Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"malawak" poems
malamig sa isang silid may kasamang pighati, saya at lungkot sa bawat paghinga, ramdam ang pagbagsak ng luha. magkakahiwalay na tayo sakit na tila kinukurot ang puso sakit na walang ibang lunas, kundi ang pagsasamahan nating nabuo. sinulat ko ang tulang ito para kahit ako'y lilisan na maaari ko pang balikan lahat. lahat ng alaala at samahan, mga alaala na hindi ko makakalimutan, katulad ng... habang tayo'y naghihintay ng ticket habang tayo'y nagbabasa ng email thread habang tayo'y nakaupo sa isang silid nagkukwentuhan, nagtititigan, nagmamasid, naglalaro ng moba, nanonood ng youtube, nakahawak sa mga selpon. na tila bigla bigla tayong natinag sa mga boss na dumadaan na kahit sa dami natin sa area nagawa parin tayong turuan at pag tiyagaan nila sir at ma'am. napaka-lungkot lang isipin, na ang ating samahan, sa kathang-isip na lamang. alam ko lahat naman tayo nakaramdam na ng lungkot lungkot na hindi mo alam kung saan nagmula lungkot na hindi mo alam kung ano ang dahilan lungkot na hindi mo alam kung ano ang kinahihinatnan pero ang pinaka-nakakalungkot sa lahat yung puno ng tao sa isang silid. puno ng tunog at salita  puno ng biruan at tawanan pero ramdam **** maiiyak ka ramdam **** hindi ka nababagay sa lugar na naroon ka sa pagkakataong ito, hindi mo alam kung bakit hindi mo kayang makisali at magkunwaring masaya nalang  kung sa mga nakaraang araw kinaya mo naman nakakapagod mag-isip. pero alam naman natin ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng pahinga  ito yung pagod na hindi kayang idaan sa alak o ng yosi man lang ito yung pagod na hindi kayang idaan sa maghapong hilata sa kama ito yung pagod na hindi kayang gamutin o kahit dampi ng matinding menthol ng salonpas sa nangangalay na kasu-kasuan Ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng efficascent oil na suki ng buong pamilya ito yung pagod na dama ng kaibuturan at kaluluwa ito yung pagod na mahirap punan ng lunas kasi hindi mo alam kung bakit ang bigat sa pakiramdam iyong pag napabayaan o mali ang diagnosis mo e pwedeng lumikha ng sanga-sangangang maliit at mas komplikadong dahilan ng kapaguran kung pwede lang mapawi ang lungkot sa bawat malalim na buntong hininga ang ngalay na dama ng kaluluwa yung tuwang hatid damay lahat ng parte ng kabuuan isama mo pa pati yung sangkatutak na split ends mas lalo na ang mga pimples na ayaw kang lubayan alam ko, napapagod rin kayo sadyang nakakapagod lang talagang gumising sa umagang walang kulay sa mundong malawak. pero nandyan ang ngiti na nakikita mo mula sa ibang tao, na nakikita ko mula sa inyo. ngiting kay gaan sa pakiramdam, na tila nangangawit na ang pisngi dahil sa ayaw humupa ng ngiti. Salamat sa mga binigay niyong mga ngiti. Na nakakapawi ng pighati, Salamat, Salamat dahil naging parte kayo ng talata ng buhay ko.
0
Jan 25, 2019
Jan 25, 2019 at 10:59 AM UTC
sa isang silid

Continue reading...
67
Ang pag-ibig Hindi parang load Hindi yan nauubos Wala sa tindahan Hindi inuutang. Ang pag-ibig Hindi parang gasoline station Na daraanan mo lang Na paparkingan mo Pero iiwan mo Pag nakuha na ang gusto. Ang pag-ibig Hindi parang kalsada Na malawak pero tatapak-tapakan Na aayusin at mas mapapansin lang Pagka may lubak na. Ang pag-ibig Hindi parang payong Na gagamitin mo lang Para sa pansariling proteksyon At itatago pag hindi mo na kailangan. Ang pag-ibig hindi yan sasakyan Na daraan sayo at hindi mo mapapansin Na bubusinaan ka At wala kang tamang pandinig. Ang pag-ibig Minsan makukumpara mo Sa kung anu-anong pumupukaw ng atensyon mo Minsan kasalungat Ng kung anong nakikita mo. Hindi mo na lang mapapansin Nandyan na pala, Eh kaso lang, ang layo ng tingin mo Naghahanap ka pa, Eh nasa harap mo na pala.
0
Jul 12, 2014
Jul 12, 2014 at 4:17 AM UTC
Ang Pag-ibig sa Barangay San Pedro
Hindi ko alam paano ko to sisimulan Pero bawat gabi ako ay nadadatnan Sa tanong na laging dumadaan Dito sa sarili kong sugatan Pero ang tanong na ito, Ang laging nagpapahinto Sa kasayahan kong di aabut nang minuto Sa pag iisip ko, sino nga ba ako? Napapaisip ako gabi gabi Kung saan nga ba ako magsisisi Ang hindi pag hanap sa katanungan kong tangi? O balang araw malaman kong ano nga ba akung klase.. Ang mundung ito na malawak Ay napakaraming tanong na hawak Iba, mga kababalaghang di tiyak Nasa kanila ba ang sagot kong tiyak? Ano nga ba ako dito sa mundo mag-aaral? anak? Kaibigan? Bestfriend? kalaro? Classmate? O Baka naman isang tagapayo O baka wala lang talaga ako Dito sa mundong tinitirhan ko Baka isa lang akung extra? Sa buhay ng iba, Na mahalaga lang pag may problema At wala nang kwenta pag lahat masaya Baka nga ganon lang talaga ako Dito sa mundong tinitirhan ko Pero minsan sinasabi ko Baka mahanap ko ang sagot ko dito Sagot nang isang tanong ko Sino nga ba talaga ako?
