Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Binilang ang mga araw Na wala si Dessa Ang bahagharing  bumabalantok sa langit Ay nakakasuyang larawan sa daigdig Malamlam kahit sagana ang kakulayan Umiibayo ang hinagpis sa namumutlang pisngi Nangungulila nang lagaslaw sa dikit na hindi kumukupas Kung maaaring mapanaginipan Ay yayapusin Hindi dahil sabik sa yakap Ito 'y upang maipadama ang pamimintuhong dumadarang Sa gaslaw ng mga dahon Himig ng mga ibon May kailaliman ang gabi Mangunguyapit sa liwanag ng buwan, Gigiliwin ang dinadaing ng kalooban Di makaalpas sa anino ng liwayway Pinahiran ang kaluluwa Ng pabangong di pumaparam Ginustong gumanap bilang martir sa pag ibig
0
Aug 25, 2019
Aug 25, 2019 at 5:36 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #72

Written by
23/M/Antique
Aug 25, 2019
Aug 25, 2019 at 5:36 PM UTC
Request permission to use this poem