Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"masasabi" poems
Oo,napakatanga ko kasi hanggang ngayon umaasa parin ako umaasa ako na mamahalin mo rin ako umaasa ako na ang tingin mo sa akin ay pwede pang mabago Sa bawat luha ko, ngingitian mo ako sa bawat tingin ko, papatulan mo Kaya ito namang si tanga, ngayon ay umaasa umaasa sa pagibig niya na sa totoo naman ay hindi niya makukuha May umaasa kasi may paasa hindi lahat pero madami yun ang aking masasabi at wala kayong magagawa Pero seryoso, hindi naman talaga ito para sa akin ito ay para sa kaibigan kong ayaw magising sa katotohanan alam niyang paasa pero hangang ngayon minamahal niya
0
Dec 9, 2015
Dec 9, 2015 at 7:30 AM UTC
Paasa
Para sa mga taong pinaasa ng mga paasa...... Ano bang pakiramdam ng nahulog ka? Yung pakiramdam na sinalo ka nya pansamantala, Yung pakiramdam na parang kayo na, Yung pakiramdam na parang may pagasa, pakiramdam mo lang pala. Masasabi mo bang di ka sa kanya mahalaga? Kung ang kanyang ngiti sayo lang naging masaya, Masasabi mo bang balewala ka sa kanya? Kung ang pagtingin nya sayo di ka nagdududa, pagpapakita lang ba? Napakahirap maghusga, kung lalo na medyo malabo Kumbaga sa distansya, malapit na pero medyo malayo Takot kang isugal, na parang isip moy matatalo siguro, Takot kang magmahal, kung ipaglalaban mo di mananalo sigurado Ngunit pano? Nakakalito, Parang kang produkto, kapag tinaasan ng presyo, pagnagmahal, walang bibili sayo. Kaya napagdesisyonan, na wag nalang ipaalam Ang mga nangyayari ay hahayaan nalang Ngunit meron paring inaabangan, Na sanay minsan, Ganap nang manatili yung paminsan minsan Dahil... Pusoy ayaw masaktan, takot na baka mabasag Natatapang tapangan, ngunit laging naduduwag Papano kung walang sasalo, habang nalalaglag Para sa  mimahal ko, na di nahahabag Sanay lumayo nalang, nang katotohanan ay matanggap Sanay aking nalalaman, kung ikaw bay mapagpanggap Sana’y wala ka nang di nalulumbay, Nang Sana’y di nalang ako nasanay, Kasi hinahanap hanap pa kita, Buti sana kung di kita madalas makita, Dahil nasa loob lang tayo ng iisang silid Andito ako sa gitna anjan ka lang sa gilid Tulad parin ako nong una, Umaasa, Mga iniwan **** alalala Andito pa nagmamarka, Papano ko mabubura Sanay makalaya, Sanay di nagkaakbay, Sanay di nalang humigpit ang kapit ng iyong mga kamay Sanay di ako nasanay, Nang sanay di ako nalulumbay.
0
Sep 28, 2018
Sep 28, 2018 at 12:16 AM UTC
Sana’y Di Nalang Ako Nasanay

Continue reading...
39
Ilang oras na akong nagsusulat Ilang tinta at papel na ang nasayang Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko malabas ang nais iparating ng puso Wala akong magawa kung hindi titigan ang mga nasayang papel na nasa gilid ng aking mga kamay Ilang ulit na akong nagpalit nang kulay ng tinta ng bolpen, nagbabakasaling kung kulay pula ang gamiting pangsulat, mawawala ang lungkot na nadarama na may mahal kang iba Baka kung kulay dilaw ang bolpeng gagamitin mawawala ang sakit na nagpapaala-ala na hindi ako ang dahilan ng mga ngiti sa iyong labi Baka kung kulay berde ang bolpeng gagamitin maglalaho ang mga luhang hindi maubos-ubos tuwing nakikita kitang kapiling siya Ano pa ba ang dapat gawin? Ilang papel pa ba ang masasayang para sayo? Ilang kulay pa ba ng bolpen ang kailangan masayang para malaman ang nais sabihin Hindi ko alam kung ano at paano Ano ba ang dapat gawin para mawala ka sa isipan? Paano ba kita bibitawan kung alam kong sa pagtawid sa kulay pula ramdam kong ako lang nakakapit? Paano ko hihigpitan ang paghawak sa daming tumatawid sa dilaw na dahilan para bitawan ka kung alam kong malayo ka na para abutin pa Paano kita hahanapin sa huling kulay berde kung alam kong wala na, tapos na Wala ng dahilan para magpatuloy Dahil alam kong hindi tamang ipagpatuloy itong bugso ng damdaming na kahit saang anggulo, hindi tama, hindi nararapat Kaya hayaan mo kong sayangin ang mga papel, bahala na kung magalit ang kalikasan Hayaan mo akong maubos ang lahat ng kulay ng ballpen dahil dito ko nalamang masasabi ang mga salitang dapat iparinig sayo Wala na akong magagawa kung hindi hayaan ang panahon Hayaan ang sariling humilom Hindi ko alam kung gaano katagal Pero hayaan mo, makakapagsulat ulit din ako gamit ang isang papel at kulay itim na bolpen balang araw para sa tunay na nakalaan nito Pero sa ngayon hayaan mo lang muna akong titigan ka sa malayo habang nakatuon ang iyong mata sakanya Hayaan mo lang muna akong iyakan ka habang hindi mo mapigilan ang ngiti sa iyong labi kasama siya Hayaan mo lang akong masanay sa sakit, baka sakaling magsawa ako at hayaan ang sariling sumaya ulit...kapiling ang iba
0
Dec 24, 2016
Dec 24, 2016 at 8:51 AM UTC
26

Nasaan ka? nasaan ka aking kabataan? tila hangin na naglalaho sa bilis ng ikot ng panahon at paglipas ng bawat minuto masasabi ko bang ako ay natuto? Nasaan ka, aking kabataan? lumulubog at lumilitaw malimit ako ay nalilito, malimit ako ay naliligaw habang ako ay unti unting nilalamon ng mga pahina ng kalendaryo Nabuhay sa panahon ng mga kritiko at relihiyoso naglalakad sa gitna ng manipis na espasyo ng kamalayan nagmamasid at nanahimik nagbibilang ng mga sandaling malabong maulit huwag masyadong matulin at baka matinik ng malalim Nasaan ka aking kabataan? mga kinagisnan ay iyo nang iniwan niyapos ng modernong mundo binuksan ang pinto sa pagbabago sa huli, kilala mo pa ba ako? Nasaan ka aking kabataan? ang iyong katahimikan ay nakakabingi sabi nila ang pagsisisi ay laging nasa huli Nasaan na, nasaan na? kabataan ko, gising ka pa ba?
