"mapagpanggap" poems
Ilang taon akong nabulag sa paniniwalang kailangan mo munang makaranas ng sakit bago mo makamit ang tunay na ligaya.
Na ang bawat luha ay may katumbas na galak, na ang bawat gabi ng pighati ay may pangako ng isang masayang umaga.
Ilang taon akong nakipagsapalaran sa pagibig na mapagpanggap. Kaliwa't kanang kabitan, walang katapusang kasinungalingan.
Pagibig na sa harap ng madla ay puno ng kilig at lambing. Ngunit sa ilalim ng mga yakap at mga halik ay ang mga pasa at sugat na dulot ng masasakit na salitang sing talim ng bagong hasang lanseta.
Ilang taon akong nasanay sa kalungkutan, walang kadaladala. Sugod ng sugod sa labang alam ko namang sa bandang dulo ay ako ang uuwing talunan. Pilit akong kumapit sa mga maling tao. O tamang tao sa maling pagkakataon. O sa akala ko'y tamang tao pero hindi naman ako gusto. Sakit no?
Ilang taon akong sumugal sa mga relasyong walang kasiguraduhan, sa pagibig na "pwede na", kahit alam ko sa sarili kong walang patutunguhan. Minsan nga kahit wala nang kakabit na emosyon basta lang may pantawid sa tawag ng laman pinapatos ko ng walang pagaalinlangan.
Ilang taon akong pansamantalang nakisilong sa iba’t ibang tahanan. Na sa una’y buong puso ang pagtanggap ngunit sa bandang dulo ay walang habas din akong pinagtabuyan palabas.
Ilang taon? Hindi ko na mabilang. Hindi ko na mabilang kung ilang taon akong nagtapang tapangan na suungin ang mga tila panibago na namang disgrasyang maaari kong kaharapin sa proseso ng paghahanap ng tunay na ligaya. Isang pagibig na may pangako ng walang hanggan.
Hanggang sa... napagod na ako. Sa wakas, napagod na ako. Napagod na akong kwestyunin ang kalawakan sa kung bakit palagi na lang akong pumapalya sa pagibig. Napagod na akong magtiwala. Natakot na akong magtiwala. Natakot na akong buksang muli ang puso ko sa susunod na estrangherong magsasabing “hindi kita sasaktan, peksman mamatay man”
At Unti unti kong napagtanto na sa ilan taon kong paghahanap ay ako, ako ang nawala.
At nahanap mo ako.
Ikaw ang naging sagot sa bawat tandang panong na ibinato ko sa kalawakan sa loob ng maraming taon. Tinuldukan mo ang lumbay at ipinamukha sa akin na hindi ko kailangang masaktan para makamtan ang tunay na ligaya. Na kailanma'y hindi ako dapat lumuha dahil sa hinagpis. Hindi ka nangakong hindi mo ako sasaktan, ngunit ipinadama mo sa akin ang ang masarap **** pagaalaga. Pagaalagang hindi kailangan malaman ng iba para mapatunayan na bukal sa loob ang hangarin. Binigyan mo ako ng dahilan para muling magtiwala.
... Ng lakas na sayo ay kumapit at ipadama sayo ang init at gigil ng pagibig na ni minsan ay hindi ko naipadama sa sinoman. Binigyan mo ako ng pagasa... ng dahilan para muling maging matapang.
At ngayon, sa unang pagkakataon.
Buong tapang kong ipagsisigawan sa buong mundo na palangga ta ka. Na handa na ako sa pagsisimula ng isang bagong paglalakbay kasama mo mahal ko. At oo, oo ang naging sagot ko.
Aug 23, 2018
Aug 23, 2018 at 1:35 AM UTC
PAG-IBIG, NAPA-KOMPLIKADO MO
NAGBUBUHOL-BUHOL ANG UTAK KO
MAPAGKUNWARI PA MINSA’Y SUSULPOT
WARI’Y NAGPAPANGGAP NA SUOT
MAPANGAHAS KA, AT WALANG PINIPILI
MATAPOS UMASA, PUSO’Y NASAWI
O MAPAGPANGGAP NA PAG-IBIG!
