapit."
Kaya ngyon akin mahal,
Ikaw'y aking iiwan,
Pupunta sa kawalan,
Kung saan ang puso ko'y doon daan,
Para mahanap ang tunay na ligaya,
Sa piling ng iba.
Jun 10, 2015
Jun 10, 2015 at 8:39 PM UTC
"Napakaraming tao dito sa atin ngunit bakit tila walang natira"
dug dug dug
Bubuksan mo ba to o hindi?
Pag di mo to binuksan pwersahan kaming papasok!
Tatlong katok muli
Pagkatapos isang tadyak sa pinto ang gumising sibilyan na natutulog sa kama mag-isa.
Pagkapasok agad,
Sinaktan, pinuruhan, sinapak at sinikmuraan
Tinutukan ng baril, tinakot bago pakunwaring pinatakbo.
Sinigurado ang pag-asinta sabay kalabit ng gatilyo.
Patay ang hinihinalang druglord sa kanto.
Ngunit pagkatapos, walang patunay na nahanap.
Isang maling pagpatay nanaman ang naganap.
Pagkatapos ng gabing iyon, di lang isa ang namatay.
Isang pamilya ang kinunan ng walang kamalay-malay.
Kung sino pa ang nasa posisyon iyon pa ang mga kaaway ngayon.
Kung sino pa ang nakakangat, siya pa tong namiminsala ngayon.
Nasa mataas nang upuan pero hangad pa rin ay pag-angat.
Halatadong di napapansin, ay hindi! Halatadong walang pake sa mga taong nasa baba.
Pinagmukhang sirko ang mundo, pinapasunod ang bawat tao na parang aso.
Inanyaya pa ang lahat ng madla ng parang ganito.
"Mga bata, matatanda! Halina kayo panoorin ninyo ang palabas naming inihanda at ipakikilala ko sa inyo ang mga kapwa ko sirkero. Na namamahala sa sirkuhang ito."
Palakpak
Palakpak, yan ang nais ng sirkero diba pagkatapos ng palabas?
Pero lahat ng mga tinuring ninyong hayop ay nakawawa at mistulang mamatay na. Ay hindi patay na, yung iba nama'y ginawa ninyong bulag na tagasunod.
At pag wala nang kwenta iiwanan sa daan para damputin ng iilan at buburahin ang mga bakas na naiwan.
Mga kamay nakagapos
Walang takas
Walang lakas
Pagkahimlay
Walang naiwang bakas.
Ang galing maglinis ng krimen, mismong nangakong maglalaan ng pagmamahal ay ang mismo ring sa bansa sumasakal.
Oo, sawa na ako sa tunog ng kampana sa tuwing magmimisa dahil may isa nanamang nawala.
Rindi ang tenga ko sa paulit-ulit na hiyaw, sa paulit- na hiyaw at sa paulit-ulit na hiyaw ng inang umiiyak sa libing ng nagiisang anak.
Kelan pa ba matatapos ang pwersahang pagkitil ng buhay sa pilipinas?
Matagal nang nangangakong magbibigay sila ng kapayapaan pero kasabay nito ang paghawak ng baril sa kanilang kanang kamay.
Mga kamay nakagapos
Walang takas
Walang lakas
Pagkahimlay
Walang naiwang bakas
Makabagong istilo ng pagpatay sa Pinas
Magpapanggap na tagapagligtas, pagkatalikod mo'y
Paalam Pilipinas ang huli **** mabibigkas.
"Napakaraming tao dito sa amin ngunit bakit tila walang natira?"
Pinapatay sila....
Aug 28, 2017
Aug 28, 2017 at 11:32 AM UTC
Ang oras ay nagbabago,
kung minsan pa nga di natin
namamalayan ito,
dahil sa pagiging abala natin
sa mga bagay-bagay na akala
natin importante,
subalit yun pala ay hindi.
Nasa huli ang pagsisisi,
ika nga ng mga matatanda,
sa kadahilanang di na natin
maibabalik pa ang mga oras
na nasayang natin,
na sana ay may nagawa pa tayong
mas makapagbigay kaligayan sa atin,
at mas kapakipakinabang
sa paglubog ng panibagong araw.
Ngunit pwede naman nating pagsikapan,
na susunod ay aayusin ito,
at mas pagtuunan ng pansin
ang mga prayoridad sa buhay,
tandaan na kahit magbago man ang oras,
lilipas man ito,
meron namang pagkakataong
maitama ang mga kamaliang
nagawa mo.
