Sa tuwing ako'y nag-iisa,
Puso ko'y humihiling na sana naririto ka,
Gusto kang mahagkan at makasama pa,
Hindi na litrato lang ang tanging alaala.
Ilang taon na akong nangungulila sa mundong ito,
Sino na ang makikinig sa aking mga kuwento?
Sa tuwing masaya at malungkot ako,
Ikaw lang ang nakaiintindi sa mga nararamdaman ko.
Maaari ko bang bayaran ang Panginoon?
Mahiram lang ulit ang buhay mo't panahon.
Gusto kong maibalik ang kahapon,
Nawa'y puwede pa kahit ngayon.
Hanggang ngayon, ako'y nalulungkot,
Mula nang lumisan ka, mundo ko'y tumigil na sa pag-ikot.
Hindi na kita makakasama pa sa ngayon,
Kaya’t sa tula na lang ibubuhos ang aking guniguni at emosyon.
Ang tulang ito ay isang elehiya para sa kaibigan kong ****—nilisan niya ang mundo noong taong 2022 kaya hinding-hindi ko siya malilimutan. Siya ang naging inspirasyon ko sa paggawa ng mga tula.