0
Feb 6, 2014
Feb 6, 2014 at 3:24 AM UTC
Nasaan Ka, aking Kabataan?
Patawad, Sa lahat ng mga bagay na nawala Sa mga oras na nasayang Sa mga tawanan at kwentuhang hindi na mauulit Sa mga luhang hindi alam kung kailan titigil Sa mga pagkakataong pinalipas Totoo nga Hindi sapat ang pagmamahal Kailangang paghirapan at pagtrabahuan Pero paano mo nga ba masasabi na mahal mo talaga ang isang tao? Kung puro sakit na lang ang nararanasan Hindi sapat ang pagmamahal Sa dinami-dami ng dahilan para umalis ka sa isang relasyon, bakit ka nga ba nananatili? Dahil sa pagmamahal na pinanghahawakan mo? Pero paano kung yung ka-isa isang dahilan kung bakit ka nananatili ay nararamdaman mo nang unti-unting nawawala? 'Wag mo nang pahirapan ang sarili mo at ang minamahal mo o nagmamahal sa'yo 'Wag **** hintayin dumating sa punto na wala nang matira sa inyo pareho Hindi tama ang "ibigay mo ang lahat" Tandaan mo na bago ka magmahal ng ibang tao, kailangang buo ang sarili mo Sa isang relasyon, dalawang tao ang dapat na nagtutulungan Hindi isa lang Hindi isa lang ang masaya Hindi isa lang ang umiintindi Hindi sapat na "gagawin ko 'to para mapasaya siya" Siguro nga, mahirap talagang magmahal Pero ganun naman talaga diba? Pag para sa taong mahal mo, lahat kakayanin mo Pero sapat nga ba yun? Hindi. Dahil paano ka magmamahal kung ikaw mismo ubos na? Paano ka magbibigay kung ikaw mismo wala na? Hindi ka nagmamahal para buuin ang isang taong wasak Hindi ka nagmamahal para baguhin ang isang tao Hindi ka nagmamahal para may maipagyabang ka sa mga kaibigan mo Hindi ka nagmamahal para waldasin ang pera ng magulang mo Nagmamahal ka para sa ikabubuti ng pagkatao mo at ng minamahal mo Nagmamahal ka para malaman mo kung bakit ka talaga nandito sa mundong 'to Nagmamahal ka para maging masaya, hindi para maging miserable Dahil kung gusto mo lang din naman maging problemado, maraming problema ang Pilipinas na pwede **** atupagin Kung nagmamahal ka na lang para masaktan at makasakit, hindi na yan pagmamahal Ang pagmamahal ay hindi katumbas ng pagpapakatanga Oo, may mga bagay na magagawa mo lang dahil sa pag-ibig Pero kung magpapaka-tanga ka na rin lang, hindi mo ba mas gugustuhin na matuto at malaman ang mga mas importanteng bagay sa mundo? Totoo nga, there's more to life than love Hindi mo kailangan madaliin ang pag-ibig dahil marami pang pwedeng mangyari sa buhay mo Marami ka pang makikilala 'Wag **** paikutin ang mundo mo sa isang tao na walang kasiguraduhan na magtatagal sa buhay mo Bakit hindi mo muna buuin ang sarili mo hanggang sa dumating ang taong magmamahal sa'yo na kapantay ng pagmamahal na kaya **** ibigay?
0
Aug 31, 2016
Aug 31, 2016 at 4:34 AM UTC
To Whom It May Concern:

48
* Hindi lahat ng prinsipyo ay tama gaano man ito kapositibo. Ang kawastuhan ng bawat prinsipyo at pananaw ay naaayon sa: panahon, tao, katangian at kakayanan nito, konkretong kalagayan at kung minsa'y kasama pati ang kulturang kinabibilanagan. Kaya ang sabihing "wag **** masyadong seryosohin ang buhay" o kung ano pang mga kasabihan, ay maaaring tama at mali, ayon sa mga nabanggit. Ano't ano pa man, ikaw pa rin ang huling magpapasya. Ano man ang maging pananaw ng ilan sa iyo, ituring **** ito'y bahagi lamang ng buhay...ng buhay mo at hindi nila. 4/1/2016 - Hindi porke nagiisa malungkot na. Dahil mas malungkot kung nakiki-high five ka sa lahat pero pag talikod mo fina-fuck u ka na pala. 4/4/2016 - kahit ano pang sabihin nila, mas masarap pa rin sa pakiramdam yung umiintindi ka ng kapwa kesa sa naninira ng kapwa. kaya sa tingin mo sinong may mas masarap na pakiramdam ngayon? 4/11/2016 - napag-alaman kong hindi sa lahat ng pagkakataon ang iyong pagpapagal ay may mabuting kapalit...na ang iyong mga inaasahan ay may balik. hindi sa lahat ng panahon ang polisiya ay nasusunod.. ni ang itinakdang panukat ang siyang ginagamit na panukat. 4/21/16 - kahit ginawan ka ng masama ng iba, nasaktan ka, 'wag kang gaganti...dahil hindi mo trabaho yun. 'wag **** agawan ng trabaho ang Diyos. Dahil alam mo sa sarili mo pag ang Diyos ang gumati, mas sakto at perpekto. 4/26/16 - Those people who mocks prayer entertain curse to their lives. 4/27/2016 - "ang position nilalagay sa puso, hindi sa ulo." - M' Avie 5/11/2016 - Alin ang mas pinaka-nakakapagod, ang magtrabaho gamit ang isip o gamit ang pisikal na katawan? Kasi sa totoo lang, wala naman talagang nakakapagod doon...mas nakakapagod makitungo sa mga katrabahong mahirap pakitunguhan... 