Aug 20, 2013
Aug 20, 2013 at 11:08 PM UTC
Ano nga ba ang pag-ibig?
Nakakain? Naluluwa? Natututunan katulad ng aralin o nababasa katulad ng mga maiikling tula?
Nanggaling ba ito sa mga kwentong banyaga at kwentong matatanda?
Siyensya? napaliwanag na ba niyan?
sa totoo lang di mo yan napag-aaralan,
kusa mo kasi yang mararamdam.
di mo rin yan pwede ipilit,
para kasi yang tao, kusang yang pumipili.
di rin yan nakakain katulad ng paborito **** chicken
o ng paborito **** pansit bihon, miki o canton.
hindi rin mahahalintulad sa mga palabas o mga kwentong wattpad na mababasa mo sa libro.
at para sa iba, sabi, pana raw ni kupido ang dahilan
tinig ng sirena naman ang kwento ng iilan.
di naman dahil raw kasi sa naaakit sila sa panlabas na kaanyuan.
hahahaha kalokohan.
Wala pang nakakapagpaliwanag niyan.
siyensya? pwe, di lahat kaya niyan patunayan
basta para sa akin, isa lang ang alam ko diyan.
Ang pag-ibig ay regalo mula sa langit.
di mo na kailangan pag-aralan,
di mo na kailangan pagexperementuhan
di mo na kailangan ng kahit na anong katibayan.
tandaan mo lang. Regalo yan ng may kapal.
kaya bilang tipikal at praktikal na estudyante, wag kang magmadali,
darating rin sayo ang mga bagay na ganyan
Di mo lang alam, matagal nang nakasulat sa tadhana mo ang kwento na nakalaan sayo.
wag **** pangunahan!
imbis na pairalin ang tibok ng dibdib,
subukan paganahin ang isip.
MANGARAP! MAG-ARAL! MAGPURSIGI!
wag muna maglandi!
pag-aaral ang unahin
para makabawi sa paghihirap ng mga magulang natin.
at huling pasabi para sa lahat ng kabataan
at basta paalala sa lahat ng umiibig,
wag **** hayaang mabihag ka ng kalituhan ng mundo
protektahan mo sarili mo.
yakapin mo ang puso mo.
Regalo ng may kapal,
Pangalagaan mo.
Jan 11, 2018
Jan 11, 2018 at 1:02 PM UTC
Alam mo ba? Mamahalin parin kita kasi naniniwala ako sa kasabihan
ng mga matatanda, na mas mahalaga ang
nararamdaman ng puso kaysa sa nakikita lang ng
mga mata. Pero tangina ng tadhana, bakit ngayon pa?
Kung kailan mahal na kita, ika'y lumisan pa.
Sakit sa puso nung narinig ko mula sa iyong bibig
na wala ng pag-asa.
Isa lang naman ang aking dahilan kung bakit iniibig
parin kita, yun ay kahit nakapikit ako kita kita.
Oo kita kita, kita kita sa mga panaginip ko araw araw.
Nangangarap sana hindi na magising pa, para araw araw kasama
ka. Kasama kang matulog sa kama, kasama kang magpahinga
galing eskwela. Kasama kang tumanda, kasama kang
mamatay hanggang sa pagtanda. Kaya ayoko ng gumising
pa. Ilang sampal na kaya ang aking natanggap para lang ako'y magising na?
pero alam mo mas pinili ko paring huwag nalang idilat ang aking mata kahit ang buong diwa ko'y gising na
kahit buong pisngi ko'y namamanhid na.
kasi ayokong dumilat at masilayan kong wala ka, at mapagtanto ko paulit-ulit na panaginip lang pala.
Pagtawanan nyo na ko't lahat lahat kasi nageffort ako sa wala, at wala ring pag-asa.
Wala ng pagasang
makasama pa kita, matulog sa kama kasama ka, kasamang
magpahinga galing eskwela, kasama kang tumanda, kasama
kang mamatay hanggang sa pagtanda,
Wala ng pagasa na maging tayo pa. Talo na ako. Isa pa talo na ako.
Kasi narinig ko na mismo sa iyong bibig yung salitang "ayoko".
Ilang beses na kong naghayag ng pagibig ko
na binalewala at sinayang kasi natatakot ako.
natatakot ako. Natatakot na baka hindi mo
mahalin ang katulad ko. Natatakot ako na baka
hindi mahalin ng puso mo ang puso ko.
