Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"magpakamatay" poems
1017 Gusto kong bihisan ang bawat tugmang binibitiwan mo Na para bang ayokong manatili ang mga ito bilang mga sugnay na makapag-iisa At magiging isang abstrak sa pagitan ng Ikaw at Ako. Kung isusuma ko ang bawat pangambang parehas nating tinalo'y Baka nga matagpuan ko ang katuturan sa sinasabi nilang Tayo Pero sa aking paghihimay Para bang ang Tayo ay isang katapusan na lamang Na hindi na kailangang bigyan pa ng kahulugan At tuklasin ang panibagong simula. Sa aking paghahabi ng bawat salaysay Na mismong binitiwan natin nang magkahiwalay, Natuto na rin akong iahon ang sarili At hindi na muling magpakamatay -- Magpakamatay ng mga pangarap na isinantabi Sa sabi mo noong Ika'y tunay na makapaghihintay. Ang pag-urong ko sa laba'y hindi literal na pagsuko Hindi ako sumuko sa laban Na para bang tumatakbo nang nakapiring At walang kamalay-malay sa kung saanman ang direksyon. Umurong ako bilang distansya sa ating dalawa At piniling sumuong sa umagang mag-isa -- Mag-isa at wala ka na Wala ka na, Naglaho ka na ngang talaga.
0
Oct 11, 2017
Oct 11, 2017 at 7:00 PM UTC
Distansya
Gumising ako ng may sigla Lumipas na ang mga oras Ang saya na dala ko ng umaga Tila kumilimlim nung tanghalian Takot akong mamatay Pero takot din akong magpakamatay bakit wala pa din akong sagot sa mga
0
Feb 19, 2021
Feb 19, 2021 at 7:45 PM UTC
Untitled