0
Aug 12, 2018
Aug 12, 2018 at 12:51 PM UTC
Sino nga ba ako
Dalawang taon na ang nakalipas Ang aking unang nakitang liwanag, Isang liwanag na ako’y nasilaw At nahimala sa ‘king natagpuan, Ang ilaw na ito ay mahalaga, Mas mahalaga pa sa milyong pera, At hindi ko ito inaakala Na ito pala’y aking makikita, Isang araw ako ay may tiwala, May tiwala na magiging akin s’ya, Itong tiwala ay isang tadhana, Tadhanang ika’y mapapahimala, Itong ilaw ay aking binitawan, At pinagpalit sa ibang liwanag, At ito ay aking napagsisihan, At bumalik sa ‘king unang liwanag, Nung ako ay nakabalik sa ilaw Hindi ko ulit ito mabibitaw, At ang aking problema ay gumaan At hindi ko ulit ito iiwan Ang tula na ito ay maliwanag At di kailangan ng paliwanag, Itong tula ay isang kwento lamang At ito ay nagsisimula palang, Kapag ako’y na sa gitna ng dilim Ikaw ay nandoon para saakin, Para ako ay kumintab sa dilim Tuwing ang araw ay ‘sang makulimlim, Ako’y natutuwa sa ‘yong itsura Tuwing ikaw ay naging masaya, Pati ako ay nagiging masaya Ang iyong saya ay nakakahawa, Kung ika’y nakita kong nakangiti Ang damdamin ko ay gustong ngumiti, At maraming taong gustong humingi Nang iyong tuwa sa iyong pagngiti, Dahil sa’yo, hindi ko mapigilan Na tumingin sa iyong kagandahan, Na hindi ko kayang makalimutan Ang kagandahan na ‘king minamasdan, Sa ‘yong ugali ay ‘king nagustuhan Dahil sa iyong pagka-orihinal, At sa ‘yong magandang kaugalian Na di kayang magaya ng sinuman, Ang iyong mata ay isang bituin Dahil sila ay magandang titigin, Na walang plano para lang tumigil Kahit ito’y nasa gitna ng dilim, At isang araw na nakita kita Ikaw ay ang aking naging tadhana, Kahit pinakaunang pagkita Ikaw na agad ang aking nadama, Kahit hindi pa tayo magkaibigan tangi ‘kaw na ang aking nagustuhan, Na walang kahirap-hirap maghanap Sa iyong nakatagong kagandahan, Sa ilang taon na aking pasensya At ito ay sulit na hintayin kita, Dahil ikaw ay walang kasing halaga Nang kahit anong halaga ng pera, Ikaw ay isang tunay na liwanag Dahil ang aking buhay ay kuminang, Na walang tigil para lang kuminang Para Makita ang aking daanan, Ilang taon ko na itong tinago Para lang ikaw ay hindi lumayo, Na sa aking pag-iisip sa iyo Na damdaming ito ay di matuyo, Di ko ipipilit ang ‘yong pagmahal Na ako ang iyong karapat dapat, Na mahalin, para sa iyong buhay At ako’y may respeto sa ‘yong buhay, Ang aking nakatagong pakiramdam At ito ay para sa iyo lamang, Ako ay swerte nawalang kaagaw Dahil ako ay mag-iisa lamang, At ako ay hindi titigil dito Dahil ito ay para lang sa iyo, At wala kang kaagaw para dito Dahil ako ay para lang sa iyo, Sa puso ko’y hindi kita mabibitaw Dahil para sa ‘kin ika’y espesyal, At ikaw ay hindi mapapahamak Dahil ako ay naririto lamang, Ako ay nakapili ng seryoso At hindi nagkakamali sa iyo, At ikaw ang aking sariling mundo, At hinding-hindi ko ‘to magugulo, Kung ikaw ay wala, ako’y madilim Hindi magbabago ang ‘king damdamin, Sapagkat ito ay hindi titigil Dahil ikaw ay ang aking bituin, Kahit malawak ang ating paligid Tayo ay magkikita pa rin ulit, Dahil ito ay ang aking damdamin At ‘tong damdamin ay para sa atin, Ikaw ang nagbigay sa ‘kin ng pag-asa, At ito ay nagamit ko ng tama, Hindi ako palaging umaasa Dahil ito’y bihira lang tumama, Tuwing ako ay may nalilimutan Ikaw agad ang aking natandaan, Kahit ikaw ay ang aking iniwan Ikaw ang lumabas sa ‘king isipan, Ang tula na ito ay magwawakas Ngunit ang damdamin ko’y walang hanggan, Tatlong saknong nalang ang katapusan Dahil ito ang huli kong sagutan, Para saakin ikaw ang liwanag Kung ika’y wala, ako’y isang bulag Tuwing kumintab ang ‘yong kagandahan, Ang mga bulaklak ay namulaklak, Ilang taon ko na itong hinintay, Para lang ang damdamin ko’y malabas, Itong pagkakataon ang dumaan Para malaman **** ‘king naramdaman, Hindi ko inakala ang ‘yong ganda Na ang ibang tao ay di makita, Ito na ang katapusan ng tula, At salamat sa iyong pagbabasa.
0
Dec 13, 2019
Dec 13, 2019 at 6:02 AM UTC
Liwanag ng Aking Buhay

120
AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Kumakatok sa iyong puso Pinto nito’y iyong buksan At ako’y hayaang makapasok AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Tapat at Mapagkakatiwalaan Masasandalan sa ano mang oras Karamay sa bawat pagsubok AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Lumalapit sa isang katulad mo Nagsasabing “wag kang matakot” Ako’y laging nakabantay sayo AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Di nanghuhusga, Di Namimili, Di nang-iiwan, Di nakakalimut, Pagkat ika’y mahalaga sa akin AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN handang ibigay ang lahat Pati buhay ko’y ibibigay Makasama ka lamang sa walang hanggan AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Higit pa kanino man Halika’t ako’y kilalanin Tiyak di mo pagsisisihan AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Nagmamahal ng tapat, Pagmamahal na mas malalim pa sa Dagat, mas mataas pa sa kalangitan Mas malawak pa sa mundong iyong kinagigisnan AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Luhang pumapatak aking pupunasan lahat ng iyong hinanakit aking gagamutin heto ang aking mga bisig at ikay yayakapin, yayakapin ng kay higpit. AKO’Y  ISANG  KAIBIGAN Nagsasabing, Taha na…   Ako’y narito lamang Hinding Hindi ka iiwanan
0
Mar 17, 2016
Mar 17, 2016 at 1:14 AM UTC
Genuine Companion
Sa probinsiyang kinalakihan ko, Bata man o matanda ay nagtatrabaho. Sa lugar kung saan marami ang tanim na tubo, Lahat ay maagang gumigising at nagbabanat ng buto. Sa malawak na lupain sinimulan nilang magtanim, Mula umaga, tanghali, at hanggang pagsapit ng dilim. Hindi inaalintana ang init, sakit, at hapdi na kinikimkim, Maitawid lamang sa gutom ang pamilyang pinatitikim. Kahit kapiranggot man ang kanilang kinikita, O minsan wala talagang may madudukot sa bulsa, Ngiti sa kanilang labi'y hindi mawala-wala, Pagka't pamilya ay tunay na mahalaga sa kanila. Puso ko'y nahahabag, nalulungkot, at nagsusumamo, Sanay mapansin sila ng mga tao sa gobyerno, Dagdagan sana nila ang kita ng mga manggagawang sinsero, Sa pagtatrabaho nang buong puso at may totoong prinsipyo. Magsasaka man sila, **** haciendero, o barbero, Pantay-pantay sana ang pagtingin natin sa mga ito. Kung wala sila, paano ang bansa natin aasenso? Manggagawa po sila, nilikha ng Diyos bilang tao. Nawa'y mapakinggan bawat nilang gusto, Itaas ang kita ng manggagawang Pilipino. Kumilos na sana ang ating gobyerno, Huwag nilang hayaang sila'y magpakalayo-layo.