KAILAN KA MAKAKATIKIM NG GALIT?
TIWALA’Y NILAAN
PAGKATAPOS AY IIWAN
SUKDULANG HAPDI
KATUMBAS AY PIGHATI
HINDI MO BA NALALAMAN
KUNG GAANO KASAKIT MASAKTAN?
HINDI MO MANLANG BA TUTULUNGANG
MAG-HILOM ANG PUSONG NASAKTAN?
TATAWANAN MO NALANG BA
ANG PUSONG NAPILAYAN?
HABANG SA IYONG HIGAAN
IKA’Y SARAP NA SARAP SA PAG-HIMLAY?
O MAY AWA PA BANG NARARAMDAMAN?
SA PUSONG MINSA’Y MINAHAL
KAHIT HIBIK LAMANG NG BALIKAT
AY HUWAG SANANG IPAGKAIT
SA PUSONG MINSA’Y INIBIG
Mar 28, 2015
Mar 28, 2015 at 1:51 AM UTC
Para sa mga taong pinaasa ng mga paasa......
Ano bang pakiramdam ng nahulog ka?
Yung pakiramdam na sinalo ka nya pansamantala,
Yung pakiramdam na parang kayo na,
Yung pakiramdam na parang may pagasa, pakiramdam mo lang pala.
Masasabi mo bang di ka sa kanya mahalaga?
Kung ang kanyang ngiti sayo lang naging masaya,
Masasabi mo bang balewala ka sa kanya?
Kung ang pagtingin nya sayo di ka nagdududa, pagpapakita lang ba?
Napakahirap maghusga, kung lalo na medyo malabo
Kumbaga sa distansya, malapit na pero medyo malayo
Takot kang isugal, na parang isip moy matatalo siguro,
Takot kang magmahal, kung ipaglalaban mo di mananalo sigurado
Ngunit pano? Nakakalito,
Parang kang produkto, kapag tinaasan ng presyo, pagnagmahal, walang bibili sayo.
Kaya napagdesisyonan, na wag nalang ipaalam
Ang mga nangyayari ay hahayaan nalang
Ngunit meron paring inaabangan, Na sanay minsan,
Ganap nang manatili yung paminsan minsan
Dahil...
Pusoy ayaw masaktan, takot na baka mabasag
Natatapang tapangan, ngunit laging naduduwag
Papano kung walang sasalo, habang nalalaglag
Para sa mimahal ko, na di nahahabag
Sanay lumayo nalang, nang katotohanan ay matanggap
Sanay aking nalalaman, kung ikaw bay mapagpanggap
Sana’y wala ka nang di nalulumbay,
Nang Sana’y di nalang ako nasanay,
Kasi hinahanap hanap pa kita,
Buti sana kung di kita madalas makita,
Dahil nasa loob lang tayo ng iisang silid
Andito ako sa gitna anjan ka lang sa gilid
Tulad parin ako nong una, Umaasa,
Mga iniwan **** alalala
Andito pa nagmamarka,
Papano ko mabubura
Sanay makalaya,
Sanay di nagkaakbay, Sanay di nalang humigpit ang kapit ng iyong mga kamay
Sanay di ako nasanay, Nang sanay di ako nalulumbay.
Sep 28, 2018
Sep 28, 2018 at 12:16 AM UTC
Kaibigan, pinakamasakit na tinawag mo sa akin,
Na lubhang kumirot at tumusok sa damdamin,
Isang bagay na tumuldok sa aking naisin,
Isang kirot at hapdi na kay hirap alisin.
Kaibigan, isang taong laging nandiyan,
Hindi ka iiwan o lalayuan kailanman,
Lahat ng sakit at luha mo’y maiintindihan,
Hindi ka matiis kahit mapunta saanman.
