Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eugene Nov 2015
Kapayapaan...

Isang salitang hindi maikakaila.
Na may sampung titik na mailap makuha.
Isang salitang nais na ibandila,
Pinapangarap ng ating buong madla.

Kapayapaan...
Isang salitang may sampung letra...


                                                  Pag-­asa...

Anim na letra lang pero sadyang matalinhaga.
Nagbibigay sigla sa puso ng nasasakdal at nag-iisa.
Nagiging liwanag sa dilim ng isang nagdurusa,
Ngunit mailap makamtan sa mundong marami ay napapariwara.

Pag-asa...
Isang salitang may anim na letra...


Pag-ibig...

Kaliwa't kanan ang krimen at kaguluhan.
Nasaan ang pagmamahal sa pagkakawatak-watak at iringan?
Ang puso ng iba'y balot na balot na nang kasamaan.
Maibabalik pa ba ang pag-ibig sa tinubuang lupa?

Pag-ibig...
Ikaw ay nasaan?


                                         Kapayapaan ang gusto ko.
Pag-asa ang nais ko.
                                         Pag-ibig ang tanging tanglaw ko...
unknown Aug 2017
nais kong simulan ang aking tula sa isang katanungan,
"bakit mo ako iniwan?"
dahil ba sa ugali kong hindi maintindihan?
dahil ba sa itsura kong hindi kagandahan?

bakit mo ako binitiwan?
bakit mas pinili mo ang lumisan?
bakit mga pangako mo'y iyong kinalimutan?
bakit ka lumihis ng daan?

mahal, sana'y sagutin mo't huwag kang magalit,
kung marami akong tanong sayo na bakit,
hindi ko parin kasi talaga matanggap yung sakit,
sagutin mo naman, baka sakaling tumamis ang mapait.

hindi kita matanggal sa puso't isip ko,
at dahil sa takot ko na baka maulit ang pag-alis mo,
ipinagkatiwala ko ang puso ko sa ibang tao,
kaysa ang maniwala muli sa mga salita mo.

sa bawat paggalaw ng kamay ng orasan,
sa bawat pag-ihip ng hanging amihan,
sa bawat pagsilip ni haring araw,
tila puso ko'y nanatiling naliligaw.

paulit-ulit sa aking isipan,
tama ba ang aking napagdesisyunan?
kasiyahan sa iba ay dapat bang subukan?
nagbakasali na hindi ko ito pagsisihan.

sumubok ako, nagtiwala sa mga salitang naghatid ng panandalian ligaya,
nagpadala ako sa mga pangakong "ikaw lang at wala ng iba",
pero nagkamali ako, pare-pareho lang pala kayo,
sa una lang kayo pursigido.

mahal, nais kong alalahanin mo,
lingid sa kaalaman mo na makakalimutin ako,
pero inaamin ko, ni minsan hindi ka nawala sa isip ko,
oo mali 'to, pero masisisi mo ba ako?

bakit ramdam ko parin ang sakit ng iyong paglisan?
bakit hindi kita kayang bitiwan?
bakit sa bawat oras ng aking kalungkutan,
ikaw, ikaw ang nagsisilbing dahilan ng aking kasiyahan?

ang unan ko'y basang basa na ng luha,
mata ko'y tuluyan ng namaga,
alam ko na wala na akong dapat kapitan,
kung kaya't sanay matutunan ko ng ika'y bitiwan.

mahal, wala akong karapatan para sabihin na ako'y iyong balikan,
dahil minsan na kitang pinagtabuyan,
kaya hinihiling ko na sana sa iyong muling paglisan,
kasabay nun ay ang unti unti kong pagtahan.

patawad sapagkat hindi na tama ang aking nadarama,
patawad sapagkat alam kong tayo'y tapos na,
patawad sa mga salitang hindi na maibabalik pa,
patawad, patawad sa pagpili ko noon na lisanin ka at wag ng lumingon pa.

labis ang naramdaman kong lungkot,
labis din ang poot dahil hindi kita malimot-limot,
subalit sa mga panahong naghihilom na ang kirot,
saka ka naman muling susulpot.

lubos akong nagalak,
puso ko'y nabusog sa iyong salitang mabubulaklak,
nawala ang patalim sa puso ko na nakasaksak,
nang ikaw sakin ay kumambak.

subalit hanggang kailan kaya mayroong "tayo"?
hindi ko maalis ang takot sa puso at isip ko,
hindi ko maalis ang nadarama kong silakbo,
na ang dapat na "tayo" ay mapalitan muli ng isang "kayo"

hanggang kailan mo ako muling mamahalin?
hanggang kailan mo ako muling yayakapin?
hanggang kailan mo muling ipaparamdam ang apoy ng pag-ibig?
o papatayin na lamang ito muli ng malamig na tubig?

natatakot ako sa mga bagay na hindi inaasahan,
na baka magbago ang iyong isipan,
natatakot ako sa mga pwedeng maging dahilan,
dahilan ng iyong posibleng paglisan.

kasi minsan mo na akong isinantabi,
minsan mo na kong trinato na parang walang silbi,
minsan mo ng binasa ng luha ang aking pisngi,
at minsan mo na rin pinunit ang puso ko sa iyong mga sinabi.

natatakot ako mahal ko,
nais kong magtiwala muli sa mga salita mo,
paumanhin, subalit natatakot ako,
natatakot akong iwan mo ulit ako.

sana'y sa ating karanasan sa nakaraan,
manatili ka sa aking tabi at huwag lumisan,
sapagkat ikaw ang aking kalakasan,
subalit ikaw rin ang aking kahinaan.

ikaw, ang pumapawi sa aking uhaw,
ikaw, ang nagbigay direksyon sa puso kong ligaw,
ikaw, ang dahilan kung bakit ang puso mula sa bintana ng kaluluwa'y dumungaw,
ikaw, ang nagbibigay sigla sa akin araw-araw.

hinihiling ko na sana sa oras na magbago ang ihip ng panahon,
magbago ang direksyon ng mga alon,
tumaliwas ang lahat ng bagay sa dapat nilang posisyon at direksyon,
mag-iba man ang huni ng mga ibon,

sa oras na ikaw ay aking muling tanungin,
isa laman ang isasagot mo sa akin,
"huwag kang matakot at mangamba,
mahal na mahal kita"
ig: seluriing
twt: seluring
fb: seluring
follow meeeeee!
princessninann Jun 2015
Maraming taon ang nasayang, mga pangarap na biglang nabasag,
'di na maibabalik sa dati, para itong tinapay na sinira ng amag.
Matagal na kong nagtitiis, matagal na kong naghihintay
na muli **** ibalik ang apoy ng iyong pagmamahal.

Akala mo ba 'di ako nanghinayang sa mga binuong pangarap?
Sayang ang dala kong mantikilya,  ang tinapay sana'y  'di inamag.
Ang apoy na sinasabi **** sa akin ay nawaglit
hindi mo lang alam ikaw din mismo ang umihip.

Nagsawa ka na bang ihatid-sundo ako sa bahay?
Nagsawa ka na bang pakinggan ang mga drama ko sa buhay?
Hindi ko naman gusto na ikaw ay mapagod,
Nais ko lang na mapansin mo ko at sa ibang bagay 'wag kang masubsob.

Matapos ang isang nakakapagod na araw, ihahatid pa kita sa 'yong bahay,
Dahil pag hindi, paniguradong tayo'y mag-aaway.
'yon ang nakakapagod - ang away, lalo na't may problema din
ako sa aking buhay
na kahit kailan 'di mo napansin, dahil subsob ka sa ibang bagay

Sabi ko "ayoko na", sabi mo pagod ka na.
Tumakbo ako, mga luha'y naghahabulan sa paglabas,
mga tanong na walang sagot, "hahabulin ba nya ako? Hindi na ba nya ko mahal?"
'Di ako lumingon, gumulo aking isipan. Nais ko lang ay pigilan mo ko aking mahal.

Sabi mo, ayaw mo na, sabi ko, "pagod na ako",
Pagod na akong magpigil ng luha at maghabol sa iyong bawat
pagtakas at pagtakbo
Mga tanong na walang sagot, " Ayaw nya bang manatili?
Hindi na ba nya ako mahal?"
'Di ka lumingon, gumulo ang aking isipan. Nais ko lang ay huminto ka aking mahal.

Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon,
Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon,
'di na 'ko tatakbo, ako'y mananatili, sasabihin kong minamahal kita*
Hahabulin kita at pipigilan, sasabihin kong minamahal kita
"You never know what you have until you lose it, and once you lost it, you can never get it back"

Title taken from Gloc 9's song.

English translation:

ouy evol i

Many years were wasted, dreams that were broken
We cannot go back like molded bread
I've been enduring, I've been waiting
For your fire to rekindle again

Do you think you're the only one who regretted it?
I've brought butter for our bread, but its too late
The fire you said I had lost
You're oblivious, its the fire you had blown

Are you tired of bringing me home?
Are you tired of hearing me mourn?
I didn't mean to exhaust you
I just want you to notice me too

After a tiring day, I have to fetch and bring you home
If not, we'll end up fighting very soon
That's what's exhausting, 'cause I too, have things to mourn for
Which you never noticed, 'cause your hands are already full

I said, "This is enough.", you said, "I'm tired."
I ran away, tears fell even without a try
Unanswed questions, "Aren't you going to run after me? Don't you love my anymore?"
I never looked back, but how I wanted you to not let me go

You said you've had enough, I said "I'm tired"
To hold my tears and run after you, oh I'm very tired
Unanswered questions, "Don't you want to stay? Don't you love me anymore?"
You never looked back, but how I wanted you to stop so I can hold you close

If I can bring back the time
If I can bring back the time
I won't run away anymore, I'll stay and tell you I love you
I'll run after you and stop you to tell you I love you.
leeannejjang Jun 2015
Minahal,
Pinaasa,
Binitiwan,
Tinulak,
Bumalik,
Hinabol,
Nahulog,
Nasaktan,
Iniwan.

Mga salitang tinuro sa atin noong kabataan,
Ngayon mga salitang atin iniiwasan.
Minsan ako'y magtatanong,

Anong pagkukulang ko?
Bakit iniwan mo ako?
Saan ako nagkamali?
Paano ko maibabalik?

Hinihintay ko mula sa iyo,
Sabihin **** "Nagkamali ako",
Pero ang nakita ko'y mga luha mo,
Hinihingi ang pagpapatawad ko.

Sana hindi na lang,
Sana wala na lang,
Sana umiwas na lang,
Mga sana na hindi ko pinakinggan,
Ngayon ako'y luhaan.

Pero isang bagay ang hindi ko pinagsisihan,
Ang mga masasayang bagay na ating pinagasamahan,
Mananatili sa puso ko na parang mga litrato,
Lumain man ng panahon ay babalik balikan ko.

Pinasaya,
Pinakilig,
Pinatawa,
Pinangiti.
#love
#poems
#pagibig
#hugot
032116

Sumayad ang takong ng apat na kandidato
Hindi para mangalakal at maghain
ng kani-kaniyang plataporma.
Alay ang boses para sa nagkakalansingang masa,
Habang magbabanyera ng laway ng pananalita.
Tagisan, ika nga
Tahasang pagbubukambibig ng motibo sa bayang
May kinabukasan pa.

BINAYubay nga ba ang Pilipinas naming mahal?
Sa FOI na minsang itinapo'y ano ang tugon?
Hampas-lupa ba ang mga Pilipino
Para magbulag-bulagan
Sa binulsang kaban ng bayan?
Yang pambobola nyong haing 5Ps
Saan nga ba ang liderato ng ngiting may bungisngis?
At sa pagbaba ng tax, maibabalik nyo ba
Ang nasa bangko ninyong
May iba't ibang ngalan?
Sagot ba ang waivers at ilang kasulatan?
Kamusta naman ang assets nyo at liquidations?
Sana'y hindi maging makati ang mga kamay,
Gawin **** mala-Makati, wag lang ulitin ang pangangati.

Mala-Talk Back and You're Dead,
Yan ang peg ng kamandag ni Duterte.
Palabiro raw sya't matalas ang dila,
Bagkus ang masa'y panay ang tugon sa kamao niya.
Kamay na bakal, iyo bang ibabalik?
Sabik nga ba sa Death Penalty ang kinauukulan?
Sa posibleng anim na buwan ng iyong pag-upo,
Sana'y malinis ang minsang Tuwid raw na Daan.
Posible bang dahas ang kasagutan
Sa bayang talamak ang bayaran at tulakan?

Tila saulado mo ang bawat numero,
Ang galang mo Poe, nagmula nga ba sa pusong Pilipino?
Paano nga kung nagising kang
May alarma sa Bayan,
Babangon ka ba talaga't di kami tatalikuran?
Wag sanang gaya ng pagtapon mo
Sa Amerikang minsang naging bayan mo rin.
Paano mo babalansehin ang tulong
Ng malalaking korporasyon sayo?
Boto ba nila'y hindi mo binili?
Wala bang kapalit ang oo
Ng mga batikan at mayayamang negosyante?

MARami ka nang satsat sa Daang Matuwid na yan,
Talamak na rin ang paghuhugas-kamay
Para sa patapos nang administrasyon.
Ba't nga ba panay ang pag-eendorso mo
Sa sarili't tila baga sayo nanggaling ang pondo noong Yolanda.
Naroon ka nga't ika'y ligaw at wala raw tugon,
Ano itong alarma mo raw
Pag nandyan lamang ang kamera.
Wala bang tiwala sayo si PNoy?
At tinago pa sayo ang nauukol sa mamasapano?
Kamusta po ang pag-endorso ng Pangulo sayo?
Sana'y inasikaso niya na lang
Ang nahuhuling termino.

Marami na po kayong mga pangako,
Naawa nga kami sa Translator
Pagkat gulung-gulo rin siya
Sa pag-aagawan ng oras at mikropono.

Magandang ideya ang naganap na mga Debate,
Pagkat nauntog ang Bayan,
Nagigising aming diwa't magigisa ang tamang boto.
Ang boto ng bawat Juan,
Para yan sa Bayan.
Sana'y matiyak po nating
Wala nga tayong kinikilangan
Maliban sa malinis na eleksyon.

Tayo ang simula, kapwa ko mga Juan!
Maging wais tayo!
Makialam para sa Bayan!
Gising Pilipinas!

