Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"magsalita" poems
Hindi na ikaw ang gusto ko Yan ang lagi kong paalala sa sarili ko Sa twing nakatingin ako sa sayo. Ayaw ko na ng mga mata mo. Ayaw ko na ng mga ngiti mo. Ayaw ko na ng lahat sayo. Pinili kong maging pusong bato At hindi pansisinin ang nararamdaman ko. Parang normal lang Gaya nung wala pang ikaw. Kaya ko nung wala pang ikaw Nagkandaletche letche lang nman ako nung may ikaw Kasi nung may ikaw Para akong baliw na laging nakangiti Nakatingin sa langit Iniisip ka palagi At Ayaw ko na non. Kaya araw araw akong magiging bato Sasanayin ang sarili magmukha lang na malakas ako. Kahit nakatingin ako sayo ngayon. Ngayon. Ngayon parang kinakain ko ang lahat ng pinagsasabi ko Bakit ikaw parin ang gusto ko Sa pagising sa umaga excited pa akong pumasok kasi ikaw ang makikita ko kuntento sa sandali HINDI kuntento sa isang oras na pasulyap sulyap sayo “pasulyap sulyap” Ibig sabihin Segundo Pero sa bawat segundo ng isang oras na gunugugol ko Ang gusto ay ang tumitig lang sayo   Sa mga mata mo, sa ngiti mo Kahit sa lahat ng kaabnormalan ng katawan at isip mo Tanggap ko. Kasi ikaw parin ang gusto ko Ikaw ang gusto ko Sabi pa nila tumingin na raw ako sa iba Kaya sinunod ko sila Pero sa twing ikaw ay makikita Parang madilim na kwarto na ikaw lang Ang tanging ilaw na bukas Sa sandaling yun Walang ibang gamit Kundi isang ilaw na naiiba sa lahat. susubok akong magsalita pero lalayo kana tinatawag ka ng kaibigan mo kasi ang isang oras ay tapos na. “SANDALI” sabi ng prof. muling napinta ang ngiti sa labi dahil sa huling sandali sumulyap muli sayo.    Patapos na ang sandali At tinawag kana muli ng mga kaibigan mo. habang hinihiling ko, Na sana ay muling magsalita ang prof ng kung ano, Pero sa oras na yon unang lumabas ng silid ang propesor. dahil tapos na ang sandali Tapos na. Ang isang oras.
0
Oct 14, 2016
Oct 14, 2016 at 9:59 PM UTC
Isang Oras

Continue reading...
65
Simula sa unang pagupo ng puwet ko sa tagayan Nakita ko sa mga mata mo ang saya ng isang misteryosong lalaki Mga mata **** nakatitig sakin Habang sinasabi mo sakin na “baka may magalit na iba?” Ang sabi ko’y “wala” Tinuloy mo ang usapan sa salitang “okay ka lang ba?” Ang sabi ko’y “oo, basta kasama kita.” Natataranta ako tuwing ika’y mananahimik pagkatapos **** magsalita Nangangamba ako na baka may nasabi akong kakaiba na hindi ko natantsa Nagpaliwanag kang “hindi ganto lang talaga ko” Naisip ko na baka kasi lasing ka na Ang sabi mo nama’y “hindi, kaya ko pa.” Ako din.. Kaya ko pa. Kaya ko pa…. Alam mo ang hindi ko kaya? Yang mga mata **** nakatitig sa mga mata ko Na parang ayaw mo kong mawala sa tabi mo Yung mga kamay mo na naglalaro sa balikat ko Yung mga haplos mo na tila sinasabing “ikaw ang gusto ko” Hanggang sa ikinagulat ko na nagmula mismo sa bibig  mo “Gusto kita.” Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko Napatingin nalang ako sa malayo habang sinasabi sa isip kong “Tangina! Tangina! Tangina!” Napamura nalang ako kasi ngayon ko nalang ulit naramdaman 'to Natutuwa ako pero natatakot ako na baka kasi ngayon lang 'to Na baka lasing ka lang kaya yan ang nasasabi mo Natatakot akong masaktan muli kaya kasunod non ay pagpigil nalang sa hininga ko at sinabi ko sayong “okay ka lang ba?” Ang sabi mo’y “oo, kaya ko pa.” Ayoko nang ituloy ang kuwento ko tungkol sayo Wala din nga akong balak sanang sabihin to sa mga kaibigan ko Kaya nga eto, sinusulat ko nalang ang mga pangyayari gamit ang mga piling letra para lang sayo Sa dulo ng kuwentong ito, ipapahayag ko na iniwan mo nalang ako Hindi sa paraang ikakasama mo.. Kundi sa paraang ikinalulungkot ko kasi hindi na nasundan ang pagkikita nating dal'wa Ayoko  ng umasa.. Pagod na kong umasa.. Napagod nalang akong umasa.. Nasaktan na ko noon kaya inaalalayan ko lang ang sarili ko Ayokong magpadalos dalos kasi alam kong nasasaktan padin ang nobya mo noon sa paghihiwalay niyo At ako eto ngayon.. Sa sarili kong bersyon, ako yung nobya, na tila parehas ang nararamdaman namin ng nobya mo Parehas kaming nanghihingi ng atensyon sa mga mahal namin Ayokong agawin ka sakanya, kasi sabi mo nga sakin mahal ka pa niya Hindi kita kukunin sakanya Dahil alam ko ang pakiramdam ng kinukuha nalang basta-basta Para matapos lang tong salaysay ko Magiiwan ako ng mga salita na para sayo Mga salitang sana maintindihan mo at wag **** tignan bilang mababaw Gusto ko lang malaman mo 'to Dahil pagod na kong itago lahat ng to dito sa puso ko “Siguro masyadong mabilis ang mga pangyayari Dumating ka nalang bigla na tila binagyo mo ang isip ko Mga salitang binitawan mo na hindi maalis sa isipan ko Para kong tanga na mabilis masawi Nakakahiya.. Pero totoo to “Gusto rin kita” Hindi dahil sa alak o lakas lang ng loob Hindi dahil malungkot ka at gusto kitang pasayahin Yung mga titig mo Yung mga titig mo Yung mga mata **** nakatitig sa mata ko Yung mga haplos **** namimiss ko Yung mga salitang lumabas sa bibig mo Yung ikaw Yung ako Pero… Yung akala kong may “tayo” Bigla ka nalang naglaho.. Bakit? Anong problema? Kulang pa ba yung alak na laman ng tiyan mo para sabihin mo saking…… “ikaw talaga ang gusto ko.””
