Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"mahika" poems
#041716 May mga bituing nais abutin, Nangangalay ang diwa pagkat dapat habulin. Ganoon pala ang pagtatagisan ng mga saranggolang itim, Sisipatin ang isa't isa't may pandilig na patikim. Ako'y musmos sa alok nitong ginintuang pangarap, Dilubyo'y mabagsik bagkus may matinding yakap. At doon matatagpuan ang haplos na hinahanap, Ako'y alipin sa sahig na Langit ang sumusulyap. Sa paglatag ng Liwanag na may bahaghari Waring yuyukod siyang ulap na mapagkunwari. At kanyang saplot, ihahanay nang sandali, Saksi maging hanging nagtataingang-kawali. Sa pagsalin ng hiningang latak ng kahapon, Baon pala ang sakit hanggang dapithapon. Ipipinta ang itsura ng sarong na maputi, Siyang pupuri sa Langit na may bahid ng kayumanggi. Tila baryang itinapon at nagkakalansingan, Sa papag na mistulang may sawing kasintahan. Mga tauha'y lalaban sa kuweba ng kadiliman, At doon ang kandila'y panandaliang tatahan. Babahagian ng yaman ang uhaw sa kalinga, Hahagkan silang mga busal na walang isang salita. Hanggang sa magkandiring muli sa saliw ng musika, Silang tangan ang pising may kakaibang mahika.
0
Apr 17, 2016
Apr 17, 2016 at 9:21 AM UTC
Saranggola sa Bukid
061017 Hindi pa kita kayang harapin Na sa bawat pagkakataong nariyan ka na'y Pilit pa rin akong lilihis ng landas Habang kinakalma ang sarili ng mga salitang: "Wala kang nakita. Ayos ka lang." Sa ilang beses kong pagpapalipas ng oras Sa paglimot sa pagbungad ng kahapon sa ngayon, Ginapi ako ng pasa sa buo kong pagkatao. Namanhid ang puso, Kakaiba ang hiwaga pagkat nabuhay pa rin ako. Nang sa kahit isang saglit man lang Ay nanatili pa rin akong pipi ngunit hindi bingi Na parang nalimot ko na kung paano bang magsalita Ngunit ako'y inugatan na Sa paghihintay sa sagot na sayo lamang hinihingi. Na para bang noon, Ang lahat ay may bayad. Parang lahat ay bawal, Kaya nagnakaw ako ng tingin sayo. Oo, hindi lang isang beses O dalawa, tatlo, apat, lima, Anim, pito, walo, siyam at sampu. Naubos na ang pagbilang ko sa bawat sandali, Na inabot sa iilang taon -- Hindi ka pa rin bumabalik. Doon ko kusang naintindihang: Kalakip ng bawat pagnakaw ng panahon Ay ang bawat bitak sa pusong noo'y wala pang lamat. Napuno ito ng alikabok sa hindi ko pagsisiyasat Kung may buhay at pag-asa pa bang mabuo ang larawan ng tayo. Na sa bawat pagpunit ko ng bawat larawan sa aking isipa'y Paulit-ulit lamang akong nakakatikim ng pagkatalo. At sa huli, ako rin pala ang darampot sa mga ito At isa-isang ipagtatagpi sa kabila ng matinding pagkapagod. Nang ilang beses akong dumistansya sayo Isang dipa, isang kilometro, Ilang munisipyo at ilang mga isla. Bagamat nagtangka pa rin akong Bumusina ng katapatan sa pintong paulit-ulit **** pinagsasarhan. Nang muling mabahiran ng kakaibang ningning Ang aking mga mata Na tila may mahika ang bawat **** ngiti At muling nagkakulay ang puso kong dating kaydilim. Nang mapagtanto ko ngang: hindi kita nakalimutan, Hindi ako nagmahal ng iba, Naghintay ako -- Kahit may iba ka pa. Dumungaw ako sa ngayon At dito ko nasaksihan ang hiwaga ng paghihintay. Na sa pag-aakala kong paulit-ulit ang nasa kalendaryo'y Mauubusan din pala ako ng dahilan -- Dahilan para magtanong kung babalik ka nga ba. Nang mahalin mo na rin ako nang buo Nang kusa **** ibigay ang tiwala at katapatan mo. At sa minsang pagyakap mo'y Gusto ko na munang huminto At magpasalamat pagkat narito na ang sagot -- Pagkat narito ka na at hindi na ito isang panaginip. Na hindi ko maipaliwanag na ikaw ang dahilan Ng bawat butil sa mga mata ko noon. At ang dahilan Ng bawat kirot na mas maingay pa sa mga kuliglig pag gabi At pilit kong pinatatahimik sa aking pagtulog. Parang kailan lang nga -- Pero ayoko nang magkunwari pa Ayoko nang magtago sa madilim na mga ulap Na pilit na kumukubli sa pag-ibig ko sayo. Tama na, pagkat nahulog ako sa sarili kong patibong At ngayon -- Ngayon nga'y mas mahal na kita.
