Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"makatabi" poems
Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Pilit ko pa rin iniisip na meron kang gusto sa akin. Ewan ko ba kung bakit ako nag gaganito. Dahil sa aking nararamdaman ako'y litong-lito. Ano pa ba ang aking dapat gawin para masabi  Itong lihim na pagtingin ko kung may pagkakataon ikaw ay aking makatabi Hindi mo ba alam na ang aking puso tumitibok para lang sayo. Kaya ngayon ako'y nanghihina ng loob kung patuloy kang lumalayo. Dinadaan ko na lang ito sa tula para mabasa mo Kahit mabasa mo ito huwag kang titigil maging kaibigan ko Sana'y rin ako maging masaya at malungkot sa piling mo Kaya sana huwag kang makakalimot sa babae na ito.
0
Apr 1, 2017
Apr 1, 2017 at 6:53 AM UTC
Hindi Ko Maamin, Torpe Nga Pala Ako.
I. Una palang pansin ko na, At kita sa iyong mga mata, Ang pag-iwas mo sa tuwing kakausapin kita. Binabaling sa iba ang tingin, Habang dinadama ang dampi ng malamyos na hangin. II. Rinig sa iyong labi, Ang tipid ng iyong huni. Mas naririnig ko pa-- Ang tibok ng puso mo, sinta, Kaysa sa mga sinasabing **** salita. III. *"Hindi ka ba kumportable Na ako'y makatabi?"* 'Yan ang tanong ko sa'king sarili. *"Oh, baka sa init ng panahon-- Kaya ka ganyan ngayon?"* Dugtong ko pa. IV. Gusto kong basagin ang katahimikan, Ngunit hindi ko alam ang sasabihin, At hindi ko rin alam kung paano sisimulan. Sapagkat, pareho tayong nag-aalinlangan. V. Ilangan at alinlangan, Iyan ang tila rehas na nagkukulong sa'ting dalawa. Balak ko sanang basagin at tibagin, Pero hindi ko kaya ng mag-isa, Kailangan tayong dalawa.
0
Apr 23, 2016
Apr 23, 2016 at 2:06 AM UTC
Ilangan at Alinlangan
Mahal kong Margaret, Patawad (Higit pa sa Sampong beses ko na tong nagawa Hanggang ngayon di pa maunawa Ang tulad mo sa akin na nag mahal ng kusa Nasaktan ko ng di sinasadya) Alam kong sawa ka na sa paulit ulit na nang yayari, Away bati sa mga bagay na kahit na simple. Walang ibang Iniisip kundi ang puro pansarili, Nagseselos ako bawat sinong makatabi. Marahil pagod ka na, at gusto mo nang umayaw. Ngunit sana ikaw ay magbalik tanaw Humihingi ng tawad, hiling na magbalik ang dating ako at ikaw Maging ako man ang inakalang papawi ng luha sya pa ang unang bumitaw Tanggapin ang alay kong tsokolate at rosas na pula Tikman ang tamis nito, tulad ng pagsisikap kong laging pasobra May taglay na bango ang bulaklak, binabalik ang alaala Ng lumipas, Kalakip ang tula galing sa puso, inukit sa pluma, indinaan ko sa letra. Pakinggan mo sana ang mga daing kong nawalan nang tinig Masdan ng mga mata **** nakapinid,ayaw nang tumititig Muli nating painitin ang samahang unti unti nang lumalamig Bigyang pagkakataong buhayin ang pusong di na pumipintig Alam mo namang lahat ay aking gagawin, Ano mang kaparusahan ay handa ko nang akoin, Sa panong paraan ba ako patatawarin? para lang ANG PANGALAWANG PAGKAKATAON SA AKIN AY IYONG MARAPATIN. *ps. hintayin kita duun lagi 。 1-4pm kada meirkules Makatang humihingi ng tawad, August E. Estrellado
0
Oct 6, 2018
Oct 6, 2018 at 1:33 AM UTC
PATAWAD
I. Ayoko talagang magbasa ng mga tula, Madalas kasi ako'y naluluha. Kahit hindi naman dapat maramdaman, Ng mga berso at mga linyang nilalaman. II. Ayoko talagang tumitig sa'yo, Kasi baka 'di ko mapigilan sarili ko. Na baka 'di makapag-timpi, Higitin nalang kita at yakapin sa tabi. III. Ayoko talagang makitang masaya ka, Na masaya sa iba. Dahil pinapa-mukha mo lang sa akin, Na hindi ka kailanman mapapasakin. IV. Ayoko talagang magbasa kasabay ng ulan, Kasi pinapapaala lang nito ang lumbay. Lumbay na kahit kailan Hindi na ako nilubayan. V. Ayoko talagang makatabi ka, Dahil pinaparamdam mo lang sa akin na, Isa ka nalang pangarap na sobrang lapit, Pero kailanman hindi na makakamit.