0
Oct 14, 2015
Oct 14, 2015 at 12:26 AM UTC
ALAK

72
Walang eksaktong kahulugan ang buhay, ang buhay ay buhay ganun lang kasimple yun, walang itong drama at lalong hindi kumplikado. Masdan ang galaw ng kalikasan. Sumisikat ang araw sa umaga at lumulubog ito pag hapon na. Ang buwan ganun din sumisinag ito sa pagsapit ng gabi at nagkukubli pagdating ng bukang-liwayway. Ganito rin ang mga bituin, lahat sila kumikilos nang ayon sa kanilang galaw at katalagahan. Kumbaga sa musika rock sila pero simple lang. Kalmante lang ang dagat pero minsan maligalig din s’ya kung kinakailangan. At ang hangin walang humpay sa kanyang pag-ihip. Walang kahulugan ang buhay sapagkat tayo ang gumagawa ng kahulugan ng sarili nating buhay; tayo ang lumilikha ng sarili nating kasaysayan. Tayo ang pumipili ng sarili nating kahulugan. Doktor ka ba? Manggamot ka nang buong husay, sagipin mo ang maraming buhay. Sundalo ka ba? Makipaglaban ka nang buong giting, ialay mo ang buhay mo para sa bayan. Nagsusulat ka ba? Magsulat ka nang buong puso nang magliwanag ang isipan na malabo. Kung ano man ang napili **** gawin, gawin mo ito nang buong galing. Kung umiibig ka naman, umibig ka nang buong tapat at iaalay mo sa iyong sinta ang lahat. Maging mabuti ka sa kanya, mahalin mo s’ya nang higit sa lahat.   Walang kahulugan ang buhay, ‘wag mo itong hanapin sa relihiyon dahil wala ito roon. Panay kaulolan lang ang matutuhan mo sa mga nagbabanal-banalan at nag-aaring ganap, na kung umasta at magsalita akala mo ay kahuntahan nila ang Diyos. Wala rin ito sa pamahalaan at mga lingkod bayan kuno, lalong wala ito sa dami ng yaman. Walang kahulugan ang buhay tulad sa isang tapayan na walang laman kailangan mo itong sidlan. Hindi bukas kundi ngayon ang panahon ng pagsalok ng kaalaman at karanasan kaya ‘wag mo itong sayangin. Walang kahulugan ang buhay ‘pagkat ang buhay ay isang kawalan na kailangan **** punuan. Tulad ito sa blankong papel na kailangan **** sulatan. Isang hiwaga na kailangan ikaw ang tumuklas. Walang kahulugan ang buhay basahin mo man ang lahat ng aklat at kahit pakinggan mo pa ang lahat ng talumpati sa mundo hindi mo ito makikita. Walang kahulugan ang buhay ‘wag **** pagurin ang sarili mo sa paghahanap nito. Ang kahulugan ng buhay ay nand’yan sa loob ng puso mo. Kung saan ka maligaya naroon din ito. Aanhin mo ang maraming diploma at pagkilala kung hindi ka naman masaya? Ano’ng saysay ng mga palakpak kung huhupa rin pala ang mga ito? Hindi mo makikita ang kahulugan ng buhay sapagkat kailangan na ikaw mismo ang gumawa nito.
0
Nov 28, 2017
Nov 28, 2017 at 12:58 AM UTC
WALANG KAHULUGAN ANG BUHAY

5
Sa madilim na sulok ay inaalala ang mga sandaling noon pa'y sa eskwela at nahuhumaling sa kamag-aral na dalaga Lipos ng rosas ang kapaligiran Kapag siya'y nakikita sa paaralan Sa isang sulyap niya'y ako'y parang sa ibang kalawakan Hinati na ng imahinasyon ang daigdig ko na may limitasyon Itinago muna ang katotohanan Para sa kanya'y handang ipagpalit maging ang kinabukasan Sa alon ay nagpapaanod Sa hangin ay naninikluhod Ibinulong ang tanging hangarin na sana sa isang araw kami'y magkapiling Anong saya sa tuwing pasukan Singko kong baon ay iniipon Upang sa pagdating ng tamang panahon Makabili ng bagong damit nang siya'y ligawan Bakit ko pa ikinakahiya ang maging isang dukha Hindi na nga makakain Nagsusumikap pa rin kahit hinahamak pa ng iba Marupok ang aking katatagan Ang dibdib ko'y may malumanay na damdamin Ni ayaw magsalita at ayaw pumansin Duwag kapag ako'y salingin Nanginginig ang himig Sa gabi'y pinapangarap si Dessa na nagluningning Siya'y prinsesa na nakahilig Sa luklukan Haring handang pagsisilbihan Walang mali sa kanyang kagustuhan Kapag lumalayo na ang araw na tila pumapa-kanluran Alaala'y ibinabalik - mahapdi na katotohanan Sana'y noong nagkakatitigan Lumapit kapagdaka'y nagpakilala Kung sakaling ngumiti Hindi na siya pakakawalan Sana'y sa simula pa lang niligawan na ang Paraluman Kahit tumanggi sa pagmamahal Mas mabuti na ang umibig kahit nabigo Kaysa hindi nakaranas ng pagsuyo Mahirap man - tumanda nang nagagalak kahit sa isipan Ngunit ang salamisim kay Dessa ay ayaw ako tigilan Lumiligalig sa gitna ng aking kahimbingan Kung mangyari'y maninirahan sa Panganorin ng nakaraan
0
Jul 27, 2019
Jul 27, 2019 at 5:22 AM UTC
Panganorin ng Nakaraan

50
Isa, dalawa, tatlong yapak sa putik. Isa, dalawa, tatlong lubog sa tubig. Isa, dalawa, tatlong pugpog ng alikabok sa aking mga paa. Hindi ako marunong magsalita ng Tagalog. "Roel! Bilisan mo naman maglakad, patay tayo kay Ginang Cruz." Sambit ni rey. "Oo sandali lang natumba ako sa putikan." "Ang lampa mo kasi." Nagtawanan kaming lahat pagkwa'y tumakbo nang ubod bilis. Mga kamag-aral ko sila. Palagi kaming magkakasabay sa paglakad sa umaga patungo sa eskwela. Natutuwa ako sapagkat masaya silang nag-aasaran kahit hindi ko naman maintindihan ang sinasabi nila. Nahihiya ako kaya nag-eensayo ako sa bahay o habang kami ay naglalakad, pabulong-bulong, ginagaya ang pagbikas ng bibig; ang pagsara, ang pagbukas. Mga kamag-aral ko sila. Isang buong grupo kami na wari ba'y batalyon ng mga sundalo na handang sumabak sa giyera; may putik ang laylayan ng pantalon at basa ang mga paa. Uy malapit na kami sa eskwela, ilang hakbang na lang; tumakbo sila, gayundin ako, mabilis. Nagpatuloy sila ngunit ako'y biglang huminto. "Oo nga pala, hanggang dito na lamang ako", mahinang sambit sa sarili. Natigilan ako, lumiwanag ang mukha at sumilay ang tuwa. Tumakbo ako papalayo sa eskwela't papalapit sa palayan kung saan tutulong ako sa anihan. "Marunong na ako magsalita ng Tagalog!" Sigaw ko sabay yakap sa mga aanihing palay. Salamat sa mga kasabay kong maglakad tuwing umaga, salamat sa mga kamag-aral ko sa kalsada.