0
Jun 10, 2017
Jun 10, 2017 at 9:23 AM UTC
Parang Kailan Lang

Continue reading...
73
Sa'yo ko ito unang naunawaan. Ang paghalik ng pluma sa Papel ay hindi sapat upang Humalik ang katotohanan Sa katarungan, dahil tangan ng puso ang tinta at talinghagang Nakakubli sa wagas na pag-ibig Sa kapwa at kay Bathala. Ang tinig ng mga batas ay Tinig ng mga sibilisasyon at Rebolusyon ng mga sikmura Laban sa makina, ng makina Laban sa mahika ng salapi at Pighati ng lumang simoy. Nawa, Sa pagimbulog mo sa tugatog ng Himpapawid patungo sa paghahanap Ng katotohon, alalahanin mo ang Mga piraso ng iyong sarili na naiwan sa Akin: "Tanging sa hiwaga lamang ng Pag-ibig matatagpuan ang lalim ng lohika." Ito ang iyong bilin. Ito ang aking habilin.
0
Oct 7, 2013
Oct 7, 2013 at 1:01 AM UTC
Habilin sa Maestro
gamit ang panulat kong lapis ang kwaderno ko'y untiunting numinipis ang kalyo sa kamay ay aking tiniis para lang maiparating itong ninanais ang alay kong tula ay di matatapos hanggat ang boses koy di magmaos sayo ibibigkas at iaalay ng lubos nang puso kong nahulog at sayo dumaosdos alam kong di pa kita lubusang kilala ang bagay na yun ay di na mahalaga nabulag agad sa nakakasilaw **** ganda Engkantada, ang kataohang di ko na pinuna bakit nga ba? bigla akong nanghusga minsan lang mapatinag sa kayumanggi **** mga mata napasailalim sa hiwaga ng 'yong salamangka wala ngang duda, Engkantada, balot ka ng mahika kung ilalarawan ay wala kang katulad aaminin kong isa ka sa aking hinahangad wag ka sanang mabagabag ni umilag kung sabay tayong malalaglag, di na ko papalag saan pa ba ang dapat kong pagmasdan kung may hihigit pa sa iyong larawan maganda na ang aking tinititigan basta ikaw lang ang nakaharang
0
Nov 3, 2018
Nov 3, 2018 at 2:34 AM UTC
Engkantada (Sharmaine)
#051416 Nauuhaw ako Bitak-bitak ang lalamunan Sabay lunok, iba ang indak ng tag-init. Humiling ako Sa bulsang gula-gulanit Sa retasong sando Sabay hanap sa munting kaluping Singit sa maingay na sapatos. Siyang nakikipagtagisan ng laway Sa putik na binubuhusan ng langit. Muli, nauuhaw ako Pero sana'y mapawi ito Ng mahika't eksperimento Ng itim na likidong kumukulo sa lamig. Taglamig, taglamig na takipsilim; Yakap ko ang kapoteng maitim ang tagiliran. May karatula sa kanto, Kaya't napasugod ako sa pagkasabik. Tangan ko pagbalik ang litro. Magaspang ang mga kamay Kaya't makapit ang bote sa mga daliri. May karatula sa ikalawang kanto, Tatlong kulay, pero hindi matukoy Gabi'y makasarili, walang nais na kahati. Ulap ay hinawi, kabiyak ang buwan at bituin. Isang bloke ng yelo, Yelong pinira-piraso Binasag sa sementong kwadrado Pahaba't may mga bumbilyang mamatay din. Isang ihip lang ng hangin, lagas ang liwanag. Isang basong walang laman, Walang bahid ng pagsabon Buhat sa mga nakasalansang na pagkatao, Iba't iba ang pwesto, May kanya-kanyang tambayan. Tuluyan silang naging tambay na lamang. Nauuhaw ako pero hindi ito napawi, Mga kalapating pumapagaspas sa himpapawid, Senyas pala ng paglisan. Musikang hele patungong langit, Pagtulog ko'y pahimbing nang pahimbing. Nauuhaw ako, nauuhaw na naman ako Pero pauwi na ako sa Tahanan, Doon na makaiinom, magpapahinga na ako. Paalam.