May 23, 2018
May 23, 2018 at 8:58 AM UTC
*Doon sa amin;
kung saan ang mga bata'y nagsasaya,
nagpapaligsahan sa paglangoy,
sa sariwang batis at ilog sa aming nayon.
Doon sa amin;
kung saan ang mga binata'y nanghaharana,
nagbibigay respeto sa nakaugaliang panliligaw,
sa mga dalagang ramdam ang pagiging Maria Clara.
Doon sa amin;
kung saan ang mga matatanda'y,
nag-iinuman, sumasayaw, at kumakanta,
sumasabay sa mga tugtog na makaluma.
Doon sa amin;
kung saan tuwing sasapit ang linggo,
lahat ay gayak na gayak na,
upang pumunta't magdasal sa Poong pinagpala.
Doon sa amin may kasiyahan.
Doon sa amin may pagmamahalan
Doon sa amin may musikahan.
Doon sa amin, labis ang pagpapala.*
Oct 3, 2015
Oct 3, 2015 at 11:38 AM UTC
Sa simula't sapol, sa kuwento
lamang ng matatanda,
sa pelikula at mga takilya
doon lamang ako
nag-papaniwala.
Talastas ng isipan,
hindi ito makatotohanan.
Ngunit sa likod
ng aking isipan,
naroon ang munting katanungan.
Totoo nga ba
o sadyang kathang
isip lamang?
Hindi nag-papaniwala,
hanggang sa hindi ito nakikita.
Pagkaka-tanda ko'y minsan
akong humiling at matulin
naman itong dumating.
Hindi makapaniwala,
halos nanlaki aking mga mata,
isang diwata tugon
na mula puso, di mawari,
napalukso ito sa tuwa.
Tila inagaw **** lahat
ng liwanag at sa likuran
mo'y napakalibot.
Dumarating ka mula
sa mga ulap
at pagdaka'y isang binibini,
tumambad at sa akin
ay pumukaw.
Tunay at totoo
pala ang Diwata,
at yun nga ay ikaw!
Diwata ka sa aking paningin,
ano pa ba ang aking hiling?
Minsan ako nangarap
at nanalangin,
sana may enkantadang
handang magpa-angkin.
Nakakatunaw ka sa mata,
pagkat walang kasing
tulad ng iyong Ganda.
Di masambitla, mga salita
ko'y ayaw ngang lumabas
sa kanilang mga lungga,
kaya narito na muna
ang aking tula.
Ano pa't pupurihin
na lamang muna
kitang pansamantala,
ililihim na muna
ang mga kataga at
sa aking mga mata
ko na lamang muna mababasa.
Diwata ka sa aking paningin.
Pananambitam, dalangin
at hiling na sa munti
kong paraiso, sana'y doon
mo piliing manahan,
gawin **** iyong engkantadia
at handang pasakop sa
lahat ng iyong kagustuhan at nasa.
...Handang paalipin
at magsilbi, basta't ikaw
ang siyang laging aking kapiling...."
Feb 28, 2020
Feb 28, 2020 at 2:06 AM UTC
Hindi na ako muling uulit sa mga saglit ng pagiging makata
sapagkat mahapdi sa tenga ang magkaroon ng isang bagong awit
kahit pa walang mabulaklak na salita ang paliparin
dinig pa rin ay ang bulaang himig ng pagiging batang ganid
Sapagkat musmos pa, at isinumpang maging mahina
dapat na laging maniwala sa mga sabi-sabi
sumunod sa paikot-ikot na pagkirot na dulot ng pagiging salot
naniniwalang kami’y uod ganid sa mga pangarap na dulot ng paglaki
Ngunit ang totoo’y hangad lang namin ay lumipad, at maging malaya
Bakit nga ba ganid at mapangangkin ang tingin sa mga makata?
dahil ba ang kanilang mga awit ay tungkol sa pagbibigay laya?
Bakit nga ba mayabang at mapagmataas ang tingin sa mga bata?
dahil ba sa kanila’y nag-aabang ang panibagong bukas?
O lahat ay dahil sa mga sabi-sabi ng mga matatanda.
Ito na nga ang huli kong awit
Sapagkat ang pagiging makata
At ang pagiging bata
Ay ang pagbabakas
ng bagong paniniwala.