"Alab ng puso,
Sa dibdib ko'y buhay!"
- Lupang Hinirang
JOJO C PINCA Nov 2017
"hwag kang mag-alala mahal ka parin nun". ito ang sinabi mo sa akin noong nakaraang taon. hindi ko agad naintindihan palibhasa'y tuliro ang isip ko, problemado ako sa bagong trabaho na kinakaharap ko.
tapos bigla kong naalala, oo nga pala, anibersaryo nga pala ng kasal natin. Ngumite na lang ako para maikubli ang aking pagkapahiya.
hindi ako kailanman nag-alala dahil alam kong mahal mo ako noon pa man hanggang ngayon.
hindi ako kailanman nag-alala dahil alam kong lagi kang tapat sa akin.
hindi ako kailanman nag-alala pagkat batid ko na hindi mo ako iniwan, lagi kang nandyan sa tabi ko umulan ma't umaraw.
hindi ako kailanman nag-alala dahil alam kong matagal mo nang inilaan ang buhay mo't pag-ibig para sa akin.
hindi ako kailanman nag-alala sapagkat alam kong sasamahan mo ako hanggang sa ating pagtanda.
pero nalulungkot ako sa tuwing naaalala ko na maraming beses ka nang umiyak dahil sa akin.
naiinis ako pagkat hindi ko nagawang samahan ka ng mga panahon na kailangan mo ako.
nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko natapatan ang katapatan mo noong kabataan natin.
namamanglaw ako sa tuwing nakikita ko na kapos ang mga pagsisikap ko.
nalulungkot ako pag naiisip ko na baka mauna ako at hindi kita masamahan sa ating pagtanda.
ang nakaraan ay hindi ko na maibabalik, may mga pagkakamaling hindi ko na maitutuwid. pero pwede pa naman tayo makatawid dahil may ngayon at bukas pang maghahatid.
malapit na naman ang ating anibersaryo. hwag kang mag-alala pagkat hindi ako mag-aalala.
alam ko na mahal mo parin ako kahit konti lang ang iyong napapala sa gagong asawa na tulad ko.
kung sapat lang sana ang sulat at tula, kung ang mga tugma at tayutay at mga saknong nito ay magagawa kong lantay na yaman malamang hayahay ang ating buhay.
hindi ako si Perpekto at lalong hindi ako si Mr. Right
si Jojo lang ako, ganito lang ako kaliit, pero salamat at minahal mo ako.
Matagal ng panahon ng iwan ka niya.
Hanggang ngayon, mahal pa din siya?
Lumisan siya bitbit ang pag-ibig mo.
Pero di patunay ang pag-ibig na naiwan sa iyo...
Oras, Araw, at maraming taon,
Inasam na maibabalik ang kahapon.
Pilit ipinaglaban ang pag-ibig na wagas
Ngunit ngayon, di maaming ito nga'y kumupas
Sa paglisan niya, hindi na muling umibig
Puso'y inilalaan sa pagdating ng iniibig
Ngunit kalungkutan ay hindi kinaya
Kaya pinilit magmahal ng iba
Ngunit hindi maipilit sa puso ang totoo
Na ang tunay na sinisinta, iba na ang mundo
Sarili mo'y ikinulong sa anino ng kahapon
Ang pag-ibig ng iba'y palaging tinatapon
Wala na siya, matagal na, malaya ka na
Wala na siya, iniwan ka, bakit pa aasa?
Kung sa simula pa lang, talo na diba?
Ngayon, heto ka at mukhang aba...
Wala na siya, matagal na, bakit ka ganyan?
Sa sakit na dulot niya, iba ang iyong sinasaktan...
Wala na siya, lumayo, tinupad ang pangarap
Hindi ka kabilang, di mo pa din tanggap?
Wala na siya, ano mang gawin, di na siya babalik...
Wala na siya, sinta, wag ng manabik
Wala na si Maria, ang Mariang mahal mo
Wala na siya, bakit hindi na lang ako? :(
kiko Oct 2016
Nung isang gabi tinanong mo ko
“Bakit mo ko mahal?”
sa totoo lang hindi ko din alam.
puno ako ng damdamin pero ayoko sa emosyon
ayoko sa sakit
ayoko sa mahal.

ayoko na mahal kita.
ayoko din na hinahanap-hanap ko ang mga bisig mo.
sana’y akong mag-isa, akin lang ang sarili ko.

Itong kakapiranggot na pagpapahalaga sa puso ko ay para sakin lang.
bakit ko ibibigay sayo na mapagdamot sa pagmamahal?
isa ka ding takot sa pag-ibig,
takot magpapasok,
takot magbigay dahil walang kasiguraduhan kung maibabalik.
nalalasahan ko sa aking dila ang lungkot tuwing tumitingin ako sa iyong mga mata.

Tuwing nasisilayan ko ang iyong anyo, pakiramdam ko ay kilala kita.
hindi ko alam ang pangalan ng mga mahal mo
at hindi ko alam ang mga bagay na mahalaga sayo,
pero kilala ko ang pagpanglaw ng ilaw sa bawat kurap ng iyong mga mata,
kilala ko ang unti-unti **** pagkaubos.
Isa kang imahe na pinta ng sakit at lungkot at pangungulila
napakadilim ngunit napakaganda.


Kilala kita.
Nakikita kita sa salamin kapag nakakalimutan ko kung ano na ako sa aking paningin.

Siguro alam ko na pala kung bakit kita mahal.
Kung bakit kita gusto mahalin.

Ang yumi mo ay hindi bagay sa dilim.
Kailangan mo ng saya,
ng halaga.

Madilim din ang mga ulap sa aking mga mata
sinta,
pero malinaw pa ang aking paningin
at alam ko kung anong kintad ng kulay ang bagay sayo.
Nilawis ng dilim ang mayorya ng mga ilaw sa kalangitan
Ang kapanglawan ng mga ulap na nagdaan ay nakakapangilabot
Kumikinang ang maliliit na butas sa telang itim na tumatalukbong sa himpapawid
At sa bawat minutong nagdadaan may tila bang may naglalaro sa balabal ng karimlan
Tila may kutsilyong pumupunit sa alapaap para makasilip ang liwanag
Ngunit muling isasara ang tastas na nagawa sa segundong ito'y nagsimulang bumuka

May mga bulalakaw na nagpakita.

Tayong limang nakahilata sa kamang kayumanggi na sinapinan ng damo
Agad-agad tumingala sa pag-asang tayo'y makakahiling sa mga nauupos na bato
Ang saglit na gumuhit ang bulalakaw ay nag-umapaw tayo sa tuwa
Halata ang paniniwala sa pamahiing matutupad ang pangarap kapag humiling ka
Sa isa't kalahating segundo na iyon na nagising ang ating mga diwa
Ang mga daliri ay nakaturo sa nagdaang hulagway na hindi na maibabalik

Sabay-sabay tayong pumikit.

At sa pagbukas ng mga bintana patungo sa ating mga kaluluwa
Ang isa sa atin ay nagreklamo; "Hindi ko nakita!"
At sa kanyang pagsamo sa uniberso na magbigay pa ng pagkakataong humiling
Paghalakhak at malarong panunukso ang nakuha niya mula sa atin
Habang ang mapangilabot na simoy ng hangin ay humaplos sa ating mga katawan
At ang katatawanan ay napalitan ng isang tanong walang kasiguraduhan:

"Kailan kaya ulit mangyayari 'to?"

Na tayo ay magkakasama sa isang pagkakataong
Walang inaalalang pagsalansang ng mundong hindi tayo
Na ang tanging balabal na bumabalot sa ating mga puso ay ang yakap natin sa isa't-isa
Na ang kalinawan ng ating mga isip ay nagiging malaya
Magpakita lagpas pa sa pagkislap sa gilid ng balintataw ng mata
Na kung saan, tayong matatalik na magkaibigan,

Tayo ay masaya.

Sa bawat pilit na pag-alpas natin mula sa bisig ng nakaambang
Mapanglaw na kinabukasan, tayo'y palaging magtatagpo dito
—Hindi ko sinasabing sa plazang ito kung saan ang usok ng sigarilyo ay lumulunod sa baga,
Kung saan ang mga punong nakahilera ay nakahubad at dayupay,
Kung saan lingid ang ating kagustuhan gawing tirahan ang tinalikdang plaza na ito—
Kung hindi, dito! Sa pagkakataong busilak ang tawanan at totoo ang ating pagkakaibigan

Sa huling pagkakataon tumingala tayo.

Lubusin natin ang pagkakataong kinakalmot ng mga anghel ang kalangitan
Magpakasasa tayo sa saglit na pinatotohanan natin ang pamahiin
Na kapag humiling ka sa bumabagsak na bituin ito'y magkakatotoo
Na inuulok natin ang isa't-isa ipikit ang mga mata sa bawat ilaw na gumuguhit
Sa himpapawid na madilim na mamaya ay babalik sa maulap na umaga
At sa nagbabadyang pagtatapos ng pag-ulan ng ilaw at muling pagbukas ng ating mga mata