0
May 14, 2016
May 14, 2016 at 10:31 PM UTC
Coke Story
Binura ang sinalungguhitang alyas Ang nag-alsa na biyas Ang kaya ay katamtaman na hulugbigat Dahil sumunong nang kapalaluan, tumiklop ang tuhod Simulang pagtingin ay noong una na nabighani Nababaliw sa sinundang pag-ibig Sa mala-rosas na labi at mala-kristal niyang mata na may salamin Umaapaw na giliw ay sa kanya nakalaan Kung sumandig man sa ataul ang katawan Mahukay sana ang pinipintuho - bigay ng kalangitan bago mamayapa Kahit mali ang pangkukulam ay gagawin para manipulahin ang manika Mamangha sa mahika na taglay Ganun kung magmahal, kahit balakyut dapat ay tupdin Kumuha ng ilang hibla ng kanyang buhok Tapos isinuksok sa bestida na kahapon niyang isinuot Ginupit at lumikha ng damit ng manika Sinambit ang inkantasyon ng pag-ibig
0
Dec 23, 2018
Dec 23, 2018 at 5:08 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #24
nung bata ako, hindi ako takot sa dilim, hindi ako takot magisa at umiyak, hindi ako takot magkasakit. nung nawala si tatay, ayoko na matulog sa sala dahil walang bumubuhat sakit roon at tila ba mahika sa tuwing sa kama ako nagigising. ayoko na matulog ng magisa, ayoko na sa dilim, dahil natatakot ako sa konsepto ng kalungkutan at pagiisa. mahilig ako sa kape at ingay, na gumigising sa natutulog kong kaluluwa at sa ingay na ramdam kong may karamay. ngunit natikman ko ang gatas, na tila nagpapakalma sa puso ko sa tuwing tatawagin nila ang pangalan ko, ayoko na magkamali. ayoko na ng ingay na tila nagsisigawan. nakakataranta, nakakakaba, ang sikmura ko'y namimilit, dibdib ay naninikip, hindi ako makahinga, hindi ko na makita ang liwanag, hindi na ako makadama, hindi ko na alam ang tunay na kahulugan ng saya, nalimutan ko na kung kelan ang huling ngiti na minsang nagtagal sa aking mga labi. hindi na ko makadama, at ang tanging nararamdaman ko na lamang ay kalungkutan malamig na simoy ng hangin na yumayakap sakin sa dilim. hindi ako nagiisa, dahil andaming taong nasa paligid ko, ngunit dama ko ang pagiisa.
0
Apr 9, 2020
Apr 9, 2020 at 7:51 AM UTC
dilim
sa umaga, sa akin ay anino ka lamang na sa pagsapit ng kadiliman ika'y mawawala ngunit sa gabi, sa akin ika'y nagiging hangin sisinbol ng malambing at hahaplos sa aking balat tunay nga na may mahika ang isang tulad mo isang matipuno at matalinong nilalang na kahit sa mga oras na walang pagkikita ang iyong palad aking nararamdaman sa aking balat na tila sa'yo'y isang libro na iyong walang tigil na pagmasdan at hindi titigilan ang paghanga sadya nga napa-irog mo ako, isang binata na iyo'y napasinto-sinto na kahit wala ka sa tabi ko napukaw mo ang damdamin ko.
0
Apr 5, 2019
Apr 5, 2019 at 10:37 PM UTC
palad ng salamangkero
Ang kantang napakasaya na kasabay ng iyong pagdating ang pag-indayog ng aking katawan upang masabayan ang ritmo dala mo ang mahika na aking kinamanghaan ngunit ikaw din ang kantang pinakamalungkot noong ikaw ay lumisan
0
May 13, 2015
May 13, 2015 at 9:08 AM UTC
Himig
Gayuma ang titig ng iyong mata ang mga kulay nitong kakaiba, pati ang labi **** nakakahalina Nakakahalina ang pangarapin ka alalahanin ang iyong amoy sa tuwina, ating mga alaalang tila ba milagro at mahika Mahika ang muli kang makasama at marinig muli ang iyong mga tawa, mawala kung saan mang sulok kasama ka Ang makasama ka ang pinakamabisang gayuma, ang pinakanakakahalinang mahika, at ang aking pinapangarap na sumpa.