0
Sep 21, 2017
Sep 21, 2017 at 10:02 AM UTC
Estudyante
"Umuukit ka ng sugat sa bawat pagkimkim", sabi nila. Kung ganon kabigat piliin ang pananahimik, Bakit tila kasalanan pa ang magsalita? Kung tunay na nagtagumpay ang ating mga bayani, Bakit hanggang ngayon binabayaran pa rin natin ang ating paglaya? Uukit ka ng sugat sa bawat pagkimkim, ngunit papatayin ka ng hindi mo pagkilos.
0
Apr 20, 2019
Apr 20, 2019 at 3:43 AM UTC
#002
“I am not a teacher, but an awakener.” ― Robert Frost May mga walang alam na nagpapanggap na may alam. Mga nagmamarunong na akala mo ay mga pantas pero ang totoo ay masahol pa sa tunay na mga mangmang. May mga nagsusulat pero hindi marunong magmulat, kahit bulatlatin mo ang kanilang mga aklat na hindi magluluwat wala kang mapupulot, wala itong alamat kundi puro lamat. Ganito sila ‘pag iyong sinalat walang k’wentang bumanat. Ang mga panaginip ng isang paslit ay laging naghahanap ng katuparan tulad ito sa isang malawak na paliparan na ang mga tapakan ay tila walang hangganan. Ang banggaan ng mga saranggola guryon man o boka-boka ay sumasagisag sa sigla ng kamusmusan. Walang bobo, walang tanga at walang mahina ang totoo para-paraan lang para matuto ‘yan ang hindi alam ng mga ungas na nagtuturo. Natatandaan ko madalas na pinapatayo ako sa harap ng pisara kasi maingay daw ako at malikot. Madalas din akong mapalo kasi mahina ang ulo ko pagdating sa Matematika. Bakit ano’ng kadakilaan ba ang meron sa pananahimik at kelan pa naging pang-aliw sa puso at kaluluwa ang mga numero? Walang lumiligaya sa pagmememorya at hindi nakaka-ulol ang pagiging malikot at maligaya. **** ka ba talaga? Parang hindi naman, mas mukha kang tinderang tuliro na abala lagi sa pagbebenta ng yema, kendi at kung ano-anong sitsiriya. **** pangalawang magulang? Kaya pala mas mabagsik kapa sa tatay kong maton at mas masungit kapa sa nanay ko. Nagtuturo ka ba’ng talaga? Hindi naman, mas mahaba pa nga ang oras mo sa pakikipaghuntahan. Ang **** ay hindi lamang dapat na nagtuturo s’ya ay tagapagmulat din. Isang John Keating (teacher sa pelikulang Dead Poet Society) ang kailangan ng mga bata sa mundo. Nagmumulat hindi nagmamalupit, hindi kailangan na manghagupit at walang dapat na ipilit. Ang eskwelahan ay hindi pugad ng mga pipit. Matalino, magaling at matalas mag-isip ayos lang yan. Subalit punong-puno na ang mundo ng mga matatalinong walang pakinabang. Ang umibig at maging tunay na kapakipakinabang sa mundo at sa kapwa tao, ito ang dakilang aral na dapat na ipangaral. Walang silbi ang mga pagpapagal sa loob ng paaralan kung ang natutuhan mo lang ay kung paano kumita ng limpak-limpak na salapi. Kung ang alam mo lang sabihin ay Yes Sir at Yes Ma’am walang silbi ang iyong pinag-aralan. Nakakalat na sa lupa ang mga pipi na hindi marunong magsalita at magpahayag nang kanilang tunay na saloobin. **** na nagtuturo maliban sa hintuturo at nguso sana gamitin mo rin ang iyong puso.