6/6/2016 - Duwag lang ang nagpaparinig. 7/12/2016 - Wala naman talagang absolute fairness, dahil ang tao minsan nagdidesisyon sa ngalan ng "fairness" nilang tinatawag pero ang totoo, ito ay nagsisilbi pa rin sa kanilang interes dahil may integridad silang pinapangalagaan. Doon masasabi ng iba, "fair" ang taong ito. 7/28/2016 - monologue at bugtungan "Ginagawa ko naman ang trabaho ko pero habang tumatagal ako sa serbisyo hindi ako nadadagdagan kundi nababawasan." - Lapis "Tingin-tingin, maghapong nakatingin. Kahit pa magdamag, 24/7 walang kurap." - CCTV (tao, bagay, hayop?) :-) "Gusto nila sa akin laging mabilis dahil pag bumagal ako sasabihin nila "nakakainis", "walang kwenta.", etc, etc. - BAGP network*
0
Aug 30, 2016
Aug 30, 2016 at 12:55 AM UTC
Hugot Lines

17
#032116 Tutugon iyong kamay Sa musikang natural na naririnig. Pagkat sa una **** pagtapak sa eskwela'y Turo na yan nila Ma'am at Sir -- Ilagay mo raw ang kanang kamay sa puso At saka umawit ng Lupang Hinirang. Habang nagkakamuang ka't nilisan ang kamusmusan, Doon mo mas natitimbang ang liriko ng kanta. Tila baga kaylalim ng hugot ng may akda nito, Pagkat sa bawat linya'y, bibilis bawat pintig ng puso mo. Perlas ng Silanganang ninais **** sisirin. Alam kong wari mo'y bakit tatsulok ang mayroon sa Pilipinas. Ang mga mahihirap, patuloy na naghihirap. At mga mayayama'y mas nagsisiyaman pa. Nababagabag ka ba sa istilo ng pulitika? O minsan ninais mo ring mangibang bansa na lamang? Para sa higit na salapi't oportunidad. Nag-aalab pa ba ang puso mo para sa dangal ng Bayan? Buhay ay langit pa ba pag kapiling ang bansa? O ito'y pinausukan na ng modernong pambobola't pagmamanipula? Taglay mo pa ang pagmamahal, Na siyang tutulak sayo para manatili sa Bayan At lumaban at tumayo sa pagkatawag mo? May kumpas pa ba sa puso mo Ang kislap ng watawat? Tagumpay pa ba ang pahiwatig nito? O ika'y nagpapainda sa paghahatak talangka ng iilang Pilipino? Masasabi mo pa ba't matatayuan Ang linyang, "ang mamatay nang dahil sayo?" Gaano kaalab ang puso mo para sa Bayan? Walang Pilipinas, kung walang Pilipino. Walang Pilipinas kung wala ka't wala ako, Walang Pilipinas kung wala tayo. Ibalik natin ang tunay na diwa ng pagka-Pilipino!
0
Mar 21, 2016
Mar 21, 2016 at 11:08 AM UTC
Lupang Hinirang
Noong araw na sinabi mo saakin ang salitang “Gusto kita”, nayanig ako. Hindi ko alam pero nayanig ng sobrang tindi ang pagkatao ko. Hindi ko alam ang isasagot kasi nga diba natulala ako. Pakiramdam ko, lumutang ako sa langit. Yung tipong ayoko na umalis. Araw araw mo saakin pinaparamdam ang mga salitang binitawan mo. Gusto kita. Araw araw **** pinaparamdam ang kasiyahan saakin. Pero, bakit? bakit bigla ka nalang naglaho? Ewan ko ba kung may nagawa ako, pero feeling ko naman wala. Sinanay mo ako sa salitang “Gusto kita” pero bakit bigla ka nalang nawala? Hanggang isang araw, bumalik ka. Hindi ko alam pero bigla ko nalang ulit naramdaman ang pagyanig nang sa wakas, sinabi mo ulit. Naisip ko na panahon na siguro para umamin kaya sinabi ko ang mga salitang “mahal kita”. Sinabi mo ulit ang mga salitang “Gusto kita” pero hindi lang pala yun ang gusto mo sabihin. Sa ating pag uusap biglang umulan ng sobrang lakas. Aalis na sana ako ngunit bigla mo akong hinigit at sin among “Kakausapin muna kita”. Ngumiti ako dahil alam kong ang sasabihin nya lang naman saakin ay ang mga salitang “Gusto kita” pero mali. Sa pagbuhos ng ulan naramdaman ko ang lamig. Naramdaman ko ang lamig ngunit mas naramdaman ko ang muling pagyanig. Akala ko sasabihin nya ang salitang “gusto kita” o kaya sa wakas ay masasabi nya na ang “mahal din kita” pero hindi. Niyanig mo ako muli. Niyanig mo ako sa ilalim ng ulan dahil sa anim na salita na sinabi mo. “Ginusto lang kita pero hindi kita minahal”.
0
Mar 11, 2017
Mar 11, 2017 at 2:58 AM UTC
Gusto Kita

6
Ang dami ko nang nagawang tula, Pero masasabi ko na isa ito sa paborito kong nagawa, Bumalik tayo sa oras, Sa oras na nakalipas, Habang ako'y naglalakbay, Nakita ko ang mga panahon na ako'y sumablay, Natawa nalang ako sa aking nakita, Nadinig ko ang mga mapapait at matatamis na salita, Nakita ko ang mga taong humulma sakin, Nais ko sana silang tanungin. Ngunit hindi sapat ang aking oras, Sa oras na lahat ng larawan ay nagsimula ng kumupas, Nakita kita na paparating, Hindi ko napigilan na tumitig at mapatingin. Oo itong mga matang ito napatitig sayo, Sabay bulong sa hangin na sana maging tayo.