0
Feb 22, 2024
Feb 22, 2024 at 2:16 PM UTC
Gayuma
Limang taon ng nakakalipas Simula nang ika'y aking makita Bakas parin sa aking labi ang saya ng unang beses kitang makasama Na tila ba'y ako na ang pinakamasayang dilag sa mundong ibabaw At ang aking kasiyaha'y talaga namang nag-uumapaw Nagtapos akong Ikaw ang aking gusto Nagpatuloy sa pakikipagsapalaran ng Ikaw ang gusto Saksi pati ang mga kaibigan ko Pagkat ikaw lang ang tinitibok ng aking puso Sa paglipas ng panahon patuloy kong pinanghawakan Pangako sa sariling ikaw lamang ang aking aabangan Pagkat ako'y sobrang naniwala sa salitang "ITINAKDA" Dahil iyon ang aking hiniling sa Poong Lumikha Puso ko'y isinara para magmahal ng iba Pagkat ikaw lang talaga ang sa puso ko'y nagpapasaya At kahit sa larawan lang kita nakikita Aba'y 'di ko alam kung bakit ang puso ko'y tila nababalot ng mahika. Ngunit isang araw nagbago ang lahat Nang may isang balitang sa puso ko'y nagbigay sugat Ang kaligayaha'y napalitan ng kalungkutan Ngayo'y 'di ko na alam kung paano ko pa panghahawakan Panghahawakan pa ang aking pangako Na ikaw lang ang hihintayin ko Pagkat ikaw lang ang kaligayahan ko Dahil ikaw ang "Leleng Ko" Ngunit paano pa aasa Kung sa Simula naman pala'y wala ng PAG-ASA At ang puso ko'y akin lamang sinisira Pagkat ang aking minamahal ay may ibang sinisinta. Alam kong hindi lang ikaw ang lalaki Ngunit puso ko'y ikaw ang pinili Kaya kahit kapalit nito'y pighati Patuloy parin kitang mamahalin Sabihin man ng ibang ako'y tanga Pasensiya na ngunit wala akong magagawa Pagkat ako'y tao lamang At 'di napipigilang magmahal. Kaya hanggang sa huli, ako'y may isang hiling Pagkat alam kong ang tamang panaho'y darating Na tayong dalawa'y pagtatagpuin "Sana sa pagkakataong iyon, sayo'y wala ng pagtingin , pagkat 'di ko kayang madurog aking puso Habang ika'y masaya sa taong iyong gusto."
0
Aug 19, 2020
Aug 19, 2020 at 10:55 PM UTC
Maling Pag-asa

41
Mahiwaga Mahiwagang mga ngiti, Mahiwagang mga mata, Mahiwagang ikaw, Sinta Ika'y bumuo sa akin At ika'y napabago ang ako, Dating kilala sa katarantaduhan Ngayon ako naman ang pumupukaw Sa mga makulos nilang kilos, Ika'y mahiwaga Ngiti **** taglay, Ika'y mahiwaga Mga paghawi mo ng buhok, Hindi ka matanggal sa isipan Kaya napapaisip nalamang, Ngunit alam ko naman ang rason Dahil sinta Ika'y mahiwaga Binigyan mo ng mahika ang aking buhay Sinta wag ka nang lumisan Luluhod pa ako sa harapan mo At sasabihing pwede ka bang ligawan? At sa mga susunod na tanong na Pwede na bang magisang dibdib nalamang? Sa bawat kilos, Sa bawat tawa, Sa bawat paghawi ng buhok mo, At sa bawat pagalaga mo sa ako, Ako'y tuluyang nahulog Hindi lang sa ganda **** taglay Subalit sa ugali **** mala anghel at mala demonyo. Kaunti lamang yan Kung bakit Bakit ako tuluyang nahulog at pipiliin ka Araw araw sa katulad **** Mahiwaga.
0
Feb 21, 2020
Feb 21, 2020 at 6:39 AM UTC
araw araw
Anong galak sa mukha ang masabitan ng gintong medalya at mabigyan ng sertipiko habang ang pangalan ay tinatawag sa sira-sirang mikroponong ibig tumutol sa pagkilala ng mga huwad na gurong karamihan ay alipin nang bulok na sistema ng paaralang pinanahanan ng mahika- ng mga baboy at buwaya! © 2019
0
Apr 17, 2019
Apr 17, 2019 at 11:59 PM UTC
Huwad na Pagkilala
Ipagpatuloy mo ang pag-kapa sa gitara kahit na iyong mga kamay ay itinatali nilang pilit. Ituloy mo ang pag-sulat, pag-awit ng mga liriko ng kanta kahit maraming mapanghusgang mga mata. Wag-kang manahimik-- ang kailangan mo ay umimik. Ipabatid sa kanila na ito ang landas na piniling itahak, at kahit man minsa'y ika'y napapahamak, 'di mo parin isususko iyong pangarap. Kayat tumugtog ka at iparinig sa kanila ang minamahal mo na obra. Pukawin mo ang bawat natutulog na damdamin, gisingin mo ang kanilang mga puso, ipabatid ang mahika ng sariling musika. Tandaan mo malaya kang piliin kung sino ka mismo. Ikaw ang may hawak ng buhay mo, kaya't h'wag sanang hayaan na sila ang mag-dikta ng pangarap. Oras na para ibuka mga pakpak at lumipad. Hindi ka isang talunan, bagkus idolo na dapat hangaan, sapagkat kay raming dahilan upang isuko ang laban, subalit hindi mo tinuloy sa halip ika'y nagpatuloy-- pinili mo na ipanalo kaysa ipatalo.