0
Aug 12, 2016
Aug 12, 2016 at 6:28 PM UTC
Manggagawa
Dumating ka sa buhay ko ng hindi ako nakahanda Ni hindi ko inaasahang  mayroon pang nakatakda Akala kong wala na, ngunit humabol pa ang tadhana Pag ibig mo'y wagas, ang wika mo sa harap ni bathala Nagagalak ang aking puso na may halong pagkagulat Ang iyong tagong pag ibig sa wakas iyong siniwalat Pagmamahal na tila sa mundong ito hindi nagmula Pag ibig na wari ko nga ay galing sa ibang planeta Ang kagulat gulat, kaya ko palang magmahal higit sa akala ko Pagmamahal na magagawa kong ihinto ang lahat, para lang sa iyo Gusto ko sanang ipaalam, ipagsigawan at ihiyaw sa buong mundo Na ikaw ay akin at akin lang sana, ngunit maaaring dulot ay gulo Natuto tuloy akong sumigaw ng pabulong Hanggang kelan ko kaya kakayaning bumulong Ang pag ibig ko ngayon tila ay hindi makasulong Ang katagang "mahal kita", tila presong nakakulong Sa ngayon, ang alam ko, NGAYON ang mayroon ako Hindi ko nga alam kung anung bukas mayroon tayo Sa ngayon, ang ngayon lamang ang pinanghahawakan ko Yung ngayong minamahal kita at mahal mo rin ako Yung ngayon na naririto ka sa buhay, sa puso, at isip ko Yung ngayon na sa iyo lamang umiikot ang buong buhay ko Kumikislap ang mga mata at ngumingiti ang mga labi Na para bang sa mga pangarap ay may bukas na hinahabi Sa aking pangarap ang lahat lahat sa iyo'y akin Mula anino, pati iyong diwa'y aking angkin Ngunit paano kung ako'y magising na, lahat magwawakas Ikaw rin ba'y nangarap na para bang tayo'y mayroong bukas? Ang tunay daw na pag ibig ay hindi mapag ari Paano ang gusto kong ika'y aking gawing hari? Nais ko'y akin lang, ang iyong ngayo't iyong bukas Sana'y akin ka hangga't ako'y mayroon pang lakas Darating ang panahon, tayo'y magwawalay Sa oras na yan mundo ko'y malulumbay Sadyang kailangan ko nga lang tanggapin Ika'y hindi kayang tuluyang maangkin Ganap ang dusang nasa akin Dahil ikaw ang aking hangin Ang aking araw, aking langit Aking tala at buwan sa dilim Oo't may dahilan kung bakit ngayon tayo pinagtagpo Kung anumang dahilan isipin pa ay nakakahapo Ni hindi nga natin alam kung hanggang kailan ito Ano kaya bukas? Ikaw pa kaya ay naririto? Alam kong kahit kailan, hindi mangyayari Na sa aking pagtanda, ikaw ang aking hari Ikaw ang kapiling, kamay mo ang aking hawak Aalalay s'aking tungkod, lalakad ng malawak Pakinggan na lamang sana ang aking pangako Kasal-kasalang pauso ay aking inako Wala man tayong mga saksi Basbas ng simbahan o pari Di man nakasuot ng damit pangkasal, wala rin ako pati mga abay Galak ay lubos parin kung ikaw ang kaagapay Ako'y handang maging sa iyo, sa abot ng aking gunita Maging kalaban ko man ang lahat, dahil sa aking panata Akoy gagawa ng altar na aking sarili Upang sa aking bibig sumpa ay mamutawi Pangakong ikaw lang ang mahal sa habang buhay Hanggang sa dumating aking araw ng paghimlay At kung sakaling akoy mabigyan, ng pagkakataong muling mabuhay Kahit sa ibang panahon, hahanapin ka ng puso ko ng walang humpay Upang taimtim na panatang binitawan, ay maisakatuparan Pag-ibig na walang hangganan, pagmamahal na walang katapusan
0
Jan 2, 2019
Jan 2, 2019 at 4:21 AM UTC
PANATA NG BALIW NA PAG-IBIG

64
balikan natin ang panahon noong tayo'y mga bata pa. naalala mo pa ba noong tayo'y nagtagpo sa gitna ng mapunong gubat, sa may malinaw at malinis na sapa? ang mga kamay natin ay hasang-hasa sa paglikha, pagtupi ng mga obra: mga bangkang gawa sa papel, na ating pinapanood ang pag-anod sa tubig na banayad na dumadaloy; nagpapadala lang sa agos. at hindi, hindi ito isang paligsahan o karera. ang tanging pakay ay malibang at magsaya. kung lumubog o masira man ang ating mga bangka, ayos lang, gumawa na lang ng iba. pero ngayon, tayo ay lumaki at tumanda. pati lunan natin ay nag-iba. sa ating pagtingala, hindi na yung mapunong gubat ang ating nakikita, kundi ang bughaw na langit na walang anuman ang makakadaig sa lawak at laya. at siyempre, ang ating malinaw na sapa ay humantong na sa karagatan. di matalos ang hangganan, di matalos ang lalim. maraming tinatagong lihim. nalusaw na sa tubig ang mga bangkang gawa sa papel. at dito sa dagat,   nararapat lang na maglayag sa mga galyon kasi araw-araw may digmaan sa laot. kalaban natin ang mabagsik na hangin, mga higanteng alon, mga piratang nananamantala, pati na rin ang uhaw, gutom, at pagod. pero bago pa man magsimula ang digmaan, tayo na ang panalo. walang sinabi ang lupit ng dagat sa bagsik ng ating puso. sa ating paglingon mapapagtanto na hindi masukat ang layo ng narating na pala at mararating pa natin. matagal nang wala ang gubat at sapa, napalitan na rin ang mga mumunting bangka. ngunit ako, ay nandito pa at patuloy na mananatili kahit na magkaiba at magkalayo ang sinasakyan **** barko sa sinasakyan ko. 'di bale iisa lang naman ang Kapitan, iisa lamang ang kayamanan na hinahanap, iisa lamang ang lupain na tinutungo. hindi talaga matiwasay at madali ang paglalayag dito sa malawak na dagat na ating tinatahak. kaya kung dumanas man ng sindak at lungkot, huwag maniwala sa lawak at lalim na natatanaw sa mga alon; kasi kahit saan man mapadpad, kahit saan man ihatid ng tadhaha, nandito lang ako.