0
Nov 13, 2015
Nov 13, 2015 at 12:08 AM UTC
PANAHON
Ang bansang pilipinas sadyang magtatagumpay Kung nanunungkulan dito,mahinaho't malumanay, Matalino't masipag,may prinsipyo sa buhay, Kayang mamuno ng bansa,masigasig na tunay. Ngunit sa kasamaang palad, di natin ito nakamit, Kaya mga mamamayan,para bang nakapiit Mistulang preso nang kahirapan humagupit, Walang kasama sa dusa, walang karamay sa sakit Nasaan na ang pinunong inyong iniluklok? Bakit hinayaan niyang pilipinas ay malugmok Sa kahirapan ng buhay at magmistulang lamok? Palipad - lipad o kaya naman ay nasa isang sulok. Kung minsan ay talagang napapaisip ako Ano ba talaga ang silbi ng gobyerno? Para ba mangurakot at magbalatkayo? At hayaang maghirap ang sariling bansa ko? Kung titingnan kasi nating mabuti sa mata, Pilipinas,ilan nalang ang tanawing magaganda Hirap na mamamayan ang iyong makikita, At mga batang lansangang kumakalam ang sikmura Nasaan na ang pondo ng ating bayan? Bakit naghihirap ang mamamayan? Katwira'y marami daw pinaggagastusan Ang mga departamento ng pamahalaan Isa daw dito ang 4p's kung tawagin Na tumutulong daw sa mga kababayan natin, Pero ang nakikinabang,mayayaman lang din, Sa halip na yung pamilyang walang makain. Bakit katarungan ay hindi makita Sa gobyerno ng bayan kong kawawa? Nasaan na ang mga taong may pusong dalisay, Na sa bayan ay handang maglingkod na tunay? Kung ako ang tatanungin,ang akin lang masasabi, Mga kurap ay laganap at plastic ang marami Tapat na tao'y kanilang hinuhuli At pamamalakad nila ang nais mamalagi Kaya sana sa halalang papalapit, Yung matitino naman ang ating ipalit Mga tapat at di manggagamit At kaunlaran ng pilipinas ang nais makamit..
0
Mar 2, 2017
Mar 2, 2017 at 1:41 AM UTC
Untittled

40
Isang republika na gawa sa pangarap, Pangarap na walang kasing sarap, Pangulo na karapatdapat sana'y mahanap, Upang pangangarap ay makita kahit isang sulyap. Pero pano natin ito magagawa kung tayo'y nakakulong, Ang nakaraan na kinulong tayo sa isang selyadong kabaong, Na hanngang ngayo'y tayo'y nakalibing, Dahil produktong banyaga'y ating laging hinihiling, May pag-asa pa ba tayong lumaya? May pag-asa pa ba tayong umiwas sa hiya? Kung lagi tayong kumokopya, Kailan pa ba tayo tunay na liligaya? Tama nga ang sinabi ni heneral Luna na "hindi natin kalaban ang amerikano o ang espanyol dahil ang tunay nating kalaban ay sarili natin", Paano tayo tatayo sa sarili nating paa kung tayo'y nagpapaalipin, Ang sugat ng kolonisayon ay ating gamutin, Wag hayaang tayo'y lamunin. Produktong pilipino'y mahalin, Hindi ang produkto ng banyaga ang tangkilikin, Sariling wika ang aralin, Hindi ang wikang tayo'y paiiyakin. Pero ang mga hiling ko'y napakahirap makamit, Dahil tayo'y isa paring yagit, At nagpapagamit, At masasabi kung tayong mga pilipino ay punit.
0
Nov 7, 2018
Nov 7, 2018 at 3:52 AM UTC
Republika Filipina
sino ka nga ba, at ika'y dumating bigla? anong rason mo, para biglang magpakita? sa buhay kong magulo sa buhay kong sakit sa ulo tumagal ang mga araw, linggo at buwan ako'y unti unting nasasanay na lagi kang andyan hindi sinasadya, ika'y naging importante laging hinihiling na nariyan ka parati ngunit dumating sa tanong na "ano ba tayo" at ako'y sinagot mo ng "magkaibigan tayo" 'di ko alam kung anong dapat kong maramdaman ngunit ang masasabi ko lamang, ako'y iyong nasaktan aaaminin kong ako'y umasa't naging tanga, sa mga kilos **** naakit akong talaga akala ko kasi'y parehas tayo ng damdamin ngunit ikaw pala ay hindi para sakin
0
Feb 4, 2017
Feb 4, 2017 at 6:48 AM UTC
tula para sa'yo
Isang babae ang sumakay sa V. Mapa Maikli ang buhok at kayumanggi Nakapulang T-shirt at maikling shorts Tsinelas na plastic ay may takong Ang jeep ay mahaba, bago at maingay Balahaw nito ang malakas na tugtugin Ang barker ay mala trenta maging ang driver Kung umasta ay tinedyer Ang musika ay hindi musika 'Pagkat hindi lahat ng sinulat ay babasahin Ni musika ang lahat ng tugtugin Hindi musika kundi basura Ang babae ay sumabay sa saliw ng tugtog Kumanta nang may emosyon Walang hiyang ikinampay ang kamay At winasiwas ang yapos na sako Hindi pa siya nagbabayad Malamang wala siyang pera Hindi siguro iyon ang dahilan ng tawanan Sa kanya'y marahil may kakulangan Nawala ang nagwawalang kanta At nanahimik rin ang aba Tulala sa kawalan habang may minamantra Bakit kaya kabisado niya ang kanta? Kung mayroon mang makapagsasabi Ano ang nasa isipan ng isang tao Na hindi rin masasabi kung ano Paanong ang pag-unawa'y matatamo? Sila ba talaga ang wala sa katinuan? Kung sila ang ating pinagtatawanan Kung mga mata nila'y walang bahid Pahid ng alinlangan at pagdududa Naririnig din ba niya Sigaw ng barker sa kalsada? Nararamdaman din ba niya Dampi ng tubig ulan Naiisip niya kaya Kung ano ang kinabukasan? Nagmamadali rin ba siyang makauwi Dahil may exam kinabukasan? Bumaba siya sa harap ng arko Tumalon at masayang nagsayaw sa gitna Tinunton ang daan sa Teresa Di namalayang nariyan na siya Sa patutunguhan niya
0
Aug 4, 2016
Aug 4, 2016 at 12:37 PM UTC
Tapenshap
Ang patatas Ay walang kakupas-kupas Masasabi ko 'to ng walang kahiya-hiya Dahil maaari rin itong panggalingan ng enerhiya Kinakain ng walang-wala At itinuring na walang mapapala Sa buhay na punong-puno ng oportunidad Pero ito'y ginalaw ng abusador at ito'y binaliktad Ang patatas ay kayang gawing baterya Ayon sa agham at katotohanan At kapag pinagmasdan ay kaaya-aya At maaaring gawing simbolo ng kahirapan Ngunit hindi ko naman minamaliit ang mahihirap Dahil ayon nga sa agham ay ito'y isang enerhiya Di lamang para makapag-pagana ng teknolohiya Ngunit para harapin ang hinaharap
