Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Everything was out of control, kumbaga kung ihahalintulad sa daan ay lubak-lubak, kung itutulad sa isang kwento ay palpak at kumbaga parang isang ibon na walang pakpak. Umikot yung mga nagdaang araw sa mga bagay na inakala kong bubuo sakin, sa mga bagay na akala ko ay totoong kukumpleto sa akin, sa bagay na inakala kong tootong magpapasaya sakin. In short umikot yung sem na to sa akin. Inakala ko na sa pagtalikod ko ay makikita ko ang sagot, ngunit sa kasamaang palad para akong isang lubid na nalalagot. Patuloy na nilalagot ng mga poblema at mga unos na masalimoot. Mistulan akong isang tupang nawawala. Walang direksyon at sobrang naghahanap ng atensyon.  Yung mga tawang humahagalpak ay unti-unting nawawasak. Tumalikod ako sa Kanya kase sabi ko hananapin ko lang yung sarili ko, time, days, weeks passed by pero para bang hindi gusto ng tadhana na makita ko ang sarili ko, hindi gusto ng tadhana na makita ko ang hinahanap ko kaya nagdesisyon ako na bumalik sa dating tinalikuran ko. Sa pagbabalik ko yung init nang yakap Nya ang unang sumalubong sakin, yung mga kataga Nyang sobrang nagpabalik ng mga ngiti na nawala sakin. Mga kataga Nyang nagsasabing โ€œ Anak, mahal kita. Sagot kita, wag kang mangamba kase ako yung sagot sa yong mga problemaโ€ sa pagbabalik natagpuan ko mga sagot na kaytagal kong hinanap. Nasaksihan ko kung paanong naging patag ang lubak-lubak, kung paanong ang kumplikadoy naging payak, kung paanong lumipad ang ibong nawalan ng pakpak, kung paanong nagtagumpay ang dating palpak, kung paanong naging ngiti ang mga iyak, at lalong higit kung panoong nabuo ang dating wasak. Saksing saksi ko kung paanong ginantimpalaan ng Panginoon ang mga paghihirap ko. Kung paanong hinanap nya ang nawawala akong at tinanggal yung mga luha sa mga mata ko. Kahit na I turned my back to Him, never nya akong iniwan, sinukuan o kaya ay sinumbatan sa halip ay pinakita Nya kung paanong lumaban, kung paanong manindigan. Sobrang sapat na sapat na yung alam **** kahit na pumalpak ka, tanggap ka Nya. Yung tipong kahit na lumayo ka hahanap hanapin ka Nya. Kase ikaw ay anak nya at ikaw ay mahal na mahal nya.
MarLove Jun 2020
Ikaw ang LUnas

Mga alaala nang nakaraan ang pumukaw sa aking gunita
Ala ala na sa puso ko nagbigay na nang marka
Ala-alang gusto kong balikan na nagsisibing sandata
Sandata sa aking buhay para baguhin ang aking tadhana


Nakaraan na puno nang pagsisi;puno nang sugat at sakit
Na kahit pilit kung kalimotan..ramdam ko parin ang pait
Sa kabila nang mga luha na aking binuhos,
Alam ko may bukas na magbibigay liwanag sa unos


Tamang oras at panahon ang binigay
Ikaw ay dumating bigla sa aking buhay
Pinawi mo ang sakit at lumbay
At binigyan ang aking buhay nang kakaibang kulay

Binaon mo sa limot
Ang kahapon kong puno nang puot
Binigyan mo ako nang lunas
Sa sakit na aking dinaranas

Ikaw ang dahilan nang aking muling pagbangon
Na sa kabila nang masalimoot na kahapon
Pinili kong tumayo nang matayog
Sa ano man hirap;Para sayo...ang laban kong ito

Ikaw ang naging lunas
Sa lahat nang sakit na pasan
Ikaw ang dahilan nang aking kasiyahan
At ang iyong pagmamahal ang tanging lunas,
Para akoy magmahal muli nang walang katumbas

๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜˜LOVE๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜˜

— The End —