Kaibigan, isang mapagpanggap na kaaway,
Na palagi sayo’y nakangiti’t kumakaway,
Ngunit sa iyong pagtalikod hanap ay away,
Iyong pagbagsak ay kanyang tagumpay.
Sep 25, 2015
Sep 25, 2015 at 7:40 AM UTC
ilang beses na akong naniwala,
naniwala sa mga mapanlinlang na salita,
naniwala sa mga mapagpanggap na gawa,
ngunit sa bandang huli'y trinato na parang wala.
ilang beses na rin akong pinangakuan,
pinangakuan na hindi ako sasaktan,
pinangakuan na ako'y aalagaan,
ngunit sa bandang huli ako pala'y iiwan.
kaya ako'y may gustong hilingin,
sana ito'y iyong dinggin,
sa bawat salitang aking babanggitin,
sana ito'y iyong tuparin.
dahil sayo ako'y susubok muli,
sana ika'y manatili sa aking tabi,
kung maaari sana'y 'wag akong isantabi,
'wag tratuhin na isang pagkakamali.
simple lamang ang hiling ko aking sinta,
mahalin mo ako ng tapat at walang pagdududa,
sa bawat salita ay sana maging totoo ka,
'pagkat mahal kita at sa akin ay mahalaga ka.
Aug 5, 2017
Aug 5, 2017 at 3:39 PM UTC
Bibigyan kita ng tula.
Hindi panghuhula...
kundi tula.
Hindi magiging napakahaba.
Hindi ka naman palabasa
para iyong mabasa
ang mga bagay-bagay
na sumasangay
kung ano ba talaga
ang tunay na halaga
ng tulang isusulat ko
para sa utak mo
na tuliro.
Sa mga nabasa kong libro
wala na sigurong mas magulo
kaysa sa iyo na kapag hindi mo
na nakuha ang iyong gusto
ay bigla-bigla ka nalang babato
ng mga salitang magpapaginhawa
sa iyo.
Pero tandaan mo
bago ka pa magbigay ng mga salita mo
ay marami na akong alam na salita
sa diksyonaryo na
sadyang binabasa
ko kasi umay ako sa mga salita
ng mga tao na paulit-ulit
at sadyang parikit nang parikit.
Hindi mo narin na
kailangang pagsabihang kumain na
sapagkat ako ay may isip
at hindi nagpapaihip
sa mga bagay na
dapat na ginagawa
ng taong may tamang isip.
Nako. Sentido kumon mo ay naihip.
Wala akong inaasahan na
pag-uusap na magaganap
dahil matagal ko nang tanggap
na tinuring na akong mapagpanggap
dahil lang sa desisyon
na ninanais ko lamang ng aksyon
dahil ayun ang magiging paraan
kung paano gagaan
ang mga bagay na
ninanais **** balikan.
Hindi na ako makapagbigay ng ****
na lubos na kasing laki ng dati
sapagkat hindi mo naman talaga
kayang isantabi ang iyong mga saya.
Tila nakakahiya naman
sa mga salita **** dapat na malaman
ko ba talaga kasi
mga payo ko ay dumaan lang sa labi.
Payo ko ay narinig at dumaan
pero lumabas lang sa isang lagusan.
Ako ay iyong narinig
gamit ang tainga **** mahilig
sa mga tunog na panbasag-pinggan
kaya ako ay hindi napakinggan.
Hindi rin naintindihan.
Naging gusto kita kahit
hindi naman kinakailangan.
Para sa utak **** tuliro.
Uulitin ko ulit para sa iyo.
Hindi na kita gusto
ayan ang kailangan na malaman mo.
Ibaon mo sa isip mo
katulad ng pagbaon mo
sa galit at sakit na ipinaglalaban mo
na nakakatulong sa iyo
na mapaginhawa ang pakiramdam mo
na sinasabi mo ngang hindi ko
man naisaalang-alang kasi
hinahakot ko lang ang mga kati
ng mga nakalipas na hapdi at kirot.
Ang pwede ko lang pala maramdaman
ay ang sarili kong kurot.
Pinapaligaya mo ako
pero hindi kita kailangan.
