Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"magtanong" poems
Patawad. Sa mga salitang sinabi ko, mga salitang di sadyang lumabas sa bibig ko mga salitang hindi sigurado ng puso ko sinabi kong magiging malakas ako, sinabi kong ayos na ko, pero hindi ako ganun kalakas di ako ganun ka ayos at nalaman ko, nalaman ko na, hindi pala naghihilom ang sugat ko Pero kung merong ibang nagpapasaya sayo nagpupuno ng pagkukulang ko, Sino ako? Sino ako para humarang sa kasiyahan mo. Hindi ako hahadlang sayo. Alam kong kabaliwan ito, sana pagkatiwalaan mo kung ito ang dapat akoy maglalaho. Kung tama na ang nararamdaman, gawin mo ang yong gusto Dahil hindi ko isisi sayo na ang pinili mo ay hindi ako Mahal masakit pa Pero kung meron ng ibang nagpapasaya pinupunan nag pagkukulang ko ng iba Sino ako ? Sino ako para humadlang sayo diba ? Kung ito man ang aking nadarama, hindi mo na ito problema dahil kung meron ng ibang nagpapasaya Hindi ako papagitna. Kung may pagkakataong may magtanong kung sino ka. sasagutin ko. Dating Kakilala.
0
Apr 7, 2018
Apr 7, 2018 at 3:12 PM UTC
Sino ako
Wala na bang pag-asa? Ang dating magandang pagsasama, Nagsimula sa mga matatamis na ngiti, Onti-onti ng nawala at hindi na nakabawi. Minsan ako'y napapaisip at nagtataka, Nangungulila na ika'y muling makasama, Mga matang puno ng luha, Na dati'y kumikislap sa tuwa. Gusto magtanong bakit ganito? *Bakit kailangan **** lumayo?* Mahirap bang ayusin ang lahat? Ang pagsasama ba natin hindi sapat? Hindi ba't sabi mo, Walang magbabago? Sa mga tulang isinulat mo, Nasaan na tayo? "Ikaw ang laging nandyan sa ano mang kaganapan, Kaya asahan mo, hinding hindi ka iiwan magpakailanman—"
0
Mar 10, 2017
Mar 10, 2017 at 9:12 AM UTC
NASAAN KA NA?
061017 Hindi pa kita kayang harapin Na sa bawat pagkakataong nariyan ka na'y Pilit pa rin akong lilihis ng landas Habang kinakalma ang sarili ng mga salitang: "Wala kang nakita. Ayos ka lang." Sa ilang beses kong pagpapalipas ng oras Sa paglimot sa pagbungad ng kahapon sa ngayon, Ginapi ako ng pasa sa buo kong pagkatao. Namanhid ang puso, Kakaiba ang hiwaga pagkat nabuhay pa rin ako. Nang sa kahit isang saglit man lang Ay nanatili pa rin akong pipi ngunit hindi bingi Na parang nalimot ko na kung paano bang magsalita Ngunit ako'y inugatan na Sa paghihintay sa sagot na sayo lamang hinihingi. Na para bang noon, Ang lahat ay may bayad. Parang lahat ay bawal, Kaya nagnakaw ako ng tingin sayo. Oo, hindi lang isang beses O dalawa, tatlo, apat, lima, Anim, pito, walo, siyam at sampu. Naubos na ang pagbilang ko sa bawat sandali, Na inabot sa iilang taon -- Hindi ka pa rin bumabalik. Doon ko kusang naintindihang: Kalakip ng bawat pagnakaw ng panahon Ay ang bawat bitak sa pusong noo'y wala pang lamat. Napuno ito ng alikabok sa hindi ko pagsisiyasat Kung may buhay at pag-asa pa bang mabuo ang larawan ng tayo. Na sa bawat pagpunit ko ng bawat larawan sa aking isipa'y Paulit-ulit lamang akong nakakatikim ng pagkatalo. At sa huli, ako rin pala ang darampot sa mga ito At isa-isang ipagtatagpi sa kabila ng matinding pagkapagod. Nang ilang beses akong dumistansya sayo Isang dipa, isang kilometro, Ilang munisipyo at ilang mga isla. Bagamat nagtangka pa rin akong Bumusina ng katapatan sa pintong paulit-ulit **** pinagsasarhan. Nang muling mabahiran ng kakaibang ningning Ang aking mga mata Na tila may mahika ang bawat **** ngiti At muling nagkakulay ang puso kong dating kaydilim. Nang mapagtanto ko ngang: hindi kita nakalimutan, Hindi ako nagmahal ng iba, Naghintay ako -- Kahit may iba ka pa. Dumungaw ako sa ngayon At dito ko nasaksihan ang hiwaga ng paghihintay. Na sa pag-aakala kong paulit-ulit ang nasa kalendaryo'y Mauubusan din pala ako ng dahilan -- Dahilan para magtanong kung babalik ka nga ba. Nang mahalin mo na rin ako nang buo Nang kusa **** ibigay ang tiwala at katapatan mo. At sa minsang pagyakap mo'y Gusto ko na munang huminto At magpasalamat pagkat narito na ang sagot -- Pagkat narito ka na at hindi na ito isang panaginip. Na hindi ko maipaliwanag na ikaw ang dahilan Ng bawat butil sa mga mata ko noon. At ang dahilan Ng bawat kirot na mas maingay pa sa mga kuliglig pag gabi At pilit kong pinatatahimik sa aking pagtulog. Parang kailan lang nga -- Pero ayoko nang magkunwari pa Ayoko nang magtago sa madilim na mga ulap Na pilit na kumukubli sa pag-ibig ko sayo. Tama na, pagkat nahulog ako sa sarili kong patibong At ngayon -- Ngayon nga'y mas mahal na kita.
