"maipadama" poems
*ilang beses na ba akong ngumiti ng magisa
habang iniisip ko ang mga panahong kasama kita
ilang beses na ba akong umiyak sa aking kwarto
habang tinitiis ko ang sakit at pighati sa aking puso
ilang beses na ba ako umiling
upang mawala ang alaala mo saking isip
ilang beses na ba ako nagbuntong hininga
upang mailabas ang lungkot na aking nadarama
ilang beses na ba akong nagsulat ng liham
na hindi ko naman naibigay kahit kailan
ilang beses na ba akong gumawa ng tula
tungkol sa pagibig na di ko naman maipadama
ilang beses ko na bang binulong sa hangin
na mahal kita,
na mahal kita kahit magisa lamang akong umiibig*
Sept 30, 2016
Sep 29, 2016
Sep 29, 2016 at 10:59 PM UTC
Patawad dahil ako'y naging sakit lamang ng ulo
Pinipilit ang mga bagay na gusto ko
Naiintindihan ko na kung bakit ako'y pinapagalitan mo
Tanda lamang na ako'y mahal na mahal mo
Ina'y salamat sa syam na buwang ako'y dala dala mo
Salamat dahil ako'y hinayaan **** makita ang mundo
Salamat dahil isa kag napakalaking regalo
Ina sana'y mapatawad mo ang mga asal ko
Naiinis, nagagalit, nanggigigil sa tuwing ako'y inuutusan mo
Patawad aking Ina sa mga pagkakasala
Nais kong hagkan ka
Nais kong sabihin sayong mahal na mahal kita
Patawad, pangako kong ito'y dina mauulit pa
Ipapadama kona kung gano ka kahalaga
Habang nabubuhay ka pa
Dahil sa pagdating ng panahon alam kong ika'y lilisan na
Kaya ina'y hayaan **** ako'y alagaan kita
Dahil sa gantong paraan maipadama kong mahal na mahal kita
Oct 30, 2018
Oct 30, 2018 at 11:06 PM UTC
Tuwing akoy tumutingala sa mga kumikislap na bituin,
Di ko mapigilang maalala ang kislap ng yong mga mata
Puno ng misteryo't mga tanong na di kelangang sagutin
Tinutuwid ang isip na di mapakali
Kinakalma ang pusong may giit sa mundo
At pinapabagal ang oras na basta bastang pinapalipas;
tila bawat segundo ay may tamis na inaalay.
Nagpapalasing sa ligaya habang binubulag ang sarili sa katotohanang 'di na 'yon mauulit
Sa katotohanang ito'y ala ala lamang.
Nagbabago ang aking pagkatao sa harap ng iyong muka
Napapamahal sa lahat ng mga bagay at pangyayaring nagpagtagpo sa atin. Lumalamig ang simoy ng hangin, di mapigilang pumikit at mabuhay sa nakaraang pagkakataon.
Maaabot lang pala ang langit sa gitna ng dalawang impyerno.
Mahal, maari ba muling magtagal sa iyong piling? Kahit isang ulit lang maipadama mo muli ang langit sa mundo. Nakalimutan ko na kasi ang tamis ng kaligayang idinulot ng pagmahal na galing sayo.
Feb 8, 2017
Feb 8, 2017 at 10:11 AM UTC
Papaano nga ba maging isang mabuting ama?
Pasan ang pamilya sa likod habang nakatayo sa sariling paa
Naghahanapbuhay habang nakabantay sa kanila ang isang mata
Di alintana ang pagod, hangad lamang paibig maipadama
Maginoong lalake at may takot sa Diyos
Mapagbiro, palangiti, malambing sa bawat haplos
Masayahing ama kaya mas maigi ang tawanan
Patunay lamang na ikaw ang haligi ng tahanan
Ikaw ang ulap na tatangay kapag nabitin ang hagdanan
Sa mga anak nag-gabay sa mga napili na larangan
Sa kabiyak na nagpatunay na pag-ibig walang hangganan
Simpleng buhay na may pag-asa, magkakapiling, nagmamahalan
Written: 01/27/2010
Aug 4, 2017
Aug 4, 2017 at 3:34 AM UTC
Binilang ang mga araw
Na wala si Dessa
Ang bahagharing bumabalantok sa langit
Ay nakakasuyang larawan sa daigdig
Malamlam kahit sagana ang kakulayan
Umiibayo ang hinagpis
sa namumutlang pisngi
Nangungulila nang lagaslaw
sa dikit na hindi kumukupas
Kung maaaring mapanaginipan
Ay yayapusin
Hindi dahil sabik sa yakap
Ito 'y upang maipadama
ang pamimintuhong dumadarang
Sa gaslaw ng mga dahon
Himig ng mga ibon
May kailaliman ang gabi
Mangunguyapit sa liwanag ng buwan,
Gigiliwin ang dinadaing ng kalooban
Di makaalpas sa anino ng liwayway
Pinahiran ang kaluluwa
Ng pabangong di pumaparam
Ginustong gumanap bilang martir sa pag ibig
Aug 25, 2019
Aug 25, 2019 at 5:36 PM UTC
Hapon tayo unang nagkita at pareho tayong nag-iisa
dinadamdam mo ang lamig ng kahapon, ang paglisan
minamasdan ko sa layo ng araw ang iyong halina
Mahirap mag-intay sa ilap ng mga sulyap,
tanglaw sa tuwing naghahanap-kayakap
sa mapangakit na halina ng mga ngiti sa labing
malabong magdikit kahit sa pangarap
Sana’y sapat na ang mga awit
ng mga tulang binigkas sa hangin,
nagbabakasakaling maipadama ang lalim
at tugma ng pag-ibig na nilihim
Sa gabi, mag-isa na naman at dama ang lamig
yakap ang unan, hawak ang kumot
nag-iilusyong kasama ka
Sana’y maulit muli ang sumpa
sana’y walang takot sa halina
‘pagkat sanay na tayo sa lamig ng gabi
alam na natin ang ingay o init
at takot na tayong mabighani
Sa umaga, mag-isa na naman at dama ang init
masaya na sa halik ng kape sa labi
nag-iilusyong kasama ka.