0
Apr 14, 2016
Apr 14, 2016 at 8:25 AM UTC
Ayoko
ikaw parin tinitibok ng puso ko ikaw parin tanging nasa isip ko ikaw parin pinapangarap makatabi sa gabi ikaw parin hinahanap pagkagising sa umaga ikaw parin kahit malayo na ikaw parin kahit iba na ikaw parin hanggat humihinga pa hindi magbabago pag - ibig ko sayo tag - init, tag -ulan, tag - lamig tag- lagas mahalin ka parati araw at gabi inaasam palagi iisipin sa bawat sandali tag - araw, tag - ulan tag - lagas, tag - lamig pag - ibig ko ay mananatili sa ilalim ng lihim ako lamang nakakaalam at ang buwan
0
Aug 4, 2017
Aug 4, 2017 at 1:26 AM UTC
ikaw pa rin
Hinahanap ka kapag di kita nakikita Namimiss kislap ng yung mga mata At sa bawat pagising ikaw ang unang naalala at ninanais na muli kang makasama Kahit wala ka saking tabi pinipilit kong isang tabi mga lungkot sa aking mga labi at sa bawat gabi akoy humuhikbi dahil wala ka sa aking tabi maari bang humingi kahit isang gabi na ikaw ay makatabi? Paulit ulit kong inuukit sa aking isip na sa bawat iyong pag alis ako ang laman ng iyong isip at sana sa iyong pag tulog ay iyong naalala bawat halik at yakap na aking iginuhit oh aking mahal patawad kung akoy naging hangal dahil sa aking kaduwagan di kita maprotektahan pero ito lamang ang iyong tatandaan may salitang ikaw at ako lamang at walang iwanan pangako yan! Simpleng tula para sayo regalo na galing sa aking puso mga salitang hindi pangako at ni minsan di mapapako kaya iyong bigyang halaga ang bawat letra dahil dito mo makikita at madarama ang tunay na saya At nga pala mahal kahit masakit na hindi kita katabi sa bawat gabi yuon ay aking naiintindihan pangako yan kaya wag mag alala dahil hindi ako sayo mawawala saan man ako mapunta
0
Dec 10, 2017
Dec 10, 2017 at 11:27 PM UTC
mahal
Ang binuo nating samahan Mga pasimple kong tawa sa banat **** linyahan Ang titig **** Hindi ko maipaliwanag Lahat iyan ay aking iingatan Hindi na nagpapansinan Wala na rin ang matamis na titigan Huwag kang Mag alala, ikaw ay tumahan Ang mga iyan ay hindi ko pahihintulutan Hindi ko hahayaang ang makinang **** mga Mata Ay mapalitan ng pagtinging naiilang Sa oras na marinig mo na ikaw ang nilalaman Mga titik na bumubuo ng iyong pangalan Hindi kailanman mangyayari Na sa iyo ay aking masabi Ikaw ang nais makatabi Ikaw lang ang sambit ng mga labi Hindi ko alam Kung kailan nagsimula Bakit ikaw na ang hanap ng mga mata? Nagpapanggap sa sarili, Hindi ikaw Hindi ikaw Paano mangyayaring sa kapit mo'y di bibitaw? Tuksuhan dito, tuksuhan doon Tila ba sang-ayon sa atin ang panahon Isang araw sa aki'y may nagtanong "Paano Kung kayo sa dulo ?" paano nga kung umabot tayo doon? Naisasala ng imahinasyon Pinapangarap subalit di lubos maisip Umabot tayo sa bangin ng limitasyon Mayakap ka, hanggang dito na lamang ba sa panaginip?
0
Oct 22, 2018
Oct 22, 2018 at 9:02 PM UTC
Kulungan
Hating Gabi Panibagong araw na nmn Petsa sa kalendaryo ay nag iba na Ngunit nananatiling madilim pa Ganito talaga pag hindi ka kasama Ang ganda pagmasdan Ng mga bituin at ng buwan Pero di parin sapat para pantayan Ang liwanag na ibinibigay ng babaeng itinuturing kong araw at mamahalin ko magpakailan man Pa usbong na ang umaga Lumalalim na ang gabi Ikaw lang gustong makasama Ikaw lang ang nais makatabi Ngunit parang di pa ipapatupad ng tadhana At hindi pa yata pwede Hindi pa natin pwedeng pagsaluhan Ang oras Parang pinaghatian lang natin ang isang araw sayo ang umaga akin ang gabi Ang makasama ka ay para bang bukang liwayway Na ninanais ko ng matanaw at maabot Ngunit ito’y matagal pa kaya nakakayamot Ako ay nasa alas dose pa at hindi naman sa nag iinarte Nakakalungkot lang na matatagalan pa ang bukang liwayway kasi nandito pa ako sa hating gabi
0
Jan 29, 2019
Jan 29, 2019 at 7:48 AM UTC
Hating Gabi
may mag araw na hindi ko maiwasan mag isip at malumbay. mag isip na baka mapagod ka na at ako ay hindi na   hintayin. malumbay at sa iba ay humanap ng kalinga. na baka sa tagal ang puso't isip mo ay mahulog sa iba. bakit hindi ko maiwasan ang takot ay maramdaman? kahit madalas mo namang iparamdam na ako sayo ay mahalaga. kalooba'y nababagabag sapagkat sayong tabi hindi ako ang katabi. nakakapanlumo mag isip ng mag isip,na baka isang umaga hindi na ako ang nais makatabi. hindi na ako ang nais makausap hindi na ako ang nais makakulitan hindi na boses ko ang nais naririnig hindi na mensahi ko ang inaabangan, langyan pag-ibig yan bakit sa taong nag mamahal laging may agam-agam.