0
Jun 19, 2015
Jun 19, 2015 at 2:33 AM UTC
layag

70
Habang hawak-hawak mo ang kanyang kamay 'San man kayo magpunta Kailan ba'y naisip mo ako Na nalulunod sa pangungulila Nang ako'y iyong binitiwan? Habang kayakap mo siya Sa gabing maginaw Kailan ba'y naisip mo ako Na naghihintay sa'yo Mag-isa, nanlalamig At sa init ng 'yong yakap ay uhaw? Habang hinahalikan mo Ang kanyang mapupulang labi Kailan ba'y naisip mo ako Na halos matuyo na ang labi Sa kasasambit ng pangalan mo? Habang binubulong mo sa kanya Kung gaano mo siya kamahal Kailan ba'y naisip mo ako, Narinig mo ako? Sumisigaw na "Mahal na Mahal kita!" Habang pinagmamasdan mo Ang kanyang matamis na ngiti Kailan ba'y naisip mo ako, Nakita mo ako, nakita mo Kung gaano na karaming patak ng luha Ang naidilig ko sa lupa? At sa kung siya ay umiiyak at iyong pinatatahan Habang pinupunasan mo Ang kanyang mga luha Kailan ba'y naisip mo ako, Naisipan mo man lang ba? Na itigil ang paulit-ulit Na pagsaksak mo sa puso kong Dumudgo sa kaiibig sayo? Pero alam ko Na may kasalan din ako Kasi.... Kailan ma'y di ko naisip Na sa higpit ng yakap ko'y nasasakal ka na pala Kailan ma'y di ko naisip Na kahit gaano kalawak ang bahay nati'y Nasisikipan parin ang iyong dibdib At hindi kana nakakahinga Kailan ma'y di ko naisip Na kahit napagalitan ka sa opisina, sabik ka sana sa paguwi Pero ang dadatnan mo lang ay isang malawak na bahay Na mayroong isang "ako" na puro dada at reklamo lang At ang iyong naririnig mula sa aking bibig na tila daig pa ang isang rapper sa bilis at walang paltos na panlalait Kailan ma'y di ko naisip 'di ko inisip ang iyong opinyon Kasi palagi nalang ako, ako, ako Ako ang tama Kailan ma'y di ko naisip Habang ika'y umuuwing pagod Dinuduro pa rin kita At ito'y tumatagos na sa puso mo Hanggang sa sinabi **** tama na, Hindi mo na kaya, Ayaw mo na At yun umalis kana, iniwan mo na ako Pero heto ako ngayon sa harapan mo... Nagtatanong Kung mahal mo pa ba ako? At kung ang iyong sagot ay hindi na'y Heto ako ngayon sa harapan mo... Nagbabakasakali Na may pag-asa pang mahalin mo ako ulit At kung wala na ay Heto ako ngayon Sa harapan mo Lumuluhod Nagmamakaawa Na balikan mo ako Balikan mo ako Balikan mo kami Pakiusap umuwi ka na Sa malawak na bahay Na bahay mo, na bahay ko Umuwi ka na, kahit 'di para sa'kin Kun'di para sa mga anak mo, na anak ko Para sa pamilyang ito Parang awa mo na Bumalik ka na Kasi sa malawak na bahay Naroon ako, at ang mga anak mo Nangungulila... at Naghihintay Sa pagbalik mo **
0
Jun 2, 2015
Jun 2, 2015 at 5:10 AM UTC
Kailan Ba'y, Kailan Ma'y (Tagalog)

91
balikan natin ang panahon noong tayo'y mga bata pa. naalala mo pa ba noong tayo'y nagtagpo sa gitna ng mapunong gubat, sa may malinaw at malinis na sapa? ang mga kamay natin ay hasang-hasa sa paglikha, pagtupi ng mga obra: mga bangkang gawa sa papel, na ating pinapanood ang pag-anod sa tubig na banayad na dumadaloy; nagpapadala lang sa agos. at hindi, hindi ito isang paligsahan o karera. ang tanging pakay ay malibang at magsaya. kung lumubog o masira man ang ating mga bangka, ayos lang, gumawa na lang ng iba. pero ngayon, tayo ay lumaki at tumanda. pati lunan natin ay nag-iba. sa ating pagtingala, hindi na yung mapunong gubat ang ating nakikita, kundi ang bughaw na langit na walang anuman ang makakadaig sa lawak at laya. at siyempre, ang ating malinaw na sapa ay humantong na sa karagatan. di matalos ang hangganan, di matalos ang lalim. maraming tinatagong lihim. nalusaw na sa tubig ang mga bangkang gawa sa papel. at dito sa dagat, nararapat lang na maglayag sa mga galyon kasi araw-araw may digmaan sa laot. kalaban natin ang mabagsik na hangin, mga higanteng alon, mga piratang nananamantala, pati na rin ang uhaw, gutom, at pagod. pero bago pa man magsimula ang digmaan, tayo na ang panalo. walang sinabi ang lupit ng dagat sa bagsik ng ating puso. sa ating paglingon mapapagtanto na hindi masukat ang layo ng narating na pala at mararating pa natin. matagal nang wala ang gubat at sapa, napalitan na rin ang mga mumunting bangka. ngunit ako, ay nandito pa at patuloy na mananatili kahit na magkaiba at magkalayo ang sinasakyan **** barko sa sinasakyan ko. 'di bale iisa lang naman ang Kapitan, iisa lamang ang kayamanan na hinahanap, iisa lamang ang lupain na tinutungo. hindi talaga matiwasay at madali ang paglalayag dito sa malawak na dagat na ating tinatahak. kaya kung dumanas man ng sindak at lungkot, huwag maniwala sa lawak at lalim na natatanaw sa mga alon; kasi kahit saan man mapadpad, kahit saan man ihatid ng tadhaha, nandito lang ako.