0
Nov 15, 2017
Nov 15, 2017 at 10:19 PM UTC
****

8
Huwag **** kalimutang huminga, Bago magsalita, Bago tumula, Pagkagising mo sa umaga, Huminga ka. Huwag **** kalimutang may dugo sa'yong mga baga Na patuloy pa rin dumadaloy katabi ng puso **** pagod na Huminga ka, Sa bawat halakhak, Sa bawat pag-iyak, Sa bawat paghabol mo ng hininga kapag napapagod. Ito ang sagradong paraan para sabihin Niya sa'yo na kaya mo pa. Huwag **** kalimutang pumikit minsan, Intindihin mo sana na 'di lahat ng bagay ay kailangan **** makita, Na may kapayapaan at katahimikan din sa dilim, Ipa-hinga mo muna ang iyong mga namumugtong mata, Ipa-hinga mo muna ang paghanap sa kanya kung umalis na siya Magpahinga ka muna kasi Kaya mo pang pumikit, Kaya mo pang huminga Huwag **** kalimutang makinig, Sa hampas ng alon sa mga bato, Sa pagtama ng patak ng ulan sa lupa, Sa mga huni ng ibon, Sa mga kuliglig sa katahimikan ng gabing madilim, Sa tunog ng paborito niyong kanta, Sa mga kwento niya, Sa tibok ng puso mo, Sa boses niyang nasa isip mo pa rin na para bang kanina lang kayo nag-usap Pakinggan mo silang mabuti, Kasi Kaya mo pang makinig Kaya mo pang pumikit, Kaya mo pang huminga Huwag mo sanang kalimutan kung paano umibig Kasi nandito pa ako, nakikinig at umiibig pa din sa'yo Kahit nakita na kitang pira-piraso sa pagkabasag mo. Gusto kong guhitan ang buong katawan mo ng mga gusali't siyudad na lumiliwanag sa gabi na para bang dinala ang mga tala sa lupa at sana makita mo na isa kang dahilan kung bakit may liwanag tuwing hindi sinisinagan ng araw ang mundo. Huwag **** kalimutan ang ibig sabihin ng pag-ibig sa'yo At sa huling pagkakataon, Huwag mo sana akong kalimutan, Huwag **** kalimutan na may naniniwala sa'yo Na patuloy pa rin kitang papakinggan at kokolektahin ang bawat luha mo sa garapon. Kung kakayanin ko man, iguguhit ko ang bawat parte ng katawan mo sa bawat blankong papel at kung ipagtatagpi-tagpi, sana makita mo na isa kang pinaghirapan na obra. Sana alalahanin mo na May baga ka para huminga May mga mata ka para pumikit at dumilat at makita na 'di ka nag-iisa May mga tenga kang handang makinig May mga paa ka para tumayo at maglakad At may puso kang basag ngayon Pero kaya pa ring umibig at maniwala na kaya mo pa. Kaya mo pa.
0
May 15, 2016
May 15, 2016 at 12:13 AM UTC
Paalaala

59
Kay tagal kong hinintay itong araw na 'to, Marahil matagal tayong di nagkatagpo, Siguro ito na yung tamang pahahon para sabihin ito, Gulong-gulo ako hindi ko na alam ang gagawin ko. Maingay na lansangan, Mga taong nagsisigawan, Sobrang gulo ng kapaligiran, Pero ako patuloy na blangko ang isipan. Mahal, hintayin mo ko, sandali na lang to, huwag ka munang umalis, sana man lang kahit ngayon ako'y iyong matiis. Mga tatlong kanto pa ang layo ko sayo, Maaari mo ba kong mahintay pa, mahal ko? Paumanhin kung napatagal ang pagdating ko, Hindi ka na tuloy nahintay ng mga kaibigan mo. Pero eto na ilang hakbang na lang malapit na ako, Isa... dalawa... dalawa... Pero teka... Bakit parang hindi ka masaya? Bakit parang nadismaya ka pa? Sa puntong yun hindi ko talaga alam. gutom. pagod. uhaw. Kaya't sabi ko sa sarili ko gusto ko nang bumitaw, Pero mahal... ayoko pang umayaw, Baligtarin man ang mundo ang hahanapin ko'y ikaw parin at ikaw. At habang papalapit na ako, Mas naaninag ko na ang mukha mo, Tama nga ako, Hindi ka nga masaya sa pagdating ko. Pero nung niyakap mo ko at humingi ka ng tawad... Hindi ko alam kung anong unang babagsak, Ako ba o yung mga luha sa mata ko na nag-uunahang pumatak. Sa bawat sandaling iyon di ko talaga alam ang sasabihin ko, Hindi ko na alam ang gagawin ko, Kaya ayun... hinayaan ko na lang tumulo ang mga luha ko, Hinayaan kong ang mga mata ko ang magsalita para sa nararamdaman ko. Pero sabi ko sa sarili ko, " Gusto ko pa... Kaya ko pa naman." Kaya nung niyayakap mo ko, Alam mo kung ano naramdaman ko? Alam mo kung ano tumatakbo sa isipan ko? Hindi ko kakayanin kung ibang tao na ang yayakapin mo ng ganito. At sa pagkakayakap mo, Mas naramdaman ko na mas gusto ko pang kumapit sayo, Naramdaman ko na hindi ko kayang mawala ang taong to, Kaya napatigil at napaisip ako, Bakit nga ba ako kumapit sayo? Kasi... Mahal kita. Mahal Kita. sa kung paano mo ikwento ang mga bagay na gusto mo, sa kung paano mo tingnan ang mga mata ko, sa kung paano mo napapasaya ang araw ko, sa kung paano mo hawakan ang mga kamay ko sa harap ng maraming tao. Mahal kita. At sa tuwing kausap kita, Ngiti sa mukha ay hindi maipinta, Marahil ang boses mo ay parang musika, Kaya't puso'y laging naaalala ka. Lilipas ang mga araw at buwan, Tayo ay magkakatampuhan, Mga tao'y magsisilisan, Pero ako, dito lang ako di kita iiwan At sa mga oras na ito alam kong hindi pa huli, Mahal, may itatanong ako at sana ay pag isipan **** mabuti, Pag isipan **** mabuti dahil alam kong hindi ito madali, Mahal, pwede bang ikaw na ang aking una't huli? 12/27/18
0
Jul 19, 2019
Jul 19, 2019 at 6:34 AM UTC
Una't Huli

70