Hanggang sa huling bulalakaw,

Kaibigan,

**humiling ka.
Read more of my works on: brixartanart.tumblr.com
meliza Mar 2017
kamusta, mahal? malungkot ka na naman.
alam kong nahihirapan ka ngayon, at mas nasasaktan ako dahil alam kong wala akong magagawa para lang mapasaya ka sa kahit anong paraan.
mahal na mahal kita.
pero ang bersyon na minahal ko, ang ikaw na minahal ko, ay ang ikaw na ginawa niya - ang ikaw na nagmahal sa kanya, ang ikaw na sinaktan niya. ang mga bagay na kinagugustuhan mo ngayon ay mga bagay na kinagustuhan rin niya.
at mahal, ang tanging hiling ko lang ay makilala ka kung sino ka bago siya. kung ano nga ba talaga ang nagpapasaya sa 'yo na hindi naman siya ang gumawa. kung paano ka ngumiti at tumawa ng hindi dahil sa kanya. dahil mahal, mahal na mahal mo siya kahit sinaktan ka niya, kaya't binago mo ng lubos ang sarili mo para mahalin ka.
pero nandito ako para mahalin ka kung sino ka, at hindi kung sino ang ginawa niya.
isa lang akong babaeng may papel at panulat. isang babaeng umaasang ang mga salita kong ito balang araw ay magiging sapat.
para lang maging masaya ka.
marahil ay malabong mangyari na maging masaya ka pa kahit na wala siya. marahil ay hindi na maibabalik ang ikaw bago mo siya makilala.
gusto lang kitang makitang tunay na masaya.
kahit hindi na ako ang maging rason pa.
kahit hindi ako ang dahilan ng mga tawa **** malakas. kahit hindi na ako ang makakita ng ngiti mo na walang lungkot na bumabakas.
kahit alam kong kung wala ka, mahirap harapin ang bukas.
nakatakda siguro talagang hindi ako ang taong magmamahal sa 'yo at mamahalin mo sa buhay. nakatakda sigurong hindi ko mahahawakan ang iyong kamay. kahit sabihin mo ngayong mahal mo rin ako, alam kong hindi iyon tunay. ngunit mahal, ayos lang. basta lang makita kitang masaya.
dahil mahal na mahal kita.
I know that there's others that deserve you / but my darling, I am still in love with you
AnxiousOcean Mar 2018
Ngingiti ka na naman;
Lolokohin mo na naman ang buong mundo,
Paniniwalain ang lahat ng tao,
Uutuin maging ang sarili mo--
Na ayos ka lang,
Na wala kang problema,
Na patuloy kang lumalaban
Sa buhay kung sa’n
Ang sarili ang iyong kalaban.
“Ayos lang” ang iyong sagot sa tanong na “kamusta ka?”
At ngayon ko lamang napagtanto na palabiro ka pala.
Lahat nang ‘yan, iyong itatago sa iisang ngiti.
At sa iyong pagkukubli,
Lahat ay napaniwala.

Tatawa ka na naman;
Muling ipaparinig ang iyong halakhak.
‘Yung tipong mabibingi silang lahat
At masasabing ikaw ay masaya at tapat.
Pero ang bawat ritmo ay kumpas ng kasinungalingan
Na hindi namamalayan dahil sa lakas ng tawanan.
Itutuloy ang tawa hangga’t ang kasiyahan ay maisilang.
Pambihirang panlilinlang.
Daig mo pa ang hunyango pagdating sa pagtatago.
Lahat idaraan mo sa tawa, hindi dahil masaya ka,
Kundi dahil wala kang mukhang maihaharap.
At sa iyong pagpapanggap,
Lahat ay napaniwala.

Mananahimik ka na naman;
Mambibingi gamit ang saradong bibig.
Sasampalin ang buong mundo ng kantang walang ritmo,
Walang liriko, at walang nota.
Dahil hindi tengang handang makinig ang iyong kailangan,
Kundi pangunawa at ang maintindihan.
Mahirap bang gawing salita ang iyong nadarama?
Hirap ka bang magsabi ng kahit ano sa kanila?
Kaya’t mananahimik ka na lang
At paparoon sa isang sulok.
Aawit nang pabulong,
Rinig lamang ang iyong suntok.
At sa iyong pananahimik,
Lahat ay napaniwala.

Mangangamba ka na naman;
Matutulog na lang, sasaktan pa ang sarili mo.
Titingin sa paligid at magiisip nang kung anu-ano.
Kahit ano.
Kahit masakit.
Hanggang sa maaawa ka sa kalagayan mo ngayon
At Iiyakan ang sariling takot bumangon.
Malulungkot, magagalit
At mapapatanong kung bakit.
Bakit ganito? Bakit ganyan?
Bakit ang mata mo ngayo’y luhaan?
Minsan tulog na lamang iyong hiling,
Pero pagod ka pa rin maging sa paggising.
Mangangamba at iisipin ang lahat.
Lahat sila,
Lahat ng iyong napaniwala.

Pero hindi ako.
Ibahin mo ako,
Simula’t sapul, hindi mo ‘ko maloloko.
Hindi mo ‘ko mapapaniwala, hindi mauuto,
Dahil kilala kita,
At alam ko ang pinagdaraanan mo.
Alam kong hirap ka na sa pagsubok ng buhay.
Mistulang ang bawat araw ay pare-pareho na lamang,
Walang bago, puro tabang.
Maaaring tensionado ka, dulot ng paaralan.
O ‘di kaya’y dahil diyan sa mga tinatawag **** “kaibigan.”
Pwede ring dahil sa iyong tahanan.
Dahil sa sakit na dulot ng kung ano man.

Kilala kita.
Alam ko ang nararamdaman mo.
Alam kong gusto mo nang huminto,
Gusto mo nang itigil ang laro,
Pagod ka nang bumangon,
At takot nang umahon.
Tulad ng isang dahon na kahit kalian
Ay ‘di maibabalik sa punong pinanggalingan.
At iyo na lamang inaantay ang iyong paglanta.
Sa isang lugar, inirereklamo ang tagal ng pagkawala.
Dahil ikaw ay sawang-sawa.
Paulit-ulit na lamang.
May galit, may pait pagkatapos ng hagupit.
Babangon, sasaya, at muling babalik sa sakit.
Alam kong luha ang ‘yong nais ipabatid,
At hindi ang iyong mga tawa.
Dahil dama ko ang iyong lungkot sa tuwing ika’y masaya.
Alam kong hirap ka na.
Alam ko, alam ko.

Kilala kita.
Alam ko ang pagkatao mo.
Hirap ka nang kumapit, alam ko.
Dahil mahina ka,
At ‘di mo kailangang magpanggap;
Alam ko ang iyong hanap.
Ngunit nawa'y maintindihan mo,
Tanggap kitang buo at totoo.
Pwede ka nang umiyak,
Pwede mo nang bitiwan ang 'yong sandata,
Pwede mo nang ibaba ang iyong kalasag,
Pwede ka nang maging totoo.
‘Wag nang magpanggap na malakas ka,
Pwede kang maging mahina.
Pwede mo nang burahin ang iyong ngiti.
Pwede kang umiyak,
Hayaan **** dumaloy ang mga luha.
Sige, isumbong mo lahat,
Sabihin mo ang lahat sa akin,
Akala mo ba’y ‘di ko napapansin?
Sumuko man ang araw at nagdulot ng dilim,
‘Di kita susukuan at mananatiling taimtim.
Patuloy na kumakapit,
Inaantay ang 'yong paglapit.
Alam kong mapapatanong ka na naman kung bakit.
Bakit alam ko, at bakit ganito.
Pasensiya kung may pagkukulang man ako,
Ngunit hiling ko lamang na ikaw ay magkwento.
At sabay tayong ngingiti at tatawa,
Saba’y tayong iiyak sa drama.
Yayakapin kita,at patuloy na uunawain,
Dahil 'yun lang din naman ang gusto kong gawin.

Sabi ko nga sa’yo, kilalang-kilala kita.
At ‘di tulad ng iba,
Hindi mo 'ko mapapaniwala.
Dahil siyempre, ako ang 'yong ina.
Pong Panugao Jan 2012
Paano nga ba sinusukat ang pag-ibig?
Ito ba'y depende sa tagal o oras nay ginugol?
O kaya'y sa dami ng regalong Natamo?
Ibig sabihin ba'y di mo ako minahal kahit paano?