0
Jun 10, 2017
Jun 10, 2017 at 9:23 AM UTC
Parang Kailan Lang

Continue reading...
73
Saan ka makakahanap ng babae isang utos mo gagawin nya isang Pasensya wala akong nakuha Kahit iniwan mo ako wala yan ang babae ang nagmamahal sa isang lalaki ang babae nagmamahal sa isang lalaking gagawin ang lahat ng dapat kahit magalit yung babae gagawin pa rin niya kasi mahal na mahal niya. pero ang babae magtanong sa isang lalaki umaangal na kayo hindi nyo magawa Anong magagawa ng isang babae mahal niya kasi ganyan kami mag mahal ng isang tao hanggang patayan. isang mahal mo gagawin mo ang dapat gawin ganun ang isang pagmamahalan isang tanong ngayon ang sabihin mo sa akin okay na ba di ba Ang sabi mo sa akin hindi ka naniniwala.
0
Jan 21, 2019
Jan 21, 2019 at 11:46 PM UTC
sabihin mo nga sa akin
Sinagot ako ng iling Isang malaki at klarong paggalaw ng ulo pagilid Hindi muna naisip magtanong kung bakit O maisip man lang na inapakan niya ang hiling ng isang anak na mabigyan ng pagtanggap Itong pagtanggap, na sa kanya lang hinihingi
0
Oct 3, 2018
Oct 3, 2018 at 2:43 AM UTC
Sagot ng isang ina
Aaminin kong ika'y hinahangaan ko Taglay **** galing sapagsusulat ay gustong gusto ko Hindi ko maitago ang nararamdaman kong ito Nais kong makita at makabasa ng bagong gawa mo Sa dami ng taga hanga mo ako pari'y napapansin mo Hindi ko labis akalaing ako'y kilala mo Ngunit mahal masakit mabasa ang mga tulang ito Gusto kong magtanong kung sino ang babaeng tinutukoy mo rito Ngunit kaba'y pinangungunahan ako Nagulat ako dahil matagal mo na pala itong gusto Sa tula mo'y syang laman lahat nito Pero mas nagulat ako ng mabasa ang huling salita sa iyong nagawa Pangalan ko'y di inaakalang mabasa Ako pala ang babaeng gusto mo Hindi ko akalain ito Ang taong hinahangaan ko'y hinahangaan rin pala ako
0
Nov 3, 2018
Nov 3, 2018 at 6:39 AM UTC
Paghanga
#061816 #ElNidoToPPC Gusto kong magtanong, *"Ba't ayaw **** bumaba?* Ba't wala Kang ginagawa?" Lumuluha ang Langit, Pero tila ba pinagmamasdan Mo lamang Siya. Nawawalan ng kislap ang mga bituin, Ngunit hindi Mo hinahawi ang mga Ulap Na pasan ang mga sarili't may pighati ang kalooban. Ako'y nagyeyelo sa lamig ng pag-ibig, Hindi maihimbing ang sarili Pagkat salat sa kumot ang sasakyang bumubulusok. Nais kong tapalan Ang pusong nagkulang sa yakap at haplos, Na parang uhaw sa kapeng mainit Siyang pantanggal lamig ng kahapon. Ako'y nanlalamig -- Bagkus puso'y iba ang eksperimento. Hindi ko maipaabot Sayo ang liham na nakatiklop, Pero ang ningas ng Iyong kariktan, Siyang bumubulong sa isipan ng kalinawan. Trono Mo'y napakataas, Pero ni minsa'y hindi Ka nagmataas. Sa paggulong ng sandali, Ang ulan ay kinitil at ako'y saksi sa'Yong Ilaw. Panahon, pana-panahon lamang ang ulan Na siyang susubok sa pusong may laman. At kung minsang nasubok ko ang Iyong Liwanag, Ako'y hindi Mo binigo sa makabagong Silaw.