0
Dec 4, 2014
Dec 4, 2014 at 8:25 AM UTC
Ang Patatas
Masakit pa rin pala Nang aking maalala Ang unang araw kung san tayo'y nagkakakilala At sinabi mo 'Ate dito ka ba?' Sobrang sakit pa rin pala Nang aking maalala Ang mga salitang nabanggit mo na 'gusto kita' Pero mas lalong masakit nang malaman ko na ikaw ay meron ng iba. Ngunit ako si tanga at di sumuko Dahila ako'y nangako na kakayanin ko Kakayanin kong makita at matiis na meron kang iba Habang ako, ito nagluluksa. Masakit pa rin pala Nang aking balikan itong mga matatamis na alaala Na lahat ay nangyare na sa nakaraan, At kailangan ng harapin ang kasalukuyan Kasi hanggang ngayon, ang sakit sakit pa rin pala. Dahil di ko matanggap na siya ang pinili mo at di ako Pero pangako kakayinin ko, Kasi mahal kita, at iyon lang ang masasabi ko.
0
Dec 2, 2015
Dec 2, 2015 at 5:29 AM UTC
Masakit pa rin pala
Nakita kita kanina. Nadaanan ka lang ng dyip na sinasakyan ko. Ewan baka nakita mo rin ako. Kung napansin mo ko, yun ang hindi ko alam. Malamang hindi. Ganun ka pa rin, ganun ka palagi. Magkasalubong na mga kilay, nakakunot na noo. Siguro dahil sa init. Ayun, kahit mag-isa lang sa dyip, di ko napiglan, napangiti na lang ako. Nainis naman ako nung isang beses, biglang sinabi ng kaibigan ko, hindi raw maganda yung ginawa **** artikulo. Ipagtatanggol sana kita pero anong masasabi ko, eh wala naman akong alam tungkol sa'yo. Kaya eto pagdating ng bahay, binuksan ko agad at binasa. Baka sakali sa paraang ito maging close tayo. At sa bawat salita, sinusubukang intindihan ang ginawa mo. Pero ang totoo, pinipilit intindihin ka. Baka kasi dito, makilala kita. Isang araw dati, lumabas ako kasama ang isang kaibigan. 'Ah ok' na lang ang nasabi ko, nang malaman kong ang ex niya, ay siya ring ex mo. Anliit talaga ng mundo, noh? Naalala ko tuloy nung hindi mo kami tinulungan, kasi busy ka, busy ka para sa bayan. Ayan, lalo tuloy kitang nagustuhan. Naisip ko nun, kahit kelan hindi ako magiging bida sa hawak **** kamera, kasi, ang bayan mo, ang bayan ko, ang lagi **** inuuna. Oo kahit ako natatawa, kasi sobrang layo talaga ng distansya nating dalawa. Mula sa paniniwala hanggang sa mga ginagawa, hindi kayang sukatin kahit ilang ruler pa gamitin. Hindi naman ako naghahangad ng kahit ano. Ang makita ka nang di inaasahan, sapat na yun. Ang mabasa ka, okay na para isiping kilala nga kita. Makita lang ulit ang mga mata mo, maisip o maalala lahat ng ito, okay na. Pero sana alam mo, may isang tao dito, napapangiti dahil sa'yo.
0
Jul 22, 2011
Jul 22, 2011 at 10:37 AM UTC
pro-KABIT edited (02.15.10)

54
I. Pangalawang pagkakataon? Karapat-dapat ka pa ba para doon? Matapos **** saktan ang damdamin. Ganun-ganun nalang ba ‘yun? II. Hindi mo alam ang dinanas kong hirap, Habang ikaw, hayun at nagpapasarap. Ang hirap mabuhay ng wala ka, Dahil sanay na akong nasa tabi kita. III. Pero pinilit kong tumayo para mabuhay! Sinanay ko ang sarili na wala ka, At lahat ng pagkalimot nagawa na. Pero ang sugat sa puso'y naghihilom pa. IV. Matapos ang isang taon, Landas natin ay muling nagkita. Akala ko lahat ng ala-ala'y wala na. Akala ko nakaraos na ako sa sakit, hindi pa pala. V. Iiwasan sana kita kaso braso mo'y ibinuka, Para tayong nagpapatintero sa kalsada. Pagkat humihingi ka ng sandali, Para makapag-usap tayong maigi. VI. Pumayag ako, Kahit alam kong masasaktan lang ako. Kahit alam kong 'di pa kaya ng puso ko. Pumayag ako! VII. Bakas sa mukha mo ang pagkatuwa! Dahil sa wakas masasabi mo na, Kung bakit ka nalang nangiwan bigla. Aaminin ko, ako rin ay nakaramdam ng kaunting tuwa. VIII. Pero hindi ko yun ipinahalata, Sapagkat, kung iyon ay iyong makikita, Marahil ika'y umasa na pinatawad na kita. Mali! Maling mali! IX. Napa-usog ka bahagya at nagbuntong hininga pa. Napahawak ka saking braso, tumingin sa aking mga mata. Sinabi mo lahat ng dahilan kong bakit ako iniwan, Ako ay naliwanagan sa iyong mga tinuran. X. Humihingi ka ng pangalawang pagkakataon, Pero hindi ko yun ganun-ganun. Tugon ko'y: “Aking pag-iisipan” at umalis na lamang. Hinabol mo ako’t sinabing: “Mahal kita 'di kita kinalimutan.” XI. Hindi ako sumagot at sa paglalakad diretso lamang. Pero alam ko sa sarili kong mahal pa rin kita. Alas dose na at diwa ko’y gising pa, Dahil sa aking naaalala ang ating muling pagkikita. XII. Napag-isip-isip kung dapat pa bang pagbigyan kita. Kahit na alam ko sa sarili kong mahal pa rin kita, Nagdadalawang isip pa rin ako baka masaktan na naman ulit ako. Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako. XIV. Dumaan ang dalawang linggo, At sinipat mo na ako sa bahay ko. Halatang nasasabik ka na sa isasagot ko. Niyakap kita ng mahigpit sumigaw ng “Oo!” XV. Sa una'y nagtataka ka pa sa kinilos ko, At hanggang sa unti-unti kang nangiti. Dahil naliwagan na ang loko. Matagal ko ng pinag-isipan 'to at “Oo” ang sagot ko. XVI. At dahil mahal pa kita, hindi ko na natiis pa, Hindi sapat ang mga daliri ko kung gaano ko, Lubos na pinag-isipan ang isasagot ko sa'yo. At magmamahalan tayo muli, sa pangalawang pagkakataon.