0
May 14, 2022
May 14, 2022 at 6:16 PM UTC
Agam-Agam
Singkislap ng mga tala ang iyong mga mata Sa tuwing ikaw ay nakatingin sa akin Sa tuwing tayo ay magkasama Anong saya aking nadarama Di ko maipaliwanag Sadyang aking mundo’y lumiliwanag Ibubulong ko na lamang sa hangin Ang aking nararamdaman na hindi ko maamin Aking mahal, sana ay ikaw na nga Ang aking makakasama hanggang sa pagtanda Sana ay ako lamang ang iyong mamahalin Ikaw lamang ang aking mahal Ikaw lamang ang aking minamahal At ikaw lamang ang aking mamahalin Ikaw lamang ang aking mahal, minamahal at mamahalin, sinta At wala nang iba pa Hindi man kita kasama araw man o gabi Walang ibang papalit sa’yo dito sa puso ko Ikaw lamang ang aking gustong makatabi At sa iyo lamang umiikot aking mundo Saksi ang Panginoon sa ating pagmamahalan Dahil alam niyang sa iyo ako nakalaan Ito ang iyong pakatatandaan Na kahit ako ay magkamali man, pangakong hindi kita sasaktan Singdami nang mga tala ang mga taon Na gustong tayo ang magkasama hanggang sa huli Kahit na tayo man ay magkalayo ngayon Alam kong makakasama’t mahahagkan kitang muli Sana ay pagbigyan ng panahon Kahit sa gabi lamang ikaw ay makatabi Ikaw lamang ang aking mahal Mula noon hanggang ngayon Ikaw lamang ang aking minamahal Mula noon hanggang ngayon Ikaw lamang ang aking mahal Ang aking minamahal At aking pipiliing mamahalin Sana ay ako rin
0
Aug 28, 2023
Aug 28, 2023 at 10:30 PM UTC
Aking mahal, minamahal at mamahalin (2-11-21)
You inspire me in everything you do. I don't know why I fall for you... It's just that one day, biglang hinahanap hanap ko na yung presensya mo. Yung ikaw na lagi ang gusto kong makatabi sa Van. Yung ikaw na lang ang kukuha ng bayad ko. Hopefully. I'd like to playback the time where our hands touched and yung isang buong oras na mag katabi tayong dalawa. Sana maulit ulit. I would trade anything for that one moment.
0
Oct 2, 2018
Oct 2, 2018 at 4:32 AM UTC
Love Note 101
Oh kay saya no'ng ikaw ay Makatagpo. Kay sarap sa pakiramdam na ika'y Makatabi. Pero ngayo'y gusto ko nang Makatago sa mga ngiti **** naglalaho, at Makatakas sa pakiramdam na parang winawaldas. at sana'y Makatakbo na rin papalayo.
0
Sep 12, 2019
Sep 12, 2019 at 9:24 AM UTC
Makata
Lumalalim na ang gabi Malamig ang simoy ng hangin Ikaw lamang ang nais kong makatabi At ang aking gustong makapiling Oh, paligaw-ligaw tingin Ikaw lamang ang tanging minimithi Ayoko munang umuwi Dito ka muna sa aking tabi Ayoko nang sa iyo ay mawalay pa Huwag mo na akong iwan pa Huwag muna tayong umuwi Kay sarap pagmasdan ng buwan ngayong gabi Hawak ang iyong kamay at lasap ang preskong hangin Ngayo'y nadinig na aking panalangin Kay sarap pagmasdan ng mga tala Singkislap ng iyong mga mata Hawakan mo lamang ang aking kamay At tayo ay nakatingala sa alapaap Ikaw lamang ang aking sinisinta, aking pinapangarap Ang aking minahal ng tunay Sapagkat hanap ng puso ko'y ikaw At wala nang iba pa Dahil mahal kang talaga Ibubuhos lahat ng pagmamahal at oras sa iyo Habang ako ay nandito pa sa mundong ibabaw Ako ay nangungulila sa tuwing tayo ay magkalayo Sa iyo lamang ako uuwi Sa iyo lamang ako mananatili Ikaw lamang ang aking nag-iisang, sinisinta
0
Aug 29, 2023
Aug 29, 2023 at 12:00 AM UTC
Sinisinta (11-8-2022)