0
Aug 11, 2015
Aug 11, 2015 at 9:28 AM UTC
Layag

Ikaw ang takbuhan sa mga oras na walang wala.. Ang ibig kong sabihin sa walang wala ay yun bang walang wala na kong maibuhos na luha, Walang wala na kong malapitan, Walang wala na kong makapitan, Wala nang gustong makinig, Wala nang interesado, naubos na kasi ultimo ang para sa sarili. Ikaw lang ang natatangi. Ang lakas pala ng loob kong magalit sa mga mang-iiwan, naisip kong wala rin pala akong karapatan. Ganoon din ako.. Binitawan kita kapalit ng kasiyahan. Nakangiti ka sa akin habang hinahatid ako sa napakagandang hantungan. Baligtad na ang mesa. Nandito na ko.... muli. Lalakad patungo sa iyo na may dala dalang pluma at papel Iguguhit ang pait, ngingiti dahil ito na naman tayo sa puntong ito at hindi ko mahanap ang mga tamang salita Nalimot ko na ata ang tamang pakikipagtalastasan. Alam kong mauuwi na naman sa tipikal na kamustahan. Hindi ko inakalang babalik tayo sa nakaraan habang umuusad ang mga kamay ng orasan Mapagbiro. Hindi ako handa sa pagsalubong ng taon Bakit ko nakikita ang mga aninong matagal nang nilamon ng liwanag Bakit muling nagdurugo ang mga sugat na matagal nang naghilom Hindi ako naniniwala sa swerte. Walang swerte. Walang sumugal na hindi natalo. Buti na lang mayroon akong babalikan. Ikaw yung kaibigan na hindi lumilisan. Matagal ang isang taon, Sumulat ako ng mga tulang kawangis mo Binuo ko sila na parang mga bahagi ko Akala ko ay tapos na... Kung ang pagsulat ay paglaya, hindi ba dapat ay nakakalag na sa akin ang tanikala? O mali.. baka wala talagang paglaya Paano kung nililibot ko lamang ang malawak na hawla nang may huwad na pag-asa? Minasdan ko ang obrang nilikha ng dekada, Makulay, sa unang tingin ay puno ng pangarap Parang nobelang nagsasalaysay, at kapag naroon ka na sa kasukdulan ng tunggalian, Nanaisin **** isara ang pahina.. Makikiusap ang nobela sa isang pagkakataong sana'y siya ay tapusin hanggang huling kabanata... Napaluha ako ng matindi dahil isa pa lang trahedya ang nobela. Teka.. teka.. Buburahin ang ilang metapora. Masyadong madrama. Malayo sa imaheng gusto kong makita at ipakita Ngunit tila hindi hawak ng aking kamay ang panulat, Hinablot nang marahas ng pusong gustong kumawala Ganon ata talaga sa muling pagkikita pagkatapos ng matagal na pagkakawalay... Puno ng emosyon. Magugulo ang burador, wala nang patutunguhan ang tula. Hindi bale. Hindi naman dapat na maging maganda ang porma ng tula, Hindi importante ang sukat at tugma, Sa susunod na babasa ka ng tula, Nagbibigay ka ng tunay na pag-asa sa may akda. Kasinungalingan ang bigkasing masaya ako, ngunit aaminin kong may tuwa, may katiting na pagsigla sa muli nating pagkikita, Maraming salamat, Sining ng Malayang Pagsulat.
0
Jan 5, 2020
Jan 5, 2020 at 6:20 AM UTC
Malaya

55
“I am not a teacher, but an awakener.” ― Robert Frost May mga walang alam na nagpapanggap na may alam. Mga nagmamarunong na akala mo ay mga pantas pero ang totoo ay masahol pa sa tunay na mga mangmang. May mga nagsusulat pero hindi marunong magmulat, kahit bulatlatin mo ang kanilang mga aklat na hindi magluluwat wala kang mapupulot, wala itong alamat kundi puro lamat. Ganito sila ‘pag iyong sinalat walang k’wentang bumanat. Ang mga panaginip ng isang paslit ay laging naghahanap ng katuparan tulad ito sa isang malawak na paliparan na ang mga tapakan ay tila walang hangganan. Ang banggaan ng mga saranggola guryon man o boka-boka ay sumasagisag sa sigla ng kamusmusan. Walang bobo, walang tanga at walang mahina ang totoo para-paraan lang para matuto ‘yan ang hindi alam ng mga ungas na nagtuturo. Natatandaan ko madalas na pinapatayo ako sa harap ng pisara kasi maingay daw ako at malikot. Madalas din akong mapalo kasi mahina ang ulo ko pagdating sa Matematika. Bakit ano’ng kadakilaan ba ang meron sa pananahimik at kelan pa naging pang-aliw sa puso at kaluluwa ang mga numero? Walang lumiligaya sa pagmememorya at hindi nakaka-ulol ang pagiging malikot at maligaya. **** ka ba talaga? Parang hindi naman, mas mukha kang tinderang tuliro na abala lagi sa pagbebenta ng yema, kendi at kung ano-anong sitsiriya. **** pangalawang magulang? Kaya pala mas mabagsik kapa sa tatay kong maton at mas masungit kapa sa nanay ko. Nagtuturo ka ba’ng talaga? Hindi naman, mas mahaba pa nga ang oras mo sa pakikipaghuntahan. Ang **** ay hindi lamang dapat na nagtuturo s’ya ay tagapagmulat din. Isang John Keating (teacher sa pelikulang Dead Poet Society) ang kailangan ng mga bata sa mundo. Nagmumulat hindi nagmamalupit, hindi kailangan na manghagupit at walang dapat na ipilit. Ang eskwelahan ay hindi pugad ng mga pipit. Matalino, magaling at matalas mag-isip ayos lang yan. Subalit punong-puno na ang mundo ng mga matatalinong walang pakinabang. Ang umibig at maging tunay na kapakipakinabang sa mundo at sa kapwa tao, ito ang dakilang aral na dapat na ipangaral. Walang silbi ang mga pagpapagal sa loob ng paaralan kung ang natutuhan mo lang ay kung paano kumita ng limpak-limpak na salapi. Kung ang alam mo lang sabihin ay Yes Sir at Yes Ma’am walang silbi ang iyong pinag-aralan. Nakakalat na sa lupa ang mga pipi na hindi marunong magsalita at magpahayag nang kanilang tunay na saloobin. **** na nagtuturo maliban sa hintuturo at nguso sana gamitin mo rin ang iyong puso.