Pinili kitang mahalin sa lahat ng nilalang
Hindi naman Ito isang karangalan Kung titignan
Ginusto kita kahit walang kasiguraduhan
Ginusto kita kahit pagtingi'y saakin lamang

Tama,oo sayo ito' ISA lamang Laro
Isang pagkakataong ang puso mo'y malibang,makalayo
Ako'y walang pangambang sumugod sa apoy
Sunog na tutupok sa aking puso't pagkatao

Lahat ng nangyari ay aking ginusto
Ang mapalapit sayo sa bawat segundo
Ang makilala ka sa anumang paraang alam ko
Ang maging bahagi ng buhay kahit saglit lamang Ito

Alam kong sa una, ikaw ay bukal na nagsabi
Hindi ikaw yung pumapasok sa isang relasyon
Na ako'y di dapat umasa sa iyong paglahok
Na ang pagmamahal na aking hinandog ay maibabalik ng lubos

Kahit paulit ulit sa isip ko'y sinasambit
Na ako'y di masasaktan ni katiting
Noong sinabi **** ako'y wag Munang mapalapit
Ang puso ko'y tumigil ng paulit ulit

Pinilit kong ngumiti Gaya ng pangako
Na ang iyong sagot ay matatAnggap ng lubos
Kahit pa ba ang luha ko'y dumadausgos
Ang aking puso ay hinawi ng unos

Gusto kita gusto kita bakit ba di mo makita
Matulungan lamang kita ako na ay masaya
Kundi man ako ang sayoy magpaligaya
Kung alam kong ikaw ay masaya puso ko'y panatag na

Bakit di mo ako pinayagan na sa iyoy umalalay
Ako'y gamitim **** saklay na gagabay sayong paa
Matulungan lang kita sukdulan na ang ligaya
Ngayon lahat ay wala na ako mgayoy nagiisa
JK Cabresos Aug 2013
Ang oras ay nagbabago,
kung minsan pa nga di natin
namamalayan ito,
dahil sa pagiging abala natin
sa mga bagay-bagay na akala
natin importante,
subalit yun pala ay hindi.

Nasa huli ang pagsisisi,
ika nga ng mga matatanda,
sa kadahilanang di na natin
maibabalik pa ang mga oras
na nasayang natin,
na sana ay may nagawa pa tayong
mas makapagbigay kaligayan sa atin,
at mas kapakipakinabang
sa paglubog ng panibagong araw.

Ngunit pwede naman nating pagsikapan,
na susunod ay aayusin ito,
at mas pagtuunan ng pansin
ang mga prayoridad sa buhay,
tandaan na kahit magbago man ang oras,
lilipas man ito,
meron namang pagkakataong
maitama ang mga kamaliang
nagawa mo.
All Rights Reserved © 2013
G Feb 2018
May maibabalik pa ba
Kung sinabi kong mahal pa kita
Titingala nalang sa langit
Umaasang makasama ka kahit na saglit
Nandirito nakaupo parin
Sa pwestong pinaghiwalayan natin
Pinipilit na umasa
Na sanay hindi kapa nagsawa
Nagsawa sakin
Nagsawa satin.
Honyjoy Apr 2018
SALAMAT SA SANDALING NAGING AKIN KA.
Even seen i really knew it sinabi ko na to sa mga salita ko at itoy totoo
Totoong kaya **** magsinungaling at d sabihin ang totoo ngunit ayus lang oo ayus lang na dna marahil wala ng tau na akala ko ay totoo ngunit isa palang guhit, iginuhit sa hangin at unti unting nag laho hindi na kita masisisi mag ka iba ang mundo na ginagalawan!! Mundo?? Oh pag iisip ayus lang ayus lang talaga salamat sa saglit sa kunting pag paramdam na kahit ako lang ang nag gagawa ng paraan ngunit kailangan na ata kitang kalimutan at tapusin ang tadhana na matagal kunang d pinapakawalan upang ma isip at makausap kapa siguro nga d tayu ang totoo siguro kailangan ko ng bitiwan ang lahat upang makalaya na ako sa pag iisip sa mga bagay na walang humpay na sumusulyap salamat sa saglit na taon sa buhay nating dalawa salamatSa mga nakasanayan dapat ko na atang kalimutan upang d tayo mag kasakitan dahil humihirap lang ang pusong nasasaktan siguro nga hanggang d2 nlangAkala ko habangbuhay ang awit sa ating dalawa ngunit biglang lumihis ang nota na dapat ay nasa tuno pa wala ng kasguraduhan na maibabalik pa ang nakaraan kaya sigurong tapusin na dahil na hihirapan lang salamat sa saglit na pag paparamdam na akoy mahalaga kahit itoy hindi na totoo pa salamat sa mga salita na ngaun ay nag lalayag na sakabilang dako ng mundo na dooy mag papahinga siguro ngay hanggang d2 nlang ang ating storya hanggang d2 nalng at itoy mag tatapos na salamat sa mga sandaling kaligayan salamat sa saglit ng pag paparamdam salamat sa taong nag paramdam ng katotohanan ang masasabi ko lang salamat sa sandaling naging akin ka
My first try...
psyche May 2016
Gusto ko sanang hilingin sa mga bituin na ibalik ka sa akin
isigaw sa buong kalangitan kung gaano ako nasasaktan
Habang ibinubulong ng mga butil ng luhang pumapatak mula sa mga mata ko
ang pait ng katotothanang patuloy pa rin akong umaasang
tulad ko’y umaasa ka pa rin
umaasang maibabalik pa natin ang dati.

Gusto ko sanang maniwala sa mga mumunting tinig
Ng mga kulisap, sinasabing “ayos lang yan, magiging ok din ang lahat.”
Na sa bawat lipad ng mga alitaptap
Dala ay liwanag na magbubukas sa kinabukasang
Tayo pa rin hanggang sa hinaharap.

Gusto ko sanang umasa
At huwag mapagod sa mga panalanging
Bukas pag gising ko’y ikaw na ang nasa tabi
Na ang mga walang kasing tamis **** ngiti ang sasalubong
Sa akin mula sa akala kong walang katapusang bangungot
Ng sakit at pighati.

Gusto ko sana
Gusto ko
Gustong gustong gusto ko
Na sanang mawala lahat ng sakit
Lahat ng poot
Lahat ng pag aalinlangan
Lahat lahat
Pati na ang mga alalang
Pilit nagsususmiksik
Sa kaibuturan ko
Mga alaalang naging mitya ng kahapon
At naging hudyat ng ngayon
Ang bagong ikaw at ako
Na minsang naging tayo.
Mga alalang naging dahilan…

Gusto ko
Gustong gustong gusto ko ng
Kalimutan siya.

Sorry.
Pero hindi ko pa rin pala kaya.
JOJO C PINCA Nov 2017
“You must live in the present, launch yourself on every wave, and find your eternity in each moment. Fools stand on their island of opportunities and look toward another land. There is no other land; there is no other life but this.”

― Henry David Thoreau

Nalulungkot ako dahil nasayang ang buhay mo. Huli na ang lahat nasa dapit hapon kana, palubog na ang araw mo, wala na itong umagang darating pa. Nalulungkot ako dahil nagpadaig ka, tinalo ka ng lungkot at kinain ka ng sistema. Pati tuloy ang sining (photography) na iyong minahal ay tinalikuran mo. Nalulungkot ako dahil alam kong kahit nagkaganyan ka ay marunong kang magmahal, na kahit kelan hindi mo ako sinaktan, na lagi kang nand’yan kapag kailangan kita. Bakit kaba kasi nagkaganyan?

Nalulungkot ako dahil sinayang mo ang panahon para lang alagaan ang galit na nakatanim d’yan sa dibdib mo. Niyakap mo na parang unan ang kalungkutan, sana ay itinakwil mo ito. Nalulungkot ako dahil naging rebelde ka hindi lang sa iyong sarili kundi pati dun sa mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa’yo. Sinaktan mo sila na handang umagapay sayo. Nalulungkot ako dahil lumikha ka ng sarili **** bangin, isang malalim na hukay kung saan ikaw ngayon ay nakabaon.

Nalulungkot ako dahil hindi pinakinggan ng diyos ang mga dasal ko para iligtas ka, ang mapagmahal at mahabagin na diyos ay walang awang pinabayaan ka. Nasayang lang ang aking mga pagsamo sa kanya. Paano ka n’ya aagawin sa apoy ng Impeyerno kung dito pa lang sa lupa ay pinabayaan kana? Nalulungkot ako dahil kapos ang aking pang-unawa at pagmamahal. Nalulungkot ako dahil wala akong nagawa para suklian ang mga kabutihan mo sakin.

Nalulungkot ako at pumapatak ang luha ko habang sinusulat ko ang tulang ito. Nalulungkot ako dahil hindi na maibabalik ang nakaraan, dahil wala ng bukas na darating para sa’yo at sa ating dalawa. Nalulungkot ako dahil dahil pareho tayong nabigo. Oo, kapwa tayo talunan. Pareho tayong pinagtaksilan ng ating mga paniniwala at mga pangarap. Nalulungkot ako dahil patuloy kang naghihirap noon magpahanggang ngayon.