Nagsalita na Naman ang Baliw
Michael Joseph Aguilar Tapit
Nov 6, 2018
Nov 6, 2018 at 4:37 PM UTC
Matagal nang nagsimula
at patuloy na umiiral
Ang ating matinik na pakikipamuhay
sa ating bayan
Palagiang nasasadlak
sa karalitaan
Ang dugo ng kabataan,
alay sa kasarinlan
Tayong mga bulag,
sa siyensiya at kapalaran
Sa pagmartsa ng kalabang
hindi natatanaw
Naulit ang kasaysayang
may isang kurso at galaw
Bala para kay tatay
ang anak ang namatay
Bumagsak ang ekonomiya
Lumambitin sa aming mga leeg
Iniasa ang pagtaas
sa aming mga bisig
Habang si Alejandrino
dumarami't nagbubuntis
Ang batang henerasyon
Patuloy na nililitis
Kung ganun,
Huwag ninyo kaming pababayaan,
Paglustayan, paghirapan
At pakikinabangan
Sa gayong mga pumalya at matatanda
Ay may aakay
Walang huhugot sa Inang bayan-
Kundi kaniyang kabataan
May 29, 2020
May 29, 2020 at 12:54 AM UTC
Pilipinas anong nangyayari sa'yo?
Ang dating bayan ng matatalino.
Bakit, lahat ata ay nawala na sa huwistyo.
Ginagawang biro pandemyang ito.
Huwag po sana tayong ningas-kugon.
Noong una lamang magaling ang pagtugon.
Ngunit naging suwail at pabibo ng naglaon.
Sige lang, hanggang lahat na tayo nakabaon.
Hindi ninyo ba talaga alintana?
Ang sa ating lahat ay nagbabadya.
Kalabang di nakikita, sakunang nakadamba.
Walang malakas, walang mayaman lahat tayo ay biktima.
Hindi ba kayo naaawa sa mga bata at matatanda.
Idagdag nyo pa ang mga may sakit na madaling mahawa.
Maaaring ilan po sa kanila ay iyong kapamilya.
Tumahan ka po sa bahay para sa kanila.
Tulungan po natin ang ating lingkod bayan.
Mapa Sundalo, Doktor, nars o basurero pa yan.
Huwag nating dagdagan hirap na kanilang pinapasan.
Huwag na nating ilagay buhay nila sa kapahamakan.
Huwag na po nating antayin lumalim.
Hanggang masaksihan ang di kakayaning lagim.
Magdadala sa ating buhay at bansa sa takipsilim.
Pakiusap, tayong lahat ay magdasal ng taimtim.
Labanan po nating lahat ito, Kapwa ko Pilipino.
Iyan ang lahi ko at lahi mo.
Diba likas sa atin ang pagiging matatalino.
Ngayon natin patunayan ito.
Sumunod na po tayo sa Gobyerno.
Simpleng utos na kayang sundin ng kahit kanino.
Wag na pong lumabas ng bahay ninyo.
Kung di man lang importante ang rason nito.
Sumunod na po tayo, Please lang
Ang makukulit ay babarilin, BANG BANG
Para kang latang nasipa, TANG TANG
Andyan na ang sundo mo, **** ****
Siguro nga kailangan na ang Kamay na bakal.
Para ang mga suwail tuluyang masakal.
Ang rason ay masarap ang bawal.
Kaya pati buhay ng iba ay isusugal.
Huwag na nating pabayaan, Inang bayan.
Matatalo lamang itong kalaban.
Kung tayong lahat ay magtutulungan.
Bagkus na magturuan at magsisihan.
Feb 1, 2021
Feb 1, 2021 at 8:25 AM UTC
Salitang Ingles na ginagamit para sa mamamayang nagbibigay-ingat
at nagbabantay sa mga tumatawid na mga manlalakbay
sa pagitan ng mga mundo.
Habang niyayanig ng mga kontradiksyon, panatiliin
ang sarili, tapusin ang mga paglalakbay ng walang patid,
Hindi dahil walang patlang, kung hindi dahil kabahagi ng pagsuong
maski dilim, patlang, at kawalan.
Patuloy na tumuklas at buuin ang sariling praktika,
hanggang tuluyang matutunan
kung paano tahimik itong pakawalan ng walang pag-iimbot o pagtanggi
sa Lawa na nagbabaga sa pagal ng mga kaluluwang
hindi na makalapag at makapagugat sa ilalim ng lupa,
ngunit hindi rin makauwi sa pinangakong lupa, langit at tubig
na ngayon ay isang lotto ticket, SDO, at mga gawa-gawang karapatan.
Ayon din sa matatanda, hindi ito mababago, at nabubuhay tayo para makidigma at patuloy na tumaya.#
Sep 8, 2018
Sep 8, 2018 at 2:26 AM UTC