0
Dec 26, 2020
Dec 26, 2020 at 7:28 AM UTC
"Malaya Ka"
Sa dinami rami ng tulang naisulat ko, ito ang aking paborito, ito ang ayaw kong lagyan ng tuldok; at gusto ko sanang samahan ng ritmo, hindi ko alam kung anong napansin ko sa'yo, o kung ano mang mahika ang ginamit mo para mapaibig ako, oo, inaamin ko, ikaw ang tulang ayaw kong matapos, gusto kong sulitin at ubusin ang pantig, hanggang sa maghikaos; hanggang sa mabuos ang tinta ng ginagamit kong panulat, ikaw ang bituin na aking tititigan hanggang sa lumubog ang buwan, ikaw ang aking nanaising mahawakan- habang natatakot, habang iniisip na ang bukas ay baka sakaling hindi na ikaw ang katabi, na baka bukas ay nasa ibang bisig- o sa iba na nakalapat ang 'yong labi. ayokong matapos ng umaga ng walang pasintabi, ayokong mawala ka sa'kin nang hindi kita nayayakap, at kapag nakagapos na'ko; asahan **** hindi ako bibitaw, aantayin ko ang muling pagsikat ng araw, para mapanatag ang aking isip, na sa aking paggising, ay hindi ka pa nakabitaw.
0
Apr 29, 2021
Apr 29, 2021 at 12:09 PM UTC
Untitled
Sana buhay pa rin ‘yung konsepto ng pagiging superhero nu’ng mga bata pa tayo. ‘Yung mga panahong masaya nating ginagaya si Superman o si Wonder Woman. Kunwari may kapangyarihan tayo at hangad nating makapagligtas ng mga tao. ‘Yung kaya nating buhatin ang mabibigat na bagay o ‘di kaya’y lumipad lagpas sa mga ulap. Sana hindi ‘yun nawala. Sana naniniwala pa rin tayo sa mahika, o sa himala, o sa mga pantasya na bumuo sa’ting pagkabata. Na kahit nadaragdagan ang mga taon sa buhay natin, hindi natin malimutan na tayo’y mga bayani sa’ting mga sarili — Na nakakapagligtas pa rin tayo ng ibang tao sa pagiging mabuti, na kinakaya nating buhatin ang mabibigat na pagsubok at pighati, na kaya nating liparin ang mga pangarap nating mas mataas pa sa mga ulap. Sana kahit kabisado na natin ang totoong mukha ng mundo, may bahagi pa rin ng pagiging bata sa’ting puso — mamangha pa rin tayo sa mga bagay, at kasabikan pa rin natin itong buhay.
0
Mar 10, 2021
Mar 10, 2021 at 1:47 PM UTC
SUPERMAN/WONDER WOMAN
Inaasam na makapiling ka Nababaliw tuwing ika'y nakikita Kasabay ang himig ng kanta Ano ba ang dapat madama Lulong na sa mahika at ganda Sa panaginip tayo magsasama
0
Nov 16, 2019
Nov 16, 2019 at 10:09 AM UTC
Makita
sa isang harding puno ng rosas, sumibol ang tila bagong bulaklak talulot ma'y 'di paris ng bighani ng iba, halimuyak na taglay ay waring mahika ngunit salungat ito sa nais ng hardinero, sapagkat pula lamang ang kanyang tanging ibig may suklam sa mga mata niya itong minasdan, pinitas nang walang pagdadalawang-isip ipinagkait na para bang api, ang pagkakataong mamukadkad nang ganap damong itinuring, kapara ng salot sa tanim kawawang sampaguita, ganda'y 'di napansin
0
Apr 23, 2020
Apr 23, 2020 at 1:24 AM UTC
sampaguita