Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Ang oras ay nagbabago, kung minsan pa nga di natin namamalayan ito, dahil sa pagiging abala natin sa mga bagay-bagay na akala natin importante, subalit yun pala ay hindi. Nasa huli ang pagsisisi, ika nga ng mga matatanda, sa kadahilanang di na natin maibabalik pa ang mga oras na nasayang natin, na sana ay may nagawa pa tayong mas makapagbigay kaligayan sa atin, at mas kapakipakinabang sa paglubog ng panibagong araw. Ngunit pwede naman nating pagsikapan, na susunod ay aayusin ito, at mas pagtuunan ng pansin ang mga prayoridad sa buhay, tandaan na kahit magbago man ang oras, lilipas man ito, meron namang pagkakataong maitama ang mga kamaliang nagawa mo.
0
Aug 20, 2013
Aug 20, 2013 at 11:08 PM UTC
Oras

All Rights Reserved © 2013
jkpoetry
Written by
M/Filipino
Aug 20, 2013
Aug 20, 2013 at 11:08 PM UTC
Request permission to use this poem