Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
I. Ayoko talagang magbasa ng mga tula, Madalas kasi ako'y naluluha. Kahit hindi naman dapat maramdaman, Ng mga berso at mga linyang nilalaman. II. Ayoko talagang tumitig sa'yo, Kasi baka 'di ko mapigilan sarili ko. Na baka 'di makapag-timpi, Higitin nalang kita at yakapin sa tabi. III. Ayoko talagang makitang masaya ka, Na masaya sa iba. Dahil pinapa-mukha mo lang sa akin, Na hindi ka kailanman mapapasakin. IV. Ayoko talagang magbasa kasabay ng ulan, Kasi pinapapaala lang nito ang lumbay. Lumbay na kahit kailan Hindi na ako nilubayan. V. Ayoko talagang makatabi ka, Dahil pinaparamdam mo lang sa akin na, Isa ka nalang pangarap na sobrang lapit, Pero kailanman hindi na makakamit.
0
Apr 14, 2016
Apr 14, 2016 at 8:25 AM UTC
Ayoko

thealltimejor
Written by
Apr 14, 2016
Apr 14, 2016 at 8:25 AM UTC
Request permission to use this poem