Hindi kita kailangan para
ibahagi sa mundo
kung gaano ako katalino.
Hindi kita kailangan para
ipakita ang mga halakhalak ko
sa maraming tao.
Hindi kita kailangan para
malaman ko na may
nakakaintindi sa akin.
Pasensya na
pero hindi kita kailangan.
Mar 2, 2017
Mar 2, 2017 at 10:10 AM UTC
Ako ay isang nawawalang tupa
Sana mahanap ako ng aking pastol
Naglalakad akong may hikbing di humuhupa
Kadalasa'y ang kasuotan ay kulay asul
Ako ay isang naliligaw na tupa
Lumakbay na nang di mabilang na burol
May sugat na tila isinumpa
Di kayang pagalingin ng mga doktor
Ako'y isang di mapanatag na tupa
Bagamat nag-aral ng mabuti upang di maging mapurol
Humahakbang sa pagitan ng langit at lupa
Naghahanap ng ilaw upang kumislap ang aking parol
Ako ang simbolo ng karamihan dito sa lupa
Mga tupang kapanataga'y hanap bago sumakay sa ataol
Lito dahil kay raming mapagpanggap na kapwa
Nawa'y bago kami lumipad sa araw, mahanap kami ng tunay na pastol...
Written: April 4, 2015 @ 8:00 PM
Mysterious Aries
Oct 23, 2015
Oct 23, 2015 at 8:07 AM UTC
Gaano kana kalakas
Sa dami ba ng mga bakas
Na iyong mga dinanas
Sa mundo na marahas
Gaano kana katatag
Hindi na ba binabagabag
Pader ba'y di na matibag
Mahusay na mapagpanggap
Lakas na saan kinukuha
Limot maging pagluha
Sa sakit o kirot natutuwa
At di na namamangha
Sa napaka tagal na mag-isa
Di na kailangan ng iba
Umaasa sa iba
O inaasahan ng iba?
Ang mamon ay bato na
Ito'y matagal na
Lumalakad mag isa
Nang walang pangamba!
Walang mapapala
Kahit ipilit ang salita
Ang lahat waring abala
Sa taong nasanay mag-isa
-JGA
Dec 21, 2021
Dec 21, 2021 at 6:50 PM UTC
sa isang minsan
naglaro ang tadhana,
pinagtagpo ang mga mata
ng dalawang uhaw sa kahulugan
sa isang minsan
nagsimula ang tagu-taguan,
mga salitang walang kahulugang
sinasambit ng mga labing mapagpanggap,
sa isang minsan
nagdikit ang mga labi,
pilit itinago ang init na nadama
ngunit mga ngiti natin ang nagsasabi
sa isang minsan
maipapakita natin sa lahat
na nandito tayo para sa isa’t-isa
at di na kailangan pang matakot sa panghuhusga
sa isang minsan,
kailangan nating maniwala
sa pagdating ng oras at tadhana,
magkasamang lalaya,
sa isang minsan
masasambit rin natin ang ating pagsinta,
sa isang sulyap na walang takot,
walang alinlangan,
sa isang minsan
ang minsan ay magiging walang hanggan,
panghabang-buhay, kahit saan,
kahit kailan, kahit anong oras
sa isang minsan
darating rin na magtutugma ang tadhana
kaya’t makontento muna tayo
sa mga nakaw na sandali,
sa isang minsan
magtatagpo ang ating mga mata at ngiti
kahit na walang kahulugan,
kahit na tayo’y nasasaktan,
sa isang minsan
tayo ay nagkatagpo at nagmahalan,
kahit alam nating tayo ay sawi,
sa pag-ibig nating
tulad ng ulan
sa isang minsan
Nov 4, 2019
Nov 4, 2019 at 7:09 PM UTC
Ngiting pinagkakait
dahil sa pananakit
Pusong 'di nakakaramdam
ngayo'y pagod na't hinahapo
Nakakulong sa lilim ng mapagpanggap
ang natatanging nagagawa ay magsulat
Magsayaw o kaya'y umawit
Hindi dahil nagdiriwang
o kaya'y maligaya
Kundi itanggi, itakwil
lumbay na nadarama
Sep 16, 2019
Sep 16, 2019 at 2:24 AM UTC
Sinungaling ang mga manunulat.
