Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mapupunta" poems
papano ba mapaparating ang nararamdaman? kaya ko bang sasabihin saiyo ng harapan? kung meron lang sana akong lakas ng loob sa tamang hinala ng maling kutob bakit sayo lang nagkaganito sa bituwing tunay na may ganda bakit sayo, tuluyang nagbago may paghanga, meron ding pangamba sinta, di ko sinasadya may kusa itong paghanga tadhana ang nagbadya kaya wala akong magagawa kung sana kaya kong umilag kung sana di ako nalalaglag kung sana kaya kung pumalag kung sana ang puso di takot mabasag paano ka ba makikilala kung di ko kayang lumapit saan ba to mapupunta hangarin kailan ba makakamit marahil masaya na sana ako na aking madinig matamis na sagot ng malambing **** tinig ano bang gagawin, di makalapit at di makalalayo papano kakausapin,kung di masambit ang nais ng puso sana bigyan ng tapang, ipadama ang pagsuyo dahil itong naaramdaman di ko kayang isuko hawakan mo aking mga kamay dito sa gitna ng yakap humimlay wag nang malumbay,pangako ko habang buhay sayo lang iaalay ang pagibig kong tunay hayaan nating mga mata'y makiusap sa mga titig **** nakikihiram ng kislap bakit dito, kung saan ako nakatinag larawan mo ang bukod tanging lumiliwanag tulad ka ng rosas sa pula ng labi tulad ka ng anghel sadyang nakakabighani sa mahabang buhok, kutis **** malambot, at tamis ng yong ngiti wala kang katulad, anyong namumukudtangi nilalang na tulad mo BIYAYA kang mamahalin sa hamak na tulad ko SUMPA kitang iibigin oh Nadine, meron pa akong dapat na hiling kung dinig na ng diyos ang aking panalangin oh Nadine, bulaklak ka sa hardin wag mo sanang hayaan ako'y hanggan tingin na sana'y pakinggan ang aking hinaing pagkat di ko kayang mabuhay ng wala ka sa akin
0
Jan 22, 2019
Jan 22, 2019 at 4:42 AM UTC
"TORPE"

Continue reading...
46
Natuklasan ko na pagkatapos ng lahat ng hirap at sakit na iyong naranasan Makakangiti ka pa rin pala muli Pagngiti tulad noong unang beses **** makatanggap ng laruan galing sa iyong magulang Tulad noong unang beses **** makausap si crush with matching blush Tulad noong pinagtripan nyo si classmate na uto uto (mga bully!) Tulad noong sinagot ka na ng nililigawan mo Tulad noong nalaman mo na crush ka rin ng crush mo at ayun naging kayo Tulad noong nalaman mo na wala kang grado na singko Tulad noong natanggap ka sa una **** trabaho Tulad noong pagtanggap ng unang sahod na pinaghirapan mo pero sa magulang mo lahat mapupunta Tulad noong napromote ka at unang salary increase mo! Tulad noong sinurprise ka ng mga kaibigan mo nung kaarawan mo Tulad noong pagkatapos ng una niyong halik ng iniibig mo Tulad noong nakikita mo na unti unting natutupad ang mga pangarap mo Sa paglipas ng mga araw Matutunan mo Na pwede kang gumawa ng mga bagay na makakapagpasaya sayo Tulad ng isang ibon na lumilipad kasabay ang hangin
0
Feb 3, 2016
Feb 3, 2016 at 10:21 AM UTC
Pagngiti
Minsan sa mundo, akala mo ikaw lang ang malas, lahat hinahanapan mo ng butas. Pero ang totoo, Gusto mo lang tumakas. . . 'Yan! 'Yan ang labing may gatas! Kinukutya mo ang gobyerno, dahil di sila patas, eh, sino nga b'ang nag-atas? Paano tayo kakalas, Kung wala naman tayong lakas? Nagdedesisyon ka nga ng di alam ang konstitusyon, paano mo nalaman ang tamang solusyon? Nilagay natin sila sa posisyon, dahil nagbigay sila ng maraming kondisyon, na lahat naman, ilusyon! Eh, sino nga ba ang iboboto? Kung halos lahat sila, ang hanap, deboto! Ano sila santo? Oh, tingnan mo ko, kung makapagsalita, akala mo kung sino. . . Sorry sa mga kritisismo . . . Pero sa totoo lang yung gobyerno, pinapadami lang yung mapupunta sa impyerno. Di ko