Nalululungkot ako pero alam ko na ang lahat ay may katapusan, lahat ay magwawakas pati na ang mga paghihirap. Kaunting panahon na lang matatapos din ang lahat ng dusa at sakit mo. At pag dumating ang araw na ‘yon hindi kana nila kailanman masasaktan. May kakaibang katahimikan at hindi maipaliwanag na kapayapaan na makikita sa mukha ng isang bangkay.
Lumaki ako na kinukwentuhan ng aking inay bago ako tumungo sa panaginip ko tuwing gabi.
Kinakantahan niya ako ng mga oyayi’t hele. Hinding hindi ko malilimutan ang mga gabing iyon.
Hindi lang ang tugtog ng awitin ng kanta niya ang pinakinggan ko, pati na rin ang pintig.
Pintig ng tibok ng puso naming mag ina na onti onting nagtutugma sa tugtog ng kanta na inawit naming dalawa.
At tuwing magsisimula ang awit, ako’y sumasabay… A-Ba-Ka-Da…
Ngunit hanggang ngayon, hanggang Da lang ang aking natandaan. Ang aking inay ay may katawa-tawang paraan ng pagkanta ng awiting ito. Matatapos siya sa Da, ipagpapatuloy sa Du at magsisimula ulit sa A at sasabihing “aking anak hindi kita sinukuan.” “A-Ba-Ka-Da-Du-A-Ba-… aking anak hindi kita sinukuan.” Hindi ko naunawaan ang kantahing ito at hindi ko inisip na unawain. Isang gabi, kumuha siya ng pluma at papel. Sumulat siya ngunit hindi ko ito nabasa. Ibinilin niya saakin na basahin ito sa tamang panahon. Hindi ko ito naintindihan pero talagang naghintay ako para sa sinasabi niyang panahon. Ilang taon ang lumipas, ngayon, ako’y nakaharap sa kanya(sa puntod niya), hawak ang papel na sinulatan niya noong ako’y munting musmos pa. Nakatingin ako sakanya, hinihiling kay Bathala na maibabalik ko ang mga taon na lumipas.
Isa. Dalawa. Tatlo. Onti-onting tumulo ang aking mga luha.
Umawit ako ng mahinhin… A… Ba… Ka… Da…Du… A… Ba… Aking inay, kailanma’y di kita sinukuan…
Ito na siguro ang tamang panahong ihinahayag ng aking mahal na ina. Binuksan ko ang papel na kanyang sinulatan. At saaking pagbuklat, ako’y nagulat at natulala. Mayroong labing apat lamang na salitang nakasulat dito. “Ang BAlakid ay KAkalat at DAdating. DUmating Ang BAlakid, aking anak hindi kita sinukuan.” Ngayon ay naunawaan ko na ang ipinararating ng aking inay. Gusto ko siyang kausapin sa huling pagkakataon para sabihin na salamat. Salamat sakanya kasi kahit na DUmating ang mga balakid ay tinuruan niya akong lumaban. Kaya ngayon, handa na ako sa mga DAdating na pagsubok dahil alam kong nasa tabi ko lamang siya.
The language used is filipino.
kahel Nov 2016
Ano nga ba ang layunin ng oras?
Mas matimbang ba ito sa mga makikinang na alahas?
O mas mapula pa sa pag usbong ng mga sariwang rosas
Ito ba talaga ay nagbibigay lakas?

Hindi sapat ang pagluha upang makabawas
Para saluhin ang mga masasakit na hampas
At sa mga sugat na walang lunas
Na nag iiwan ng mga malulungkot na bakas

Kung saan lumaban at nakipagsapalaran ka naman ng patas
Ngunit pakiramdam mo sa bandang huli ay ikaw pa din ang olats
Dahil ba biglang bumida ang mga mapalinlang na ahas?
Na pumupulupot sa leeg na parang isang kwintas

At pumipigil sa mga kasinungalingang pwedeng ibigkas
At inaakalang wala ng pag-asa upang makaligtas
Kulang pa ba ang kinaing bigas?
Harapin ang mga ito ng walang kaba at di pag iwas

O kaya naman gawing posas para masiguradong walang takas
Sa mga bagay na iniingatan magkaroon ng maliliit na gasgas
Hirap tuloy matukoy kung ito ba ay pagkakataong maging swerte o malas
Pwedeng maghintay, wag ka nga lang masobrahan at baka di mamalayan na lumampas

Ang bawat segundo ay hindi tulad ng pera na basta lang winawaldas
Hinay-hinay lang dahil hindi na maibabalik ang bawat minuto na lumipas
Ang maganda dito ay wala itong sinusunod na anumang batas
Dahil ang oras ay isang pinakamumunting regalo na walang hinihinging katumbas
Na pwedeng i-alay sayo ng isang taong nagmamahal ng wagas
Eugene Aug 2017
Saglit lang ang ligawang nangyari.
Wala ngang isang buwan nang puso ko ay nadali.
Magkagayunpaman, nakaramdam ako ng sigla kahit na sandali,
Pintig nitong aking puso ay hindi kailanman nagkamali.

Dama ko ang bawat silakbo at mga pighating iyong hinabi,
Nang magkuwento ka kahit pa umabot tayo ng hatinggabi.
Tuwang tuwa ako dahil tiyan ko ay napuno yata ng tutubi,
Para kang mahalimuyak na nektar na sa akin ay kumikiliti.

Pagmamahal ko sa iyo ay tumindi nang tumindi,
Para kang apoy na kapag sinindihan ay lumalaki,
Kagandahan at talino mo ay labis kong ipinagmamalaki,
Katulad mo para sa akin ay karespe-respeto, aking Binibini.

Mahigit isang taon din akong iyong napapangiti,
Pero bakit ngayon ang puso ko ay nagdadalamhati?
Wala bang saysay ang lahat ng aking mga sinabi,
Na higit kailanman ay minahal kita kahit may gatas ka pa sa labi.

Kahit labis akong nagdamdam at nasaktan ay nagagawa ko pa ring ngumiti.
Kahit hindi mo na ako pinapansin, pilit pa rin kitang iniintindi.
Kahit ang layo ng agwat natin sa isa't isa, ikaw pa rin ang aking pinili.
Kahit ramdam kong ang pagmamahal mo sa akin ay umiiksi, tiniis ko ang pighati.

Kaya, ako na ang magtatapos sa pag-ibig nating hindi na puputi.
Ibabaon ko na lamang sa limot ang lahat ng alaalang namutawi,
Kahit madurog pa ang puso at isipan ko sa kakahikbi,
Hindi na maibabalik pa ang tamis ng kahapong tayong dalawa ang humabi.
Minsan tila ikaw pa rin
Ikaw pa rin ang iniisip
Hindi makalimutan
Mundo ko'y umiikot sayo

Kailan nga ba nagbago ang lahat
Dahil kung ako ang papipiliin
Ibibigay ko ang lahat para lang maibalik
Ang lahat lahat
Lalo na ang tayo
Yule Feb 2017
matagal ko na rin 'tong iniisip
hangga't maaga pa, ako'y bibitaw na
dahil alam ko una pa lang
sa huli ako'y masasaktan

masakit man para sa akin
pero bakit ba hindi ko kayang tanggapin?
na ako at ako lamang ang nagmamahal
na ako lamang ang maghihintay ng ka'y tagal

alam kong dapat hindi ko 'to iisipin
dapat wala na akong dapat hangarin
na higit pa sa dapat kong damdamin
dahil kahit kailanman
alam kong hindi mo ito maibabalik

pilit man kitang layuan
ako yung mas nahihirapan
bakit ba ganyan ang iyong mga titig?
lalo tuloy akong nasasabik...

bakit nga ba hindi ka pwedeng maging akin?

eng trans:
I've been thinking about this for a while
As soon as possible, I should let go
Cause from the start, I know
I'll get hurt in the end

It hurts for my part
but why can't I accept it?
that it is me, and only me that keeps on loving you
that it is only me that will have to wait for too long

I know I shouldn't be thinking of this
I shouldn't even yearn for more
for something greater than I should feel
Because I know that you'll never return it

I tried to keep my distance
But it is me that's suffering
Why are your stares like that?
I'm getting more eager...