0
Nov 15, 2017
Nov 15, 2017 at 10:19 PM UTC
****

8
Sabi ng mga nag dodota may 5 kailangan daw ako malaman bago mag laro Una Utak, kailangan gumamit ng utak para matalo mo ang mga kalaban Pangalawa, Diskarte, kailangan mo ng diskarte para hindi ka maisahan ng kalaban Pangatlo, Malawak na pag iisip, kailangan mo nito para hindi kayo magkagulo ng mga kasama mo at para manalo sa laro Pang apat, Pag sisikap, kailangan **** magsikap para makuha ng inaasam na pusta o panalo Pang lima, Disiplina, kailangan mo nito habang o bago maglaro. Kailangan mo ng disiplina kahit alam **** panalo na kayo. Naisip ko na parang pag-ibig pala ang paglalaro ng dota. Kailangan mo gumamit ng utak kasi hindi ka pwede magpadalos dalos kailangan mo ng diskarte para makuha ang iyong inaasam asam na babae. Kailangan malawak ka mag isip para hindi kayo mag away ng mahal mo. Patawarin mo siya at patatawarin ka niya. Kailangan mo mag sikap para magtagal ang relasyon niyo na kapag nag away kayo magagawan agad ng solusyon. Magkaroon ka ng disiplina. Hindi porket pinapayagan ka sumama sa mga babae/lalake eh aabuso mo na. Wag **** kalimutan na may pinangakuan ka ng iyong pagmamahal.
0
Nov 29, 2015
Nov 29, 2015 at 10:36 PM UTC
5 natutunan ko sa mga nag dodota
Yan ang unang salita na biglang pumasok sa aking utak Kapag narinig ko ang iyong pangalan na noon akala ko isang bulaklak Akala ko ikaw ang nag-iisang napagandang bulaklak sa hardin na malawak Pero nung nakuha kita di ko akalain na ako pala’y iiyak Mahal, saan ba ako nagkulang? Minahal kita ng sapat pero bakit ako’y iyong sinaktan? Ako ang iyong iniwan Pero bakit ako itong luhaan? Nasasaktan ako tuwing na-alala ko ang magandang pagsasama Kulitan doon, tawa dito, hatid-sundo, at loob ko’y nakuha mo na Hanggang sa binigay ko sa’yo ang aking tiwala Pero di ko inasahang itatapon mo lang ‘to ng bigla-bigla Binigyan mo ako ng madaming motibo Pinakita mo sa’kin na masaya ka kasama sa piling ko Ipinaramdam mo sa’kin na importante ako sa’yo At higit sa lahat sinabi **** ako’y mahal mo Mahal, oo Mahal mo ako Mahal mo ako tuwing walang kasama Mahal mo ako tuwing wala kang kalaindian na iba Mahal mo nalang ako tuwing may kailangan ka Oo, kasi madali lang sa’yo ang sabihin ang salitang “MAHAL KITA” Mahal, isa kang napakalaking PA-A-SA PA – pagmamahal na akala ko nasa’kin na A – akala ko abot ko na ang pangarap ko sinta pero SA – sakit lang pala ang idinulot mo at puso ko’y namamaga kaya paalam na sa’yo Mahal kong PAASA
0
Sep 2, 2017
Sep 2, 2017 at 10:34 AM UTC
PA-A-SA
Nagkatinginan Mga matang kumikislap Katulad ng mga tala sa kalangitan, Sabay ngiti Na animo'y mas malawak pa Sa kalawakan. Nasisiyahan, nagagalak Na mga puso sa tuwina Wari ko lang naman Sana ramdam mo din Itong aking nararamdaman para sa iyo, Oh aking sinta.
0
Jul 20, 2014
Jul 20, 2014 at 9:14 PM UTC
Ating Munting Kalawakan
PAALAM By: Lovely Joy / 26th October 2020 Paalam sa mga pangakong napako, Mga pangakong naglakbay na sa malayo. Sa mga katagang "walang magbabago," "At tayo hanggang dulo." Sa mga salita **** binitawan Ngunit hindi mo napanindigan. Paalam sa mga nagdaang araw at buwan Pero salamat pa rin sa mga masasayang alaala na naranasan.   Paalam sa mga alaalang masasakit akin ng ibabaon Iiwan na kita sa aking nakaraan At palalayain ko na ang aking sarili sa nagdaan. Yayakapin ko na ang hinaharap at ang aking  kasalukuyan. Sa pagiging estranghero tayo nagsimula noon Kaya magpapaalam din ako na bilang estranghero ngayon. At para sa iyong malawak na kaalaman, Minahal kita, OO, at minsan naging parte ka ng aking mundo At isa kang karakter na maisusulat sa kwento ng buhay ko Yun nga lang, matatapos ang kuwento na di ka kasama hanggang dulo.