0
Jul 18, 2015
Jul 18, 2015 at 1:01 PM UTC
Pangalawang Pagkakataon

75
Tulala sapagkat walang ginagawa, sa maghapong oras ay nagdaraan Tulala sapagkat napapagal, buong araw sa trabaho ay inilalaan Tulala sapagkat sawi, puso ay humahangos at puno ng pighati Tulala sapagkat nabigla, may gantimpala, sa mukha nakapinta ang ngiti Ito nalang marahil ang tanging pahinga ng isip, panahon na walang alintana Masasabi mo nalang ang “bahala na” na nagmula pala sa pariralang “Kay Bathala na” Ang pagtingin sa kawalan ay para ring mahimbing na tulog sa gabi- Gabing mga suliranin na ninanais mo nalang kitilin at itago ang labi At kahalintulad din nito ang bagong umaga na ang hudyat ay ang sikat ng araw- Araw **** pagpapaalala sa iyong sarili na matapos ang unos, bahaghari ay lilitaw Libu-libong berso at pangungusap na ang nagawa para gunitain ang pag-ibig Ngunit bakit bihira ang para sa isip na hindi ito naiisip, isip na puno ng ibang ligalig Ang literatura ba sa kanila ay sadyang mailap? Hindi inilaan sa kundiman Kung hindi man, ay para saan? Iwaglit na ang mga sapantaha, sapagkat ang tulang ito ay nagawa na Tula para sa mga tulala, tula para sa akin, sa iyo, at sa kanila At hayaan **** ang isip ng isang tulala ay maglayag Bagamat tahimik, tiyak na marami itong ipahahayag
0
Oct 18, 2017
Oct 18, 2017 at 3:18 PM UTC
Tula·Para·Sa·Mga·Tulala
Pumikit Lasapin ang bawat saglit na lumalangitngit ang pawis sa inyong balat na magkadikit. Huwag niyong ipagkait sa apat na sulok ng silid ang kanilang karapatan masilayan ang inyong pagmamahalang saglit Igapang mo ang iyong mga nananabik na daliri sa pambalot ng kanyang laman, Sa bawat segundong inuudyok at kinikililiti ang iyong kasiping isiping siya ay isang anghel na ipinadala ng diyos ng dilim ng silid Manampalataya Manalangin na ang sandaling maglapat ang iyong labi sa kanyang katawan ay pang-matagalan Na ang pagsamba mo sa kanyang katawan ay magiging makatarungan Iyong lubusin ang pag-halo ng laway at pawis Tumingin sa pagkinang ng namumuong asing itinuturing **** bituin dahil sa bawat paglamas ng inyong dila sa isa't-isa, dahil sa pagdurugo ng labi, dahil sa panggigil at kagutuman at libog ng katawan at isipan Hangga't siya'y nagugutom at uhaw sa maling pagmamahalan– Kumapit Hayaan ang sarili maipit sa kanyang bisig sa tuwing pipilipitin niya ang iyong isip gamit-gamit ang kanyang mga matang nanlilisik sa pagnanasa at tamis na kay pait Ang kanyang mga mata na nagpapakita ng kaluluwa na umiiyak dahil hindi kayo para sa isa't-isa Iyong nahihinuha na pareho lang kayong dalawa, parehong kumakapit sa ideya na ang pakikipagkantutan ay paraan para mahanap ang pag-ibig na bumabalot sa mundo't umaakap Umakap Panghawakan ang alapaap at huwag kang kukurap para masilayaan ang pamumuo ng mga ulap sa kanyang mga mata, Ang pagbaha ng inyong mga kalooban dahil sa pagragasa ng inyong kahayukan Ngunit wag kang magpahinga. Hayaan mo siya ang mauna sa pagpapahinga, Ito ay senyalis ng pagkapagod at pagsuko sa kasiyahan na inyong tinatamasa Masasabi **** masalimuot ang karanasan na ito kahit nilubos mo ang pagkakataon na kayo ay nag-indakan sa bawat sulok ng silid na madilim na sa pagtapos wala na kayong ibang magawa kung hindi– Huminga Huminga ng malalalim bago umalpas ang inyong kamunduang pangsandalian At sa pagwaglit ng iyong hanging ibinuga, tanggapin sa sarili na libog lang ang inyong nadama
0
Feb 2, 2017
Feb 2, 2017 at 2:09 PM UTC
Pumikit

29
Ang buhay nga naman, Puno ng lungkot at kaligayahan, Subalit wala tayong magagawa, Tiisin nalang kung ano ang mapapala. Diyos ko, ako'y tulungan nyo, Sa aking landas na tinutungo, Landas na puno ng sagabal, Mga sagabal na susubok kung ako'y mapapagal. Dahil ang katotohanan ay di ko maitatanggi, Katotohanang ikinubli sa mga tawat mga ngiti, Ang katotohanang ako rin ay nasasaktan, Dahil sa damdamin kong nanlalaban. Minsan di ko maiwasan, Na masabi ang tunay na nilalaman, Ng puso at di ng isipan, Kaya minsan, ginagawang katatwanan. Ika'y kasapakat ko sa gawaing ito, Ang sinasabihan ko ng mga naturang biro, Ang nakikisabay sa aking mga kalokohan, Kalokohang minsang ginusto kong maging katotohanan. Sa kasamaang palad, ito ang katotohanan, Ang minsang inisip matapos magtawanan, Ang di ko naman maipagkakailang nakakatawa nga, Ngunit di ko inaasahang puso ko pala'y