0
Jun 19, 2016
Jun 19, 2016 at 10:00 PM UTC
Rooted Moon
Hindi ko alam kung bakit pa nagtataka, Kung bakit pa nagtatanong kung may pag-asa pa, Bakit pa nga ba aasa pa? Kung ang pag-asa ay sa simula pa lang ay wala talaga. Ilang taong  nagsikap para makita mo na ang pagmamahal ko ay hindi katulad ng kaniya, Para kapag sinabing “nag-iibigan” ay tayo ang magiging kahulugan at hindi ang halimbawa, Na hindi na mananatiling konsepto ang “magkasama tayong tatanda”, At hindi na mananatiling pangako ang “hindi ka na mag-iisa”. Pero ang tayo’y parang ningas na hindi man lang naglagablab ay namatay na, Parang apoy na hindi pa man nagbaga ay agad inapula, Na hanggang ngayon tinatanong kung bakit nagpipilit umalab para sa iba, Kung kaya namang huwag upusin ang mga sarili sa piling ng isa’t isa. Ako’y nakagapos sa iyong pagmamahal na hindi naman talaga naging akin, Kinukulong sa hawla ng kahibangan na baka sakali mag-iba ang ihip ng hangin, At sa wakas ay ako’y iyong pakakawalan sa kadena ng pag-iilusyon, Baka sakaling ang tayo’y magiging bahagi ng kasaysayan at hindi na piksyon. Pero ang kasaysayan nating hindi pa man nagsisimula ay nais nang isulat ng iba, Isang taong nagsusumikap maging bayani sa bawat yugto, naghihintay na mabigyang halaga, Na sa akin ay nagtatanong, “magiging tayo kaya?” At bago siya masagot, ay kailangan pang magtanong sa’yo, “magiging tayo kaya?” Kasi kung hindi, hindi ko na ipipilit ang sarili ko at tatanggapin ko na, Na sa pagtupad ng pangarap kong pagpapalaya mo sa’kin sa kadena ay iba ang nakatakda, At  sa piling niya, baka sakaling makuha kong maging lubusang masaya, At ako naman, hindi na ikaw, hindi na ang damdamin mo ang nakataya. Kasi kung hindi, hahayaan ko siyang apulahin ang aking apoy na nag-aalab para sa’yo, At gisingin ako sa katotohanang nauupos na ako, nauubos na ako, Na kaya ang tayo ay parang ningas na hindi lumalagablab kasi hindi pala ikaw ang baga, Hindi pala dapat ako umasa.
0
Sep 1, 2017
Sep 1, 2017 at 4:48 PM UTC
Kasi Kung Hindi

28
010121 Magsusulat na naman ako Gaya ng dati -- Nagsusulat na naman ako Para sayo -- Nagbabakasakali. Ilang beses kong nilimot Na ikaw ang aking unang panalangin, Na sa tuwing pinagmamasdan kita'y Nalililimot ko ang 'yong pangalan At wala akong ibang hangad Kundi purihin Siya. Na sa tuwing tayo'y ipinagtatagpo, Ay naroon tayo sa presensya Nya. Tila ba kahit naisin kong lumapit sayo'y Tayo'y pinagigitnaan Nya At wala tayong ibang dahilang pumarito Kundi magpasakop sa Kanya. Parang tayong mga ekstranghero Sa mundo ng isa't isa. Lilihis at lalayo, Yan ang kusa kong pagsinta. Siguro nga, Hindi ako nakapaghintay Pinangunahan kita.. At nakaraang taon di'y Naging masaya ka na rin sa iba. Nagsusulat ako -- Bilang aking pagtugon Sa panalangin ko noong Ikaw lang ang hihintayin, Ang mamahalin. At sabi ko pa nga sa'king sarili'y, "Kung ikaw talaga, Handa akong iwan lahat.." Tila ba kaybigat ng aking panalangin Ngunit kaygaan din kung para naman sa Kanya. Sana malaman **** -- Minsan kang naging paksa sa'king mga tula, Ako'y naghintay nang ilang taon Ngunit siguro nga, Nauna akong sumuko -- Pagkat hindi ka naman tumugon. Hindi ako nakaramdam Ng anumang galit o tampo Nang minsan mo akong iwan sa ere, Matapos **** magtapat ng pag-ibig. Nautal din ako noong mga panahong iyon, At tanging dasal ko'y, "Kung hindi pa natin panaho'y, Tanggalin na lang muna tayo sa isa't isa.." Ni hindi ko alam kung saan nanggaling Ang lalim ng ganoong panalangin, Ang lakas ng loob kong humiling At tinugon naman iyon agad ng Langit. Ngayon lang kita ulit napagmasdan, Nahagip ang puso ko gaya ng dati.. Alam ko, wala ka naman sa lugar Para muling magtanong sa'kin Pagkat iba na ang himig Ng sarili kong damdamin. At kung sakali mang ikaw pa rin sa huli, Hayaan **** ako'y maging tapat na sayo -- Pagkat sa bawat oras Na ika'y sumasagi sa'king isipa'y, Ramdam ko pa rin ang pagsambit mo Nang "Ikaw na," Hanggang sa muli nating pagsinta.
