Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"makausad" poems
Sampung rason kung bakit dapat mo akong balikan Una, dahil ikaw ay nangako Sabi mo walang hanggan pero bakit may dulo? Ang pangarap nati'y hindi dapat mawala Pangalawa, dahil sa bawat pagpikit ng mga mata Ikaw ang unang nakikita Ang mga alaala ng iyong magandang mukha ang muling nasisilayan Pangatlo, dahil ikaw ang laman ng bawat hiling ko Sa bawat 11:11 na dumating ay ikaw ang hinihiling Na sana'y muling mapasaakin Pang apat, hindi na kita bibitawan. Panglima, dahil sa bawat araw na wala ka ay parang mga gabing walang tala Walang ilaw, walang ganda Pang anim, dahil kasabay ng pagkawala mo ay ang pagkawala ng langit na dahilan ng pagngiti. Ang langit na minsan kong nilipad kasama ka. Pang pito, alam **** seryoso ako Seryoso ako pagdating sayo, sa atin. Sa mga bagay na sinasabi ko kaya ito ang Pang walo, ayoko na ng laro Hindi ako magaling maglaro Hindi ko na kayang makipagsabayan sa mga laro mo dahil alam kong talo na ko Talo ako sa lahat pagdating sayo. Pang siyam, nandito lang ako. Naghihintay, nag aabang, ni hindi makausad Sa sulok. Pira-piraso nagdurugo Nagiintay na pulutin mo ang mga bubog Nagiintay na bumalik ka sa bisig ko. Pang sampu, balikan mo ako dahil mahal kita Oo, mahal pa rin kita Mula sa mga bubog ng nabasag kong puso Ikaw parin ang nilalaman nito Ayoko sa ng iba Kaya mahal, Bumalik ka na
0
Dec 21, 2016
Dec 21, 2016 at 7:33 PM UTC
Sampung rason kung bakit dapat mo akong balikan
Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal? Kailan ba nagsimulang mamuo ang lamat— ang tipak sa dingding ng panahon Na nabuo mula sa iisang hibla Na lumawak at nagmistula nang mga sanga ng puno ngayon Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal? Saan ba nagsimula ang sigalot na kahit anong gawin ay hindi ko mahanapan ng kakalásan— Hindi matakasan ilang bukas man ang daanan Gaya ng Ang Probinsyano sa telebisyon na inabot na ng ilang taong Naging saksi na rin sa pag-inog ng mundo kong patuloy man sa pag-ikot ay parang hindi naman makausad sa pag-atras Pabalik sa nakaraan nating ayaw magparaya Ayaw magpalimot, Ayaw magpaawat, Ayaw magpatawad Nasira ko yata ang pinaplano kong 𝘢𝘳𝘳𝘢𝘯𝘨𝘦𝘮𝘦𝘯𝘵 sa umpisa, mahal Gaya ng wala naman talaga tayo sa 𝘱𝘭𝘢𝘯𝘰 Ng kahit kanino sa ating dalawa Ngunit, heto na, nangyari na At nagkasakitan na Nang higit pa sa kayang pasanin ng puso At ngayon, gusto ko lang malaman: Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal? Ano ba ang simula ng gulo nating parang islang lulubog-lilitaw— Paparoon at paparito, hindi makadiretso Gaya ng mga alon na nakikipaglaro sa dalampasigan Masaya naman tayo... 𝘮𝘪𝘯𝘴𝘢𝘯 Masaya naman tayo minsan Masaya naman tayo minsan At minsan, nakakalimutan ko ring hindi mo na nga pala ako mahal Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal? Masyado nang matagal Ang paghihintay ko ng sagot sa mga tanong na paulit-ulit ko mang bigkasin Ay hindi naririnig ng utak **** ayaw umintindi At ng puso **** ayaw magsisi At nakakatawang isipin na ako ang naghahabol ng kaliwanagan, Nag-aasam ng kaayusan Kung sa ating dalawa, ikaw naman talaga ang nagkulang Paano ko ba tatapusin ito, mahal? Sana tayo na lang ang tinapos mo matagal na.
0
Mar 26, 2022
Mar 26, 2022 at 7:36 AM UTC
Mahal, kailan mo ba napansing hindi mo na ako mahal?

Continue reading...
39
Nakakapagod pala talaga Nakakapagod umasa sa wala, Maghintay nang walang kasiguraduhan, Masaktan nang paulit-ulit At paulit-ulit rin naman siyang walang pakealam Nakakapagod pala talagang Balikan 'yung nakaraan, 'Yung masasayang sandali na hiniling **** wag na sanang matapos, 'Yung mga araw na siya 'yung kasama mo noong namomorblema ka, Na kahit masakit at ayaw **** maalala, nandiyan pa rin Nakakapagod pala talagang Saktan ang sarili Baka kasi kapag ginawa mo 'yun, makausad ka Kahit konti, kahit sandali, kahit papaano, Kahit imposible Nakakapagod Pagod na ako Tama na Sobra na Awat na
0
Feb 10, 2016
Feb 10, 2016 at 7:53 AM UTC
Pagod
ilan pang mga paalam at mga luha pa na kailangan ko nang tanggapin sa pait nitong katotohanan na syang humubog bilang bago kong sarili upang ako'y makausad na rito sa bagong yugto na aking buhay na hindi ko na matatakasan pa? bakit kay kagyat kang lumisan? buhat ba nang ika'y iniwan? 'lam kong 'di mo tanggap ang lahat at 'yong tamo, lihim **** sugat bubura sa tamis **** kulay at syang kikitil sa 'yong buhay tangi **** handog sa 'king diwa: ang iyong pambihirang luha
0
Nov 24, 2024
Nov 24, 2024 at 9:18 AM UTC
PAG-USAD SA PAIT
010324 Ikaw — Ikaw ang nag-iisang Pag-asa, Ni hindi Mo ako binigo’t Ni minsa’y hindi ako tinalikuran. Sa bawat pagkakamali’y Ni hindi Mo ako hinusgahan Bagkus tanging yakap Mo ang naging sandigan. Ikaw ang aking Pahinga, Ang aking kalasag at kalakasan. Sa Iyong mga Salita’y nabubuhay ako — Nagiging bago ang lahat, Nagiging payapa ang puso. Sa tuwing isasandal ko ang aking sarili, Sa’yo lamang ako nakakahinga, At nagiging mahimbing ang aking pagtulog. Ikaw ang lunas sa bawat sakit, Walang duming hindi Mo kayang hugasan. Ngayo’y nandito ako Upang manghiram Sa’yo Kahit alam kong hindi ko ito masusuklian. Pahiram — Pahiram ng lakas sa bawat araw, Pahiram ng bagong pananaw Nang ako’y makausad at makaahon. Pahiram — Pahiram ng hininga at sandali, Pagkat hindi ko batid Kung hanggang kailan lamang ang buhay. Alam kong ang lahat ng sa akin ngayo’y Tanging hiniram ko lamang Sa’yo Kaya’t turuan Mo akong hindi angkinin ang mga ito. Sa’yo ang lahat, at balang araw ay kukunin Mo rin ito At ibabalik ko Sa’yo ang aking paghinga. At ang tanging hiling ko’y Mapapurihan pa Kita, Maging malinis ang puso Hanggang sa pagbabalik Mo. Salamat — Salamat, Ama.
0
Jan 5, 2025
Jan 5, 2025 at 4:54 PM UTC
Pahiram