mapipiga. Ang binansagan nating pinakamagandang biro, Ang sa mga luha ko'y nagpatulo, Tumulo dahil sa kakatawa, Tawang may kasunod na pagdurusa. Pagdrusa dahil masakit, Tawa't halakhak nga ba'y sapat na kapalit? Ngunit masasabi ito'y panandalian, Dahil pagkatapos nitoy masasaktan, Para bang ang gusto ko'y ibinigay, Na para bang nagkusa at di na ako pinahintay, Ngunit alam ko sa sarili ko na ito'y huwad, Ako na mismo ang unang naglahad. Subalit nakakatawa naman talaga, Sabihan ba naman kita ng "mahal kita", Tono palang kalokohan na, Masasai **** baligho ang ideya. Aminado akong iyo'y kabilaghuan, Ngunit wala na akong magagawa dyan, Kasalanan ko na kung ako'y nasaktan, Dahil alam kong ako'y nagkamali at may kakulangan.
0
Jun 9, 2017
Jun 9, 2017 at 3:13 PM UTC
Baligho

44
Estranghero ang bawat numero Arok kong ikaw iyon Ang boses **** tila nasobrahan sa kape Parang may giyera lang sa himpapawid. "Yung katext mo kanina," yan ang sagot mo Akala mo siguro wala akong ideya Sa pagkatao mo. Naisip ko rin yun Na tawagan ka mula sa hiram na numero Nang masanay ang pandinig Sa boses **** walang kalambing-lambing. Wala naman tayong listahan "Long time, no communication," pa ang sambit mo Bakit ba at tila ako'y miss mo na? Wala naman akong masasabi sa kabilang linya. Nagsinungaling ako Nang sabihin ko ang porsyento ng baterya Hindi sa ayaw kitang kausapin Bagkus, wala akong maisip na tamang salita Hindi ako makapag-isip ng tama Sana ang diwa ko'y kasama mo na lang. Yung pangako mo'y biglang napako Akala ko nga malapit na At tila binibilang ko ang nasa kalendaryo Ako'y bigong muli. Tatlong taong lumipas Pero walang kupas ang kahapon Sigurado akong tanda mo pa ang lahat Na ang kahapon nati'y Kailanma'y hindi pa tinutuldukan. Kung ang pahinang ito'y mali sa katotohanan Isa lang ang panalangin ko sa kanya Na itong damdaming mahimlay na lamang Pagkat ang lugar nito ngayo'y Nasa tamang kondisyon pa naman. Ramdam ko ang paghanga mo Hindi ako manhid na minsang inisip mo Hindi mo naman sinubukan noon, Ba't ba pilit **** nililimot na mayroon pang ngayon? At kung ang bukas ay wala nang araw Sana'y ang pag-ibig ay sinimulan na noon pa man Hindi pa man ramdam ang tunay Bagkus sana ngayo'y kontinwasyon na lamang. Wag nating takbuhin ang lakbaying ito Hayaang ang layag ay dalhin ng hangin Nang hindi makontra ang tamang ihip nito At sa bagyong paparating Ay maging handa na tayo. Kung papalarin na tayo'y maparoon Sa dakong Norte kung saan ang tama'y nakatrono Hayaan nating ang oras ang maging saksi Hindi ang magka-ibayong lupa ang tumuon. (6/3/2014 @xirlleelang)
0
Jun 26, 2014
Jun 26, 2014 at 10:48 PM UTC
Ang Kilalang Ekstranghero sa Kabilang Linya

53
Kailan ba akong pwede magalit? Minsan tinitiis ko na lang talaga. Hindi ko alam kung anong maaring mangyari Pag nagtanim ako ng galit sa puso ko. Kailan ba akong pwede magalit? Kapag nasanay ka na nakangiti ako? Yun pala, sinisira mo na rin ako, Kailan ba akong pwedeng magalit? Kapag alam ko na, "bes, ikaw na lang talaga nakikita ko... I’ll always look up to you." Hanggang sa ikaw na rin ang magpapabagsak sa akin. Naniwala ako na totoo yung mga sinasabi mo sa akin. Naniwala ako pero kasalanan kong maniwala sa'yo. Paumahin kasi mali atang tao ang aking napuntahan. Kasalanan kong gusto ko matuto tungkol sa'yo kasi ayaw ng iba. Kasalanan ko na nagpakatotoo ako sa una pa lang. Kasalanan ko na tayo ay naging magkaibigan. Kasalanan kong makita kung gaano ka kabait sa akin kasi ginusto kitang makasama. Kailan ba akong pwedeng magalit? Kapag ako ba'y patay na? Kapag patay na ako, Kaya mo ba ako buhayin pa? “Oo”, o “baka”. Pero, ‘di mo na mabababalik Ang dating kaibigan **** gusto kang samahan... Kahit ilang segundo lamang o sandali. Oo, nirerespeto kita dahil dapat lang. Pero, ‘wag ka magsinungaling. Dahil ‘di mo alam na ika’y nananakit. Pinapatay mo na talaga ako, sakim. Kaibigan? Sino ka nga ba talaga? Ikaw ba talaga ay isa kong kilala? O baka nasa mundo akong wala akong halaga. Yung tipo na mas may halaga pa ang Bente-sinko na sentimo kaysa sa akin. Kaibigan nga ba? O napagtripan lang? Kailan ba akong pwedeng magalit? Nasanay ka na nga sa aking mga tawa’t ngiti... Minsan rin pala ay ‘di mo na kilala ang aking mga labi. Minsa’y parang totoo ang mga sinasabi. Pero sana naman ay binasa mo ang aking