0
Jan 1, 2021
Jan 1, 2021 at 10:31 AM UTC
Landas

68
Nagugunita pa nang winika na ang unang halik para sa lalaking mahal Namumugto ang mga mata Ngayon ay lubos na naunawaan Ang puso'y mainit nang dumampi ang dibdib malambot na katawan sa sedang marikit habang naka-talukbong ang dalagang bukid Sa nais na ipalitaw na talagang umiibig ay nag-udyok para magtanong Halata man sa mga tingin Tikom ang bibig, mabasag man ang salamin Ang kanyang hangad ay mananakop Sa kanya na ang lahat kailangan pa na maghinuhod Hiyas na nakabalot ng ginto Sa labas at loob pang-maharlika ang anyo Higit pa sa kanyang inaakala ang tunay na nadarama Gusto man at kahit na magawa na maihayag Magiging makasarili lamang ang pagmamahal
0
Mar 11, 2019
Mar 11, 2019 at 7:40 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #63
*Ngunit ako'y natataranta At ako'y nagtataka Kung bakit kinailangan Mo pang mawala Hindi na nagpahanap At 'di na bumalik Kaya habang ika'y wala sa 'king piling Ako'y magtitiis 'Di maiwasang isipin At magtanong sa sarili Kung ano ang nagawang mali Ano ba ang nangyari At habang lumilipas ang panahon Alam ko'y hindi na mababalik ang kahapon Ito na lama'y tatanggapin Kaysa maghanap pa ng bagay na hindi na muli Mapapasaakin*
0
Mar 4, 2015
Mar 4, 2015 at 9:25 AM UTC
Naglaho Na Ng Tuluyan
Ayaw ko sabihin sa'yo itong nararamdaman ko Ayoko magtanong kasi takot ako sa iyong sagot na hahantong sa iyak na pabulong Ayoko magalit kasi ang sitwasyong ito ay paulit-ulit Pero ayoko rin na iniisip mo pa siya Nakaka-insecure kaya Ayoko na ikukumpara ang sarili sa kanya kasi tang-ina ang perpekto niya Ayoko sana magbahagi ng tula pero ito ang paraan maipalabas ang nadarama A aminin ko, masakit Y ung tipong dahan-dahan umaagos ang luha O o, iniyakan ko na naman ito K aya ayoko na sanang malaman mo O kay lang, kasi palaging "okay" naman ako.
0
Dec 20, 2020
Dec 20, 2020 at 7:57 AM UTC
AYOKO
Hahawakan pa ba ang iyong mga kamay Kung sabi nila’y di tayo bagay Hahalik pa ba sa iyong mga labi Kung isusukli mo ay ang mapagpanggap **** ngiti Sarili ko’y di na ipipilit Kung iba naman ang iyong ginigiit Pwede bang magtanong? Kase ako’y nagsasawa na din Nagmumukang-tanga, Nagmumukang gago sa harap ng madaming tao Bawat patak ng ulan, bawat agos ng tubig Hanggang kelan kita’y mahahagkan muli Kahit anong gawing kasalanan Ika’y aking pagbibigyan Huwag ka ng umalis Please, huwag ka lang umalis Sapagkat sa puso ko, Kailan ma’y hindi ka maalis
0
May 14, 2017
May 14, 2017 at 4:21 AM UTC
Rx.