**why isn't it possible for you to be mine?
I am yours but you're never mine
Ako'y sayo pero hindi *ka sa akin*

*kita pagmamayari* is a better translation for this...
also, translating this is kinda hard

{nj.b}
Meruem Jul 2019
Sa tuwing maaalala ko ang mga sandali,
Na ikaw ay aking kapiling.
Hindi maipinta ang ngiti sa aking labi,
Abot kamay na ang langit na aking hiniling.

Mga panahong nandito ka pa,
Lahat ng palihim na yakap at halik.
Bawat luha at halakahak,
Iyong malambot na pingi'y aking hawak.

Ngunit tila hindi ko napangalagaan,
Unti-unting lumuwag ang pagkakapit.
Ating naging huling sandali'y sadyang mapait,
At alam kong hindi na maibabalik ang nakaraan.

Pero iyo sanang mawari,
Na ikaw ay namumukod tangi.
At hinding-hindi ko na kayang itanggi,
Ako sayo'y nangungulila, ayoko ng magkunwari.

Salamat sa pag-ibig mo,
Ito'y mananatili sa akin.
Salamat sa pag-ibig mo,
Ikaw lamang ang nakapagpadama.
July 30, 2019 - 06:04

"May taning ang ginawa. Pinili ang sariling sumaya.."

Fin.
jhaaaake May 2019
ikaw lamang ang nakaganito ko
sana’y pakinggan mo
mga dahilan kung bakit kita gusto
hindi ka man yung tipong lalaki na pinapangarap ko
pero ikaw yung umakit sa damdamin ko
madaling tawanan pero seryoso ang pagtingin ko
alam kong isang katoto mo lang ako
pero bakit mas higit pa dun ang nararamdaman ko
nag simula sa pang aasaran hanggang sa may nag kagusto
ilang araw akong nagmasid at nagisip kung paano
paano ako humantong sa ganito
hanggang sa sinabi ko sa isa rin nating katoto
naging tayong tatlo hanggang sa dulo
pero nag tapos din pagkatapos ng kaarawan mo
isang gabi humiling ako
sa oras na ika’y makita ko
pero yun din pala ang simula ng tukso
humakbang tayo sa isang grado
unang araw ngingitian mo ako
at dun na nag tapos ito
pero hindi ako nawalan ng pag asa
na maibabalik pa natin ang tayo
at nangyari ilang beses ito
pero malabo pa rin ang mga ito
masakit pero gumaan ito
takot akong kausapin baka ako’y mabigo
hanggang sa dulo etong relasyon ay naging malabo
at humantong na naman ulit sa panibago
eto yung dati ko pang hinihiling sayo
at hanggang ngayon hindi ko pa rin mapaniwala sa sarili ko
nananaginip na ba ako?
kasi dati hiniling ko lang ito
pero ngayon nag kakatotoo
sana ay hindi na maputol ang kasiyahang ito
at sana’y mag patuloy tuloy ito
salamat at ikaw ay naging insipirasyon ko
salamat dahil kung hindi dahil sayo
hindi mangyayari sa akin ito
ang insipirasyon ko
salamat at dumating ka sa buhay ko
l Aug 2015
Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko,
Ginusto ko naman ba 'to?
Pinakawalan nga kita,
Ngunit ako'y naging masaya ba?

Ang mga dating alaala,
Parang bula'y naglaho na
Kung maibabalik lang ang dating samahan
Gagawin ko ito ng agad-agaran

Ang pagkawala ng tulad mo'y
Sadyang ikinalulungkot ko
Ang malaking parte ng buhay ko,
Tila tuluyan ng nagbago.

Nasaan na nga ba napunta,
Ang pangakong binitawan
Nung tayo'y masaya pa,
Sabi mo'y di mo ko iiwanan.

Ngayon ay aking napagtanto,
Lahat ng tao ay nagbabago
At wala na akong magagawa pa
Kundi tanggapin nalang ito.
sarrahvxlxr Oct 2017
Nasa'n ka na? Babalik ka pa ba?
Sa mga araw na itinigil natin 'yung oras para ipaalala sa isa't isa
Na dito—sa sandaling 'to tayo masaya
Dito nagmistulang alapaap 'yung mga nararamdaman natin
Sobrang taas nating lumipad
Hindi natin napaghandaan 'yung ating paglagapak
Sa mga araw na malulugmok tayo
Sa sakit
Sa poot
At ako
Sa pag-asang maibabalik pa 'yung mga araw na lilipad tayong muli
Ngunit
Hindi
Tandang-tanda ko 'yung araw na ipinilit kong pabilisin 'yung oras
Hanggang sa marating ko 'yung araw na matatanggap kong hindi ka na babalik
Ngunit
Hindi
Hindi ko pa ata kaya
Hindi ko pa ata kayang dumilat isang araw nang hindi ka kasama
Kaya kahit 'yung sakit papatulan ko na
Naririnig ko pa rin naman 'yung pagtibok ng puso mo
Ngunit papahina na nang papahina
Dahil palayo ka na nang palayo
Gusto ko naman marinig ngayon 'yung tunog ng pagbabalik mo
Para lang maipaliwanag mo sa 'kin kung kailan unang nalagas 'yung mga pakpak natin
O kung aling hangin 'yung nagtulak sa'yo pababa
Dahil hindi ko maintindihan
Hindi ko maintindihan na kahit ilang beses ko nang itiniwarik 'yung mundo nating dalawa
Hindi ko pa rin mahanap 'yung dahilan kung bakit tayo biglang kumawala sa isa't isa
Hindi ko rin naman masabing iniwan mo ako sa ere
Dahil wala na naman ako sa itaas
Na'ndito na ako sa ilalim ng mga alaala nating hinayaan na lang natin sa isang tabi
Nang hindi sinusubukan na dagdagang muli
Na'ndito ako nagpapadagan sa mundo
Habang patuloy lang nang patuloy sa pag-ikot 'to
Na'ndito ako sumasabay sa agos ng sarili kong luha
Na'ndito ako hinihila 'yung sarili ko pababa
Pahingi naman ako ng isa pang pakiramdam
Hindi 'yung puro na lang lungkot
Puro na lang pait
Pahingi ako ng galit
Sige, kahit inis o kahit yamot
Na kung bakit ako lang 'yung naiwang nagmumukmok
Higit sa lahat
Pahingi pa rin ako ng pag-asa
Nasa'n ka na? Babalik ka pa ba?
Claire Oct 2017
tama pa bang kumapit ako o....
mahal sa pagkakataong ito masasabi kong pagod na ako
ngunit sa bawat sambit ko nito naaalala ko yung dating tayo
yung dating tayo na masaya at walang problema
mga pagkakataong tayo'y masayang magkasama
mga panahon na hawak mo pa ang aking mga kamay,
kasabay nito ang iyong pagkawala at unti unting pagbitaw
mahal, hindi na alam san mag uumpisa
mahal, pagod nakong umasa
umasang maibabalik pa
Ang dating samahang hindi na sana nag umpisa
mahal, ayoko na.... pero lalaban pa.
John AD Jan 2018
Tumulo ang aking luha nang makita ang larawan sa nakaraan
Ang Dami na palang nagbago,pansin ko ang mga ngiti nila dito
Makikita mo rin ang mabilis na pagpalit ng imahe nila erpats at ermats
Bata pa sila non at ako wala pang kamuwang-muwang kundi maging masaya

Nakakatuwang nakakalungkot dahil hindi na natin maibabalik ang dati
Panahong kailangan kong matulog ng tanghali para daw lumaki
Napalo pa nga ako dahil sa pagsuway sa kanilang mga sinasabi
Naalala ko pa nga nung binaril ko si erpats ng Baril-barilan na kanyang binili

Nakakamiss ang ganitong mga bagay sa isang lumang larawan
Kahit naibaon na , puno ng alikabok , talagang maalala mo ang dati
Minsan mapapangiti ka nalang na may kasamang luha pero lagi **** tatandaan , masarap balikan ang nakaraan pero mas kailangan natin bigyang pansin ang kasalukuyan.
Memories
Sydney Nov 2020
Ang 'yong tinig ang taga pag pakalma sa tuwing puso't isip ay gulong gulo

Ikaw ang kapayapaan sa magulo kong mundo

Ikaw ang araw na sumisikat sa maulan kong mundo

Mga salita **** "nandito lang ako, hindi kita bibitawan"

Ang sarap sarap sa pakiramdam na may isang ikaw sa buhay ko

Sa'yong piling, luha'y napapalitan ng ngiti

Hindi man magawang hagkan dahil tayo'y malayo sa isa't isa

Dama ko pa rin ang mga yakap **** pumapawi sa aking lumbay

Ngunit ngayo'y nasaan?