mga mata, At sana rin ay ika’y nakakakita. Sana mabasa mo ako gamit ang iyong puso, O,  hanap ng hanap, yun pala’y wala. Hays, huwag na at baka ako ay umasa pa. Bakit naman ako maghahanap ng mga bagay na wala na? Kasi magmumukha akong walang utak, Na hindi tinatanggap ang katotohanan. Hindi mo naman rin ako kayang ipapasok sa mundo mo, Nakapagtataka, ngunit napakagulo at napakakomplikado. May minamahal man akong kapatid mo, Minsan ay nadadamay sa sakit dahil sa’yo. Ang puso ko ay nasa bawat isa... Nasaan naman ang sa’yo? Wala ba? Oo, ang puso ko ay nag-aalab sa mga apoy, Ngunit nagmamahal kahit naususunog at nawawala na. Oo, galit na galit ako pero mahal pa rin kita, Kaibigan ko, ikaw nga ba ay isa? Kaibigan ko, kailan ko ba masasabi ang aking nadarama? Oo, ako’y minsan walang utak pero nagmamahal. Walang utak, bulag, pero may puso parin. Ayoko na masaktan, at ‘wag mo na ako papasukin... Sa mundo **** parang kathang-isip lamang. Oo, mga sinungaling at ako’y iyong pina-ikut-ikutin. Huwag mo na lang ako muling paniwalain At ‘wag na ring pagud-pagurin... Kaibigan, paumanhin, ika’y dapat respetuhin. Kailan ba akong pwedeng magalit?
0
Feb 28, 2018
Feb 28, 2018 at 5:06 AM UTC
Kailan Ba Akong Pwede Magalit?

68
SALAMAT SA SANDALING NAGING AKIN KA. Even seen i really knew it sinabi ko na to sa mga salita ko at itoy totoo Totoong kaya **** magsinungaling at d sabihin ang totoo ngunit ayus lang oo ayus lang na dna marahil wala ng tau na akala ko ay totoo ngunit isa palang guhit, iginuhit sa hangin at unti unting nag laho hindi na kita masisisi mag ka iba ang mundo na ginagalawan!! Mundo?? Oh pag iisip ayus lang ayus lang talaga salamat sa saglit sa kunting pag paramdam na kahit ako lang ang nag gagawa ng paraan ngunit kailangan na ata kitang kalimutan at tapusin ang tadhana na matagal kunang d pinapakawalan upang ma isip at makausap kapa siguro nga d tayu ang totoo siguro kailangan ko ng bitiwan ang lahat upang makalaya na ako sa pag iisip sa mga bagay na walang humpay na sumusulyap salamat sa saglit na taon sa buhay nating dalawa salamatSa mga nakasanayan dapat ko na atang kalimutan upang d tayo mag kasakitan dahil humihirap lang ang pusong nasasaktan siguro nga hanggang d2 nlangAkala ko habangbuhay ang awit sa ating dalawa ngunit biglang lumihis ang nota na dapat ay nasa tuno pa wala ng kasguraduhan na maibabalik pa ang nakaraan kaya sigurong tapusin na dahil na hihirapan lang salamat sa saglit na pag paparamdam na akoy mahalaga kahit itoy hindi na totoo pa salamat sa mga salita na ngaun ay nag lalayag na sakabilang dako ng mundo na dooy mag papahinga siguro ngay hanggang d2 nlang ang ating storya hanggang d2 nalng at itoy mag tatapos na salamat sa mga sandaling kaligayan salamat sa saglit ng pag paparamdam salamat sa taong nag paramdam ng katotohanan ang masasabi ko lang salamat sa sandaling naging akin ka
0
Apr 27, 2018
Apr 27, 2018 at 12:33 AM UTC
Untitled

3
Dati akala ko masakit ang umasa, pero napagtanto ko na mas masaya ang umasa Kasi atleast sa utak mo sinasabi mo na pwede pa Sa bawat sandali na kapiling mo xa, natutuwa kana Kahit konting kasweetan, bininigyan na ng halaga Kaya masasabi kong ang umasa, ay masaya pala talaga pero kailan ba nagiging masakit ang umasa? kailan ba nagiging mapait ang nadarama? Ito ay kung nagsimula kana sa pagdududa Na sa totoo ay ang pwede, ay di pala Ito ay kung tumigil kana sa pag-asa at nasabi **** tama na kasi ayaw mo na at susuko kana Saka mo palang madarama ang sakit at panghihinayang sa oras na ginugol mo at inaksaya mo sa pag-aasa na hindi rin pala nagbunga.
0
Mar 15, 2016
Mar 15, 2016 at 1:10 PM UTC
Kailan ba nagiging masakit ang umasa?
Hindi ko alam kung saan sisimulan Kung paano tatapusin itong aking liham Ni hindi ko alam kung kakayanin ko pa Ang salitang "pamamaalam". Hindi ko alam kung mababasa mo pa to. Hindi ko rin alam kung naririnig mo pa ko. Kung kaya pa bang mabasa ng mga mata mo at marinig ng mga tenga mo ang nais kong sabihin para sa'yo. Maraming mga alaala ang iyong iniwan Maraming pangako ang hindi na masusulyapan Mga bagay na dati'y pangkakapitan Ngayo'y bibitawan na sa iyong paglisan. Gayunpaman, maraming salamat Hindi ko man masasabi dito sa’yo ang lahat Pero Mahal na mahal kita at yun ay tapat…
0
Oct 2, 2017
Oct 2, 2017 at 2:37 PM UTC
Paalam. Salamat.