0
Oct 27, 2020
Oct 27, 2020 at 6:34 AM UTC
PAALAM (EX MAHAL)
Bakit wala kang kaibigan Wala ka bang maibigan? Huwag kasi ugali ang titignan Hayaang tangayin ka sa dalampasigan Malawak ang karagatan Marami kang kaibigang matatagpuan Tayo'y maglalayag hanggang katapusan Halika na't ating simulan Paa'y hayaang mabasa sa tubig Matutong ibuka ang bibig Hiya ay kayang madaig Kung ito ang iyong ibig (Sandali! mapanganib ang karagatan Walang tiyak na papupuntahan Papatayin ka ng tinatawag mo'ng kaibigan Kapag binaba mo ang iyong pananggalang Kaibigan ay di ko kailangan Nariyan lang sila pag mayroong kailangan At kung nasa bingit ka ng kabiguan Tiyak ka nilang kalilimutan Ang sumugal ay di ko na kailangan Walang lumalapit ng walang kailangan Ang lahat ay may hangganan At ang akin ay nasa sukdulan!) Tanggapin mo ang katotohanan Tulad ng isda di lahat ay mapakikinabangan Ang maliliit ay kailangan **** pakawalan Upang lumaki pa at magkalaman Mali na isisi sa iba ang kamalian Nang mga hindi tapat mo'ng kaibigan Ang bawat unos ay tumitila din naman At ang araw ay sisikat din naman
0
Feb 15, 2019
Feb 15, 2019 at 2:15 PM UTC
Karagatan
Kagabi, napanaginipan ko ang Unang pagtatangka nating Abutin ang langit. Tumatakbo Tayo sa isang malawak na Parang, tangan ang huling Saranggolang iaalay natin sa Panganorin ng tag-araw. Doon, panginoon natin ang Kalayaan, kaya nilimot natin ang Bilin ng mga nakatatanda. Sabay nating Tinaboy ang ambon, Tinawag ang hangin, Tinaas ang saranggolang Huling saksi na ikaw ay umibig Sa isang ako. Kagabi, napanaginipan ko ang Huling pagtatangka nating abutin Ang langit. Wala na ang malawak Na parang, naparam na ang Bawat bakas ng ako na umibig Sa isang ikaw...
0
Oct 17, 2014
Oct 17, 2014 at 4:39 AM UTC
Ang Huling Saranggola
#071816 #3:18PM #RobPalawan Muling mauutal ang puso Buhat sa naantalang pagtatapat. Ninais ko noong lisanin ang paghihintay At magbakasakaling Panahon na ng pag-ani ng pag-iibigan. Ni minsan, Hindi ka nagpadaig sa pana ni Kupido, pagkat marahil may lamat kanyang gintong palaso. Patuloy akong magbibilang ng bawat dahong nalalagas, Aaninag sa araw na siyang minsang pumipiglas, At sisenyas sa hanging hinahawi ang kawalan -- Kawalang hindi tunay, Pagkat pag-ibig, aking buhay. Ilalaan ko sa kalawakan Ang talatang tila walang saysay, Makikipagbalagtasan sa pagkitil Ng mga linyang nahihimbing. Ako'y saksi sa malawak at malalim Na mahikang di naglalaho, Sa eksperimentong walang kemikal Bagkus puro't siyang natural, Sa paglalambitin ng mga bombilyang Hindi papupundi, At mga tuldok na hindi katapusan. Yayariin ko ang klima ng pusong hindi kalmado, Bituin ng pagtatapat ay aangkinin, Pagkat halaga nito'y Wagas na pag-ibig. Hindi ako susuko, Tatagpiin nang kusa Ang liham ng sagrado kong pag-irog.
0
Jul 19, 2016
Jul 19, 2016 at 4:44 AM UTC
Puzzled Feelings
Marahil walang isang salita ang makakapag-bigay linaw Sa kadilimang taglay ng tuwina, sa aking labi, tila nawawala ang ilaw Mga mata'y malayo ang tanaw ngunit hindi nito saklaw ang pagitan Higit na malawak at binabalot ng panglaw, sa paggising ay salat sa iyong galaw At oo, tila nagkakaiba ang wika na kilala ng ating mga dila, kaya't iaalay na lamang ang buwan at araw sa'yo, aking mahal, pati na rin aking diwa Mula sa sulok ng aking silid at sa isip na puspos ng suliranin, isinusulat itong munting tula sa buwan ng aking wikang kilala Mga kamay ko'y ipinagdiriwang na mayroong ikaw at ikaw ay akin, ipinagbubunyi ang buwan ng ikaw puso'y tatangis hangga't ika'y makapiling
0
Aug 15, 2022
Aug 15, 2022 at 8:38 AM UTC
Buwan Ng Ikaw
Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi. Maisusulat, halimbawa: “Ang gabi’y mabituin, at nanginginig, asul, ang mga tala sa dako pa roon.” Umiikot sa langit ang hangin ng gabi, umaawit. Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi. Siya’y inibig ko, at kung minsan ako’y inibig din niya. Sa mga gabing tulad nito, niyakap ko siyang mahigpit at hinagkan sa lilim ng walang-hanggang langit. Ako’y inibig niya, kung minsan siya’y inibig ko rin. Paanong hindi iibigin ang mga mata niyang malamlam? Maisusulat ko ang pinakamalulungkot na tula ngayong gabi. Isipin lang: Hindi ko siya kapiling. Nawala siya sa akin. Dinggin ang gabing malawak, mas malawak pagkat wala siya. At ang tula’y pumapatak sa diwa, parang hamog sa parang. Ano ngayon kung di siya mapangalagaan ng aking pag-ibig? Ang gabi’y mabituin, at siya’y hindi ko kapiling. Iyon lamang. Sa malayo, may umaawit. Sa malayo. Diwa ko’y hindi mapalagay sa kanyang pagkawala. Anyong lalapit ang paningin kong naghahanap sa kanya. Puso’y naghahanap sa kanya, at siya’y hindi kapiling. Ito ang dating gabing nagpaputi sa mga dating punongkahoy. Tayo, na nagmula sa panahong iyon, ay di na tulad ng dati. Hindi ko na siya iniibig, oo, pero inibig ko siyang lubos. Tinig ko’y humalik sa hangin para dumampi sa kanyang pandinig. Sa iba. Siya’y sa iba na. Tulad ng mga dati kong halik. Tinig, maningning na katawan. Mga matang walang-hanggan. Hindi ko na siya iniibig, oo, pero baka iniibig ko siya. Napakaikli ng pag-ibig, at napakabata ng paglimot. Pagkat sa mga gabing tulad nito’y yakap ko siyang mahigpit, diwa ko’y di mapalagay sa kanyang pagkawala. Ito marahil ang huling hapding ipadarama niya sa akin, at ito na marahil ang huling tulang iaalay ko sa kanya. “Tonight I Can Write The Saddest Lines” ni Pablo Neruda sinalin sa Filipino ni Jose Lacaba.