Hapon tayo unang nagkita at pareho tayong nag-iisa
dinamdam mo ang lamig ng kahapong kaysakit
ninamnam ko ang tamis ng kalayaan sa pasakit
sana’y tanghali nalang tayo nagkapiling
sana’y di pa sanay o manhid sa pag-ibig.
Tadhana
Michael Joseph Aguilar Tapit
6/19/2016
Nov 6, 2018
Nov 6, 2018 at 4:40 PM UTC
Ipag paumanhin mo kung natatawa ako, dati kasi isa akong pulubi,
Haha! sige tawanan mo muna ang aking sinabi,
Habang umiinom ng coke para magka enerhiya,
Nakasandal ako sa pader habang nagbibilang ng barya,
Isa, dalawa tatlo kelan magiging kuntento?,
Sapagkat hindi naman talaga barya ang binibilang ko,
Kundi ang bawat pag patak ng segundo,
Isa, dalawa tatlo "may halaga pa ba sayo?",
Yung oras niya ang nililimos ko noon,
Ngunit nagbago na ngayon.
Naalala ko pa tumaya ako noon sa lotto,
Isa't pangalawang taya ngunit ako parin ay talo,
Muli akong tumaya sa pangatlong beses at sabi ko "Huli na to",
Sa di ko inaasahan tumama na nga talaga ako dito.
Ang lotto ay simbolo lamang ng pag-ibig,
Yan ang nais kong ipahiwatig,
Sayo ako nanalo, Sayo wala akong talo.
Yan ang nagbago ngayon.
Kinalimutan ko na ang noon.
Napaka swerte kong hindi ko na kailangan mamalimos,
Ng oras at atensyong naghihikahos,
Sapagkat nariyan kana at handang magbigay,
Handang umintindi at handang mag alay,
Mag-alay ng pag-ibig na walang kapantay,
Walang pag aalinlangan at walang hinihintay,
Na ano mang kapalit na sayo'y ibibigay.
Marapatin mo akong sumandal muli,
Hindi sa pader, kundi sa balikat mo kahit sa isang sandali,
Upang maipadama ko sayo kung gaano ako ka saya,
Isa, dalawa tatlo ikaw ay mahalaga,
Marapatin mo akong sumandal sa iyong tabi,
At sa muling pagbibilang ng aking mga labi,
Isa, dalawa, tatlo,
Sayo ay kuntento.
Jul 15, 2022
Jul 15, 2022 at 6:30 PM UTC
Ang saya lang sa feeling ng ikay nakapiling at dumating sa aking piling kahit sa ilang saglit lang
Pag kapiling ka ang saya koy abot hanggang sa tenga
Yung tipong di ko maipinta kahit sarili kong mukha sa galak at tuwa
Pag kasama ka wala na kong hinahanap na iba
Basta ang alam ko lang,masaya ko pag nandiyan ka.
Hindi mo lang alam
Matagal na kitang mahal
Palihim nga lang
Hindi ko pa kayang sabihin sa ngayon
Pero baka,bukas 'o sa ibang araw,diko alam kung kailan
Dahil baka dumistansiya ka na
Kaya patuloy pa rin akong magtatago sa anino ng "saka nalang."
Para sa kahit ganoong paraan ikay patuloy paring makapiling at malambing na rin
Yung lambing kong iba
Yung parang may engkantasiyon na bigla nalang magpapaamo sa iyong mukha at tatawa nalang bigla,na parang sira.
Ayokong umabot sa pinaka sukdulan na akoy iyong kasuklaman dahil lang sa nalaman **** akoy nahulog na sayo ng tuluyan
Bigyan mo sana ako ng kahit kaunting importansiya
Para sa iyo'y maipadama ang aking tapat at tuod na nadarama
Baka sakaling di ka na lumingon sa iba
Pero kahit maghanap ka man ng iba
Lagi mo tandaan na kahit ipagpalit mo man ako sa kanya
Ikaw pa rin ang nais kong makasama,
Maging desperada kumbaga
Ako yun,walang iba.
Alam kong di ka pa handa sa ngayon
Pero akoy mag hihintay pa rin hanggang sa dumating yung araw na puwede kana
Hanggang dumating yung araw na gusto mo na
Hanggang sa araw na puwedeng maging tayo na
'O hanggang dumating yung araw na handa ka na
'O Hanggang dumating yung araw na magaan na sa loob mo na buksan ang damdamin mo para sa iba
At yung bagay na gustong-gusto kong balita na
Handa ka ng sabihin sa akin ang mga salitang
Sige
Oo na
Tayo na at
Ako'y handa na.
Feb 21, 2021
Feb 21, 2021 at 9:24 AM UTC