Magsusulat na naman ako Gaya ng dati -- Nagsusulat na naman ako Para sayo -- Nagbabakasakali. Ilang beses kong nilimot Na ikaw ang aking unang panalangin, Na sa tuwing pinagmamasdan kita'y Nalililimot ko ang 'yong pangalan At wala akong ibang hangad Kundi purihin Siya. Na sa tuwing tayo'y ipinagtatagpo, Ay naroon tayo sa presensya Nya. Tila ba kahit naisin kong lumapit sayo'y Tayo'y pinagigitnaan Nya At wala tayong ibang dahilang pumarito Kundi magpasakop sa Kanya. Parang tayong mga ekstranghero Sa mundo ng isa't isa. Lilihis at lalayo, Yan ang kusa kong pagsinta. Siguro nga, Hindi ako nakapaghintay Pinangunahan kita.. At nakaraang taon di'y Naging masaya ka na rin sa iba. Nagsusulat ako -- Bilang aking pagtugon Sa panalangin ko noong Ikaw lang ang hihintayin, Ang mamahalin. At sabi ko pa nga sa'king sarili'y, "Kung ikaw talaga, Handa akong iwan lahat.." Tila ba kaybigat ng aking panalangin Ngunit kaygaan din kung para naman sa Kanya. Sana malaman **** -- Minsan kang naging paksa sa'king mga tula, Ako'y naghintay nang ilang taon Ngunit siguro nga, Nauna akong sumuko -- Pagkat hindi ka naman tumugon. Hindi ako nakaramdam Ng anumang galit o tampo Nang minsan mo akong iwan sa ere, Matapos **** magtapat ng pag-ibig. Nautal din ako noong mga panahong iyon, At tanging dasal ko'y, "Kung hindi pa natin panaho'y, Tanggalin na lang muna tayo sa isa't isa.." Ni hindi ko alam kung saan nanggaling Ang lalim ng ganoong panalangin, Ang lakas ng loob kong humiling At tinugon naman iyon agad ng Langit. Ngayon lang kita ulit napagmasdan, Nahagip ang puso ko gaya ng dati.. Alam ko, wala ka naman sa lugar Para muling magtanong sa'kin Pagkat iba na ang himig Ng sarili kong damdamin. At kung sakali mang ikaw pa rin sa huli, Hayaan **** ako'y maging tapat na sayo -- Pagkat sa bawat oras Na ika'y sumasagi sa'king isipa'y, Ramdam ko pa rin ang pagsambit mo Nang "Ikaw na," Hanggang sa muli nating pagsinta.
0
Apr 26, 2021
Apr 26, 2021 at 11:22 PM UTC
Walang Tugon

67
Sa mundo, walang sigurado, Hindi lahat sasang-sayon sa'yo, Dahil di mo hawak ang 'yong kapalaran, Nagpapahiwatig na wala kang katiyakan. Hindi ko naman ipinagpalagay na ako, Dahil di ko naman alam ang iniisip mo, Ngunit nakitang matalinhaga, Sa paningi'y kataka-taka. Hindi naman ako ganyan ka gunggong, Kasalanan bang magtanong? Sa tingin ko, di naman siguro? Hwag sanang isiping ganyan ako ka desperado.
0
Apr 13, 2017
Apr 13, 2017 at 2:46 AM UTC
Katiyakan
blangko. ganito ang isip ko. di ko alam kung san galing. san na ba napunta? nasan ang masayang ako ? nasan yung malakas at masayang ako? kaya ako napatanong. pwede bang magtanong?
0
Jun 7, 2017
Jun 7, 2017 at 5:39 AM UTC
pwede bang magtanong
Sa higpit ng iyong mga pagkapit, nais ko sanang magtanong ng “bakit?” ngunit labi ay di makapagsalita, na tila ba ang dila ay naipit at napilipit. Ayaw ko pa sanang tuluyang mapalapit,   dahil baka sa huli, ito'y magdulot ng sakit; ngunit kung sakaling mga damdamin ay di na mapigilang magkalapit, samahan nati’y ayaw ko sanang magdulot ng pait, at mabigat na pasakit. © LMLB
0
May 1, 2019
May 1, 2019 at 8:41 AM UTC
Higpit ng Pagkapit
Natatakot akong magtanong Kasi nakakatakot akong malaman ang sagot Natatakot akong magtanong Baka kasi hindi naman ako ang sagot Natatakot akong magtanong Baka kasi hindi pa eto ang tamang panahon Natatakot akong magtanong Kahit na ikaw ang sagot Sa lahat ng aking mga tanong
0
Sep 2, 2017
Sep 2, 2017 at 9:00 AM UTC
Isang Tanong, Isang Sagot