061017 Hindi pa kita kayang harapin Na sa bawat pagkakataong nariyan ka na'y Pilit pa rin akong lilihis ng landas Habang kinakalma ang sarili ng mga salitang: "Wala kang nakita. Ayos ka lang." Sa ilang beses kong pagpapalipas ng oras Sa paglimot sa pagbungad ng kahapon sa ngayon, Ginapi ako ng pasa sa buo kong pagkatao. Namanhid ang puso, Kakaiba ang hiwaga pagkat nabuhay pa rin ako. Nang sa kahit isang saglit man lang Ay nanatili pa rin akong pipi ngunit hindi bingi Na parang nalimot ko na kung paano bang magsalita Ngunit ako'y inugatan na Sa paghihintay sa sagot na sayo lamang hinihingi. Na para bang noon, Ang lahat ay may bayad. Parang lahat ay bawal, Kaya nagnakaw ako ng tingin sayo. Oo, hindi lang isang beses O dalawa, tatlo, apat, lima, Anim, pito, walo, siyam at sampu. Naubos na ang pagbilang ko sa bawat sandali, Na inabot sa iilang taon -- Hindi ka pa rin bumabalik. Doon ko kusang naintindihang: Kalakip ng bawat pagnakaw ng panahon Ay ang bawat bitak sa pusong noo'y wala pang lamat. Napuno ito ng alikabok sa hindi ko pagsisiyasat Kung may buhay at pag-asa pa bang mabuo ang larawan ng tayo. Na sa bawat pagpunit ko ng bawat larawan sa aking isipa'y Paulit-ulit lamang akong nakakatikim ng pagkatalo. At sa huli, ako rin pala ang darampot sa mga ito At isa-isang ipagtatagpi sa kabila ng matinding pagkapagod. Nang ilang beses akong dumistansya sayo Isang dipa, isang kilometro, Ilang munisipyo at ilang mga isla. Bagamat nagtangka pa rin akong Bumusina ng katapatan sa pintong paulit-ulit **** pinagsasarhan. Nang muling mabahiran ng kakaibang ningning Ang aking mga mata Na tila may mahika ang bawat **** ngiti At muling nagkakulay ang puso kong dating kaydilim. Nang mapagtanto ko ngang: hindi kita nakalimutan, Hindi ako nagmahal ng iba, Naghintay ako -- Kahit may iba ka pa. Dumungaw ako sa ngayon At dito ko nasaksihan ang hiwaga ng paghihintay. Na sa pag-aakala kong paulit-ulit ang nasa kalendaryo'y Mauubusan din pala ako ng dahilan -- Dahilan para magtanong kung babalik ka nga ba. Nang mahalin mo na rin ako nang buo Nang kusa **** ibigay ang tiwala at katapatan mo. At sa minsang pagyakap mo'y Gusto ko na munang huminto At magpasalamat pagkat narito na ang sagot -- Pagkat narito ka na at hindi na ito isang panaginip. Na hindi ko maipaliwanag na ikaw ang dahilan Ng bawat butil sa mga mata ko noon. At ang dahilan Ng bawat kirot na mas maingay pa sa mga kuliglig pag gabi At pilit kong pinatatahimik sa aking pagtulog. Parang kailan lang nga -- Pero ayoko nang magkunwari pa Ayoko nang magtago sa madilim na mga ulap Na pilit na kumukubli sa pag-ibig ko sayo. Tama na, pagkat nahulog ako sa sarili kong patibong At ngayon -- Ngayon nga'y mas mahal na kita.
0
Jun 10, 2017
Jun 10, 2017 at 9:23 AM UTC
Parang Kailan Lang

73
Meron akong labing-isang daliri Ilang beses kong binilang noong bata pa ako, sinigurado kung labing-isa nga ba talaga at nagtataka, nagtatanong kung bakit may sobra pang isa. Meron akong labing-isang daliri May kanya-kanya silang mga kwento. Labing-isa, Hindi ko alam kung biyaya ba 'to o sumpa Hindi ko alam kung bakit ako naiiba Hindi ko alam kung paano ko ba 'to itatago sa mga tao Sabi nila, suwerte daw 'to, magiging mapalad daw ang buhay pag-ibig ko, yayaman daw ako. Sabi nila, okay lang daw maging iba Sampu, Nakilala ko ang pagaalinlangan at inggit, Umupo sila sa magkabilang balikat ko, Hindi na sila umalis simula noon, Hindi ko sila pinaalis. Halos buong buhay ko, nanatili ako sa katahimikan, Hindi ako magsasalita hangga't walang kakausap sa akin, Hindi ko itataas ang kamay ko sa klase kahit alam ko ang sagot. Maghihintay ako na tawagin ang pangalan ko, na may pumansin sa akin, Maghihintay na may pupuno ng katahimikan ko. Kung sisiyasatin mo ang utak ko, Mabibingi ka sa dami ng boses na hindi ko napalaya. Nakakulong, sa kani-kanilang mga selda, Kanilang susi ay nawala na, Umaasa na sila'y mahanap at magamit para masabi ang mga dapat nasabi Siyam, Tsaka ko lang nalaman ang halaga ng mga salita, Kung gaano sila katalim, Kung gaano sila katamis, Kung gaano sila kapait. Kung gaano sila nakakapagpabago ng isang tao. Walo, Wala pa ring tumatawag ng pangalan ko. Wala pang pumupuno ng katahimikan. Pito, Hindi ko na alam kung may tatawag pa ba, Kung may makakapuno pa ba, kung ilang salita pa ang makukulong hangga't sa buong katawan ko'y maging selda ng sigaw, pait, inggit, pagmamahal, rason, at galit. Anim, Sinubukan kong unang mag salita, Magkwento tungkol sa buhay ko, sa nararamdaman ko. Pero parang walang nakarinig. Hindi ko alam kung mahina ba boses ko o hindi lang nila ako napansin, o kung pinili ba nilang hindi ako pansinin o kaya wala lang talaga silang **** Simula noon, nakinig na lang ako. Kaya ikaw, oo ikaw na may storya Ikwento mo yung mga naaalala **** nangyari sa'yo noong bata ka pa Yung mga bangungot mo, yung pinakanakakahiyang, pinakamasaya at pinakamalungkot na mga sandali ng buhay mo, yung una **** naramdaman ang kiliti sa puso mo noong naintindihan mo kung ano ang pag-ibig, Ituring mo akong talaarawan mo, Pakawalan mo yung mga salitang tinago mo nang nagalit ka. Iiyak mo sa akin lahat ng luha na hindi mo nailuha nang iniwan ka. Itatago ko 'to sa pagsara mo, at papakinggan kita muli sa pagbukas. Papakinggan kita. Papakinggan kita. Sana pakinggan mo din ako Lima, Nananahimik at nakikinig pa din ako. Apat, Mananahimik na lang ako. Tatlo, Sa katahimikan ko, Nakalimutan ko na kung paano magkwento, Nakalimutan ko na kung paano umiyak Nakalimutan ko na din yata kung paano magsalita. Dalawa, ... Isa, Natuto ako sumulat ng tula, Nakahanap ng makukwentuhan, Naramdaman ang saya nang makatapos ng isang piyesang may parte ng mga salitang nakulong at nakalaya muli. Nagkaroon ako ng matatakbuhan sa katahimikan. Nagbabakasakali na maalala ko ulit kung paano umiyak, kung paano magkwento muli, na may makikinig na sana sa akin. Nagbabakasakaling maalala ko ulit kung paano magsalita. Meron akong labing-isang daliri, Hindi ko pa rin alam kung biyaya pa rin ba 'to o sumpa.