Mapanlinlang ang kanilang mga akda—
Pinaniniwalang maayos lang ang lahat
at walang dapat na ipag-alala,
Nagpapanggap
na tanggap na nila,
Ang mapait na sinapit
ng ugnayan niyong dalawa—
Nagpapanggap
na tanggap na nila,
Dahil magaling silang magpaikot
ng mga salita,
At bihisan ng ibang kahulugan
ang kanilang mga tugma;
Mapanlinlang ang mga manunulat,
Paniniwalain ka nilang tanggap na nila ang lahat,
Na ayos lang kahit hindi sila ang piliin
basta't masaya ka—
Wag kang maniniwala sa kanila!
Sinungaling sila!
Mapagpanggap
ang kanilang mga panulat;
Masaya kahit nasa piling ka ng iba?
Sino ba namang matutuwa
'pag ang bagay na pinapangarap mo
ay hawak ng iba?
Hindi gano'n kabilis magpalaya
ng mga bagay na hindi pa nagiging sa'yo,
Pano mo bibitawan kung hindi pa naman dumarampi sa mga palad mo?
Kaya maniwala ka.
Sinungaling sila.
Hindi nila tanggap na hawak ka ng iba.
Hindi sila mabilis magpalaya.
At wala silang balak na palayain ang pag-ibig.
Kahit nagkakasiya sila sa mga simpleng titig—
Mga patagong ngiti at kilig
Sa t'wing nariyan ka.
Oo! Sinungaling sila.
Pagkat sa likod ng mabulaklak
na isinusulat nilang mga salita,
Nakatago ang pusong humihiling,
"Sana ako nalang siya".
Dec 4, 2019
Dec 4, 2019 at 10:24 PM UTC
Hahawakan pa ba ang iyong mga kamay
Kung sabi nila’y di tayo bagay
Hahalik pa ba sa iyong mga labi
Kung isusukli mo ay ang mapagpanggap **** ngiti
Sarili ko’y di na ipipilit
Kung iba naman ang iyong ginigiit
Pwede bang magtanong?
Kase ako’y nagsasawa na din
Nagmumukang-tanga, Nagmumukang gago
sa harap ng madaming tao
Bawat patak ng ulan, bawat agos ng tubig
Hanggang kelan kita’y mahahagkan muli
Kahit anong gawing kasalanan
Ika’y aking pagbibigyan
Huwag ka ng umalis
Please, huwag ka lang umalis
Sapagkat sa puso ko,
Kailan ma’y hindi ka maalis
May 14, 2017
May 14, 2017 at 4:21 AM UTC
Nakalimutan ko nang makinig.
Ngunit boses mo sadyang tinig.
Aking puot, galit,
unawa ang ipinalit.
Salamat sa pagtanggap,
Sa buhay kong mapagpanggap.
Ako’y “ako” sa piling mo.
Isang taon, ikaw parin hanggang dulo.
Nov 23, 2021
Nov 23, 2021 at 7:45 AM UTC
Sa likod ng mga tawa at ngiti kong to,
Hindi nyo alam ang lungkot na tinatago ko.
Nagpapanggap sa abot ng aking makakaya,
Pero kelan nga ba ko makakalaya? Makakalaya sa pagpapanggap na to, At mapakita ang totoong ako.
Baka isang araw magulat kayo,
Kapag ako ay lumayo.
Gusto ng huminto,
Sa aking matinding pagtago.
Ngunit pag ako'y tuluyan ng bumitaw, Asahan nyo ang aking luhang umaapaw.
Hindi na kaya ang bigat na dala, Siguro oras na para magpahinga.
Nov 3, 2019
Nov 3, 2019 at 1:32 AM UTC