nilalahat, pero pano nga ba tumukoy? Binigyan ng kapangyarihan, para manindigan, manilbihan sa bayan, pero anong ginawa? Pinabayaan. Kaya yan, dahil sa kahirapan, lahat sabik sa pangako. . . Kalaunan. . .pag pinaglaban mo, ikaw pa ang matatakot! Magsasaka nga, sariling ani, iba ang humahakot. . Ibang nagmatapang, sila pang dinambangan! Kaya ako, di nalang boboto. . Di basta basta makiki-uso. Dahil ang totoo, wala akong makitang seryoso. Puro sila, sariling negosyo. Gawa ng gawa ng imperyo! Makita mo ang gobyerno, andaming benepisyo. Kadalasan, si chief puro pa reklamo! Eh, milyon naman ang komisyon Sa sariling institusyon! Kulang pa daw! Wow, napaka-halimaw! Pero ang tingin nila sa kalsada yung mga bata, perwisyo?! Kaya ba nila tinago, sa malayo nang dumating ang mga dayo?! Oh, di mo alam no? Kasi nga tinago! Sana yung susunod na uupo, yung taong, totoo. Yung kahit malaya, di mandadaya.  .  . Gawing tama ang pagboto. . Di ka na si toto, Di ka si nene, Wag madala sa mga ugong ng hele! Meron at meron yan! Di lang natin makita, kaya ang payo ko: WAG KANG MANGHULA. .
0
Apr 15, 2016
Apr 15, 2016 at 2:15 PM UTC
Wag Manghula.

75
naiiyak ako sa mga alaala na iyong iniwan bawat sakit na aking nadama ay nandito pa pano kakalimutan ang mga salita na minsan sa akin ay nagpasaya Ang mga pangako ba ay mapapako na dahil ako ay iniwan mo na Minsan tinanung ko kung san ako nagkulang kung san o panong kita nasaktan di ko naisip ang araw na ito ang araw na akoy iyong sasaktan at iiwan nasan na ang mga pangakong pag ibig na walang hanggan mga pangakong walang iwanan mga pangakong tayo ay bubuo ng pamilya mapupunta na lang pa ito sa isang alaala na akahapon ay hindi na tayo ay sasaya
0
Oct 22, 2016
Oct 22, 2016 at 3:44 AM UTC
Pangako
Sa Pagsabay sa daloy ng buhay Masaya kung may kaagapay Kasama sa bawat paglakbay Ng mga paang nais lamang na may karamay Subalit ang lahat ay di ganun kadali Ako ay iniwan dahil lamang sa pagkakamali Sa Isang iglap, kasiyahan sa aki'y binawi Saan nga ba mapupunta ang puso kong sawi Ngunit Mag-isa man ay hindi dapat huminto Sa laro ng buhay ay patuloy lang sa pagtakbo Sa bawat pagsubok, mag isa man ay hindi susuko Madapa man at walang tumulong, lalaban pa rin ako
0
Mar 2, 2016
Mar 2, 2016 at 7:08 PM UTC
Itutuloy
Sa aking pagising naalalang alala ka nalang pala. Di ko inakalang lahat ng mga iyon ay mapupunta sa wala. Na parang walang pakialam at binalewala. Sakit ang nadarama sa iyong pagkawala. At ngayo'y idadaan ang sakit sa isang malayang tula. Mas gugustuhin kong itula na lamang, 'tong mga nais sabihing nakakahadlang, Dahil sa tula, ako'y nagiging malaya, Malayang naipabatid ang di masambit nitong dila. Dahil sa takot na nadarama nitong puso kong maduwag. Natatakot ako sa sarili ko. Natatakot ako sa iyo mismo. Natatakot ako sa pag-ibig ko. Natatakot ako sa paglisan mo. Natatakot ako kasi hindi ito tama. Natatakot ako kasi tayo ay di tugma. Natatakot ako kasi, "Bakit nga ba?" Natatakot na lang ako bigla-bigla. Oo sasabihin ko nalang takot akong iwan mo ako. Kasi sa iyo ko lang nararamdaman ang importansya ko. At ngayo'y sa paglisan mo'y nararamdaman ko ulit. Ang pakiramdam kong noo'y piit. Ako'y nasanay na kasama ka, Sa lahat ng oras na walang makakasama, Sa lahat ng oras na walang makausap na iba, Tayong dalawa, nagbigay buhay sa isang makata. Akin ang ideya, sayo ang paraan, Ako'y napalapit na, kinahiligan, Dahil dito nadama ko rin ang kaligayahan, Sa pagsulat ng laman nitong puso't isipan. Ito ang isa sa aking mga katauhan, Makatang pagsusulat ay naging takbuhan, Pagsusulat ang ginawang libangan, Sa tula buhay ay ipinaloob, pati kasakitan.