0
May 29, 2016
May 29, 2016 at 2:42 AM UTC
Labing-Isa

84
Kapag Namulat ka sa katotohanan Kasalanan na ang Pumikit Babalik sa pinanggalingan Kalmado at hindi iimik Ititikom ang bibig at lulunukin ang mga salita Papalipasin ang kanina Ipipikit ang mga mata Dahil sa bagong umaga Magpapanggap na walang nag-iba Kaya Magbubulag-bulagan Sa pangyayari nakita Ngunit kinakalabit ng konsensya Kinakabahan sa nakita Binubulong na magsalita na At Kailangan may gawin na, Kailangan may aksyon na Hindi dahil sa natatakot Kundi dahil sa nakasanayang pagbalewala Hindi pagpansin sa biglang nakita Huhulaan magiging epekto Kapag ibinungad at inilantad sa mga tao Kaya mananatili nalang sarado Nakabaon Hindi iimik at itatago ang mga salita Kahit nagpupumilit iluwa
0
Aug 16, 2018
Aug 16, 2018 at 6:15 AM UTC
Nabulag sa Katotohanan
Akoy naglalakad sa pulang tela, May naka palibot na bulakalak, Sa gilid ay may kandila, May mga upuan  na kulay pula, May mga batanng naglalakad na sa akiy nangunguna, Isang batang lalaki ang aking nakita, May dalang singsing ang aking hinala, Akoy maraming kasama at silay nakaayos na, May lalaking nakabarong na tila may hinihintay pa. Teka ako ata'y nahuli na sa byahe nila "bakit ako nalang magisa?", Akoy namangha silay nakatitig na, Mga mata'y   nanghihila , Kayat paa ko'y humakbang na. Tila nakaramdam ako na di makahinga, Ako'y nakaputi at may mahabang tela, May hawak na bulaklak, May nakatabon sa mukha. Ayan na ako'y malapit na sa altar na aking pinipilit makuha, Natigil ang mundo ko ng may magsalita "You may now kiss the bride" daw ang aking hinala. Akoy nagulat pagkat ako'y may kaharap, Papalapit ang mga labi na sa aki'y nangungusap, Ngunit may biglang tumawag "Cleo, ika'y gumising na't mag almusal, Buti nalang at ako'y nagising at natigil ang KASAL.
0
Sep 30, 2015
Sep 30, 2015 at 11:09 PM UTC
PANAGINIP
hindi ko alam saan magsisimula. sa pagsulat ng ”tama na”, sa paglakad sa kalsada, o sa pagtipon ng mga tulad kong galit sa kanila. saan ba ako magsisimula? tama na. parang awa niyo na. hindi ito tama, kaya tama na. sa gitna ng mas malaking problema, ito pa ang inyong inuna: ang pagprotekta sa inyong mga buhay na sadyang kay saya. paano kami? paano sila? paano na ang mga taong lunod sa problema, lunod sa sakuna? hindi pa ba sapat ang paglunod niyo sa mga taong nagtangkang magsalita noon pa? kung ako’y mawawala dahil sa aking pagsalita, sa aking paniniwala, mga minamahal ko, di bale nang ako ang mawala kesa ang karapatan na dapat nasa atin pa.
0
Jun 3, 2020
Jun 3, 2020 at 8:53 AM UTC
hustisya
Nang ika'y naging aking kaibigan, Di ko alam kung ano ang kahahantungan, Di naisip ang mga maaaring mangyari, Basta pagkausap kita, alo'y napapangiti. Akala ko, puso ko'y manhid na, Wala nang maramdaman ni isa, Ikae mismo ang nagsabi sa'kin nyan, Di madaling kalimutan ang nakaraan. Heto na't aaminin ko na, Sa'yo ako'y totoong nahalina, Huwag mo sanang masamaing, Sa lahat ng tao, sa'yo ako nahumaling, Sa iyong mga katangian ako'y humanga, Simple **** pagkatao, talagang nakakamangha, Minsan sayo ako'y natutulala, Di na alam paano magsalita. Sa kasalukuyan, ika'y tunay kong hinahangaan, Pagkat ako sayo'y nahulog nang tuluyan, Wag ka sanang lumayo, Buhat ng mga panunukso. Ako parin naman ito, Humahanga lamang sa'yo, Di ko alam anong sasabihin ko, Basta alam kong ikaw ang gusto ko. Kung di ka naniniwala, Abay mas mabuti nga, Isawalangbahala, Itong aking munting paghanga. Ikaw, higit sa lahat, Nagpatibok nitong puso ko, pagkat, Ikaw at ikaw lamang, Ang bubuo sa mundo kong kulang.
0
May 9, 2017
May 9, 2017 at 5:59 PM UTC
Ikaw
“Wake up and live” ― Bob Marley Mga mukhang tao pero ugaling hayup, hindi naman aso pero laging kumakahol. Mga bastos magsalita, mas salaula pa sa baboy ang mga putang-ina. Matataas ang kanilang pinag-aralan pero bagsak ang grado pagdating sa kagandahang asal. Sa maiksing salita mga MAL-EDUKADO sila. Ayaw nila nang sinasagot sila kahit nambabastos sila. Gusto nila na galangin sila pero wala silang galang sa kapwa nila. Masyadong mataas ang tingin sa kanilang sarili kaya sobrang baba kung ituring nila ang iba. In short, mga HIJO at HIJA DE PUTA sila. Ang kanilang libangan ay ang pagalitan ang mga nasa ibaba nila. Hindi sila kailanman pweding magkamali at hindi nila tatanggapin ang kanilang naging pagkakamali. Ang ipasa ang sisi d’yan sila dalubhasa na tila ba sanay na manggahasa, manggahasa ng damdamin ng iba. Ang paborito nilang motto ay ito “THE BOSS IS ALWAYS RIGHT”. Mga bossing na saksakan ng kupal hindi pa kayo tamaan ng kidlat. Sana bumuka ang lupa at lamunin kayong lahat. Kung totoo ang aswang sana dagitin kayo ng mga manananggal. Bakit kasi hindi pa kayo dukutin ng mga Tamawo?   Ang mga katulad ninyo ang nagpapahirap sa buhay ng mga maliliit na tao. "You're adding insult to injury." Dinadagdagan ninyo ang sugat sa kanilang mga dibdib. Ipinamumukha ninyo lagi kung gaano lang sila kaliit. Hindi kayo marunong umunawa at maawa kasi ang alam lang ninyo ay ang mag-utos. Puro lang pakinabang ang laman ng utak ninyo. Hindi ninyo alam kung paano mabuhay ng marangal kasi wala kayong dangal. Salapi at posisyon ‘yan lang ang gusto ninyo. Kapag hindi na ninyo napapakinabangan ang isang manggagawa hindi na n’yo ito pinapansin, walang pagsalang na inyong binabaliwala.