Tila ba lahat ay nag bago na

Muli ko pa bang maririnig ang 'yong tinig?

Matutupad ba ang pangakong hanggang dulo?

Ang tayo ba'y maibabalik pa sa dati?

Ano man ang sagot ng tadhana

Tatanggapin

Masaktan man o maging masaya

Tanging hiling ko lang sa'yo

Ako sana'y huwag kakalimutan

Lagi mo sanang tandaan na merong ako

Na mahal ka at patuloy kang mamahalin

Hanggang dulo
Taltoy May 2017
Nauulit daw ang kasaysayan?
Sigurado ka ba dyan?
Baka naman guni-guni mo lang?
At bakasakaling gawa gawa lamang.

Dahil di maibabalik ang mga lumipas na oras,
Di na ulit mararanasan ang mga panahong nakalipas,
Dahil kahit sabihing may pagkakatulad,
Alam naman natin kung ano ang katotohanang huwad.

Kung kaya, Mauulit ba?
Sa tingin ko hindi na,
Dahil kahit anong gawin mo,
Ang naramdaman mo noon at ngayo'y di magkapreho.

Kaya pagyamanin mo ang iyong pinagdaanan,
Pahalagahan, ituring na kayamanan,
Dahil kahit na di na mauulit pa,
Pwede **** balikan at alalahanin ang ligaya.
Ang karanasan ay kayaman sa ating kwentong kasabay ang oras sa paghayo.
Michelle Yao Nov 2017
Mahal ko, noong ako'y iyong lisanin,
Puso ko'y namatay din,
HIndi mo man lang ako napansin,
Dahil ika'y masaya na din.

Paano ako, ako na nagaantay pa din sayo,
ako na kahit papaano, minahal ka pero ito ako
mahal ka pa din hanggang ngayon,
Dahil di ko matanggal sa isip ko
na wala na pala tayo.

Paano ako na nagmahal ng todo sayo.
Binigay lahat ng gusto mo
at kahit papaano minahal mo din naman ako.

Paano ang pagmamahalan natin?
Hindi na ba natin ito maibabalik muli?
Mahal pa din naman kita, kahit na
namamatay na ako.

Paano ako na minamahal ka pa din?
Ganito nalang ba tayo, hanggang ngayon andito
ka pa din!
Hindi matanggal sa aking isip.

Paano? Paano ako?
Itong tangang nagaantay pa din sayo.
Inked Papers Jul 2015
Kailan kaya maibabalik ang dating indak ng ating mga puso.
Pusang Tahimik Jun 2021
Nagbago na ang lahat
Lumitaw na rin ang tunay mo'ng balat
Tila katulad ng aklat
Na malayo ang istorya sa pamagat

Sa patibong mo'y muntik na akong kumagat
Ngunit kahit ganoon ako sayo'y naging tapat
Ikaw'y ay ahas na naghihintay na kumagat
At ang kamandag mo'y walang lunas na katapat

Ako sayo'y hindi pa ba sapat?
Turing ko'y iisa ang dugo sa ating mga ugat
Ngunit ang pangil mo'y sa leeg ko'y lumapat
Hindi mo na maibabalik kung ano man ang dapat.

-JGA
Sa isang saglit ako'y tila nasa ulap
at pa lutang lutang habang ako'y dumadaan
Sa gaan ng aking pakiramdam
at sa munting ligayang di inaasahan

Kahit sa isang maigsing sandali, ako'y puno ng buhay
na tila bang lahat ng problema'y naglaho
Sa isang saglit ako'y nakaramdam ng pagmamahal
mula sa isang taong akala ko'y mapapaakin

Ngunit ito'y isang panaginip na laging babagabag sa aking damdamin
Isang saglit lamang ito
Isang araw ay maglalaho na parang bula
Hinding hindi kita mapapaakin

Siguro hindi tayo itinakda ng tadhana
Siguro hanggang dito na lang talaga tayo
Hindi mo kayang ibigay ng buo ang pagmamahal na kailangan ko
Hindi mo kayang pantayan ang pag-ibig na binibigay ko

Buong puso ko nilaan sa lahat ng aking sulatin
Sa lahat ng tula, pagkanta, pagsayaw
Nandoon ang buong puso kong nagmamahal sayo
Ngunit kahit anong pulit, hanggang dito na lang talaga

Pero ayos lang iyon
Kahit sa isang munting saglit naibuhos ko ang puso ko
Kahit sa isang saglit naramdaman kong magmahal
Walang bagay sa mundo ang kayang pumalit doon

Ikaw ay nagsilbing ilaw sa mundo kong madilim
Kahit walang pag-asa, lagi kitang tatanggapin
Bukas ang aking kamay at puso para sayo
Ngunit hindi na kitang kayang mahalin ng tulad ng dati

Kailangan kong umusad sa aking panaginip
Hinding hindi na maibabalik
Salamat sa lahat ng pag-ibig na aking naramdaman
Isa ka sa taong nasa puso ko lagi

Siguro ito ay isang pagsara ng parte ng buhay ko
Salamat sa lahat ng natutunan ko sayo
Chloe works Oct 2017
Patawarin mo sana kung akin pa ring pinagpipilitan,
Nagbabakasakaling maibalik pa ang tamis ng ating pagmamahalan,
Hindi naman siguro masamang mangarap,
Kahit na sintaas pa ito ng mga ulap.

Pilit inuunawa, may pagkukulang ba o sadyang nagsawa ka na lang talaga.
May mali bang nagawa o may nakahanap ka na ng mas maganda.
Mga katanungang gumugulo sa aking isipan.
Ninanais na sana ito na'y matuldukan.

Hinayaan ang sariling magpakatanga,
Umasa na ang nakaraa'y maibabalik pa,
Mga alaalang ubod ng saya,
Tila ba hindi na masusundan pa.

Mga pangakong pilit na pinanghahawakan,
Kahit na nagkabuhul-buhol na ang hawakan,
Mistulang kamay mo na unti-unting bumibitaw,
Pumipiglas kahit na pilit hinahawakan.

Matatapos din ang lahat, kailangan lang ng pagtyatyaga.
Maglalaho ang pag-asang magkakabalikan pa.
Pagmamahalang paglilipasan din ng panahon,
Mga mumunting alaala'y tinangay na ng alon.
Francisco Ocampo Mar 2020
Ikaw pala yan, yung taong palangiti at palaging masaya.
Ikaw pala yan, yung taong kalungkutan ay halos hindi makita.
Pero tila ba nagbago na yung taong nakasanayan nila.
Saan napunta yung ngiting kayang makapagpasaya ng iba?

Yung dating masigla at makulay, ngayo'y napapalibutan ng kadiliman.
Tuwing babalikan ang kahapon, masasabing isa kang liwanag na walang hangganan.
Ngunit anong nangyari at parang pagod na pagod ka?
Hindi na nga ba maibabalik yung dating sobrang saya?

Iyong mga mata ay napagod na, kakahanap sa kalutasan para sa iyong mga katanungan.
Ang iyong boses ay halos mapaos na,  kakasagot sa mga katanungan na "ayos ka lang ba".
Sa bawat gabi na ika'y nag-iisa, hindi mo man sabihin alam ko'y meron kang pangamba.
Takot na baka bukas ikaw nalang mag-isa, o takot na baka sumuko ka nalang bigla.

Hindi man tayo sobrang magkakilala, pero gusto ko lang sabihin na sana marunong ka din magpahinga.
Walang masama kung ika'y magpapabida, pero huwag kalimutan na ikaw ay mas mahalaga.
Bilang isang paalala, mga katagang ito'y aking iiwanan na.
Ikaw na nagpapanggap, kamusta ka na?

— The End —