0
Apr 22, 2018
Apr 22, 2018 at 11:53 PM UTC
"TAKOT AKONG IWAN MO KO"
huwag tayo malito sa araw ng iba sapagkat balang-araw, darating din ang araw na mapupunta tayo sa araw na yon at magpapasalamat tayo sa araw na dumating tayo sa araw na yon
0
Jun 14, 2021
Jun 14, 2021 at 7:45 AM UTC
Ang araw na dumating (Tagalog)
"O aking minamahal sinta, Tara, kanta na tayo't magsimba.", Kay sarap balikan ang mga araw na 'to, Hanggang sa sarhan mo'ko ng pinto. Laging kasama sa samahan niyong umaawit, Sa lugar kung saan nakakahingi ng tulong sa langit, Ang puso ko'y gusto sayo lumapit, Sapagkat iyong ganda'y kaakit-akit. Kaya ako'y nangarap... "Sa pagtatapos ng aking paglalakbay, Sana magwakas sa iyong mga kamay, Sa kahit anong mangyayaring pagsubok, Ikaw ang ninanais na maging palayok". Umamin, nagbukas ng puso sa 'yong harap, Habang ang mata ko'y 'di kumukurap, Iba sa aking mga inaasa't iniisip, Ang pangarap ay hanggang panaginip. Lahat ng pawis, oras ng paghahanda, Mapupunta lang pala sa wala, Kaya't pag nakikita ako ng iba, Nagkukunwari nalang na masaya. Di naisip bituin ay masisira sa isang sulyap, Dumating pa si Hudas sa aking harap, Nakatikim ng halik ng isang taong mapanibughuin, At laking galit pagkat siya ay isang taladkarin. "O aking minamahal sinta, Sensya na't dinaan sa makata, Gawain ng isang taong nalulumbay, Makakagawa pa ng akdang-buhay Kaya sa mahabang panahon hindi magpaparamdam, Para makuha ng Hudas ang kanyang inaasam, Kahit ang puso ko'y nasisira't lumiliit, Ako'y maghihintay kahit masakit.
0
Apr 3, 2020
Apr 3, 2020 at 10:20 AM UTC
O Aking Minamahal Sinta
Saan nga ba patungo ang ating kwentong nasimulan? Ito ba'y aabot sa dulo nang walang hanggan? Tayo kaya'y magiging matatag hanggang sa araw na itinakda, O tayo kaya'y bibitaw rin dahil sa pagsubok na hindi alam kung saan mapupunta. Ang ugali ko kaya'y iyong mapagtitiisan sa mga araw na magdadaan pa, O ako rin ay iyong iiwan at sasabihin hindi mo na kaya. Malalampasan kaya natin ang mga balakid sa ating pag-iisang dibdib? O ito'y hindi mapagtatagumpayan dahil sa sakit at pighati. Sasapat ba ang aking pag-ibig na busilak at hangaring tama? O ika'y makukulangan at maghahanap parin ng iba. Ako sana'y iyong pag-ingatan pati na rin ang aking pusong nagmamahal Sapagkat ako sa iyo'y tapat at walang ibang hangad kundi ang iyong kaligayahan.
0
Mar 16, 2020
Mar 16, 2020 at 1:03 PM UTC
KATANUNGAN
Kung papasukin mo ang isip ko, mapupunta ka sa isang kwarto na punong puno ng punit na papel ng siphayo at kabiguan- ‘di matapus-tapos na kwento natin, mga salitang gusto kong sabihin pero ‘di ko masabi, mga dapat kong ginawa pero natakot ako. Nangyari ang nangyari dahil tumigil tayo. Paano kung ‘di tayo tumigil? bakit tayo naging ulan na kapag may kulog at kidlat doon lang bubuhos? Babagsak sa bubong ng pangako. Paano kung hindi natin nilagyan ng bubong ang mga pangako? Paano kung hinayaan na lang natin makita ang ulap at araw?
0
Feb 13, 2020
Feb 13, 2020 at 11:28 PM UTC
Kwarto, Bubong at Araw