Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Ericjohn
16/M/Cagayan de oro city Hi, I am still new in writing and is hoping to improve
Nothing makes me that happy Other than a nice cup of coffee, But when you reached out and talked to me Even the best cup of coffee can't compare to your beauty You were the perfect coffee I was looking The one worth waiting My best cup of coffee Was when you were there with me
0
Aug 14, 2018
Aug 14, 2018 at 10:46 AM UTC
My cup of coffee
Lumayo kana sana, Sa mundong ito Kalahati ng mga hiling sa tala, Ay ang mawala ka At ng sana'y makahanap na ng kapayapaan ang iyong nabiktima Ikaw, ikaw yung tipong makasarili Na kahit ano nalang ang iyong kinukuha, bale wala na kung anong possibleng mangyari Biktima mo’y walang pili Sa mga mata mo’y para kaming mga pera Naghihintay na magamit pambili Ikaw yung tipong nakakadismaya Isa kang bagay na walang ibang dala Kundi kapahamakan ng iba At kalungkutan na habang buhay ay di mawawala Bawat binitawang salita May katumbas na kapalit ng iba Bawat yakap nilang madarama Isang bagay na naman ang mawawala Halaman, aso, pusa, bata, matanda lahat ay walang kawala, Lahat kami ay maaaring ma biktima Sa inihandog **** mga parusa Kahit ano pang kweba ang mapagtaguan sa mga kamay mo kami ay bihag pa Ngayon, naranasan ko na ang mapalapit sayo Ang landas natin ay pinagtagpo Sa oras na di ko inaasahan Pero bat kailangan mo pang idamay ang mundo ko
0
Aug 14, 2018
Aug 14, 2018 at 9:17 AM UTC
Kamatayan part.1
Di na kita mamahalin sinta Di ko kayang magawa na, Makita kita na masaya sa iba Na ang tanging hiling ko lang sana Na sana, di nalang tayo nagkakilala Hinding hindi ko kayang ipag hiling sa tala Na makita pa ang iyong mga mata Inaasam ko na lang Sana Ako'y maka limot na (read from bottom to top)
0
Aug 12, 2018
Aug 12, 2018 at 12:52 PM UTC
Reverse poem
Hindi ko alam paano ko to sisimulan Pero bawat gabi ako ay nadadatnan Sa tanong na laging dumadaan Dito sa sarili kong sugatan Pero ang tanong na ito, Ang laging nagpapahinto Sa kasayahan kong di aabut nang minuto Sa pag iisip ko, sino nga ba ako? Napapaisip ako gabi gabi Kung saan nga ba ako magsisisi Ang hindi pag hanap sa katanungan kong tangi? O balang araw malaman kong ano nga ba akung klase.. Ang mundung ito na malawak Ay napakaraming tanong na hawak Iba, mga kababalaghang di tiyak Nasa kanila ba ang sagot kong tiyak? Ano nga ba ako dito sa mundo mag-aaral? anak? Kaibigan? Bestfriend? kalaro? Classmate? O Baka naman isang tagapayo O baka wala lang talaga ako Dito sa mundong tinitirhan ko Baka isa lang akung extra? Sa buhay ng iba, Na mahalaga lang pag may problema At wala nang kwenta pag lahat masaya Baka nga ganon lang talaga ako Dito sa mundong tinitirhan ko Pero minsan sinasabi ko Baka mahanap ko ang sagot ko dito Sagot nang isang tanong ko Sino nga ba talaga ako?
0
Aug 12, 2018
Aug 12, 2018 at 12:51 PM UTC
Sino nga ba ako
Nakikita niyo akung naka ngiti Mga ngiting to kay dami nang ikinubli Mga damdaming di na masabi Siguro habang buhay na ito mananatili Naririnig niyo ang malakas kong tawa Sa likod nito ay may malaking problema Na sa tuwing ako'y mag isa Hindi tawa kundi patak nang mga luha Ngiti, kahit labis nang nasasaktan Ngiti kahit wala nang matatakbuhan Ito lang ang naiisip kong paraan Upang di mapansin ang aking pinagdaraanan Ngiti, kahit luha mo'y pumapatak na Ngiti, kahit di mo na kaya Huwag mo nang ipakita sa kanila Ang iyong pusong sugatan na Ngiti para sa kanya Ngiti upang lahat ay maging masaya Kahit damdamin ay kumikirot na Di bale na, napasaya mo naman siya Ang mga ngiti ay marami nang naitago Isa na ang mga damdaming di na mag lalaho Ang nararamdaman ko sayo'y di pa nagbabago Mahal parin kita nang buong buo
0
Aug 12, 2018
Aug 12, 2018 at 12:48 PM UTC
Ngiti
Nakatingin ako sa mga tala Iniisip ang mga matatamis na ala-ala Mga ala-ala nating dalawa Na kung pwede lang, akin muling madama Saksi ang mga tala Saksi, sila kung gaano ako kasaya Noong panahon na sinabi **** "gusto rin kita" Puso ko ay tila nabigla Di ma intindihan kung gaano ako kasaya Di alam kung anong emosyon ang ipapakita Bibig ko ay di makapag salita Puso ay puno ng ligaya Narinig ng mga tala ang dasal ko para sa iyo, Mga hiling ko na sana ma pansin mo ako Na kahit simpleng hi mula sayo Sapat na para ma kumpleto ang araw ko Sina salamin mo ang kagandahan ng mga bituin, Mga ilaw na numiningning Na sa tuwing ako ay tumitingin Kagandahan mo ay di kanyang bilangi Na ka pag narinig ko ang iyong TAWA Ito'y nagdadala bg ligaya at tuwa Nagiging musika sa akung tenga At pang atong sa pagtibok ng aking Puso na sugatan pa
0
Aug 12, 2018
Aug 12, 2018 at 12:29 PM UTC
Tala