0
Nov 24, 2017
Nov 24, 2017 at 3:42 AM UTC
BOSS, AMO, MANAGER NA GAGO

36
Bahagyang pumanaw na ang uhaw Sa mga bagay na nakakatunaw Sa mga bagay na tuluyang umaagaw Sa mga panahong tila naliligaw Dumating na yata ang hangganan At humarap na ng tuluyan Sa laban na laging iniiwasan Ng waring musmos na isipan Ngunit magtutungo ng mag isa Sa lugar na aking hinuhulma Sa bawat hakbang hindi lumilinga At sa harap ang tuon ng mga mata Sana'y huli na nga Sawa nang mag pa ika-ika Pagod nang tumingala At paulit-ulit na magsalita
0
Dec 23, 2022
Dec 23, 2022 at 7:19 AM UTC
Dalawampu at Siyam
Ito nanaman tayo, Walang pansinan, Walang imikan, Tahimik at walang kibuan. Akala ko ba tapos na? Bakit bumabalik pa? Akala ko ba okay na? Bakit naulit pa? Pakiusap naman, magsalita ka Sabihin mo kung anong problema Kung sino ang dapat masisi sa ating dalawa. Wag mo namang sarilihin, Nandito ako oh, ba't di mo ko kausapin? Kung may problema tayo ayusin natin Hindi yung hinahayaan hanggang sa tayo'y patayin ng katahimikang dulot ng pag-aaway. Kaya mahal paki-usap, magsalita ka dahil... Hindi ko alam ang dahilan, Hindi ako manghuhula.
0
Jul 25, 2018
Jul 25, 2018 at 10:37 AM UTC
Hindi ako manghuhula
Sinong mag-aakala Na doon, tayo ay magkakakilala Una kang masilayan, Wala akong ibang naramdaman Sa gilid ng aking mata Ika’y aking nakikita Halos magkatabi Iisang upuan lamang ang pagitan. Sinong mag-aakala na tayo ay iisa; Iisang Diyos pinaglilingkuran, iisa ang pinaniniwalaan Sabay umawit, nagpuri sa Panginoon Na alam nating tapat mula noon hanggang ngayon. Sinong mag-aakala na sa paglipas ng isang linggo Sa dating lugar, tayo'y muling nagtagpo Walang muwang, mga hakbang ko'y patungo pala sa'yo Labi nati'y ngumiti nang ang mga mata natin ay nagsalubong. Lumipas mga araw, Ika’y akin paring natatanaw Nakasama, nakausap, at higit na nakilala Ikaw ay maalam, Nabigyan ng kakayahan Magsalita, mangusap tungkol sa katotohanan. Sinong mag-aakala na damdamin ko’y makukuha mo Ang aking atensyon ay hindi na maialis sa’yo Sa bawat salitang lumalabas sa bibig mo, Tila ang tinig mo’y nagsisilbing musika sa pandinig ko. Sinong mag-aakala na ika'y gugustuhin ko, Makasama sa tuwina, Galak, tanging nadarama Tunay nga’t ang pinagsamahan ay hindi nasusukat, sa kung gaano na katagal magkakilala. Sinong mag-aakala na hanggang ngayon ikaw pa rin ay kasama ko Sa panahon at oras na minsa'y gipit na gipit na ako Tinuruan, nag-iba ang pagtingin ko sa mundo Naging positibo sa lahat ng aspeto. Sinong mag-aakala na ikaw ay aking makikilala Landas na nagtagpo nang dahil kay Bathala Panahon ay susulitin, hindi mamadaliin Upang sa huli ay hindi tayo mabitin! © LMLB
0
Jul 6, 2018
Jul 6, 2018 at 10:37 PM UTC
Kismet
Tinanong kita Kung ako'y mahal pa Ika'y nanahimik Ako'y di umimik Hindi na kailangan magsalita Sagot mo'y alam na Kasabay ng iyong pagkawala Mga luha ay kumawala Wala na bang magagawa? Tayo ba ay talagang tapos na?
0
Apr 12, 2016
Apr 12, 2016 at 2:28 AM UTC
Tinanong kita..
Kung ang gabi'y magiging tao mananatili siya sa sulok at aantayin ang iyong paglapit Siya yung tipo ng taong sa tuwing kakausapin mo'y tititigan ka lamang at hindi iimik Hahayaan ka niyang magsalita hanggang mamaluktot ang iyong dila ngunit katahimikan lamang ang mabibigay niyang kapalit Hahawakan niya ang iyong palad at ang buhok mo'y kanyang hahaplusin Pero hindi mo siya kailanman pwedeng mahalin Hindi siya magsasawang makinig sa bawat hinaing at sinisigaw ng iyong damdamin Dahil alam niyang iyon ang nais **** kanyang gawin Paminsan minsa'y makikitan mo siyang ngumiti Paminsan minsa'y may kasamang butil ng luha ang pagkurba ng kanyang labi Hindi siya magsasalita Hahayan niyang ikaw ang magsabi ng dapat niyang maramdaman Hahayaan niyang siya'y iyong husgahan Hindi siya kikibo at hindi siya magrereklamo Hahayaan niyang ikaw ang magsabi kung alin ang totoo Siya yung tipo ng tao na lahat ay kaya niyang gawin Basta't para sayo hindi siya magdadalawang isip ihain Wala man siyang makuha pabalik Ang nais lang niya'y ngumiti ka at hindi na muling maligaw Sa tuwing pupunta ka kay araw
0
Mar 27, 2019
Mar 27, 2019 at 2:14 PM UTC
KUNG ANG GABI'Y MAGIGING TAO
Tangina ba ang bilis mo akong pasayahin? Kada araw na di ko na kayang mabuhay alam ko kailangan lang kita. Ano ba. Kaya't kung pwede lang wag na wag kang titigil sa pakikipagusap sakin kasi kada araw yan yung inaabangan ko. Iba rin kasi epekto mo sakin eh, di ko alam kung bakit pero mas nakakaadik ka pa sa teleserye at mas masayang panoorin at subaybayan. Pwede bang maglakad tayo sa walang destinasyon? Magsalita ka lang at mananahimik ako dahil gustong-gusto kitang nagsasalita. Bakit mo ba ako napapasaya ng walang kahit anong ginagawa? Kung mahal nga kita, tigil tigilan mo ako, kasi ayokong nagmamahal.