0
Dec 16, 2016
Dec 16, 2016 at 9:30 AM UTC
Kung 'di Man

43
muli sa inyong harapan,walang kiyeme.Ako'y may luha ng galak  na sumasainyo pigil hininga sa mga katotong bantayog na nakakasalamuha ko halos hikahos kong kinu-kuyumos yaring mga mata ko na wala pang hilamos pagkat sa tulad kong aba' ,kada rima ay sadya talagang mana nga o para sa tao etong aking paghangos! isang nilalang na ang kara ay tila ba mapalad na albularyo na di man lang kapara ng doktor na malawak ang bokabularyo kaya't halina at ating paigtingin ang naturang tula at talumpati sa tamang panahon at termino ng huwarang tupa at puting kalapati ehem,,ayon daw sa isang bokasyon dapat raw eh mag-bukas 'yon Oo."ang hawla na seremonya sa KASAL at tanging tali lamang ang may SAKAL LAKAS sa paghila,manapa nama'y banayad AKLAS man ang reaksiyon ng pagaspas sa paglipad magsisitingala ay LAKSA hanggang ang pares ay magsidapo mapapahangang gaya sa SAKLA.,tagos agad walang kahapo-hapo edi wow aww aww...kahol ng bantay-bombang ASKAL habang nababakas ang kasiyahan ng kapwa magpupulot-gata at ng mga saksing sabik sa sabaw kapagdaka'y palakpakan naman ang siyang sa paligid ay pumaimbabaw LASAK man na sa paningin ang pulang alpombra,hinde naman matatawaran mga alaalang duon ay naihalal!
0
Nov 13, 2015
Nov 13, 2015 at 3:25 AM UTC
" K A L A S - meyt "
Ilang paglalarawan pa sa takipsilim para ikintal na nakayuko nang namimighati Bigyan sana nang malawak na karunungan para makapagpasya sa huling hapon at hapunan Paano isalaysay ang naganap kung ang sinta ay laging hanap Bihira kumain-nangangayayat Nauutal sa una at panapos na  pantig ng pangalan ng liyag Sa hindi inaasahan ang kamay niya'y hiningi ng binata na kakilala't nanligaw Ipinangalandakan ang kasikatan Lahat ng kayamanan ng Antigo ay kuyom ng kamay Hindi tubo sa lugar-isang dayo Magaling sa panunuyo, sanay makipagsalamuha sa kapwa-tao Batbat ng salapi ang anino Mabulaklak ang dila at minsan ay palabiro Ilang buwan pa ang inalis sa kalendaryo at nangyari nang biglaan Unang pagkakataon na nasilayan na nakabelo Saan ba tutungo?
0
Jan 1, 2019
Jan 1, 2019 at 7:41 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #39
sa mata ng ordinaryong nilalang: sa kalangitan madalas kayong naghahabulan nagtataguan, ng mga liwanag at ng mga nararamdaman. sa malawak na daigdaig, kayo ang nagbibigay liwanag; kayo ang hinahanap, kayo ang kailangan. ang mga bituin                                                                           ay kumikislap     patay sindi,                   'di makapirmi ang mga bituin ay   madami, 'di nag-iisa,                                                                      kun'di nagkalat na 'isa',                                                                           'di isang buo                                                                                   kun'di isang                                                                                           sansinukob ng: naghalong emosyon, 'di mapiling pagkakakilanlan, daan daang kasinungalingan makapagtago lamang; sa liwanag niya,                                                                                                                       dahil mas importante siya dahil siya ang iyong tinitingala, isang malaking bolang mainit, nag-aalab, nakakabulag. isa kang masokista, pinili mo ang mapanakit niyang init. isa kang arsonista, pinili **** makipaglaro sa apoy. 'di ka naman nag-iisa ngunit martyr ako, at ikaw ang pinili ko. siya si sol, ikaw si luna, ako ang mga bituin, kayo ang naghahabulan, ako ang kumikislap/ kumukutikutitap/ kumukurap, ako ang nagbubugulan.                                                                                                                                   bituing matagal nang patay
0
May 12, 2021
May 12, 2021 at 1:03 PM UTC
siya si sol, ikaw si luna, at ako ang mga bituin tila 'di na nabigyang pansin
sa mata ng ordinaryong nilalang: sa kalangitan madalas kayong naghahabulan nagtataguan, ng mga liwanag at ng mga nararamdaman. sa malawak na daigdaig, kayo ang nagbibigay liwanag; kayo ang hinahanap, kayo ang kailangan. ang mga bituin                                                                           ay kumikislap     patay sindi,                   'di makapirmi ang mga bituin ay   madami, 'di nag-iisa,                                                                      kun'di nagkalat na 'isa',                                                                           'di isang buo                                                                                   kun'di isang                                                                                           sansinukob ng: naghalong emosyon, 'di mapiling pagkakakilanlan, daan daang kasinungalingan makapagtago lamang; sa liwanag niya,                                                                                                                       dahil mas importante siya dahil siya ang iyong tinitingala, isang malaking bolang mainit, nag-aalab, nakakabulag. isa kang masokista, pinili mo ang mapanakit niyang init. isa kang arsonista, pinili **** makipaglaro sa apoy. 'di ka naman nag-iisa ngunit martyr ako, at ikaw ang pinili ko. siya si sol, ikaw si luna, ako ang mga bituin, kayo ang naghahabulan, ako ang kumikislap/ kumukutikutitap/ kumukurap, ako ang nagbubugulan.                                                                                                                                   bituing matagal nang patay
Continue reading...
39
Imposible, malabo, walang tiyansa, ano pa? Anong salita pa ang mag lalarawan ng "tayong dalawa". Parang pag kidlat at pag kulog habang tirik na tirik ang araw, Parang pag kakaroon ng trentay dos na bilang sa kalendaryo, Ang pag tubo ng rosas sa malamig na semento At pag kakaron ng dagat sa isang malawak na disyerto. Alam kong wala, walang pag asa. Hindi maari. Pero tulad ng pag tatagpo ng araw at buwan isang beses sa mahabang panahon. May pinanghahawakan ako, Isang araw, Balang araw Pag tatagpuin tayo ng tadhana Sa di inaasahang lugar at panahon. Tibok nalang ng ating mga puso ang mag didikta na tayo talaga, ang naka laan para sa isat isa.
0
Nov 8, 2015
Nov 8, 2015 at 7:47 AM UTC
ISANG ARAW