0
Sep 24, 2015
Sep 24, 2015 at 11:46 PM UTC
Untitled
Hahayaan kita Hindi na ko magsasalita Hindi na ko babalik sa mga araw na masaya pa Hindi ko na sasabihin pa ang mga salitang sinasabi ko sayo Nung tayo pa Pero bago ka mawala ng tuluyan Sana. Sana magkunwari ka man lang magkunwari kang tayo na parang mahal mo pa ako na parang ikaw at ako lang ang tao mundo Na parang atin parin ang bukas yung takot tayong dumating ang bukas Na parang wala sa diksyonaryo natin ang bukas. Pero wala na nga palang bukas Hindi na pala sa atin ang bukas Dahil bukas, ang matitira ay ako Kaya may isang hiling lang ako sayo Na kung ito man ang huling gabi na magkasama tayo Ituring mo akong higit. Lalo sa puso mo Bigyan mo ako ng huling sandali Yung pwedeng kong baunin Yung pwedeng sa utak ulit ulitin. Ulit ulit ulit Hahayaan kita Hindi na ko magsasalita Hindi na ko babalik sa mga araw na masaya pa Hindi ko na sasabihin pa ang mga salitang sinasabi ko sayo Nung tayo pa Nung mga araw na mahal mo pa ako na hawak mo pa ang kamay ko Noong bago dumating ang ngayon Ngayon Wag ka nang magsalita Halata na sa yong mga mata Na itoy huling gabi na At alam ko nakikita mo rin sa mga mata ko Na sa akin ang gabing ito ay mahalaga Kaya bigyan mo ako ng alaala Dahil baka akoy hindi na muling magmahal pa.
0
Nov 10, 2016
Nov 10, 2016 at 11:12 PM UTC
Huling hiling
Bago iusal ang pangangamusta, Pusang itim ay biglang lumukso sa harapan Anu-ano na lang ang mga sapantaha pero patuloy pa rin sa pag-uusap Kanyang problema'y nalaman Takdang-aralin na sa kanya'y palaisipan Nalutas at nabigyan ng kasagutan Ngunit nagtaka, sa tuwing magkakabanggaan ang mga tingin ay laging napapangiti Sa pag-unat ng kanyang labi ay nagiging kulay makopa Kung alam na sana ang gagawin ay di na sana nagpabaya Matagal nagkwentuhan Ngunit nang sinabi na sa siyudad ipagpatuloy ang pag-aaral ng abogasya ay natuldukan ang pag-iipon ng lakas ng loob upang magtapat Sumungaw pa rin sa bibig kung ano ang ibig Ngunit dinaan sa biro sa pagsabi na maghihintay pa rin Mukha niya'y seryoso nang magsalita, na sana ang minamahal ay magpakatotoo sa kanya Hindi na umimik sapagkat mayroon ng lalaking-ibig Di pa umaalis ang mata niyang nakatitig Niyapos nang mahigpit at nagwika na ipangako na maghihintay sa kanyang pagbabalik Naipangako naman na hihintayin
0
Jan 11, 2019
Jan 11, 2019 at 5:56 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #49
Tinuruan po ninyo kami kung paano magsalita at sumulat nang taas-noó sa isang wikang inampon, na hindi naman namin Ina. Ang balumbon ng panuntunan at talaan ng mga tanggap na kataliwasan kabisadung-kabisado po ninyo at ipinagpakasanay po ninyo sa amin, buung-tiyagang inalagaan ang mahiyaing mga buko masikap na hinamon kami araw-araw, at ang iyong tinig hanggang ngayon sa diwa’y naririnig – “Correct practice makes perfect!” Higit pa sa mga tugmaan ng simuno at panaguri Ang inyo pong mga aralin sa balarila, na tila gintong may-uri Ay tinuruan ang mga batang puso, bata sa puso, Ang mga malambot pang isip: the malleable minds: Bawat lalaki o bawat babae ay – “Every man or every woman is” Pero Lahat ng lalaki at lahat ng babae ay – “Men or women are” Anuman – “regardless or irrespective” Ng pinagmulan – “of beginnings” Ay kailangang malaman: 1. May mga panuntunang dapat sundin.           - at isinabuhay namin ang bawat sinabi mo,           At hindi lang sa aming mga saknong at pangungusap 2. May mga taliwas o eksepsyon na dapat isa-alang-alang.           - di-tuwirang tinuruan po ninyo kami,           Kilalanin ang mga pagkakaiba-iba           At ang mga hirap sa pag-aaral at pagsasalita ng Ingles           Ay katulad lamang ng mga kahinaan ng mga tao           At mga katangi-tanging pag-uugali ng aming mga kaibigan 3. Mabuting magpakadalubhasa sa balarila           - Pero katapatan sa sarili at sa kapwa ang pinakadakila! Kung kaya, ang mga aralin **** pinakamahalaga higit pa sa maayos at pusturang pananamit at sapin sa paa at mga ebanghelyo ng tamang paggamit ng mga salita, syntax, at ibang hiyas lingguwistika ay naghatid ng mabuting pagkamamamayan at butil ng paano maging mabuting kaibigan Ang mahusay ng pag-i-Ingles na aming natutunan ay mga aral ng araw-araw na pamumuhay Mga kayamanang walang katapat na perang kabayaran.
0
Jan 25, 2020
Jan 25, 2020 at 8:21 AM UTC
Higit Pa Sa Balarilang Ingles (Para kay “Miss Grammar”)

45